• March 12, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 3rd, 2025

37,000 new nurses produced by PH ng 2024

Posted on: January 3rd, 2025 by Peoples Balita No Comments

NGUNIT sa kabila nito ay walang kasiguruhan na magagamit nila ang kanilang propesyon.
Ayon kay Quezon City Rep. Marvin Rillo, nakapag-produce ang Pilipinas ng total na 37,098 bagong  registered nurses noong 2024.
“Largely due to the pressure to survive, some of them will likely try to seek immediate employment, even if it means taking on other jobs and not practicing nursing,” pahayag ng mambabatas,  vice chairperson ng House committee on higher and technical education.
Nitong mga nakalipas na taon, maraming mga  nurses ang nagtrabaho bilang  real estate agents, insurance agents, o car sales agents, habang ang iba ay nasa  business process outsourcing.
“We are not paying our new nurses enough to encourage them to practice their profession,” pahayag nito.
Nakaharap pa rin ang bansa sa lumalaking shortage ng nurses, dala ng bahagi ng mas mababang produksyon at  nonstop overseas migration.
Ang Pilipinas ay may kakulangan ngyon ng 127,000 nurses, na inaasahang tataas sa 250,000 pagdating ng  2030, ayon sa  World Health Organization (WHO).
Batay naman sa datos mula sa Professional Regulation Commission (PRC), ang 37,098 bagong nurses na naproduce nitong  2024 ay halos katumbas ng 36,525 noong  2023.
Ngunit, sinabi ni Rillo na mababa ang nasabing bilang kumpara sa average na 63,800 new nurses ng bansa kada taon, mahigit sa isang dekada na ang nakalilipas.
“We must invest more in our nurses if we want to retain some of them in the local health sector,” pagtatapos ni Rillo. (Vina de Guzman)

EDCA site sa Surigao del Norte, panawagan ng mambabatas

Posted on: January 3rd, 2025 by Peoples Balita No Comments

MULING nanawagan ang isang mambabatas na magtayo ng naval facility sa Surigao del Norte upang maprotektahan ang  silangang bahagi ng bansa  mula sa smugglers at foreign intruders sa ilalim ng  Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Pilipinas at  United States.
Ang apela ay ginawa ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House Quad Committee, sa mga opisyal ng Defense Department kasunod ng ulat na kinukunsidera nito ang paglalagay ng naval facility sa loob ng  Phividec Industrial Authority (PIA) business complex sa Misamis Oriental.
Sa 3,000 ektaryang Phividec,  nakatayo ang may 200 existing business locators, ay isang economic zone na nakarehistro sa Philippine Economic Zone Authority.
(Vina de Guzman)

2 teenager, timbog sa panghoholdap sa estudyante sa Malabon

Posted on: January 3rd, 2025 by Peoples Balita No Comments

ARESTADO ang 16-anyos na binatilyo at kasabwat niyang tambay matapos holdapin at saktan pa ang isang babaing estudyante sa Malabon City.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na si alyas “Biboy”, 16 at alyas “Jemboy”, 19, kapwa residente ng Flovi 4, Paradise Village, Barangay Tonsuya.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, naglalakad sa Salmon Street, Barangay Longos dakong alas-2:50 ng madaling araw ang dalagang estudyante na si alyas “Cyra”, 18, nang mula sa kanyang likuran ay sumulpot si alyas Biboy at pilit na hinablot ang hawak niyang cellphone.
Pumalag ang dalaga at hindi binitawan ang mobile phone na dahilan para suntukin siya sa sikmura ng binatilyo habang nakamasid sa paligid ang kasabuwat na si alyas Jemboy na armado ng balisong.
Nang makuha ang cellphone ng biktima, agad tumakas ang mga suspek habang nakahingi naman ng tulong sa nagpapatrulyang mga tauhan ng Police Sub-Station-5 ang dalaga.
Kaagad hinabol ng mga tauhan ng SS5 ang mga suspek na nagresulta sa pagkakadakip sa kanila at nabawi sa cellphone ng biktima habang nakumpiska kay alyas Jemboy ang isang balisong.
Kasong Robbery with violence at paglabag sa B.P. 6 o illegal possession of bladed weapon ang isinampa ng pulisya laban sa mga suspek sa Malabon City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

LTO, naglabas ng mahigit 1,100 SCO mula noong 2024

Posted on: January 3rd, 2025 by Peoples Balita No Comments

MAHIGIT 1,100 Show Cause Order (SCO) ang ini-isyu ng Land Transportation Office (LTO) laban sa mga lumabag na may-ari at pasaway na drayber ng mga sasakyan mula Enero ng taong ito, isang malaking hakbang patungo sa aktibong pagtugon ng ahensya sa pagpapatupad ng mga patakaran at regulasyon sa kalsada para sa kaligtasan ng lahat.
Isa sa mga pinakamahalagang pagbabago sa aktibong pagtugon ng LTO ay ang pagsubaybay sa social media ng mga paglabag sa mga patakaran at regulasyon sa kalsada, kabilang ang mga kaso ng road rage, na nagsisilbing batayan ng pagpapalabas ng SCO.
“Ang aktibong pagtutok sa social media, at pati na rin sa mga tradisyunal na media, sa aming pagsisikap na gampanan ang mandato ng LTO na tiyakin ang kaligtasan sa kalsada ay isa sa mga new normal sa ahensya,” ani Assec Mendoza.
“Halos lahat ng Pilipino ay merong mga social media accounts at mga smartphones at sila ang nagiging mga mata at tenga ng LTO sa mga abusadong motorista. Ang kanilang mga pino-post sa social media ang nagsisilbing basis natin upang mag-imbestiga,” dagdag niya.
Ayon sa datos ng LTO, umabot na sa kabuuang 1,126 SCOs ang nailabas mula Enero ng taong ito. Sa bilang na ito, 508 dito ay may kinalaman sa mga paglabag sa mga probisyon ng Republic Act 4136, o ang Land Transportation and Traffic Code, kabilang na ang improper person to operate a motor vehicle na may parusang suspensyon o revocation ng lisensya ng drayber.
Ang 448 na SCOs ay may kinalaman sa paggamit ng pekeng lisensya, 74 naman ay may kinalaman sa Anti-Distracted Driving Act, 69 ay nauugnay sa mga insidente sa kalsada na ini-report sa LTO Central Command Center, at 27 ay may kaugnayan sa dobleng lisensya.
“Ito ay patunay na ang inyong LTO ay aktibo na hindi lamang sa pagtugon sa mga reklamo ng mga gumagamit ng kalsada kundi pati na rin sa aming sariling inisyatiba sa pagpapalawak at pagpapabuti ng aming sistema sa pagtutok laban sa mga lumalabag na motorista,” ani Assec Mendoza.
Aniya, ang aktibong paninindigan ng LTO sa mga insidente sa kalsada ay bahagi ng adbokasiya ni DOTr Secretary Jaime J. Bautista upang tiyakin ang kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng kalsada at ang bagong proyekto ng LTO na Stop Road Crash.
Sinabi ni Assec Mendoza na halos lahat ng SCO na naisyu ay nagresulta sa pagpataw ng mga parusa laban sa mga sangkot, kabilang na ang suspensyon ng lisensya ng drayber at rehistro ng sasakyan, at maging ang revocation ng lisensya ng drayber.
“Para sa 2025, ang aming hiling sa Bagong Taon ay maglabas ng mas kaunting SCOs, o hindi na kami maglabas ng anumang SCO dahil ibig sabihin nito ay sumusunod na ang lahat ng motorista sa mga patakaran at regulasyon sa kalsada,” pahayag ni Assec Mendoza.
Binigyang-diin niya na ang mamamayang Pilipino at ang bansa sa kabuuan ang makikinabang kung ang bawat gumagamit ng kalsada ay magiging responsable at disiplinado. (PAUL JOHN REYES)

Pagbabayad ng amortisasyo sa pabahay ng NHA, tinatanggap na sa 7-11 Kiosk sa buong bansa

Posted on: January 3rd, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAKIPAG-UGNAYAN na ang National Housing Authority (NHA) sa Bayad Inc. sa layuning mas mapadali na ang proseso sa pagbabayad ng amortisasyon sa pabahay at upang mapabilang na din ang pagbabayad ng amortisasyon sa pabahay sa mga digital na serbisyo na maaaring tanggapin sa mga kiosk ng mga 7-Eleven branches sa buong bansa.
Ang inisyatibo na ito ay karagdagang serbisyo sa kasalukuyang ugnayan ng NHA at Maya Philippines Inc., na gumagamit ng Maya app upang tumanggap ng bayad mula sa mga benepisyaryo ng NHA anumang oras at kahit saan na hindi na kailangan pang pumunta sa mga District o Regional Office upang magbayad.
Sa pamumuno ni General Manager Joeben Tai, patuloy ang pagsisikap ng NHA na gawing moderno at streamlined ang mga sistema nito. Sa pamamagitan ng pinadali at digitalization na mga option sa pagbabayad, layunin ng NHA na tulungan ang mga benepisyaryo na mas mabilis na makapagbayad ng kanilang obligasyon at makamit ang ganap na pagmamay-ari ng kanilang mga bahay.
Ang inisyatibong ito ay alinsunod din sa mga layunin ng pamahalaan ukol sa digitalization, ayon sa Republic Act (RA) 8792 o ang Electronic Commerce Act of 2000, na nag-aatas sa lahat ng ahensya ng gobyerno na tumanggap ng bayad gamit ang electronic means. Bukod dito, sumusunod din ito sa RA 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018, na naglalayong patuloy na pagandahin ang transaksyon at serbisyo ng mga ahensya ng gobyerno para sa publiko.
Ang pakikipag-ugnayan ng NHA sa Bayad Inc. at 7-Eleven ay nagpapatunay sa dedikasyon ng ahensya na mapabuti ang mga serbisyo nito sa pamamagitan ng pagpapadali ng mga proseso para sa mas mainam na  transaksyon sa pagitan ng Ahensya at mga benepisyaryo nito. (PAUL JOHN REYES)

Mananampalataya, hinimok na salubungin ang bagong taon ng may pag-asa at kagalakan

Posted on: January 3rd, 2025 by Peoples Balita No Comments

HINIKAYAT ng opisyal ng simbahan ang mananampalataya na salubungin ang bagong taon na puno ng pag-asa at kagalakan.
Ayon kay Antipolo Bishop Ruperto Santos ang kasalukuyang kura paroko ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage tema ng kanilang pagdiriwang ang “Bagong Taon, Bagong TAO” kung saan pagninilayan ang tatlong katangiang ‘Trustworthy, Available, Obedient (TAO)’ na makatutulong sa paghubog ng pagkatao at magpapalalim sa ugnayan sa Diyos.
Sinabi ni Bishop Santos na ang mga nasabing katangian ang ipinamalas ng Mahal na Birheng Maria kaya’t mahalagang pagnilayan at gawing huwaran ang kanyang mga halimbawa sa paggunita ng Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos.
Aniya tulad ng pagtitiwala ng Diyos kay Maria at Jose na pangalagaan si Hesus sa sanlibutan nawa’y sikapin ng mananampalataya na maging tapat at maasahan sa pakikipag-ugnayan sa kapwa upang maipadama ang diwa ni Kristo sa pamayanan.
“As we celebrate the New Year and the Solemnity of the Blessed Virgin Mary, Mother of God, let us embrace the virtues of being Trustworthy, Available, and Obedient that our Blessed Mother demonstrated to us. Let us pray for the strength and wisdom to live out these virtues in our daily lives, so that we may become new creations in Christ. Remember, Bagong Taon, Bagong TAO,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos.
Hinimok din ni Bishop Santos ang mamamayan na maging bukas sa pangangailangan ng kapwa kabilang na ang pagbibigay ng panahon lalo na sa mga mahal sa buhay upang higit na mapagtibay ang mga samahan tungo sa matatag na pananampalataya.
“By being available, we open our hearts to the grace and blessings that come from our deep connection to God and acts of kindness,” dagdag ng obispo.
Tinuran din ng opisyal ang pagiging mapagkumbaba at masunurin ni Maria sa kalooban ng Diyos sa kabila ng mga agam-agam at pangamba sa maaring kakaharaping hamon sa pagdadalantao sa anak ng Diyos.
Iginiit ni Bishop Santos na maisasabuhay ng tao ang pagiging masunurin sa maliliit at payak na pamamaraan tulad nang pagpapakita ng kabutihan sa kapwa at pagsunod sa kautusan ng Diyos.
Sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) 90 porsyento sa mga  Pilipino ang umaasang may magandang bukas ang taong 2025 sa kabila ng mga suliraning panlipunan ang kinakaharap ng bansa.
Gayunpaman sinabi ni Bishop Santos na tulad sa tema ng Jubilee Year 2025 na ‘Pilgrims of Hope’nawa’y ituon ng bawat tao sa Diyos ang mga  alalahanin sapagkat bukod tanging si Hesus ang pag-asa sa kanyang pagkakatawang tao at pakikipamuhay sa sanlibutan.

Isama ang disiplina sa kalsada at responsableng pagmamaneho sa New Year’s Resolution -LTO

Posted on: January 3rd, 2025 by Peoples Balita No Comments

HINIKAYAT ng Land Transportation Office (LTO) ang mga motorista na isama ang disiplina sa kalsada at responsableng pagmamaneho sa kanilang New Year’s Resolution para sa 2025, kasabay ng pangakong ipagpapatuloy ang mas pinaigting na operasyon at adbokasiya para sa kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng kalsada sa bansa.
Bago matapos ang 2024 ay binalot ng mga malulubhang aksidente sa kalsada, kabilang ang insidente sa Katipunan Flyover na ikinasawi ng apat katao at ikinasugat ng 25 iba pa, pati na rin ang dalawa pang aksidenteng kinasangkutan ng mga trak. Dahil dito, iniutos ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang pagpapatupad ng mga hakbang para sa kaligtasan sa kalsada.
Kabilang dito ang pag-deploy ng mga enforcer ng LTO sa mga rutang dinadaanan ng mga trak tuwing gabi hanggang madaling araw para sa surprise inspection ng roadworthiness. Mahigit 25 operator ng trak ang nabigyan ng Show Cause Order (SCO) matapos matuklasang ang kanilang mga trak ay gumagamit ng mga sirang gulong.
Iniutos din ni Assec Mendoza sa mga enforcer ng LTO na bigyang-priyoridad ang pag-inspeksyon laban sa overloading, dahil ang sobrang bigat na karga ay nakaaapekto sa brake system at performance ng makina ng sasakyan.
“Marami na ang nagdusa dahil sa mga aksidente. Huwag na sana itong madagdagan dahil bawat buhay ay mahalaga, bawat buhay ay may pamilyang nagmamahal at umaasa,” ani Assec Mendoza.
Iniulat din ng Department of Health (DOH) na mula sa simula ng Christmas break, mayroong 487 na aksidente sa kalsada, kung saan lima ang naitalang nasawi.
Ang Department of Transportation (DOTr) sa pangunguna ni Secretary Jaime J. Bautista ay naglalayong mabawasan ang mga namamatay sa aksidente sa kalsada ng 35 porsyento bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Pinalakas pa ito ng programang adbokasiya ng LTO na STOP Road Crash, na layong himukin ang mga motorista na tiyakin ang ligtas at responsableng pagmamaneho.
Ayon kay Assec Mendoza, bagama’t nagsasagawa ng operasyon ang LTO para masiguro ang kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng kalsada, malaking bahagi ng tagumpay ng adbokasiyang ito ang kooperasyon ng mga motorista at iba pang gumagamit ng kalsada.
“Ang pagmamaneho ng sasakyan ay isang pribilehiyong ibinibigay ng pamahalaan sa kondisyon na dapat itong isagawa nang may responsibilidad at respeto. Hindi lamang ang buhay ng mga motorista ang nasa peligro dahil sa iresponsableng pagmamaneho, kundi pati na rin ang kaligtasan ng mga pedestrian at iba pang gumagamit ng kalsada,” ani Mendoza.
“Kaya iwasan na rin natin pati ang road rage. Marami na tayong naparusahan dahil diyan na nagpapatunay na wala namang mabuting naidudulot ito. Maging responsable at disiplinadong mga drayber tayo.”
“Habang nangangako kami ng mas magandang serbisyo, hinihikayat din namin ang lahat ng aming kliyente na tumulong at makiisa sa aming layunin na gawing ligtas ang lahat ng kalsada sa Pilipinas para sa lahat. Isama natin sa ating New Year’s Resolution ang pagiging disiplinado at responsableng motorista,” diin pa ni Assec Mendoza.
Ipinahayag din ni Assec Mendoza ang kanyang kumpiyansa na mas gaganda pa ang serbisyo ng LTO para sa 2025, batay sa tagumpay ng mga repormang programa ng ahensya ngayong 2024 na nagresulta sa mas mataas na revenue collection at mas mataas na morale ng lahat ng manggagawa ng LTO.
“Marami tayong natutunan ngayong 2024, at kumpiyansa ako na ang lahat ng aral na ito ay magiging susi para sa mas maayos na serbisyo sa 2025,” ani Assec Mendoza. (PAUL JOHN REYES)

Lalaki, sugatan nang makipagbarilan sa pulis sa Caloocan

Posted on: January 3rd, 2025 by Peoples Balita No Comments

KATATAPOS lang ng putukan sa pagsalubong sa Bagong Taon nang umalingawngaw naman ang mga putok ng baril makaraang makipagbarilan umano ang isang lalaki sa pulis na nagresponde sa Caloocan City, Miyerkules ng madaling araw.
Sapol ng bala sa kanang paa ang naarestong suspek na si alyas “Dante”, 31, ng Kamagong Alley, Barangay 152, Bagong Barrio.
Sa kanyang ulat kay Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles, sinabi ni P/Capt. Mikko Arellano, hepe ng Bagong Barrio Police Station na humingi ng tulong kay Police Officer Rommel Tho, 33, nakatalaga sa Intelligence Unit ng Caloocan Police Station si alyas “Cynthia”, 49, may-ari ng sari-sati store, hinggil sa grupo umano ng mga kalalakihan, kabilang ang suspek, na nais dukutin at patayin ang kanyang manugang na lalaki.
Nang magtungo sa Kaganapan St. Brgy. 150, dakong ala-1:30 ng madaling araw ang naka-sibilyang pulis, agad siyang nagpakilalang alagad ng batas subalit, bumunot umano ng baril at nagtago sa likod ng nakaparadang taksi ang suspek hanggang umalingawngaw na ang palitan ng putok.
Nakita pa sa kuha ng CCTV na lumabas ng paika-ika sa gilid ng taksi ang suspek at nagawa pang tumakas patungo sa hindi na natukoy na lugar.
Nang mag-responde sina Capt. Arellano, tinunton nila ang mga patak ng dugo hanggang makarating sa bahay ng suspek na nagresulta sa kanyang pagkakadakip.
Sa report ni Col. Doles kay Northern Police District (NPD) ActinG Director P/Col. Josefino Ligan, nakuha ng mga pulis sa suspek ang isang kalibre .45 pistola na kargado pa ng bala at isang hand M84 hand grenade.
Natuklasan ng pulisya na dati ng nakulong sa kasong murder ang suspek, bukod sa pagkakasangkot umano niya sa gun running, gun-for-hire, at pagbebenta ng ilegal na droga. (Richard Mesa)

Kaso ng stroke, heart attack, asthma sumipa — DOH

Posted on: January 3rd, 2025 by Peoples Balita No Comments

MAHIGPIT na tinututukan ngayon ng Department of Health (DOH) ang mga acute complications ng non-communicable diseases (NCDs) gaya ng stroke, acute coronary syndrome (ACS) at bronchial asthma, matapos na makapagtala ng pagtaas ng mga kaso nito bunsod na rin ng sunud-sunod na handaan at selebras­yon ngayong holiday season.
Sa datos ng DOH, nagkaroon ng 103 kaso ng stroke sa bansa mula Disyembre 22-30 sa walong ospital sa bansa na nagsisilbing sentinel sites.
Mula sa 12 kaso ng stroke noong Disyembre 23, umakyat ito sa 103 hanggang nitong Disyembre 30. Dalawa sa nasabing bilang ang namatay.
Ayon sa DOH, naitala nila ang pinakamataas na bilang ng stroke patients sa mga edad 45-64 anyos.
Samantala, mula naman sa dalawang kaso noong Disyembre 22, umakyat na sa 62 ang ACS patients mula sa sentinel sites hanggang Disyembre 30, kabilang ang isang namatay.
Karaniwang nasa edad 55-74 ang mga pasyenteng tinamaan ng ACS.
Ang ACS ay ilang kondisyon na nauugnay sa biglaang pagbabago sa daloy ng dugo sa puso. Kasama sa mga kundisyong ito ang myocardial infarction o atake sa puso.
Sa kaso naman ng bronchial asthma na nakukuha mula sa usok mula sa mga paputok, mula sa anim na kaso noong Disyembre 22, umakyat ito sa 63, pagsapit ng Disyembre 30.