• November 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: November 22, 2025
    Current time: November 22, 2025 11:16 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 28th, 2024

VP Sara, nangako ng tuloy-tuloy na serbisyo mula sa OVP sa kabila ng pagbaba ng ratings

Posted on: December 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
TINIYAK ni Vice President Sara Duterte na patuloy na magbibigay-serbisyo ang kanyang tanggapan sa mga mamamayang Filipino sa kabila ng pagbaba ng ‘approval at trust ratings’ nito.
Sa isang panayam, hindi lamang nangako si VP Sara na ipagpapatuloy ng OVP ang pagbibigay serbisyo sa mga Filipino kundi nangako rin ito na paghuhusayin at palalakasin pa ang serbisyong ibinibigay sa mga mamamayang Filipino.
Ang pahayag na ito ni VP Sara ay matapos na lumabas ang resulta ng Pulse Asia’s Ulat ng Bayan nationwide survey nitong weekend kung saan tinatayang nasa 12% naman ang ibinaba ng trust ratings ni VP Sara kung saan mula 615 noong Setyembre ay nakakuha na lamang ito ng 49%.
Ipinakita rin ng nasabing survey na mula naman sa Classes ABC, halos tumabla ang approval at disapproval ratings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (39% at 32%) gayundin ang magkadikit na datos ng kaniyang trust at distrust ratings na (40% ay 36%) mula sa nasabing social classes.
Habang nakakuha naman 80% na approval at 81% trust ratings si VP Sara mula sa Mindanao.
Ang survey ay isinagawa mula Nov. 26 hanggang Dec. 3,
Samantala, ang latest survey results ay matapos aminin ni VP Sara na kumontak na ito ng taong ia-assassinate ang First Couple at si Speaker Martin Romualdez kapag siya ay pinapatay. (Daris Jose)

OCD, naghahanda para sa posibleng mas mataas na alert level bunsod ng Bulkang Kanlaon

Posted on: December 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
SINABI ng Office Civil Defense (OCD) na naghahanda na ito para sa posibleng pagtataas sa alert level matapos makita ng mga eksperto ang tatlong potensiyal na senaryo kaugnay sa situwasyon sa Kanlaon Volcano.
“We are preparing for a heightened alert level, and (the Philippine Institute of Volcanology and Seismology) has advised us to maintain Alert Level 3. Preparations are underway in Himamaylan City, where we are establishing a tent city in anticipation of a possible escalation,” ang sinabi ni Regional Task Force Kanlaon chairperson Raul Fernandez sa isang kalatas.
Sinasabing may itatayong mga tolda sa bayan ng Vallehermoso at Guihulngan City.
Tinukoy ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), sinabi ng OCD na ang pagragasa ng lava , marahas na pagsabog o isang plateau na volcanic activity ang maaaring mangyari sa bulkan.
Base sa kanilang assessments at paghahambing sa ibang aktibong bulkan, sinabi ni Fernandez na ang mga nakalipas na pagsabog ay maaaring mauwi sa pagragasa ng lava.
Sa ulat naapektuhan ng aktibidad ng Bulkang Kanlaon ang 21,889 katao o 7,153 pamilya sa 21 barangay ng Bago City, La Carlota City, La Castellana, Moises Padilla, Murcia, Pontevedra, at San Carlos.
Maaari namang maapektuhan ng ashfall ang mga lugar na malapit sa bulkan dahil sa masamang panahon na nangingibabaw at umiiral sa Cadiz City, Manapla, Sagay City, at Victorias City.
Naapektuhan naman ng pag-ulan ang 7,320 katao o 2,305 pamilya. (Daris Jose)

Pagbabalik-tanaw sa pinakamalaking kwento ng taon at pagdiriwang ika-20-taon ng ’24 Oras’

Posted on: December 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
IPINAGMAMALAKI ng GMA Integrated News ang “2024: The GMA Integrated News Year-End Report,” isang komprehensibo at mabilis na pagsusuri sa pinakamahahalagang kwento ng taon.
Ang espesyal na ulat na ito ay hindi lamang magtatampok sa mga pinaka-maimpluwensyang kaganapan ng 2024 ngunit kukuha din ng mga aral mula sa nakalipas na 20 taon ng kahusayan sa pamamahayag bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng ’24 Oras.’
Hosted by award-winning veteran anchor Mel Tiangco at suportado ng mga pinagkakatiwalaang correspondent ng Team Totoo, ang espesyal na multi-platform na ito ay nangangako na magbibigay ng insight, konteksto, at pagmumuni-muni sa mga kaganapang humubog sa 2024.
Kabilang sa mga pangunahing highlight ng “2024: The GMA Integrated News Year-End Report,” ang Extreme Weather – Isang taon ng walang humpay na bagyo at hamon sa panahon na ihaharap ni Amor Larrosa; West Philippine Sea – Tumataas na tensyon at alitan sa teritoryo ni Joseph Morong; Olympic Glory – Ang mga tagumpay at personal na drama ni Carlos Yulo ni JP Soriano; Mga Kontrobersiya ng POGO – Paglalahad ng kwento ni Alice Guo ni Mav Gonzales; Pastor Apollo Quiboloy – Mga legal na laban na nakapalibot sa KOJC [Kaharian ni Hesukristo] ni Jun Veneracion; Duterte Drug War – ICC inquiries at congressional investigations ni Jonathan Andal; VP Sara & PBBM – Ang bali ng unity team ni Ivan Mayrina; Mga Pangunahing Krimen at Aksidente – Mga Trahedya na yumanig sa bansa ni Emil Sumangil; Chocolate Hills Controversy – Isang debate sa kapaligiran at kultura ni Maki Pulido; Ang Pagbabalik ni Mary Jane Veloso – Isang pinakahihintay na pag-uwi ni Maki Pulido; Mga Update sa Eleksyon 2025 – Mga paghahanda at inobasyon para sa paparating na halalan ni Sandra Aguinaldo; at Showbiz Chika – Highlights mula sa entertainment world, kabilang ang GMA-ABS collaboration at ang pinakaaabangang concert ni Olivia Rodrigo ni Aubrey Carampel.
Ginawa ng GMA Integrated News at pinalakas ng GMA Integrated News Research, ang espesyal na ito ay magiging available sa mga telebisyon, radyo, at online na platform, na sumasalamin sa pangako ng GMA Integrated News sa paghahatid ng mapagkakatiwalaan, napapanahon, at malalim na pamamahayag.
Tumutok ngayong gabi, Disyembre 28, 2024, sa ganap na 6:15 PM pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA, na may delayed telecast sa GTV sa 9:30 PM, at live streaming sa GMA News Facebook at YouTube channel. Ipapalabas din ang programa sa Super Radyo DZBB.
Huwag palampasin ang isang beses sa isang taon na kaganapang naglalapit sa iyo sa mga kuwentong humubog sa ating bansa.
Para sa higit pang mga update, sundan ang GMA Integrated News sa social media o bisitahin ang www.gmanetwork.com.
(ROHN ROMULO)

Upang matiyak na naaayon sa Saligang Batas’: PBBM, masusing nirerepaso ang mga item sa GAA -Bersamin

Posted on: December 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
MASUSING nirerepaso ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang 2025 General Appropriations Bill upang matiyak na umaayon ito sa Saligang Batas.
“The President and the Cabinet are RIGHT NOW (with or without the calls) thoroughly reviewing the various items of the GAA [General Appropriations Act] to make them conform to the Constitution, and to see to it that the budget prioritizes the main legacy thrusts of the Administration,” ang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa viber message sa mga mamamahayag.
“The President has been most prudent in programming and spending of our limited fiscal resources,” ang winika pa ni Bersamin.
Inaasahan naman na titintahan ni Pangulong Marcos ang P6.352-trillion panukalang national budget para sa susunod na taon sa darating na Disyembre 30, 2024.
“Signing on 30 December 2024 after the Rizal Day program in Manila,” ang nauna namang sinabi ni Presidential Communications Office acting Secretary Cesar Chavez.
Matatandaang, una nang itinakda ang paglagda sa panukalang 2025 General Appropriations Bill noong Disyembre 20, subalit naunsiyami ito para “to allow more time for a rigorous and exhaustive review.”
Nauna nang sinabi ni Bersamin na “certain items and provisions of the national budget bill will be vetoed in the interest of public welfare, to conform with the fiscal program, and in compliance with laws.”
“Fiscal years 2001, 2004, and 2006 all had reenacted budgets,” ang sinabi naman ng Department of Budget and Management.
“There were also partial reenacted budgets in fiscal years 2003, 2005, 2008, and 2009,” ayon pa rin sa departamento. (Daris Jose)

2025 budget hihimayin bago pirmahan – Palasyo

Posted on: December 28th, 2024 by Peoples Balita No Comments
PATULOY pa ring sinusuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 2025 national budget bago ito lagdaan upang matiyak na hindi lalabag sa Dagdag ng ahensya, karaniwang tumataas ang bilang ng mga sugat dulot ng paputok sa mga araw bago at sa mismong pagdiriwang ng Bagong Taon.
Noong nakaraang taon, daan-daang insidente ng mga firecracker-related injuries ang naitala matapos ang selebrasyon ng Bagong Taon.
 the calls) thoroughly reviewing the various items of the GAA [General Appropriations Act] to make them conform to the Constitution, and to see to it that the budget prioritizes the main legacy thrusts of the Administration,” ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin.
Sinabi  rin ni Bersamin na labis na ­ikinokonsidera ng Pangulo sa programming at spending ang limitadong mapagkukunan ng pondo.
Nauna nang inanunsiyo ni Presidential Communications Office acting Secretary Cesar Chavez na pipirmahan sa Dis. 30,  2024 pagkatapos ng Rizal Day program sa Maynila ang GAA.
Kabilang sa mga tinutukan sa review sa 2025 national budget ang tinapyas na P10 billion sa Department of Education (DepEd), at ang napakalaking budget na ibinigay sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Binusisi rin ng Pangulo at mga economic manager ang mga nakasingit na proyekto sa GAA na wala sa orihinal na budget request ng ehekutibo.
Nagpaalala si Sen. Juan Miguel Zubiri nitong Miyerkules na dapat suriing mabuti ang panukalang national budget dahil sa posibleng paglabag sa Konstitusyon at posibleng madala ang usapin sa Supreme Court.
“I’m hoping that they address the concerns of the education sector, especially the funding of the computerization of the [Department of Education], and the possible unconstitutionality of the education sector not anymore being the priority of the budget allocation as well as the zero funding para sa PhilHealth,” ani Zubiri.
Maaantala aniya ang pagpapatupad ng mga nakalinyang proyekto at programa kung idedeklara ito ng SC na labag sa Konstitusyon. (Daris Jose)

Bagong polymer bank notes, patuloy na binibigyan ng positibong pagtanggap – BSP

Posted on: December 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
IPINAGMALAKI ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang positibong pagtanggap ng publiko sa polymer bank notes.
Matatandaan na ang P1,000 na una sa serye ng mga bagong salapi ay inilabas noong Abril 2022, ngunit patuloy na binibigyan ng mga pagkilala ang kalidad at ganda nito.
Mahigit sa 40 bansa na rin kasi sa buong mundo ang gumagamit ng polymer banknotes, na nagpapakita ng global trend patungo sa mas matalino, mas malinis, at mas matibay na alternatibo.
Kasunod ng tagumpay sa P1,000 polymer bills, naglunsad na rin ng mga bagong banknote denomination ngayong buwan—na kinabibilangan ng 500-, 100-, at 50-piso notes.
Para sa international observers, nagpapakita ang mga bagong release na pera ng mas matalino, mas malinis, at mas matibay na katangian ng polymer banknotes.
May advanced security features kasi ang polymer banknotes na nakakatulong upang mabawasan ang panganib ng pamemeke.
Mas mababa din ang global warming potential ng bagong bills kumpara sa paper counterpart, ayon sa pag-aaral ng De La Salle University noong 2023.
Ang polymer banknotes ay inaasahang tatagal ng 7.5 taon, kumpara sa 1.5 taon para sa paper banknotes.