KUNG ang tatlong Santos na sina Vilma Santos sa Uninvited, Judy Ann Santos sa Espantaho at Aicelle Santos sa Isang Himala ang frontrunners sa pagiging best actress ng 50th edition ng Metro Manila Film Festival, na malalaman na ngayong gabi sa awards night na gaganapin sa Solaire Resort Manila.
Dark horses naman ang dalawang Julia na si Julia Montes ng Topakk, at si Julia Barretto ng Hold Me Close.
At kung iko-consider ng mga hurado, malamang na ma-nominate din na best actress si Francine Diaz ng My Future You, at si Jane de Leon ng Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital.
Tiyak na sasakit din ang ulo ng mga hurado sa pagpili ng Best Actor dahil mahigpit din ang magiging labanan.
Una naming napanood ang Topakk ng Nathan Studios Inc. na pinagbibidahan ni Arjo Atayde, bagamat hard action ito mula umpisa hanggang matapos, muli naman nagpakita ng husay sa pag-arte si Cong. Arjo.
Mahirap kasing pagsabayin ang action at drama. Karamihan sa nakanood ay nagsasabing kakaiba ito sa Pinoy action movies, dahil punum-puno rin ng puso.
Sa ‘Uninvited’ naman ng Mentorque Productions, kakaibang Aga Muhlach din ang nasaksihan, ibang level ng kasamaan ang ginampanan niya bilang Guilly Vega, na gustong paghigantihan ng character ni Ate Vi, suwabe ang atake ni Aga pero kaiinisan mo siya dahil sa pagiging evil ng character niya.
Si Dennis Trillo naman ang pambatong aktor ng ‘Green Bones’ na entry ng GMA Pictures, na siguradong lalaban ng pukpukan kina Arjo at Aga.
Pagdating talaga sa drama maaasahan si Dennis sa kahit na ano pang role ang ibigay sa kanya. Bilang Domingo Zamora, kitang kita na pinaghandaan niya ito bilang masamang tao na napagbintangang pumatay sa kapatid at pamangkin.
At dahil sa magagandang reviews nadagdagan pa ang sinehan ng ‘Green Bones’ na mula sa 47 at 69 cinemas na ito as of yesterday.
Kaya isa kami sa mag-aabang kung sino sa tatlo ang tatanggap ng best actor trophy.
***
Online game show ni Chavit, todo-hataw sa 1-M views
Pumalo na sa mahigit 1 milyon ang mga taga-subaybay ng ika-5 episode ng “58 Days ng Milyong-Milyong Pa-Premyo”, ang pinaka-mataas na tala ng viewership ng online game show ni Manong Luis “Chavit” Singson, isa sa mga senatoriables sa 2025 midterm elections.
Nag-simula man sa 226,000 views nitong Disyembre 15 ngayong taon, hindi naman nagpatinag ang “Team Chavit Singson” upang abutin ito na kanila namang itinuturing na bunga ng kanilang pagsisipag.
Ayon sa kanyang campaign team, hindi nila inaakala na ang programa na kanilang binuo ay maghahatid pala ng tuloy-tuloy na ligaya’t-saya sa mga social media followers nito araw-araw.
Ang online game show, kasama si Manong Chavit at ang kwelang host ng program ana si Jourdan Sebastian ay namimili ng 58 na mananalo ng P5,800 araw-araw at isa ring lucky winner ng P58,000, na ang premyo ay maaari pang lumaki depende sa araw na iyon.
Sa gitna ng game show, tila nahabag ang senatoriable mula sa Ilocos Sur ng makilala ang lucky winner noong Huwebes na si “George” mula sa probinsya ng Quezon, na kamuntikan pang hindi manalo dahil sa hindi pagkakasagot ng tawag mula sa organizer ng show.
Gayunpaman, minabuti pa rin ni Manong Chavit na ibigay ang pa-premyo na nagkakahalaga ng P58,000, na mariin pa ring nag-paalala na tumutok sa show upang manalo.
Nang tanungin kung saan niya gagamitin ang napanalunan, malaking tulong umano ito na para sa pag papagamot ng anak na may sakit.
Bukod pa dito, namigay rin si Manong Chavit ng P5,000 sa humigit-kumulang 100 katao na nasa live audience ng programa, na ayon sa kaniya ay maagang pamasko.
Ani naman ng program host na si Sebastian, mabuting i-download ng mga manonood ang VBank PH app para sa hassle-free online transactions at upang makasali na rin sa araw-araw na raffle draw.
Ang programa noong Huwebes ay umani na ng 29,000 reactions, 212,500 na mga komento at 13,000 shares.