• March 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November, 2024

Gilas Pilipinas opisyal ng nakapasok sa FIBA Asia Cup 2025

Posted on: November 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Opisyal ng maglalaro sa FIBA Asia Cup 2025 ang Gilas Pilipinas na gaganapin sa Saudi Arabia sa buwan ng Agosto sa susunod na taon.

 

 

 

Ito ay matapos na talunin ng New Zealand ang Chinese Taipei 81-64 sa home court ng New Zealand.

 

 

Matapos ang kasi ang pagkatalo ng Taiwan ay tiyak na ang puwesto ng Pilipinas sa Top Two sa Group B na siyang kailangan para makaabot sa torneo sa buwan ng Agosto.

 

 

Mayroong apat na panalo at wala pang talo ang Gilas ng tambakan nila ang Hong Kong 93-54 nitong linggo sa Mall of Asia Arena.

 

Pasok rin ang New Zealand Tall Blacks ng talunin nila ang Chinese Taipei at makuha ang record na 3-1.Streaming service.

 

 

Sa susunod na taon na torneo ay nais ng Gilas na ma-improve ang kanilang ika-siyam na puwesto noong FIBA Aisa Cup sa Jakarta noong 2022.

 

 

Tatangkain ng Gilas Pilipinas na agawin ang korona sa Australia na siyang defending Asia Cup champion.

 

Kasama ring nakapasok sa FIBA Asia Cup ang Japan at ang Saudi Arabia bilang host country.

Gobyerno, “ALL OUT” laban kay VP Sara

Posted on: November 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

“ALL OUT” ang gobyerno laban kay Vice President Sara Duterte matapos na magbanta ito na ipatutumba ang First Couple na sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Unang Ginang Liza Araneta-Marcos at House Speaker Ferdinand Romualdez kapag may nangyari umanong masama sa kanya.

 

 

“I hope people understand that, there is nothing personal about this, but things happened, because we have to strengthen our institutions and we will do what is necessary under the Constitution and in accordance with the Constitution,” ayon kay Department of Justice (Doj) Undersecretary Jesse Hermogenes Andres sa press briefing sa Malakanyang.

 

Sinabi pa nito na ang kaso laban kay VP Sara ay isang oportunidad para ipakita na “no one is above the law and that accountability can be exacted from anybody, so that people will now give respect to the law.”

 

“If we are not able to apply the law to other people who have influence and power, what kind of government can we provide? So that is what’s at stake here,” ang sinabi pa rin ni Andres.

 

 

“And that should be the view of every Filipino. A threat to the President, is a threat to every Filipino because he is the one expected to deliver the service. And if he is impeded because of a death threat, then it is a disservice to our people,” ang dagdag na wika nito.

 

Sinabi pa ni Andres na dapat lamang seryosohin naging pagbabanta ni VP Sara sa First Couple at kay Romualdez dahil ang katatagan ng bansa ay nakadepende sa Pangulo.

 

 

“We have to put our foot down on this matter because everyone is relying on the President: to execute the laws and to deliver the services to our country,” ang sinabi ni Andres.

 

“There is an “active threat” against the President since the pronouncement was made by a high-ranking, influential, and powerful official,” aniya pa rin.

 

“It is not for anyone to speak in that manner to disrupt public order by making threats, especially on the life of anyone, more so the life of the Chief Executive of this country, a duly elected leader of the country,” ang sinabi pa rin ni Andres.

 

Samantala, para kay Andres, ang naging pahayag at pagbabanta ni VP Sara ay “very alarming”.

 

Tiniyak naman nito na kikilos at gagawa ng kaukulang aksyon ang DOJ at iba pang kinauukulang ahensiya ng pamahalaan para protektahan ang Pangulo. (Daris Jose)

45 na matataas na mga opisyal sa E. Visayas binatikos si VP Sara sa walang ingat, mapaghating aksyon

Posted on: November 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KINONDENA ng 45 na matataas na mga opisyal ng Eastern Visayas si Vice President Sara Duterte kaugnay ng walang ingat at mapaghating aksyon nito laban kina Pangulong Bongbong Marcos at Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

 

 

 

Pinangunahan nina Leyte Rep. Anna Victoria Veloso-Tuazon, Biliran Rep. Gerardo “Gerryboy” J. Espina Jr., at Samar Reps. Reynolds Michael Tan at Stephen James Tan, ang kabuuang 45 opisyal ang paglalabas ng Joint Manifesto of Indignation kung saan kanilang sinabi na ang mga aksyon ni Duterte ay insulto sa mga Waray at kanilang mga lider.

 

 

Ang pahayag, na nilagdaan ng mga opisyal ng probinsya, lungsod, at munisipyo sa Eastern Visayas, ay nagsimula sa pagtuligsa, “We, the undersigned local government leaders of Eastern Visayas, express our profound indignation at the malicious, baseless and reckless accusations made by Vice President Sara Duterte against Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.”

 

 

Tinuligsa ni Duterte si Speaker Romualdez, isang kilalang lider ng mga Waray at pinsan ni Pangulong Marcos, kaugnay ng imbestigasyon ng Kamara sa umano’y maling paggastos sa P612.5 milyong confidential fund ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).

 

 

Ayon sa manifesto, ang hindi makatwirang pag-atake ay isang paghamak hindi lamang sa mga lider kundi maging sa dangal at dignidad ng mga Waray— na ang ugali ng pagiging matatag, nagsusumikap, at may karangalan ay ipinakikita ni Speaker Romualdez.

 

 

Kinilala rin ng mga lider si Speaker Romualdez na mayroong mahabang kasaysayan ng pagseserbisyo sa publiko at nakapaghatid ng kaginhawahan sa buhay ng mga Pilipino at ng pag-unlad sa bulnerableng sektor.

 

 

Kinondena rin ng mga lider si Duterte sa kawalang respeto nito hindi lamang kay Speaker Romualdez kundi maging kay Pangulong Marcos, na mayroon ding dugong Waray.

 

 

“Her reckless tirades strike at the very heart of a region that has overcome countless challenges through hard work, solidarity and trust in capable leadership,” sabi pa rito.

 

 

Kinilala rin ng mga lider ang mga nagawa nina Speaker Romualdez at Pangulong Marcos na nakapagdala ng makahulugang pagbabago sa bansa.

 

 

Ang mga naging aksyon umano ni Duterte ay lumagpas sa personal na pag-atake.

 

 

Dumipensa ang lahat ng pitong alkalde sa unang distrito ng Leyte para kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, at tahasang tinuligsa ang walang basehan at malisyosong akusasyon ni Vice President Sara Duterte.

 

 

Sa isang manifesto, inilahad ng mga alkalde ng Palo, Alangalang, San Miguel, Tanauan, Sta. Fe, Tolosa, at Babatngon na ang mga paratang ni Duterte ay hindi lamang pag-atake kay Speaker Romualdez kundi sa buong unang distrito ng Leyte.

 

 

“We, the undersigned mayors of the First District of Leyte, stand in staunch defense of Leyte First District Representative and Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, a leader whose integrity and dedication to public service have been consistently proven throughout his exemplary political career,” saad ng manifesto.

 

 

Lumagda sa manifesto sina Palo Mayor Remedios Petilla, pangulo ng Leyte Chapter of the League of Municipalities of the Philippines, Mayors Lovell Anne Yu-Castro ng Alangalang, Norman Sabdao ng San Miguel, Gina Merilo ng Tanauan, Amparo Monteza ng Sta. Fe, Erwin Ocana ng Tolosa, at Eleonor Lugnasin ng Babatngon.

 

 

Binigyang diin sa manifesto ang mga napagtagumpayan ni Romualdez kasama na ang kanyang liderato sa pagpapasa ng mga mahahalang lehislasyon at epektibong paglalaan ng resources para sa kanyang mga nasasakupan at para sa bayan.

 

 

Pinuri din nila ang Speaker sa kanyang pagsusulong sa paglilingkod sa bayan, at kinilala ang kanyang trabaho na kilala sa “diligence, transparency, and unwavering dedication to the greater good of the nation.”

 

 

Binatikos din ng mga alkalde ang mga pahayag ni Vice President Duterte laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., na anila’y nakakalala lang sa sitwasyon at banta sa pagkakaisa at katatagan ng bansa.

 

 

Babala pa ng mga alkalde, “such conduct is unbecoming of an elected leader and is detrimental to the stability and progress of our country.”

 

 

Pinayuhan din ng mga alkalde si Vice President Duterte na iwaksi ang pagkakawatak-watak at tuparin na lang ang kanyang atas na isulong ang pagkakaisa at pananagutan.

 

 

Mula sa Biliran, ang mga lumagda ay sina Board Member Roselyn Espina Parabos at Mayors Rhodessa Revita (Caibiran), Humphrey Olimba (Culaba), Gemma Adobo (Cabucgayan), Myra Cabrales (Biliran), at Richard Jaguros (Almeria).

 

 

Gayundin sina Calubian Mayor Marciano Battancela, Jr. at Villaba Mayor Lito Veloso na mula naman sa Leyte.

 

 

Para naman sa Northern Samar lumagda sina Mayors Maria Ana Abalon (San Roque), Leo Jarito (Silvino Lobos), Felipe Sosing (Pambujan), Florence Batula (Palapag), Maria Luisa Menzon, (Lapinig), at Raquel Capoquian (Gamay).

 

 

Mula sa Samar, lumagda naman sina Mayors Raymund Uy (Calbayog City), Marinell Apolonio (Sto. Niño), Danny Tan (Tarangnan), Sed Tan (Pagsanghan), Leo De Guia (San Jorge), Amy Cano (Almagro), Aran Boller (Matuginao), Vicente Limpiado (Tagapul-An), Warren Aguilar (Gandara), Felix Ranganoron (Sta. Margarita), Luz Ponferrada (Basey), Myrna Tan (Zumarraga), Red Nacario (Calbiga), Ferdinand Gaviola (San Sebastian), Eunice Babalcon (Paranas), Renato Cabael (Motiong), Philip Astorga (Daram), Julie Cereno (Jiabong), Clarito Rosal (Hinabangan) at Percival Ortillo Jr. (Marabut).

 

 

Sinabi rin sa pahayag na ang mga sinabi ni Duterte ay malisyoso at walang basehan at isa umanong direktang pag-atake sa mga Waray na matagal ng haligi ng pagkakaisa at pag-unlad ng bansa.

 

 

Hinamon din sa pahayag si Duterte na baguhin ang mga prayoridad nito.

 

 

Bilang isang kaalyado ng administrasyon, si Speaker Romualdez ay isang instrumento rin umano sa pagsulong ng legislative agenda ni Pangulong Marcos. Kinilala rin nila ito sa kanyang walang bahid na rekord at pangako sa serbisyo publiko na nagpapakita umano ng pagiging tapat, may pananagutan, at tunay na malasakit sa mga Pilipino.

 

 

“Eastern Visayas stands united behind Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez and President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. Their leadership is a source of pride for the Waray people and a symbol of hope for the entire nation.” (Vina de Guzman)

Gilas Pilipinas tinambakan ang Hong Kong 93-54

Posted on: November 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINAMBAKAN ng Gilas Pilipinas ang Hong Kong 93-54 para mapanatili ang walang katalo-talo sa 2nd window ng FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers sa laro na ginanap sa Mall of Asia Arena.

 

 

Mula sa umpisa ay dominado ng Gilas Pilipinas ang laro kung saan ginamit ang tangkad nina Kai Sotto at Jun Mar Fajardo para mapalayo ang kalamangan ng Gilas.

 

Ito na ang huling laro ng Gilas sa bansa para sa window 2 at makuha ang 4-0 na bentahe sa Group B.

 

 

Dahil sa panalo ay tiyak na ang pagbabalik ng Gilas sa FIBA Asia Cup sa Saudi Arabia sa buwan ng Agosto.

 

EJ Obiena, pinangunahan ang inagurasyon ng kauna-unahang pole vault pit sa Ilocos Norte

Posted on: November 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PORMAL nang inilunsad ang pole vault pit sa Ferdinand E. Marcos Stadium dito sa lungsod ng Laoag, lalawigan ng Ilocos Norte.

 

 

 

Pinangunahan mismo ni Olympian Pole Vaulter EJ Obiena at Gov. Matthew Marcos Manotoc ang naturang seremonya.

 

 

Ito ang kauna-unahang naitayong pole vaulting facility na inilunsad ng isang Olympian Pole Vaulter dito sa bansa.

 

 

Ayon sa Olympian pole vaulter na layunin ng pagtatayo ng pasilidad na ito ay para suportohan at sanayin ang mga batang atleta at homegrown talents sa larangan ng pole vaulting.

 

Binigyang-diin niya na ang pasilidad ay magsisilbing mahalagang hakbang upang maging globally competitive ang mga atletang Pilipino sa anumang larangan ng sports.

 

 

Maliban dito, layunin din niyang mag-recruit ng mga batang atleta upang mabigyan sila ng pagkakataong magdala ng karangalan para sa bansang Pilipinas.

 

Ipinaliwanag niya rin kung bakit pinili niyang itayo ang pole vault pit dito sa lalawigan ng Ilocos Norte dahil may potensyal na magtaguyod ng sports ang lalawigan at may mga atleta na may kakayahang maging magaling na pole vaulters pati na rin ang mga interesado na maging coach.

 

Samantala, umaasa si Obiena na magkakaroon ng mga atletang magmumula rito sa Ilocos Norte na hindi lamang sasabak sa Palarong Pambansa kundi pati na rin sa mga international competitions.

Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. , tinuligsa si VP Sara

Posted on: November 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINULIGSA ni Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. si Vice President Sara Duterte dahil sa umano’y pagbaligtad sa isinasaad sa standard protocols ng Kamara partikular na sa isyu ng paggamit ng phone ng detainees.

 

 

“It is infuriating to see the Vice President and her allies twisting facts to suit their narrative. The claim that phones were confiscated is a blatant lie,” ani Gonzales.

 

Paliwanag ng Pampanga congressman, boluntaryong ibinigay ng nakadetineng Office of the Vice President (OVP) Chief of Staff and Undersecretary Zuleika Lopez at kanyang kasama makaraang matapos ang nakalaang oras ng paggamit, alinsunod sa security protocols.

 

“These rules are not arbitrary. They are enforced consistently to maintain order and security within the facility. This is not about special treatment or discrimination,” giit ni Gonzales.

 

Batid aniya ito ni VP Duterte subalit ipinilit umano nito na magpakalat ng disinformation para idiskredito ang institusyon.

 

Si Lopez ay nakadetine sa Kamara matapos ma-cite in contempt sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability kaugnay sa misuse ng ₱612.5 milyong confidential funds ng OVP at Department of Education ng nagsisilbi pang Education Secretary si VP Duterte.

 

Sa isang statement, nilinaw ni House Secretary General Reginald Velasco na hindi totoo ang akusasyon na kinumpiska ang kanilang cellphones.

 

Niliwanag pa ni Velasco na pinapayagan ang mga detainees ng limitadong paggamit ng phone bilang bahagi ng routine security at sumunod naman si Lopez at kanyang kasamahan na boluntaryong i-surrender ang kanilang phones matapos maimpormahan na tapos na ang oras ng kanilang paggamit.

 

Ang naturang protocol, ani Velasco ay ipinatutupad sa lahat detainees ng walang exception.

 

Tinuligsa pa ni Gonzales sa pamumulitika umano ni Duterte sa isyu.

 

Inakusahan pa niya ang vp ng paggawa ng palabas sa pamamagitan ng paggamit ng sitwasyon upang atakihin ang institution.

 

“Instead of respecting the rules, she has chosen to politicize the matter, tarnishing the House’s reputation in the process. Let’s call this what it is: a deliberate attempt to smear the institution to protect her own political interests,” pahayag ni Gonzales. (Vina de Guzman)

P160K droga, baril nasamsam sa apat drug suspects sa Malabon

Posted on: November 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BAGSAK sa kalaboso ang apat drug suspects, kabilang ang babae matapos makuhanan ng baril at mahigit P.1 milyong halaga ng shabu nang maaresto ng pulisya sa nagkahiwalay na buy bust operation sa Malabon City.

 

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na si alyas “Miling”, 20, at alyas “Jayson”, 31, scavenger, kapwa ng residente ng Brgy. Longos.

 

 

Ayon kay Col. Baybayan, bago ang pagkakadakip sa mga suspek ay unang nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y pagbebenta ng shabu ni alyas Miling.

 

 

Nang magawang makipagtransaksyon ng droga kay alyas Miling ng isa sa mga operatiba ay agad ikinasa ng SDEU ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek dakong alas-11:10 ng gabi sa Valdez St., Extension, Brgy. Catmon.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 13.25 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P90,100.00, P500 buy bust money, itim na pouch at isang motorsiklo habang ang isang caliber .38 revolver na kargado ng tatlong bala ay nakuha kay ‘Miling’.

 

 

Alas-5:00 ng madaling araw nang madakma naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Dulong Roque St., Brgy. Tonsuya sina alyas “Totoy”, 32, ng Malinta, Valenzuela at alyas “Jona”, 45, L300 driver, ng Obando Bulacan at nakuha sa kanila ang nasa 10.2 grams ng suspected shabu na may katumbas na halagang P69,360 at buy bust money.

 

 

Ani PSSg Jerry Basungit, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang karagdagan pa na kasong paglabag sa RA 10591 ang kakaharapin ni alyas Miling. (Richard Mesa)

Higanteng Christmas tree, pinailawan sa Navotas

Posted on: November 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

DAMANG-DAMA na ang simoy ng kapaskuhan sa Lungsod ng Navotas, kasunod ng pagpapailaw sa higanteng Christmas tree at fireworks display sa Navotas Citywalk at Amphitheatre.

 

 

 

Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco, kasama ang kanyang mga anak at iba pang opisyal ng lungsod, ang lighting ceremony, ribbon-cutting ng Navotas Christmas Bazaar, gayundin ang muling paglulunsad ng NavoConnect free Wi-Fi.

 

 

“Christmas is a time to celebrate family ties and relationships. Every year, we make it a point to have our Christmas decorations colorful and fun. This is to encourage Navoteño families to spend time and bond with each other without the hassle of travel and extra spendings,” ani Mayor Tiangco.

 

 

“This year, our celebration centers on the theme, ‘NavoPasko: Konektado sa isa’t isa, all the way ang saya!’ We want to highlight the significance of connection and communication among families, friends, and members of our community,” dagdag niya.

 

 

Para bigyang-diin ang kahalagahan ng connectivity, muling inilunsad ng pamahalaang lungsod ang kanilang libreng serbisyo ng Wi-Fi na NavoConnect.

 

 

Ang programa ay nagbibigay-daan sa bawat gumagamit na ma-access ang libreng koneksyon sa internet sa loob ng 30 minuto araw-araw.

 

 

Ang lungsod ay may 38 wifi hotspots, kabilang ang Navotas Citywalk at Amphitheatre, Navotas City Hall; Navotas Centennial Park, Greenzone Park; pampublikong pamilihan; ilang barangay hall, health center, at pampublikong paaralan.

 

 

Lahat ng wifi hotspot ay kayang tumanggap ng 250 user sa isang oras.

 

 

Samantala, tampok naman sa bazaar ang 34 Navoteño entrepreneurs na nagbebenta ng mga produktong pagkain, souvenir items, damit, accessories, at iba pa at bukas ito mula Nobyembre 21 hanggang Disyembre 22, 8AM – 12MN.

 

 

Ang Kadiwa ng Pangulo naman na nagbebenta ng abot-kayang bigas at iba pang mga produkto ay sasali rin sa bazaar sa Nobyembre 25-26. (Richard Mesa)

Utos ni PBBM na gawing simpleng pagdiriwang ng Kapaskuhan sa ahensya ng gobyerno, suportado ni Abalos

Posted on: November 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ng buong suporta sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na huwag magdaos ng magarbong pagdiriwang ng Pasko sa mga ahensya ng gobyerno at sa halip ay ituon ang mga pampublikong pondo para sa kapakanan ng mga Pilipino.

 

 

 

Ayon kay Abalos, dating Kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG), dapat maging sensitibo ang mga opisyal ng pamahalaan sa kalagayan ng maraming Pilipino na patuloy na naghihirap dulot ng sunud-sunod na bagyong tumama sa bansa.

 

“Tayo ngayon ay humaharap sa napakatinding mga pagsubok, mula sa kahirapan hanggang sa sunod-sunod na kalamidad. Kaya naman ang pondo ng gobyerno ay dapat nating ituon sa pagtulong sa mga nangangailangan imbes na sa pagdaraos nang mararangyang selebrasyon sa parating na Kapaskuhan,” ani Abalos.

 

Kamakailan ay nanawagan si Pangulong Marcos sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na gawing simple ang kanilang mga pagdiriwang ng Pasko bilang pakikiisa sa mga biktima ng nagdaang bagyo.

 

Sumang-ayon si Abalos sa panawagan ng Pangulo, at sinabi niyang dapat ipakita ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan ang kababaang-loob at disiplina sa gitna ng mga hamong kinakaharap ng maraming Pilipino.

 

“President Marcos’ directive is a timely reminder that we must prioritize the needs of the people over extravagance and show fiscal discipline in our actions.” dagdag pa niya.

 

Sa nakalipas na buwan, aktibong tumutulong si Abalos sa mga biktima ng bagyo.

 

Sa halip na magdaos ng engrandeng pagdiriwang ng Pasko, iminungkahi ni Abalos na maaaring mag-donate ang mga opisyal ng gobyerno ng anumang halaga upang makatulong sa mga nawalan ng mahal sa buhay, tirahan, at kabuhayan dahil sa mga nagdaang sakuna.

 

“The spirit of Christmas is about humility, compassion, and service to others. As public servants, we must set the right example and ensure that our resources are used for the greater good of the people, particularly in these challenging times,” aniya. (PAUL JOHN REYES)

BINUKSAN na sa publiko ang Phase 1A at Phase 1B na mga multipurpose building

Posted on: November 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BINUKSAN na sa publiko ang Phase 1A at Phase 1B na mga multipurpose buildings sa Bangus Street, Barangay NBBS Kaunlaran, kasunod ng isinagawang blessing nito sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco, Congressman Toby Tiangco, Vice Mayor Tito Sanchez at mga konsehal ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas. Ito ay nagtatampok ng mga basketball court, office space, at function room. (Richard Mesa)