• March 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November, 2024

Panawagan ni ex-PRRD sa AFP na kudeta vs Marcos admin isang iresponsable at garapalang panawagan – ES Bersamin

Posted on: November 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINAWAG ng Malakanyang na isang garapalang panawagan na mag kudeta ang Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa Marcos administration at talikuran ang kanilang sinumpaang tungkulin, para lamang umupo sa pinakamataas na pwesto ang anak nito na si VP Sara Duterte.

 

 

 

Ito ang tahasang pahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin kasunod ng binitawang salita ni dating pangulong Duterte na tila nag uudyok sa mga sundalo laban sa kasalukuyang nakaupong presidente na si Pang. Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Ayon kay Bersamin, walang ibang pwedeng itawag sa panawagang ito ng dating pangulo kundi makasariling motibo na tangkaing paalisin sa pwesto o ikudeta ang kasalukuyang pangulo ng bansa para lamang maiupo ang kaniyang anak.

 

Giit ni Bersamin, dapat respetuhin ni Duterte ang konstitusyon hindi ang suwayin ito.

 

 

Sabi pa ni Bersamin na dapat tigilan na ni duterte ang kaniyang pagiging iresponsable.

 

 

Hindi aniya nakabubuti na insultuhin ang mga sundalo na propesyunal na ginagampanan ang kanilang misyon at tungkulin at himukin ang mga ito na tumiwalag sa konstitusyon para lamang magtagumpay ang kanilang makasariling hangarin.

 

 

Siniguro naman ni Bersamin na hindi papaltos ang administrasyon sa mandato nitong pangasiwaan nang maayos ang bansa alinsunod sa konstitusyon at sa rule of law.

 

 

Pagtatanggol ng administrasyon ang legacy nito para sa mga Pilipino alinsuod sa batas.

 

 

Tiniyak ni Bersamin, kikilos ang estado laban sa mga hindi makatarungan at mga tangkang paglabag sa batas.

 

 

Giit ni Bersamin hindi aniya katanggap-tanggap ang marahas na pang-aagaw ng kapangyarihan upang madaling maluklok bilang pangulo sa pamamagitan ng pagpaslang, panggugulo at pag-aalsa.

 

Pinagsabihan ni Bersamin ang mga Duterte na maghintay sila ng tamang panahon, sumunod sa tamang pamamaraan. (Daris Jose)

Ads November 28, 2024

Posted on: November 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Pasig, Malabon tankers bumida sa Batang Pinoy

Posted on: November 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Patuloy ang pagpapasikat nina swimmers Arvin Naeem Taguinota II ng Pasig City at Sophia Rose Garra ng Malabon sa 16th Batang Pinoy National Championships kahapon dito sa Ramon V. Mitra Jr. Sports Complex.

 

 

 

Dinomina naman ni cyclist Maritanya Krog ng Caloocan City ang girls’ 14-15 years old criterium event.

 

 

Sinikwat ng 13-anyos na si Taguinota at ng 12-anyos na si Garra ang kani-kanilang ikatlong gold medal sa Day Two ng swimming competition.

 

Panalo si Taguinota sa boys’ 12-13 200 LC backstroke sa tiyempong 2:19.88 para iwanan sina Behrouz Mohammad Mojdeh (2:24.49) ng Parañaque City at Titus Rafael Sia (2:26.24) ng San Juan City.

 

 

Nauna nang nagbida ang estudyante ng British International School sa 200 LC Meter IM (2:22.02) at sa 100 LC Meter freestyle (57.92).

 

 

“It’s more of our performance na lang talaga and then sobrang bonus na lang if we win the medal. So we’re happy na maganda naman iyong naging turnout,” ani Olympian Jessie Lacuna, ang coach ni Taguinota.

 

 

Wagi naman si Garra sa girls’ 12-13 200 LC Meter IM 200 LC backstroke sa kanyang oras na 2:30.00 para ungusan sina Anika Kathryn Matiling (2:38.82) ng Bacolod City at Angela Tane Perez (2:44.45) ng Kidapawan City.

 

 

Sa cycling, nagsumite si Krog, ang 2022 Batang Pinoy winner, ng 0:34.29 para ta­lunin sina Maria Louise Alejado ng Iloilo City at Jhanah Abella ng Oriental Mindoro.

 

 

Ang iba pang nanalo ay sina Ysabel Nicole Ja­mero (girls’ 12-13) ng Iloilo, Ralph Justine Dumalanta (boys’ 12-13) ng Candon City, Jomel Delos Reyes (boys’ 14-15) ng La Union, Davine Novo (girls’ 16-17) ng Cagayan at Marvin Mandac (boys’ 16-17) ng Santa Rosa.

 

 

Sa gymnastics, walong ginto ang kinuha ng Sta. Rosa tampok ang tig-tatlo nina Erjohn Solibio at Sharrye Sky Maranan sa boys’ 12-13 at girls’ 12-14 trampoline, double mini trampoline at individual all-around, ayon sa pagkakasunod.

QCPD ipinagdiwang ika-85 taong pagseserbisyo sa Qcitizen

Posted on: November 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IPINAGDIWANG ng Quezon City Police District (QCPD) ang kanilang ika-85 taong anibersaryo na may temang “Tayo ang QCPD: May Dangal, Disiplina at Kasanayan, Kaagapay ng Pamayanan Tungo sa Ligtas at Maunlad na Bukas” sa M.I.C.E Center, Quezon City Hall, Quezon City.

 

 

 

Ayon kay QCPD Director PCol. Melecio Buslig Jr, patuloy pa rin nilang pangangalagaan ang kapakanan ng QCi­tizen sa pamamamagitan ng mas pinaigting na mga kampanya at proyekto.

 

Nagpasalamat at pinagkalooban ng QCPD ng Plaque of Appreciation si Mayor Joy Belmonte dahil sa patuloy na suporta nito sa mga proyekto ng QCPD at sa mismong mga pulis upang magampanan ng maayos ang kanilang tungkulin.

 

“Ang sabi nga: ‘With great power comes great responsibility.’ Kaya saktong sakto ang marching orders na binibigyang-diin ng inyong 85th Founding Anniversary: Dangal. Disiplina. Kasanayan.

 

Mabigat na responsibilidad ang dala-dala ninyo, dahil nasa kamay ninyo ang pagsiguro na payapa at maayos ang araw-araw na buhay ng ating mga kababayan.” ani Belmonte.

 

 

Dagdag pa ng alkalde, nasa tamang direksiyon ang pamumuno ni Buslig kung saan oras- oras itong nagbibigay ng impormasyon at update sa mga nangyayari sa lungsod.

‘Mystery assassin’ ni VP Sara, imbestigahan

Posted on: November 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISANG malalim at masusing imbestigasyon sa pagkakakilanlan at ugnayan ng umano’y assassin na kina usap ni Vice President Sara Duterte para targetin sina Presidente Bongbong Marcos, First Lady Liza Araneta Marcos at Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

 

 

 

“The Vice President’s statement is deeply alarming and raises serious national security concerns,” pahayag ni Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores.

 

Sinabi nito na kailangang malaman kung ang naturang ‘mystery assassin’ ay isa bang bahagi ng pinagkakatiwalaang security detail, miyembro ng sindikato o hired gun.

 

Ang pahayag ng VP na personal niyang nakausap ito na pumayag sa kanyang direktiba ay indikasyon na isang malapit at pinagkakatiwalaan itong indibidwal.

 

Iginiit nito ang importansiya ng sitwasyon kaya hinikayat nito ang Presidential Security Command (PSC), na busisiin ito nang husto.

 

“With the Vice President’s own admission, which she stressed ‘is no joke,’ and the fact that she is the primary beneficiary should the president be killed, VP Sara must be considered a person of interest,” dagdag niya.

 

Gayundin, ang pagsasagawa mg rebyu sa Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG), na binuo ilang araw bago iwan ni dating Presidente Rodrigo Duterte ang kanyang posisyon.

 

“It’s imperative that President Marcos reassess this setup. Perhaps it’s time to disband VPSPG altogether and just have PSC manage the security of both the President and Vice President under a single apparatus. Entrusting Vice President Duterte with her own ‘private army’ is concerning, especially given her recent statements,” aniya.

 

Nanawagan din si Flores sa lahat ng kaukulang ahensiya na magsagawa ng komprehensibong imbestigasyon sa naturang alegasyon upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng liderato ng bansa.
(Vina de Guzman)

TUPAD beneficiaries, dapat may training din

Posted on: November 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

UPANG mabigyan ng pagkakataon ang mga benepisaryo ng government emergency employment program ng tiyansiya na makakuha ng trabaho, dapat siguruhin ng gobyerno na mabibigyan ng karagdagang kaalaman o skills ang mga ito.

 

 

“We can improve the value of the Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced (TUPAD) program by providing our beneficiaries with opportunities to gain new knowledge that would give them a better chance at finding employment or starting small businesses,” ayon kay Rizal Rep. Fidel Nograles.

 

Ang TUPAD program ng Department of Labor and Employment ay naglalaan ng pansamantalang trabaho ng mula 10 hanggang 90 araw para sa mga nawalan, underemployed, at seasonal workers.

 

 

“Beneficiaries can only avail of the program once a year, so we have to think about what comes after. Kung may nakakabit na training program kasabay ng short-term work, hindi lang doble ang value na maidadagdag natin sa benepisyong bigay ng programang ito,” dagdag ng mambabatas.

 

Hinikayat niya ang DOLE na makipag ugnayan sa academe at Technical Education and Skills Development na maglaan ng short-term training modules na maaaring mapagpilian ng beneficiaries. By providing them with learning opportunities we open more doors for them towards attaining a sustainable livelihood.

 

Hindi rin kasi biro ang pondong inilalaan natin para sa TUPAD. There has to be an end-game that will benefit those that the program serves in the long-term,” dagdag nito.

 

Para sa 2024, ang alokasyon sa TUPAD program ay P28.867 billion. Ang panukalang budget para sa 2025 ng programa at ng Government Internship Program ay P20.28 billion. (Vina de Guzman)

Biktima ng trafficking pinigil ng kanyang employer dahil sa utang

Posted on: November 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISANG babaeng biktima ng human trafficking ang pinabalik ng bansa sa Zamboanga International Seaport matapos na puwersahang illlegal na pinagtatrabaho na walang mga dokumento bilang entertainer sa isang club sa Malaysia.

 

 

Kinilala ang biktima na si Sarah, 24, na umalis ng bansa noong February 2024 patungong Singapore bilang katulong sa isang pamilya na nagdala sa kanya.

 

Gayunman, inamin nito na ni-recruit siya ng isa pang Filipina bilang waitress sa Malaysia ay inabihan na magpanggap na katulong upang makalusot ito sa inspection.

 

Ang recruiter ng biktima ay naniningil na P20,000 para sa bayad sa kanyang biyahe na itinuring na utang sa kanyang dayuhan na employer.

 

Pagdating sa Singapore, nagbiyahe ito sa Malaysia kung saan sinundo siya at dinala sa isang dormitory kung saan puwersahan siyaang magtrabaho sa isang nightclub bilang performer na pambayad sa kanyang mga utang.

 

Pero noong hindi siya nakakabayad sa kanyang employer, isinumbong siya sa mga awtoridad sa Malaysia kung saan siya inaresto dahil sa kawalan ng kanyang mga dokumento.

 

“This case highlights the exploitative and unjust practices of recruiters and syndicates who profit from human trafficking, leaving victims struggling to return home and facing numerous hardships due to false promises,” ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado.

 

Ang biktima ay bibigyan ng tulong mula sa mga opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagbalik niya ng Pilipinas. GENE ADSUARA

Caloocan, inilunsad ang RICE program

Posted on: November 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ang programang Relief Initiatives for Community Empowerment (RICE) na target maging benepisyaryo ang lahat pamilya mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod.

 

 

 

Layunin ng nasabing inisyatiba na makapagbigay ng mas pinahusay na food security measure para sa lahat ng mamamayan ng Caloocan, lalo na sa pagsisimula ng kasiyahan ng Pasko.

 

 

Iginiit ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang kanyang pangako para mabigyan ng di-kalidad na buhay ang kanyang mga nasasakupan habang nagbibigay din ng mga pagkakataon upang bigyang kapangyarihan ang mga indibidwal at komunidad na maghanapbuhay para sa kanilang sarili at sa kanilang mga pamilya.

 

 

“Wala pong patid ang pagtutok ng buong pamahalaang lungsod sa pagpapatupad ng mga programang tutugon sa pangangailangan ng ating mamamayan, lalo na po para sa mga kababayan nating lubos na nangangailangan,” ani Mayor Along.

 

 

“Isa lang po ang RICE program sa mga hakbang na ating isinasagawa upang siguruhin na bawat pamilyang Batang Kankaloo ay mayroon pagkain sa kanilang hapag, kaya naman mas pinalawak din natin ang mga proyektong pangkabuhayan at trabaho upang sila mismo ay magkaroon ng oportunidad na paunlarin ang kanilang estado sa buhay,” dagdag niya.

 

 

Tiniyak din niya na ang bawat pamilya sa lungsod ay magiging benepisyaryo ng RICE program.

 

 

“Tulad po ng nakagawian natin, lahat po ay kasama sa RICE. Wala po tayong pinipiling kulay at tinitiyak ko po na lahat ng pamilya sa Caloocan ay makakatanggap ng bigas mula sa pamahalaang lungsod,” sabi niya. (Richard Mesa)

51-anyos na tulak, kalaboso sa P204K shabu sa Valenzuela

Posted on: November 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang isang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng shabu nang maaresto sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong suspek na si alyas “Nelson”, 51, (SLI/pusher) at residente ng Caloocan City.

 

Ayon kay Col. Cayaban, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Joan Dorado ang buy bust operation nang magawa ng isa niyang tauhan na makipagtransaksyon sa suspek ng droga.

 

Nang tanggapin umano ng suspek ang isang P500 bill na may kasamang pitong pirasong P1,000 boodle money kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong alas-5:15 ng madaling araw sa Beside Liembest Lechon Manok, sa Gen. T De Leon Rd. Brgy. Gen. T De Leon,.

 

Ani P/Lt. Johnny Llave na nanguna sa operation, nakuha nila sa suspek ang anim pirasong plastic sachets na naglalaman ng nasa 30 grams ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng P204,000, buy bust money at 200 recovered money.

 

Sinabi ni PMSg Ana Liza Antonio, kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa nila laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

 

Pinuri naman ni NPD Director Ligan ang Valenzuela police sa kanilang pagsisikap na tugisin ang mga taong sangkot sa pagpapakalat ng illegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. (Richard Mesa)

Bella Belen nakatutok sa UAAP crown

Posted on: November 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Desidido si reigning UAAP MVP Bella Belen na tulungan ang National University na makopo ang back-to-back titles sa UAAP Season 87 wo­men’s volleyball tournament.

 

 

 

Nasa alapaap pa ang Lady Bulldogs matapos makumpleto ang three-peat sa 2024 Shakey’s Super League Collegiate Pre-Season Championship.

 

 

Naisakatuparan ito ng NU nang pataubin nito ng dalawang beses ang De La Salle University sa best-of-three championship series.

 

Ito ang unang titulo ni veteran coach Sherwin Me­neses bilang head coach ng Lady Bulldogs.

 

 

At alam ni Meneses na malaking tulong ito para mas mapataas ang moral ng kanyang tropa sa kanilang title-defense sa UAAP.

 

“Magandang panalo ito dahil ito yung simula for UAAP. ‘Yun naman talaga ‘yung goal kaya sumali kami dito,” ani Meneses.

 

 

Matikas ang inilaro ni Belen sa buong kumperensiya para tanghaling Season MVP at First Best Outside Hitter sa liga.

 

 

“I’m very happy kasi nakamit namin yung goal namin for Shakey’s kasi isa rin ito para magiging stepping stone namin, preparation namin for the upcoming UAAP Season,” ani Belen.

 

 

Ngunit hindi pa tapos si Belen.