• March 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 28th, 2024

Type din nila ni John na makasama ang KathDen: KATE, certified BEA-JOHN LLOYD fan at wish na makatrabaho

Posted on: November 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ni Kate Yalung na leading lady ni John Arcenas sa pelikulang ‘Idol: The April Boy Regino Story’, na bata pa siya ay dream na niyang mag-artista.

 

“Hindi ko nga akalain na magiging artista ako at aarte ako.

 

“Kasi pinakaalam ko talaga ay fashion designing, pero growing up ang gusto mag-‘Goin’ Bulilit’ ako. Pero hindi lang siguro ako nabigyan ng time ng parents ko, pero noong lumalaki na ako, sabi nila, go. Very supportive na sila sa ginagawa ko, binigyan talaga nila ako ng freedom.”

 

Hangang-hanga naman si Kate kay Bea Alonzo at wish niya itong maka-trabaho. Ganun din si John Lloyd Cruz dahil certified Popoy-Basha fan daw siya.

 

“Idol ko talaga si Bea Alonzo, dahil napakagaling niyang umarte. Pinapanood ko siya ngayon sa ‘Widows War’.

 

“Hindi ko pa nga siya nami-meet, pero sana soon.”

 

Dagdag pa niya, “I’m really a fan of Popoy-Basha, kasi pagdating sa aktingan, napakanatural nila, sila talaga ang pinapanood ako growing up.

 

“Sana nga po next time, meron pa siyang susunod na palabas, aabangan ko talaga.

 

“At kung may chance, gusto ko silang make-work, kahit anong role tatanggapin ko, makasama lang sila.”

 

Bukod kina JL at Bea, type din ni Kate nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na makatrabaho, at ganun din pala si John.

 

“Napakagaling nilang artista. Napanood ko ang ‘Hello Love Again’ at ang gagaling talaga nila. Nakakakilig talaga sila. So sana talaga, mabigyan ng chance,” sabi ni John.

 

Sey naman ni Kate, “Ako talaga naging fan talaga nila ako sa ‘Hello Love Goodbye’ pa lang and from there, gusto ko na talaga silang makatrabaho.”

 

Samantala, palabas na ang ‘Idol: The April Boy Regino Story’ sa mga sinehan nationwide. Mula ito sa direksyon ni Efren Reyes at produced ng WaterPlus Productions ni Marynette Gamboa.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Marcoses, dapat papanagutin para sa pagkamatay at pang-aapi kay Ninoy — Aquino family

Posted on: November 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA ang pamilya Aquino na dapat papanagutin ang mga Marcoses para sa pagkamatay at pang-aapi sa pinaslang na si dating senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. 41 taon na ang nakalilipas.

 

 

 

Ang pahayag na ito ng pamilya Aquino ay itinaon sa 92nd birth anniversary ni Ninoy, araw ng Miyerkules, Nov. 27, at isang araw matapos na inguso ni Vice President Sara Duterte ang pamilya Marcos sa pagpatay sa dating senador.

 

 

Naniniwala naman ang mga Aquino na dapat ding papanagutin ang mga Marcoses para sa mga pagpapahirap sa lahat ng iba pang indibiduwal na kinidnap, tinortyur at pinatay sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

 

 

“Si Ninoy Aquino na siguro ang pulitikong nakaranas ng pinakamatinding panggigipit mula sa mga Marcos,” ang nakasaad sa kalatas mula sa pamilya Aquino na naka-post sa fan page ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III’s Facebook page.

 

 

“Karapat-dapat na sila’y panagutin para sa kanya at sa libu-libo pang dinakip, tinortyur, at pinatay sa panunungkulan ni Marcos, Sr.,” ayon pa rin dito.

 

 

Sinabi pa rin ng pamilya Aquino na naniniwala ang kanilang angkan sa mapamayapang rebolusyon kahit pa sa mga huling araw nito, at noong 1986, ito ang isa sa nagpalaya sa sambayanang Filipino mula sa “the brutality and greed of dictatorship.”

 

 

“That has also become the stand of the Aquino family ever since,” ayon pa rin sa nasabing kalatas.

 

 

“Mariin naming tinututulan ang anumang bantang karahasan o pagpaslang,” ang mababasa pa rin sa kalatas.

 

 

Sa kabilang dako, nanawagan naman ang pamilya Aquino sa mga mamamayang filipino na ipagdasal ang bansa.

 

 

Sa katunayan, isang political drama ang nagaganap ngayon sa pagitan ng mga dating campaign allies, President Marcos at Vice President Duterte, matapos na isiwalat ng huli ang political oppression mula sa administrasyong Marcos.

 

 

Isiniwalat pa rin ni VP Sara na kumausap na siya ng assassin para patayin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Unang Ginang Liza Marcos at House Speaker Ferdinand Romualdez kapag may nangyari umanong masama sa kaniya.

 

 

Hindi naman pinalampas ni Pangulong Marcos ang mga naging pahayag ni VP Sara.

 

 

“Di ba pumalag nga yung buong bayan nung pinatay ng pamilya nila si Benigno Aquino Jr.?” ang buweltang naging tanong naman ni VP Sara sa mga mamamahayag. ( Daris Jose)

Umabot lang sa Top 20 sa ‘Mister World’: Pambato ng ‘Pinas na KIRK, dismayado dahil umuwing luhaan

Posted on: November 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

DISMAYADO si Mister World Philippines Kirk Bondad dahil umuwi siyang luhaan sa katatapos lang na ‘Mister World’ Pageant sa Vietnam.

 

Umabot lang sa Top 20 si Bondad at nanalo ng title ay si Mister Puerto Rico Daniel Mejia.

 

Sa Instagram post ni Bondad after the competition, inamin niya na dismayado siya, pero ginawa raw niya ang best niya sa competition.

 

“Well, this didn’t go as planned… My time here in Vietnam has been an indescribable ride. My placement wasn’t what I aimed for, and honestly, I’m still not sure where things went off track. Right now, I feel empty on all ends. But I know I gave it my all, and that’s what matters.

 

“Mister World seeks out the ‘Most Desirable Man’ which goes beyond looking just for physical appearance but also personality and skills. If I were to determine who fits that mold best, I’d be called a judge.

 

“To my family, friends, and supporters everywhere–thank you for believing in me and cheering me on. Your support gave me the strength to push through my limits.

 

“Representing the Philippines at Mister World has been one of the greatest honors of my life, and I will always treasure the memories I’ve made with my brothers here in beautiful Vietnam.
“Life has unique ways of guiding us to places we’re meant to be, so, chest high, back straight–life goes on.”

 

Muntik nang mapanalunan ng Philippines ang title na Mister World noong 2012, pero nag-place lang noon si Andrew Wolff as first runner-up losing sa nanalong si Mister Colombia Francisco Javier Escobar Parra.

 

***

 

BIDA si Lindsay Lohan sa bagong Netflix Christmas movie titled ‘Our Little Secret’.

 

Kasama niya rito sina Kristin Chenoweth, Tim Meadows and Ian Harding.

 

Tamang-tama raw ang paglabas ng naturang movie dahil gusto ni Lohan na maka-create ng holiday memories kasama ang 1-year old son nila ni Bader Shammas na si Luai.

 

“We’re going to have new traditions. So maybe we’ll have something that’s different that he ends up liking that we create for him,” sey ng aktres.

 

Excited na rin si Lohan sa 2025 reunion movie nila ni Jamie Lee Curtis na Freakier Friday.

 

“The movie is really funny. There’s like a lot more heart, there’s a ton of music in this one, which is different. Everything’s bigger, the jokers are bigger. It’s really something. Me and Jamie really threw ourselves into it, and we’re just really, really proud of it.”

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Siklab Awards lalarga sa December 5

Posted on: November 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Gagawaran ng para­ngal ang mga bagitong atleta na nagpasiklab sa nakalipas na taon sa gaganaping Nickel Asia Corporation Siklab Youth Sports Awards 2024 sa Disyembre 5 sa Market! Market! Activity Center, Ayala Malls BGC sa Taguig City.

 

 

 

May 79 youth at junior athletes mula sa 36 sports ang kikilalanin sa ikaapat na edisyon ng awards night na binuo ng Sports Commission (PSC)-Philippine Paralympic Committee (PPC)-Philippine Olympic Committee Media Group (PSC).

 

Nangunguna sa lista­han ang magkapatid na swimmers na sina Micaela Jasmine Mojdeh at Behrouz Mohammad Madi Mojdeh na nagpasiklab sa iba’t ibang international tournaments.

 

Kasama rin sina world junior champions Tachiana Mangin ng taekwondo, weightlifters Angeline Colonia at Lovely Inan, 2024 US Junior Girls champion Rianne Mikhaela Malixi ng golf at wushu artist Alexander Gabriel Delos Reyes na bibigyan ng Young Heroes Awards.

 

 

Pasok din sa listahan sina Asian junior gymnastics gold medalist Karl Eldrew Yulo, world youth champion Isabella Butler ng jiu-jitsu, Asian age-group swimming gold medalist Jamesray Mishael Ajido at table tennis youth champion Kheith Rhynne Cruz.

 

 

May kani-kanyang awards din sina muay thai world champions Janbrix Ramiscal at Lyre Anie Ngina, at chess Olympiad gold medalist Ruelle Canino sa Super Kids Award ca­tegory.

 

Sina three-time jiu-jitsu world champion Aleia Aielle Aguilar, Palarong Pambansa multiple gold me­dalists Albert Jose Amaro II (7 golds) ng swimming, Mitchloni Dinauanao at Francis Dave Sombal (5 golds) ng dancesports ang nasa Rising Youth Stars Award category.

 

 

Ang iba pang awardees ay sina Ana Bhianca Espenilla (athletics), John Andre Aguja (cycling), JR Pandi (badminton), Brandon Sanchez (baseball), Kieffer Alas (basketball), Marc Dylan Custodio (bowling), Nick Anjelo Payla (boxing) and Naina Dominique Tagle (archery), Gavin Moses Ba­ngayan Ti (obstacle course racing), Jonathan Reyes (squash), Jeniva Consigna

Digong Duterte, planong makipag-dayalogo sa AFP

Posted on: November 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PLANO ni dating Pangulong Rodrigo ‘Digong” Roa Duterte na personal na makausap ang ilang tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa gitna ng kanyang tinutukoy na “fractured government” subalit umiwas mula sa tahasang pag-endorso ng kudeta.

 

 

 

“I will be frank with them. I will lay my cards on the table, similar to what I have done here, but in greater detail. I would bring the people along and explain to them what happened to our funds,” ang sinabi ni Digong Duterte.

 

 

Sinabi ng dating Pangulo na nakatakda niyang makapulong ang ilang military personnel na hindi pa-sekreto kundi isa itong ‘free and open discussion.’

 

 

Sinabi pa niya na ayaw niyang isipin at sabihin ng mga tao na nagpa-plano siya ng kudeta.

 

 

Nilinaw ni Digong Duterte na hindi siya interesado na magpasimuno ng kudeta.

 

 

Binigyang diin ni dating Pangulong Duterte na ang impormasyon ay mahalaga.

 

 

Hinihikayat niya ang mga military na panindigan ang karapatan ng mga mamamayan na malaman kung paano ang pondo ay ginamit ‘over time’ at ang karapatan na maiwasan ang mga hinaing kung ang pera ay hindi nagamit ng tama o nawala.

 

 

Tinukoy ni Digong Duterte ang P89.9 billion excess funds ng Philippine Health Insurance Corp. na inilipat sa National Treasury, ang P250 billion ay kinuha mula sa Maharlika fund, at ang 25 tonelada ng ginto na naka-reserba ay naipagbili sa halagang P129 billion.

 

 

“It is not my business to have a loyalty check. It is for the military to check if they are still loyal to the Constitution — what it means to them and what it means to the people. I’ll give them all the options. They know they are serving a drug addict commander-in-chief,” ang inability ni Digong Duterte.

 

 

Sinabi pa rin niya sasabihin niya sa military na ang inilipat na PhilHealth at Maharlika funds ay ‘malversation’ at mangyaring magsalita at gawin ang kanilang papel bilang mga protektor ng Saligang Batas.

 

 

Binasura naman ng AFP ang hangarin ni Digong Duterte na masangkot sila sa pulitika at hindi na aniya kailangan pa ang loyalty test sa hanay ng mga tropa ayon naman kay AFP spokesperson Col. France Margareth Padilla.

 

 

Aniya pa nananatiling non-partisan organization ang AFP kung saan ang katapatan ay sa Saligang Batas.

 

 

“The AFP would continue to stay within the line of command even as the political rivalry between President Ferdinand Marcos Jr. and the Dutertes intensified,” aniya pa rin. ( Daris Jose)