• March 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 28th, 2024

Biktima ng trafficking pinigil ng kanyang employer dahil sa utang

Posted on: November 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISANG babaeng biktima ng human trafficking ang pinabalik ng bansa sa Zamboanga International Seaport matapos na puwersahang illlegal na pinagtatrabaho na walang mga dokumento bilang entertainer sa isang club sa Malaysia.

 

 

Kinilala ang biktima na si Sarah, 24, na umalis ng bansa noong February 2024 patungong Singapore bilang katulong sa isang pamilya na nagdala sa kanya.

 

Gayunman, inamin nito na ni-recruit siya ng isa pang Filipina bilang waitress sa Malaysia ay inabihan na magpanggap na katulong upang makalusot ito sa inspection.

 

Ang recruiter ng biktima ay naniningil na P20,000 para sa bayad sa kanyang biyahe na itinuring na utang sa kanyang dayuhan na employer.

 

Pagdating sa Singapore, nagbiyahe ito sa Malaysia kung saan sinundo siya at dinala sa isang dormitory kung saan puwersahan siyaang magtrabaho sa isang nightclub bilang performer na pambayad sa kanyang mga utang.

 

Pero noong hindi siya nakakabayad sa kanyang employer, isinumbong siya sa mga awtoridad sa Malaysia kung saan siya inaresto dahil sa kawalan ng kanyang mga dokumento.

 

“This case highlights the exploitative and unjust practices of recruiters and syndicates who profit from human trafficking, leaving victims struggling to return home and facing numerous hardships due to false promises,” ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado.

 

Ang biktima ay bibigyan ng tulong mula sa mga opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagbalik niya ng Pilipinas. GENE ADSUARA

Caloocan, inilunsad ang RICE program

Posted on: November 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ang programang Relief Initiatives for Community Empowerment (RICE) na target maging benepisyaryo ang lahat pamilya mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod.

 

 

 

Layunin ng nasabing inisyatiba na makapagbigay ng mas pinahusay na food security measure para sa lahat ng mamamayan ng Caloocan, lalo na sa pagsisimula ng kasiyahan ng Pasko.

 

 

Iginiit ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang kanyang pangako para mabigyan ng di-kalidad na buhay ang kanyang mga nasasakupan habang nagbibigay din ng mga pagkakataon upang bigyang kapangyarihan ang mga indibidwal at komunidad na maghanapbuhay para sa kanilang sarili at sa kanilang mga pamilya.

 

 

“Wala pong patid ang pagtutok ng buong pamahalaang lungsod sa pagpapatupad ng mga programang tutugon sa pangangailangan ng ating mamamayan, lalo na po para sa mga kababayan nating lubos na nangangailangan,” ani Mayor Along.

 

 

“Isa lang po ang RICE program sa mga hakbang na ating isinasagawa upang siguruhin na bawat pamilyang Batang Kankaloo ay mayroon pagkain sa kanilang hapag, kaya naman mas pinalawak din natin ang mga proyektong pangkabuhayan at trabaho upang sila mismo ay magkaroon ng oportunidad na paunlarin ang kanilang estado sa buhay,” dagdag niya.

 

 

Tiniyak din niya na ang bawat pamilya sa lungsod ay magiging benepisyaryo ng RICE program.

 

 

“Tulad po ng nakagawian natin, lahat po ay kasama sa RICE. Wala po tayong pinipiling kulay at tinitiyak ko po na lahat ng pamilya sa Caloocan ay makakatanggap ng bigas mula sa pamahalaang lungsod,” sabi niya. (Richard Mesa)

51-anyos na tulak, kalaboso sa P204K shabu sa Valenzuela

Posted on: November 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang isang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng shabu nang maaresto sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong suspek na si alyas “Nelson”, 51, (SLI/pusher) at residente ng Caloocan City.

 

Ayon kay Col. Cayaban, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Joan Dorado ang buy bust operation nang magawa ng isa niyang tauhan na makipagtransaksyon sa suspek ng droga.

 

Nang tanggapin umano ng suspek ang isang P500 bill na may kasamang pitong pirasong P1,000 boodle money kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong alas-5:15 ng madaling araw sa Beside Liembest Lechon Manok, sa Gen. T De Leon Rd. Brgy. Gen. T De Leon,.

 

Ani P/Lt. Johnny Llave na nanguna sa operation, nakuha nila sa suspek ang anim pirasong plastic sachets na naglalaman ng nasa 30 grams ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng P204,000, buy bust money at 200 recovered money.

 

Sinabi ni PMSg Ana Liza Antonio, kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa nila laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

 

Pinuri naman ni NPD Director Ligan ang Valenzuela police sa kanilang pagsisikap na tugisin ang mga taong sangkot sa pagpapakalat ng illegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. (Richard Mesa)

Bella Belen nakatutok sa UAAP crown

Posted on: November 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Desidido si reigning UAAP MVP Bella Belen na tulungan ang National University na makopo ang back-to-back titles sa UAAP Season 87 wo­men’s volleyball tournament.

 

 

 

Nasa alapaap pa ang Lady Bulldogs matapos makumpleto ang three-peat sa 2024 Shakey’s Super League Collegiate Pre-Season Championship.

 

 

Naisakatuparan ito ng NU nang pataubin nito ng dalawang beses ang De La Salle University sa best-of-three championship series.

 

Ito ang unang titulo ni veteran coach Sherwin Me­neses bilang head coach ng Lady Bulldogs.

 

 

At alam ni Meneses na malaking tulong ito para mas mapataas ang moral ng kanyang tropa sa kanilang title-defense sa UAAP.

 

“Magandang panalo ito dahil ito yung simula for UAAP. ‘Yun naman talaga ‘yung goal kaya sumali kami dito,” ani Meneses.

 

 

Matikas ang inilaro ni Belen sa buong kumperensiya para tanghaling Season MVP at First Best Outside Hitter sa liga.

 

 

“I’m very happy kasi nakamit namin yung goal namin for Shakey’s kasi isa rin ito para magiging stepping stone namin, preparation namin for the upcoming UAAP Season,” ani Belen.

 

 

Ngunit hindi pa tapos si Belen.

Proteksyon kina PBBM, First Lady, Speaker Romualdez, taasan

Posted on: November 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN ang isang mambabatas na taasan ang ipinatutupad na seguridad kina PresidentenBongbong Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos at Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

 

 

Ang apela ay ginawa ni House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong kasunod ng nakakaalarmang pahayag ni Vice President Sara Duterte ukol sa kaligtasan ng mga ito.

 

Ayon sa mambabatas, hindi dapat isantabi o ipagwalang bahala ang walang ingat na mga pahayag ni Duterte.

 

“Ang Pangulo at ang Speaker ay mahalagang haligi ng ating demokrasya. Anumang banta laban sa kanila ay banta rin sa seguridad ng ating bansa. It is imperative that we ensure their safety at all costs,” ani Adiong.

 

Reaksyon ito ni Adiong sa pahayag ni Duterte sa isang Zoom press conference, kung saan inatasan umano nito ang isang indibidwal na targetin ang Presidente, First Lady at Speaker kung namatay ito.

 

“This rhetoric is deeply irresponsible and deeply troubling. We do not want these kind of threats be directed against anyone, not to the sitting President, the Speaker or even to the Vice President herself. Instead of fostering unity, it incites fear and division, creates an atmosphere of insecurity among the top echelon of our government and promotes a culture of violence which is diametrically opposed to the core of our democratic system of governance. We must take these threats seriously and provide heightened security for the President, the First Lady, and the Speaker,” giit ni Adiong.

 

Nanawagan pa ang mambabatas kay Duterte na bawiin ang kanyang pahayag at linawin ang kanyang intensyon.

 

“Kung may mga isyung kailangang harapin, dapat itong sagutin nang maayos at direkta. Threats have no place in governance, especially against our top leaders,” pahayag ni Adiong. (Vina de Guzman)

Siguradong na-shock ang mga tagahanga: NADINE, nagmarka ang malulutong na pagmumura sa ‘Uninvited’

Posted on: November 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KUNG ang sobrang pag-inom ng alak sa isang showbis affair ang dahilan kung bakit pinag-uusapan ngayon ang isang supporting aktor, ay ang paglalasing din ang ginawang “scape goat” ng dating komedyanteng si Mura.

 

Kumbaga, ang paglalasing ay ang ginawang bisyo ni Mura ns kilala sa tunay na pangalang si Allan Padua.

 

Ayon pa kay Nanay Cristy Fermin sa kanyang latest episode ng “Cristy Per Minute” ay may pinagdadaanan umanong depresyon si Mura.

 

Ayon pa kay Nay Cristy ay nasagap daw niya diumano ang naturang tsika na laging naglalasing si Mura.

 

“Ang dami-daming nagsasabi, nagkukuwento sa atin na ito raw si Mura ay laging naglalasing. Dahil inatake ng depresyon,” banggit pa ni Nanay Cristy.

 

“Kahit naman sino talaga, nasunugan ka na ng bahay, wala ka pang proyekto, ‘di ba? Kawawa naman,” dagdag pa rin niya.

 

Napag-alaman pa rin ni Nay Cristy na may mga ilang taga-showbiz naman daw ang nagpapaabot ng tulong sa dating ka loveteam ng namayapang si Mahal.

 

“Unang-unang nagpadala sa kaniya ng tulong si Ai Ai Delas Alas. Si Ai Ai talaga pagdating sa mga kapuwa artista na nangangailangan siya ‘yong unang-unang sumasagot kasi alam niya kung paano magsimula sa ibaba,” kuwento pa rin ni Nay Cristy.

 

Marami naman sa mga malalapit na kaibigan ni Mura ang nagdarasal na sana nga raw ay mabigyan ng mga proyekto nang maipangtustos sa araw-araw na pangangailangan nito.

 

Sana nga lang ay mapansin ni Direk Coco Martin at maisama si Mura sa kanyang “Batang Quiapo”.

 

Matatandaang naiulat noong Mayo na nasunog ang bahay ni Mura at walang kahit anong gamit na nailigtas.

 

***

 

SA bonggang Prescon ng “Uninvited“ ay kapansın-pansin at talaga namang nagmarka sa lahat nang nakapanood ng trailer ang malutong na pagmumura ni Nadine Lustre kay Aga Muhlach na gumaganap na tatay sa movie.

 

Siguradong marami sa mga tagahanga ang masa-shock sa role ni Nadine sa nasabing pelikula na pinagbibidahan din ng Star for All Seasons Vilma Santos na official entry ng Mentorque Productions at Project8Projects sa 50th Metro Manila Film Festival na magsisimula na sa December 25.

 

Sa nasabing project ay first time na nakasama ng 38th Star Awards Best Actress sina Vilma at Aga.

 

Kahit ang mga kasamahang writers ay naloka sa eksena ni Nadine sa ipinalabas na full trailer ng movie sa bonggang grand mediacon ng “Uninvited” na ginanap sa Solaire Resort North, sa Quezon City.

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Discover how Filipino craftsmanship shines in ‘Wicked’ as Harvy Santos, Senior Milliner, creates the film’s iconic hats

Posted on: November 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

FILIPINO talent takes center stage in the Land of Oz as Harvy Santos, Senior Milliner for the film adaptation of Wicked, creates its most iconic hats.

 

 

Harvy Santos’ path to becoming a renowned milliner wasn’t a straight one. “I originally came from the Philippines,” Santos shares, recounting his humble beginnings. His fascination with costumes began at just six years old, but it wasn’t until years later, as a ballet dancer with the Hong Kong Ballet, that he began to actively pursue this passion.

 

 

“I used to be a ballet dancer. All of the money that I got from dancing, every payday I would buy myself books on garment construction and costume design.” Santos recalls. He eventually left dance behind and moved to the UK, where he honed his craft at Kensington and Chelsea colleges.

 

 

His creative ingenuity quickly garnered attention—his award-winning hats have graced the pages of Vogue, Harper’s Bazaar, and other prestigious fashion publications.

 

 

Now as Senior Milliner for Wicked, Santos breathes life into headpieces that symbolize empowerment and strength. “Millinery is like sculpture, we started playing with materials, to experiment with shapes,” he says. “Until this post, it’s still fascinating, it’s still challenging, and I quite like those challenges because I get to be inventive and creative with it.”

 

 

Each hat Santos creates helps shape the magical world of Wicked, a tale of friendship, courage, and self-discovery. Reflecting on his role, he says, “Every day, I’m part of what I have accomplished, and knowing the fact that you are contributing on an epic film, that’s very exhilarating.”

 

 

Catch Harvy Santos’ extraordinary creations on the big screen! Wicked is now showing in cinemas nationwide.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

VP Sara kumasa sa psychiatric exam

Posted on: November 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Nagpahayag si Vice President Sara Duterte ng kahandaang sumailalim sa psychological, neuropsychiatric at drug tests kung sasailalim din si Pang. Ferdinand Marcos Jr. at iba pang opisyal ng pamahalaan sa drug test.

 

 

 

Ayon kay Duterte, batid niyang marami ang nagsasabing baliw siya at wala sa tamang pag-iisip kasunod na rin ng kanyang mga aksiyon at pahayag laban sa mga opisyal ng pamahalaan.

 

 

Aniya, handa naman siyang sumailalim sa anumang pagsusuri kung magpapa-drug test din ang mga opisyal ng pamahalaan.

 

“Sinabi nila na ako daw ay krung-krung. Ako daw ay baliw. Ako daw ay wala sa tamang pag-iisip. Ano ba ang sabi ko sa lahat? Psychological test? Kahit ano ‘yan. Neuropsychiatric test? Kahit ano pang test yan, gagawin ko ‘yan. Dagdagan ko pa nang drug test,” ani VP Sara. “Pero dapat magpa-drug test ang lahat ng nagtatrabaho sa Office of the President, Office of the Vice President, sa lahat ng opisina ng Senado, sa lahat ng opisina ng House of Representatives, sa lahat ng departamento ng ating bayan, ng ating pamahalaan.”

 

 

Hamon pa niya, “Magpa-drug test tayong lahat sa harap ng taong bayan.”

 

 

Iginiit ng bise presidente na dapat na ­ipakita ng pamahalaan sa taumbayan na matino ang mga opisyal ng ­gobyerno, sa pamamagitan ng pagpapasuri.

 

Umapela rin siya sa kanyang mga taga­suporta na manatiling kalmado upang maiwasan ang kaguluhan. “Ayaw natin ng kaguluhan. Peaceful assembly at freedom of speech ang ating hangad.” (Daris Jose)

VP Sara Duterte, ipapatawag ng DOJ

Posted on: November 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IPAPATAWAG ng Department of Justice (DOJ) si VP Sara Duterte kasunod ng kanyang pahayag laban kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos, at Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

 

 

Sinabi ni DOJ Undersecretary Jesse Andres na ang National Bureau of Investigation ang may kapangyarihan na i-subpoena si VP Sara.

 

Tinawag ng DOJ si VP Sara na “mastermind” sa likod ng assassination plot laban sa first couple at House Speaker.

 

“The premeditated plot to assassinate the President as declared by the self-confessed mastermind will now face legal consequences”, sinabi ni Usec.Andres sa press briefing sa Palasyo.

 

Ito ay matapos ipahayag ng Pangulong Marcos Jr na ang nasabing pagbabanta ay hindi dapat palagpasin. GENE ADSUARA

NavoConnect

Posted on: November 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MULING inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco, Vice Mayor Tito Sanchez at mga konsehal ng lungsod ang kanilang libreng serbisyo ng Wi-Fi na NavoConnect upang higit na bigyang-diin ang kahalagahan ng connectivity. (Richard Mesa)