• March 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 26th, 2024

Tiangco, itinutulak ang programa ng gobyerno sa pagprotekta sa mga seniors

Posted on: November 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISINUSULONG ni Navotas Congressman Toby Tiangco ang higit pang mga programa ng gobyerno upang matulungan ang mga senior citizen na umangkop sa teknolohiya at nagpo-protekta sa kanila mula sa pandaraya.

 

 

“Our senior citizens are are among the most vulnerable sectors to scams. We in government should make it a priority to help them acclimate to new technology and protect them from fraud,” ani Tiangco.

 

Napansin ni Tiangco kung paano pinabibilis ng teknolohiya ang mga manloloko na gumawa ng mga krimen online.

 

“Kung ang mga tech savvy nga nating mga kababayan nabibiktima pa rin ng scam, paano pa kaya ang mga seniors natin?” tanong niya.

 

Aniya, habang may mga kasalukuyang programa ng gobyerno na nag-aalok ng pagsasanay sa digital literacy, nananatiling mababa ang kamalayan ng publiko tungkol sa mga hakbangin na ito.

 

“Nakakalungkot dahil marami ang di nakakaalam na ang DICT po may transformation hubs na nagbibigay ng libreng trainings at workshops,” ani mambabatas.

 

“Para saan pa ang mga programang ito kung hindi naman sila nagagamit at napapakinabangan ng taumbayan?” dagdag niya.

 

Sinabi pa niya na bukod sa transformation hubs, dapat gawing prayoridad ng DICT ang pagtulong na pagkatiwalaan ng mga nakatatanda ang paggamit ng mga digital platform para sa komunikasyon at mga transaksyon. (Richard Mesa)

NBI, ipatatawag si VP Sara kaugnay sa ‘banta’ kay PBBM

Posted on: November 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG ipatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) si Vice President Sara Duterte habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang gobyerno ukol sa “kill order” ng huli laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

 

 

Sa press briefing sa Malakanyang, araw ng Lunes, sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na nagsimula na ang ahensya ng pag-iimbestiga nito sa ‘online threat’ ni VP Sara.

 

Sinabi ni Santiago na hiniling na ng NBI sa social media giant na Facebook na ipreserba at ingatan ang video para sa nagpapatuloy na imbestigasyon, sinasabi pa na ang video ay authentic at hindi AI (artificial intelligence)-generated.

 

Ayon naman kay Justice Undersecretary Jesse Andres, mamadaliin ang imbestigasyon at haharapin ng may “full force of the law,” lalo pa’t ang banta ay may kinalaman sa buhay ng isang pinakamataas na opisyal ng Pilipinas.

 

“Ang imbestigasyon po na gagawin ng gobyerno ukol sa bagay na ito ay agaran. Importante pong malaman kung ano ang mga naging hakbang para kumuha ng serbisyo ng isang mamamatay tao na nagpaplano ng masama sa ating Mahal na Pangulo,” ayon kay Andres.

 

“Gagawin po ng NBI ang lahat ng hakbang para matunton ang identity nito, kasama ang pag-issue ng subpoena kay Vice President Sara na humarap sa NBI para bigyang kaliwanagan ang kanyang mga pananalita,” dagdag na wika nito.

 

Magugunita na unang sinabi ni VP Sara na may inutusan siya para patayin si Pangulong Marcos, First Lady Liza;at Romualdez kapag siya ay napatay.

 

Ang pagbabanta ni VP Sara ay ginawa nang ang kanyang chief-of-staff, ang Office of the Vice President (OVP) Undersecretary Zuleika Lopez ay na-contempt at nakulong sa House custodial faci­lity nang aminin na hini­ling niya sa COA auditors na huwag mag-comply sa patawag ng Kongreso tungkol sa paggamit ng OVP sa confidential funds. (Daris Jose)

PSC, dodoblehin ang ‘security detail’ ni PBBM

Posted on: November 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

DODOBLEHIN ng Presidential Security Command (PSC) ang security detail ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., lalo na sa kanyang mga public engagements.

 

 

Kasunod ito ng mariing pagbabanta ni VP Sara nang mag-live stream sa detention faci­lity ng Kamara kasama ang na-contempt nitong Chief of Staff na si Atty. Zuleika Lopez nitong Sabado ng madaling araw na kumontak na di umano siya ng ‘assassin’ para patayin sina Pangulong Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Ferdinand Romualdez kapag may nangyari umanong masama sa kanya.

 

“Ang instructions sa amin dito, ido-double natin ang security ni President, lalo sa mga upcoming activities,” ang sinabi ni Maj. Nestor Endozo, PSC civil military operations officer sa mga mamamahayag sa isang panayam.

 

Gayuman, nilinaw ni Endozo na ang public engagements ni Pangulong Marcos ay dapat na ‘neither be limited nor restricted.’

 

Ang desisyon na paigtingin ang seguridad ng Pangulo ay matapos na magpatawag ng emergency meeting ang PSC, araw ng Sabado, matapos ang kontrobersiyal na online statement ni VP Sara.

 

Sa ulat, isang Diehard Duterte Supporters (DDS) vlogger ang nagtanong kay VP Sara para sa seguridad nito at laking gulat ng lahat sa naging kasagutan ni VP Sara.

 

“Nagbilin na ako…. ‘Pag namatay ako, ‘wag ka tumigil hanggang hindi mo mapapatay sila,” pahayag ni VP Sara na tinukoy ang mga pangalan nina Pangulong Marcos, Unang Ginang Liza at Romualdez na siyang mga ipata-target niya sa assassin.

 

“Pag namatay ako mamatay din sila,” banta pa ng Bise Presidente na iginiit na seryoso siya at hindi ito basta “joke , joke lang”.

 

Sa ulat pa rin, nagpatawag ng press briefing si VP Sara matapos silbihan ng transfer order ng Blue Ribbon panel si Lopez para ilipat sa Correctional Institute for Women (CIW) facility sa Mandaluyong City dakong alas-11:30 ng umaga, araw ng Linggo, Nobyembre 24, 2024.

 

Ang transfer order ay matapos “mag-kampo” na si VP sa Kamara na kung hindi nasa opisina ng kanyang kapatid na si Davao City Rep. Paolo Duterte ay nasa detention facility ni Lopez. (Daris Jose)

PBBM, pinalagan ang ginawang pagbabanta ni VP Sara

Posted on: November 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINALAGAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang nakababahalang mga pahayag na narinig ng sambayanang Filipino mula kay Vice-President Sara Duterte nitong mga nakaraang araw.

 

 

Sa naging mensahe ng Pangulo, sinabi nito na nakababahala ang mga pahayag na binitiwan ni VP Sara sabay sabing “Yang ganyang kriminal na pagtatangka ay hindi dapat pinalalampas.”

 

 

Nandiyan aniya ang walang pakundangang pagmumura at ang pagbabanta ng planong ipapatay ang ilang kilala opisyal ng gobyerno at personalidad.

 

 

“Kung ganun na lang kadali ang pagplano sa pagpatay ng isang Presidente, papaano pa kaya ang mga pangkaraniwan na mamamayan?,” ang tanong ng Pangulo.

 

 

Kaya nga, bilang isang demokratikong bansa, kailangan na itaguyod ang tuntunin ng batas.

 

 

“Ako, bilang pinuno ng executive department, at lahat ng mga nanunungkulan sa pamahalaan, ay may sinumpaang tungkulin na tutupdin at pangangalagaan ang Konstitusyon at ang ating mga batas,” aniya pa rin.

 

 

Kaya hindi aniya tama ang pagpigil ng mga halal ng bayan sa paghahanap ng katotohanan.

 

 

Hindi na sana aniya pa rin hahantong sa ganitong drama kung sasagutin lamang ang mga lehitimong katanungan sa Senado at sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

 

 

“Ang katotohanan ay hindi dapat i-tokhang. Tapos na sana ang usapang ito kung tutuparin lamang ang sinumpaang panata na bilang lingkod bayan ay magsabi ng totoo, at hindi hahadlangan.

 

 

Imbes na diretsahang sagot, nililihis pa sa kwentong chicheria,” diving pahayag ng Pangulo.

 

 

Dahil dito, hangad ng Pangulo na matuldukan na ang mga pangyayaring ito sa paraang matiwasay at magdadala sa lahat sa katotohanan.

 

 

Sinabi pa rin niya na sa loob ng 12 taon na kanyang panunungkulan sa magkaparehong kamara ng Kongreso. Batid aniya niya ang kapangyarihang iginawad sa kanila ng taumbayan at ng Konstitusyon.

 

 

“Dahil dito, iginagalang ko ang kanilang gawain bilang isang independenteng sangay ng ating Republika. Kahit ang buong executive branch, lahat ng mga ahensya, ay hindi nakakaligtas at parating sumasailalim sa kanilang masusing pagsusuri,” ang tinuran ng Pangulo.

 

 

Bilang isang bansa aniya ay maraming mga paghamon na dapat harapin at mga suliraning dapat bigyan ng lunas.

 

 

Sa kabila ng mga pambabatikos, nakatuon ang pansin ng Pangulo sa pamamahala. Ngunit tinitiyak aniya niya na hindi niya iko-kompromiso ang Rule of Law. Kailangan aniyang manaig ang batas sa anumang situwasyon at sinuman ang tamaan.

 

 

Dahil dito, iginiit at tiniyak ng Pangulo na “Kaya hindi ko hahayaan magtagumpay ang hangarin ng iba na hatakin ang buong bansa sa burak ng pulitika. Igalang natin ang proseso. Tuparin natin ang batas. Alalahanin natin ang mandato na pinagkatiwala sa atin ng milyong-milyon na Pilipino,”

 

 

“Magtrabaho po tayo sa ikauunlad ng Republika ng Pilipinas at para matamo ang Bagong Pilipinas,” ang panawagan ng Pangulo. (Daris Jose)

 

‘TOKHANG’, hindi dapat maging ‘SILENCE TRUTH’- PBBM

Posted on: November 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINDI dapat pigilan ang paghahanap ng katotohanan ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasabay ng pagpapaalala sa mga opisyal ng pamahalaan na maayos na gampanan ang kanilang tungkulin na protektahan ang bansa at ang Saligang Batas.

 

 

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay kasunod ng matinding bigwas ng mga banta ni Vice President Sara Duterte laban sa kanya, kay Unang Ginang Lisa Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

 

“Ang katotohanan ay hindi dapat i-tokhang. Tapos na sana ang usapang ito kung tutuparin lamang ang sinumpaang panata na bilang lingkod-bayan ay magsabi ng totoo, at hindi hahadlangan,” ang sinabi ni Pangulong Marcos, tinukoy ang itinuturing niyang ‘infamous brand’ ng drug war ng nakalipas na administrasyon.

 

“Kaya hindi tama ang pagpigil sa mga halal ng bayan sa paghahanap ng katotohanan. Hindi na sana hahantong sa ganitong drama kung sasagutin lamang ang mga lehitimong katanungan sa Senado at sa House of Representatives,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang video message.

 

Aniya pa, ang mga personalidad na sangkot dito ay kinakailangan na tugunan ng direkta ang mga usapin upang sa gayon ay malaman ng sambayanang Filipino ang katotohanan.

 

Sa gitna ng mga hamon na kinakaharap ng bansa, sinabi ng Pangulo na nananatili sjyang naka-pokus sa pamamahala. Ipinangako rin ng Chief Executive na hindi nito iko-kompromiso ang ‘rule of law’ na dapat lamang na ipatupad sa lahat.

 

“Kaya hindi ko hahayaan magtagumpay ang hangarin ng iba na hatakin ang buong bansa sa burak ng pulitika,” ang sinabi ng Pangulo.

 

“Igalang natin ang proseso. Tuparin natin ang batas. Alalahanin natin ang mandato na pinagkatiwala sa atin ng milyong-milyon na Pilipino. Magtrabaho po tayo sa ikauunlad ng Republika ng Pilipinas at para matamo ang Bagong Pilipinas.” ang pahayag ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)

Ads November 26, 2024

Posted on: November 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PBBM, pinarangalan ang nag-kampeon na Filipino chorale groups

Posted on: November 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKIISA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagdiriwang sa nag-kampeon na chorale groups na nagdala ng karangalan sa bansa dahil sa kanilang katangi-tanging abilidad sa pag-awit sa international stage.

 

 

Sa isang seremonya sa Palasyo ng Malakanyang, pinarangalan ng First Couple na sina Pangulong Marcos at Unang Ginang Liza Marcos ang pitong chorale groups na nangibabaw sa iba’t ibang international competitions at ipinresenta ang musikang Filipino sa buong mundo.

 

Ang mga singing group ay ang University of the Philippines Manila Chorale, Quezon City Performing Arts Development Foundation Inc. Concert Chorus, Sola Gratia Chorale, University of Mindanao Chorale, Los Cantantes De Manila, IMUSICAPELLA, at University of Santo Tomas Singers.

 

Ang lahat ng grupo ay ipinagkalooban ng P200,000 bawat isa at certificates of appreciation.

 

Sa kanyang naging talumpati, isiniwalat ni Pangulong Marcos na ang kanyang kapatid na si Irene Marcos-Araneta, ang nasa likod ng “Gintong Parangal: Honoring the Champion Choirs of 2024.”

 

Kaya nga, umaasa ang Pangulo na ang seremonya ang siyang magiging tanda ng “beginning of a resurgence of the appreciation of Filipino artists by Filipinos.”

 

“This is world class, international level and Filipinos do not know about it. And they should because every other Pinoy that will hear about this will be proud once again,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

Aniya pa, ang pagkilala ay hindi lamang ang ipagdiwang ang tagumpay ng mga may ‘talented choirs’ kundi pagkilala at paghanga sa kanilang pasyon o pagkahumaling at disiplina.

 

“I hope that tonight will be the first step where we recognize the true artists that are amongst us and the artists that have gone out and have been so committed to their art to present it to the rest of the world. And thank God, the rest of the world says it’s very, very good. You win. So congratulations to all of you,” ang litanya ng Pangulo. (Daris Jose)

Hangarin ni PBBM na ligtas, tahimik na pabahay, tinupad ng NHA

Posted on: November 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben Tai ang groundbreaking ng Navotas Homes 5 Phase 2 nitong Nobyembre 22, 2024.

 

 

Matatagpuan sa Barangay Tanza, Navotas, binubuo ang proyekto ng tatlong low-rise buildings na magbibigay tirahan sa 180 na pamilya.

 

Bawat unit may sukat na 24 sqm. at kumpleto sa mga pangunahing pasilidad. Kasama rin sa itatayo sa lugar ang mga pasilidad katulad ng isang community center, terminal ng traysikel at police station.

 

Ang proyektong pabahay na ito ay bahagi ng plano ng Navotas na bigyan ng kalidad na tahanan ang natitirang 6,500 informal settler families (ISFs) sa lungsod na naninirahan sa mga mapanganib na lugar tulad ng mga daluyan ng tubig.

 

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Tai ang kahalagahan ng seremonya bilang bahagi ng pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magbigay ng maayos na tirahan at pangmatagalang komunidad para sa mga Pilipino.

 

“Ang okasyon pong ito isang pagpapatunay ng aming parte at suporta para sa ikatatagumpay ng hangarin ng ating Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na mabigyan ang ating mga kababayan ng ligtas na pabahay sa tahimik na komunidad,” sabi ni Tai.

 

Kasama sa programa sina NHA Assistant General Manager Alvin S. Feliciano at North Sector Regional Manager Jovita G. Panopio.

 

Dumalo rin sa seremonya sina Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Undersecretary Roland Samuel T. Young, Navotas City Lone District Representative Tobias Tiangco, Mayor John Reynald M. Tiangco at Vice Mayor Tito Sanchez.

 

Sa kabuuan, inaasahang makikinabang ang 1,440 Navoteñong pamilya mula sa kabuuang 24 low-rise buildings na bahagi ng proyekto. (PAUL JOHN REYES)

Pinoy chessmaster Mario Mangubat nagkampeon sa FIDE World Senior

Posted on: November 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KINORONAHAN bilang bagong FIDE World Senior 65+ Rapid Champion si Filipino FIDE Master Mario Mangubat.

 

 

 

Nagwagi kasi ang 66-anyos na Minglanilla, Cebu native sa Rapid tournament sa 32nd FIDE World Senior Chess Championship na ginanap sa Porto Santo Island, Portugal.

 

 

Nagtala ng 4.5 points sa anim na laro para makuha ang titulong 65+ category.

 

 

Pumangalawa naman sa puwesto si International Masters Aitkazy Baimurzin habang pumangatlong puwesto si Marat Primetov ng Kazakhstan.