TATLONG crew members ng isang nasiraang yate ang nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) sa koordinasyon ng mga lokal na otoridad malapit sa karagatan sakop ng Barangay Binalas, Lubang, Occidental Mindoro.
Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
TATLONG crew members ng isang nasiraang yate ang nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) sa koordinasyon ng mga lokal na otoridad malapit sa karagatan sakop ng Barangay Binalas, Lubang, Occidental Mindoro.
PORMAL nang inilunsad ni Quezon City Mayor Joy Belmonte bilang Acting President ng League of Cities of the Philippines (LCP) ang kauna-unahang Mobile Legend Bang Bang Tournament na inorganisa ng LCP sa isang simpleng pagtitipon sa Solaire Hotel sa Quezon City.
NAGTALA ng record sa kasaysayan ng NBA si San Antonio Spurs star Victor Wembanyama.
Siya lamang kasi ang pang-apat na pinakabatang manlalaro ng NBA na nagtala ng 50 points sa isang laro.
Naitala nito ang nasabing puntos sa panalo ng Spurs kontra Washington Wizards 139-130.
Sa edad nitong 20-anyos at 314 na araw ay kasali na siya sa listahan na unang naitala nina Devin Booker, LeBron James at Brandon Jennings.
NAGBIGAY ng isang mungkahi ang Department of Transportation (DOTr) na magkaroon ng dalawang direksyon ang takbo ng mga buses sa EDSA Carousel upang maiwasan ang paggamit ng mga ilegal na mga sasakyan.
HINILING ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga miyembro ng media araw ng Huwebes na tumulong na tiyakin ang pagsasagawa ng malinis, tapat at transparent midterm elections sa susunod na taon at bantayan ang demokrasya ng bansa.
TINATAYA ni Ambassador Romualdez na nasa 300,000 Filipino nationals, na karamihan na pumasok sa U.S. ng legal subalit nag-overstay lagpas sa kanilang visas ay posibleng maapektuhan ng mas mahigpit na immigration policies.
PINAALALAHANAN ni Navotas City Congressman Toby Tiangco ang publiko na manatiling mapagbantay laban sa “love scams.”
“Siyempre, sana all may love life pero ayaw natin na maloko lang ng pekeng pag-ibig ang mga kababayan natin. True love dapat ang mahanap nila, hindi kriminal,” ani Tiangco.
“Huwag po basta-basta magpadala sa damdamin. Hindi po sa lahat ng bagay, puso ang una nating paiiralin. Pinag-iingat natin ang mga kababayan natin dahil may mga masasamang-loob na patuloy na mananamantala kahit na alam nilang labag sa batas ang ginagawa nila.” dagdag niya.
Binanggit ni Tiangco ang isang pag-aaral mula sa isang pandaigdigang kumpanya ng impormasyon at mga insight na nagpapakita na, sa unang kalahati ng taon, 18 porsiyento ng suspected digital fraud attempts sa communities sector gaya ng mga online forum at dating site—ay nagmula sa Pilipinas.
“Nakakalungkot dahil marami pa ring nabibiktima ang ganitong modus na pinagsasamantalahan ang damdamin ng ating mga kababayan,” sabi pa ng mambabatas.
“Scammers target even the most personal and basic aspirations of people – to be loved and be in a committed relationship. Let us protect Filipinos from the financial, emotional, and psychological damage these scams cause,” dagdah niya.
Ayon sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), ang love scams ay nagsasamantala sa mga biktima sa pamamagitan ng paglikha ng mga pekeng pagkakakilanlan upang bumuo ng tiwala, pagkatapos ay ginagamit ang ilusyon ng isang relasyon upang manipulahin, mangikil, o magnakaw mula sa kanila.
“Huwag po tayong ma-fall sa ganitong modus. Iwasan po nating maging marupok at huwag basta-basta ibigay ang tiwala,” paalala niya.
Pinaalalahanan din niya ang publiko na manatiling mapagbantay at mag-ulat ng mga kahina-hinalang mensahe at aktibidad sa anti-scam hotline 1326. (Richard Mesa)