• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 5:17 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2024

Cong. Toby; buhay ng mga Pinoy umunlad sa Bagong Pilipinas program

Posted on: September 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ni Navotas City Congressman Toby Tiangco na patuloy na lumalakas ang pananaw ng administrasyon sa Bagong Pilipinas program dahil umano sa pagbabago sa kalidad ng pamumuhay ng maraming Pilipino.

 

 

Patunay ito sa latest survey ng Social Weather Station (SWS) na 39% ng mga nasa hustong gulang na Pilipino na naniniwala na umunlad ang kanilang pamumuhay kumpara sa sa nakalipas na isang taon.

 

 

“The recent SWS survey is a clear reflection of the current administration’s effective governance.We’ve witnessed consistent efforts to reduce inflation, bolster food security, enhance education programs, attract foreign investments and expand social welfare initiatives, kaya hindi rin nakakagulat na nararamdaman ng mga kababayan natin na bumubuti ang kanilang buhay,” ani Tiangco.

 

 

Ang survey, na isinagawa mula Hunyo 23 hanggang Hulyo 1, nagpakita umano ng pagtaas ng +15 o paglobo ng 10-puntos kumpara sa survey ng Marso 2024 sa patas na marka na +5.

 

 

Ayon sa mambabatas, ang pagtaas ng marka na iniuugnay sa reporma ng administrasyon sa agrikultura, edukasyon, pagbangon ng ekonomiya, pamumuhunan at kapakanan ng ekonomiyang panlipunan na mahalagang sangkap upang direktang maramdaman ng bawa’t Pilipino.

 

 

“President Bongbong Marcos’ vision of a Bagong Pilipinas is anchored on transformation and driven by principled, accountable and dependable government.

 

 

This is streamlined across government programs which have exponentially expanded assistance to Filipinos, ushered in economic recovery and pushed for policy reforms,” dagdag niya.

 

 

Umaasa si Tiangco na marami pang mga magagandang bagay na darating lalo na’t nananatiling nakatutok ang administrasyon sa pangakong mga programa na layuning paunlarin ang ekonomiya at mapabuti ang buhay ng mga ordinaryong Pinoy. (Richard Mesa)

2,500 trabaho alok sa Manila job fair

Posted on: September 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NASA 2,500 na bakanteng trabaho sa Maynila ang inaalok sa gaga­naping job fair na bukas din maging sa mga elementary o high school graduates.

 

 

Sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna na isasagawa ng pamahalaang lungsod ng Maynila bukas, Setyembre 25, 2024, ang “Kalinga sa Maynila PESO Job Fair” bilang highlight ng lingguhang regular interaction forum sa mga barangay.

 

 

Sinabi ni Lacuna na bukas ang job fair sa lahat ng high school graduates, college level, college at tech/vocational graduates at gaganapin mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali sa kanto ng P. Paredes at Delos Reyes Streets sa Sampaloc, Maynila.

 

 

Nasa 2,500 na bakanteng trabaho sa Maynila ang inaalok sa gaga­naping job fair na bukas din maging sa mga elementary o high school graduates.

 

 

Sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna na isasagawa ng pamahalaang lungsod ng Maynila bukas, Setyembre 25, 2024, ang “Kalinga sa Maynila PESO Job Fair” bilang highlight ng lingguhang regular interaction forum sa mga barangay.

 

 

Sinabi ni Lacuna na bukas ang job fair sa lahat ng high school graduates, college level, college at tech/vocational graduates at gaganapin mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali sa kanto ng P. Paredes at Delos Reyes Streets sa Sampaloc, Maynila.

Ads September 26, 2024

Posted on: September 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

DOLE pinaalalahanan ang mga first-timer jobseeker na samantalahin ang mga libreng pagkuha ng pre-employment documents

Posted on: September 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAALALA ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga first-time jobseekers na samantalahin ang libreng pagkuha ng mga pre-employment documents.

 

 

Ayon sa DOLE na hindi na dapat maging sagabal ang kawalan ng budget para sa mga bagong graduate para makakuha ng mga kinakailangang dokumento.

 

 

Kinabibilangan ito ng mga birth and marriage certificates, transcript of records at iba pa.

 

 

Giit pa ng DOLE na mayroon ng batas na ito ay ang Republic Act (RA) 11261 o ang First Time Jobseekers Assistance Act kung saan hindi maniningil ang gobyerno sa mga first time jobseekers ng kanilang kailangang dokumento sa pag-apply.

Pagkakasangkot ng dating PNP chief sa pagtakas ni Guo isa lamang umanong tsismis – CIDG

Posted on: September 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ITINUTURING  na isa lamang tsismis umano ang impormasyon na isang dating PNP chief ang tumulong kay dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo na tumakas sa bansa.
Sinabi ni PNP Criminal Investigation and Detection Group chief PMGen. Leo Francisco, na kaniyang nakausap si Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) Raul Villanueva at sinabing wala itong matibay na ebedensiya.
Una isinawalat ni Villanueva, na bilang retiradong sundalo, sa senado na mayroong dating PNP chief ang tumatanggap din ng payola kay Guo.
Dahil sa pagsisiwalat ni Villanueva ay ititigil na ng PNP ang kanilang imbestigasyon para tukuyin kung sino ang sinasabing dating PNP chief. (Daris Jose)

Kahit may impeksiyon sa baga… Alice Guo, ihahalo sa 43 PDLs sa Pasig City Jail — BJMP

Posted on: September 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAILIPAT na sa Pasig City Jail Female Dormitory si dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo kung saan makakasama nito ang nasa 43 iba pang persons deprived of ­liberty (PDLs) matapos na magnegatibo ang medical examination hinggil sa umano’y impeksiyon sa baga.

 

 

Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) spokesperson JSupt. Jayrex ­Bustinera, alas 3:43 ng hapon nang ipasok sa selda si Guo kung saan sumalang ito sa booking process at mug shots.

 

 

Una nang dinala si Guo sa isolation room ng city jail kasama ang tatlong iba pa na may sakit na tubercolosis matapos na makitaan ng infection sa kaliwang baga.

 

Sa resulta ng medical examination makakasama na ni Guo ang iba pang babaeng inmates at makaka­tabi sa pagtulog sa kama ang nasa limang PDLs. Nasa Cell No. 3 si Guo.

 

 

Alas-9:33 ng umaga kahapon nang ihatid ng Philippine National Police sa city jail si Guo batay na rin sa kautusan ng korte.

 

Nagkaroon ng pagbabago nang maghain ng mosyon ang kampo ni Guo na manatili ito sa PNP Custodial Center na inaprubahan ng korte dahil na rin sa umano’y banta sa buhay nito.

 

 

Subalit makalipas ang isang oras, muling naglabas ng order ang korte na mananatili na si Guo sa city jail.

 

 

Tiniyak din ni ­Bustinera na mas hinigpitan pa nila ang seguridad ni Guo kung saan nagdagdag na sila ng kanilang mga personnel.

 

 

Nahaharap si Guo sa kasong qualified human trafficking na isang non-bailable case.

Ads September 25, 2024

Posted on: September 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Eye glasses at wheelchair, sagot na rin ng PhilHealth

Posted on: September 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAGANDANG balita dahil sasagutin na rin ng PhilHealth ang mga prescription glasses, crutches, walker at wheelchair ng mga miyembro nito sa Enero 2025.

 

 

Ito’y bunsod na rin ng pakiusap ni House Speaker Martin Romualdez sa mga opisyal ng PhilHealth.

 

 

“Problema talaga ng mga seniors at PWDs ang mga gamit na ito sa pang-araw-araw para sila ay makakilos kung kaya’t naisipan ni Speaker Romualdez na ipasagot na rin sa PhilHealth ang mga ito,” ayon kay House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo.

 

 

Pinulong ni Cong. Tulfo at ang Office of the Speaker ang mga opisyal ng PhilHealth sa pangunguna ni Pres. Mandy Ledesma sa Kongreso noong nakaraang Huwebes.

 

 

“Pumayag po ang PhilHealth na sagutin na ang mga kagamitang ito simula sa pagpasok ng taon,” ani Tulfo.

 

 

“Kadalasan ay mga wheelchair ang hiling ng mga kababayan natin lalo na ‘yung mga senior at PWD pero pinasama na rin ni Speaker Romualdez ang mga salamin sa mata, saklay at walker.”

 

 

“Bawas gastos ito sa mga kababayan natin lalo na sa mga mahihirap, na ito ang parating inilalapit sa Office of the Speaker,” pahabol ni Tulfo.

 

 

Humingi naman si Pres. Ledesma ng hanggang sa Enero sa susunod na taon para sa implementasyon ng programa para mabuo ang mechanics ng nasabing programa.

 

 

“Bubuuin po namin ang mechanics kung papaano nila ma-avail ang mga wheelchair at salamin, kung saan o anu-anong optical center at mga botika o tindahan nila maaaring makakuha ang mga ito,” ani Ledesma.

Naoko Yamada’s latest anime film, “The Colors Within,” arrives in PH cinemas on October 23

Posted on: September 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

A heartfelt journey of friendship and music, the award-winning film “The Color Within” promises a breathtaking experience.

 

From the visionary director of the beloved anime series “K-On!,” Naoko Yamada brings another heartwarming masterpiece to life with her latest film.

 

 

Set to open in the Philippines on October 23, this beautifully crafted anime film invites viewers to embark on an unforgettable journey of friendship, music, and the vibrant emotions that color our world.

 

 

At the heart of “The Colors Within” is Totsuko, an ordinary high school student with an extraordinary gift—she can see the colors of people’s emotions. These colors help her understand the inner worlds of those around her, each hue representing a unique feeling. But her favorite color belongs to her classmate Kimi, who exudes a beautiful shade that resonates deeply with Totsuko.

 

 

As their bond strengthens, Totsuko, Kimi, and a quiet but talented classmate named Rui form a band. Their shared love for music becomes the canvas on which they paint their emotional journeys, creating melodies that reflect their deepest thoughts and connections.

 

“The Colors Within” first captivated audiences when it made its world premiere at the Annecy International Animation Film Festival in France. Critics praised its emotional depth, captivating animation, and enchanting musical score. It was quickly recognized as a standout in its genre, winning the prestigious Golden Goblet Award for Best Animation Film at the 2024 Shanghai International Film Festival.

 

 

Naoko Yamada’s signature style shines through in “The Colors Within,” combining poignant storytelling with stunning visuals. Known for her delicate portrayal of emotions in series like “K-On!,” Yamada takes viewers on an evocative journey, blending the universal language of music with the complex, colorful world of human emotions.

 

 

With a visually stunning palette and a heartfelt narrative, “The Colors Within” promises to be a cinematic experience that will resonate with audiences long after the credits roll.

 

 

Don’t miss your chance to see this highly anticipated anime film as it makes its Philippine debut in cinemas on October 23. Whether you’re a fan of “K-On!” or simply in search of a moving story about friendship and music, “The Colors Within” is a must-see.

 

 

For the latest updates on the film, including behind-the-scenes content and special features, follow Encore Films PH on Facebook and Instagram (@encorefilmsph).

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Dahil nag-anunsiyo na tatakbong alkalde ng Maynila: SAM, walang dudang isa si ISKO sa mahigpit na makakalaban

Posted on: September 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL nag-anunsiyo na si Sam Versoza na tatakbo siyang alkalde ng siyudad ng Maynila, walang dudang si Isko Moreno ang isa sa mahigpit niyang makakalaban sa eleksyon sa Mayo sa isang taon.

 

 

Sa tanong namin kay Sam kung magkakilala ba sila ng personal ni Isko, ang sagot ni Sam ay…

 

 

“Ilang beses na rin kaming nagkasabay, mga awards night. Sabay kami na pinarangalan.

 

“Nagkasama rin kami nung magtayo ako ng E-skuwela sa Maynila para sa mga kabataan noong pandemya.

 

“Pumunta si Isko. May pictures kami.

 

 

“Marami kaming pictures ni Isko so masaya ako, nakilala ko siya at nakatulong kami na magkasama.

 

 

Samantala, happy si Sam sa kanyang recent Ayuda Na Hindi Trapo event dahil mataginting na “Mayor” na ang tawag sa kanya ng mga taga-Barangay 128, Zone 10 sa Smokey Mountain.

 

 

“Ngayon lang siguro nangyari ito sa buong Barangay 128,” kuwento ni Sam o SV.

 

 

“Buong Tondo, sabi ko lahat ng pamilya dito, gusto kong mabigyan ng biyaya.Walang uuwing malungkot.

 

 

“Lahat uuwing masaya, may ngiti sa mukha at may pag-asa.”

 

 

Kaya kahit abala bilang isang businessman via Frontrow, TV host (with his GMA show Dear SV) at Tutok To Win Party-list Representative, nais ni Sam na paglingkuran ang mga mamamayan sa Maynila.

 

 

Iyong ayuda raw na dalawang libo kada buwan para sa mga senior citizens, sisiguraduhin niya na lahat ay mayroon at hindi na kakailanganin pang pumila, bagkus ay kusa ng papasok sa ATM card na bawat senior.

 

 

At kung nasanay na raw ang marami sa ayudang murang noodles at sardinas, Spam at bigas at gatas na Ensure ang pangako ni Sam.

 

 

***

 

 

ARGENTINIAN ang ama, Pinay ang ina, parehong nasa Pilipinas ang mga magulang ni Chanty Videla; sa katunayan, kasama niya ang mga ito sa mediacon ng kinabibilangang youth-oriented show, ang MAKA ng GMA.

 

 

Miyembro ng South Korean girl group si Chanty, ang Lapillus ay may anim na miyembro na kinabibilangan rin nina Shana, Yue, Bessie, Seowon, and Haeun.

 

 

Pinagkuwento namin si Chanty kung paano siya naging member ng Lapillus.

 

 

Aniya, “Well, our company decided to create an international group.

 

 

“The company that handles our group, our management.”

 

 

Ang MLD Entertainment na nangangalaga sa kanyang career at ng Lapillus ang tinutukoy ni Chanty.

 

 

Pagpapatuloy niya, “Decided to create an international group, kaya po napasali yung mga foreigners just like me na half Pinay and Argentinian.

 

 

“Nag-audition din po ako and meron din po kaming members na Japanese and Chinese- American and the rest are Korean.

 

 

“So medyo we’re a mix of different countries.”

 

 

Si Chanty lamang ang nag-iisang may dugong Pinoy sa grupo.

 

 

Gaano katagal na ang Lapillus?

 

 

“We are two years old pa lang po. Bago pa lang po talaga.

 

 

“Yes, we debuted last 2022 and we debuted with our song called Hit Ya! And Korean song po siya. And nakatatlo na po kaming songs so far and hopefully, meron po kaming newer songs po in the future and that’s what we’re praying for.”

 

 

Nakilala na ni Shanty si Sandara Park o Dara na miyembro ng 2NE1.

 

 

“Na-meet ko po si Ms. Sandara po sa promotion po sa Korea, kasi nagkasabay kami ng promotion one time.”

 

 

Nakausap niya si Sandara?

 

 

“Yes, naka-meet… nakausap ko po siya.”

 

 

Nag-Tagalog raw sila pareho.

 

 

“Nag-Tagalog po kami. Nag-TikTok pa po kami together, so sobrang saya po ng experience po.”

 

 

Sparkle artist na si Chanty ngayon pero hindi siya umalis sa Lapillus.

 

 

Sa MAKA, nabanggit ni Chanty na hindi man siya all-out bully bilang si Chanty Villanueva pero medyo may pagka-bully siya sa show.

 

 

Nasa MAKA rin sina Zephanie, Ashley Sarmiento, at Marco Masa, at ang iba pang Sparkle teen talents na sina Olive May, John Clifford, Dylan Menor, Sean Lucas, at May Ann Basa na kilala rin bilang si Bangus Girl.

 

 

Bida rin sa MAKA si Romnick Sarmenta kung saan kasama rin ang mga kapwa niya That’s Entertainment alumni na sina Tina Paner, Jojo Alejar, Sharmaine Arnaiz, at Maricar De Mesa, at ang beteranang aktres na si Carmen Soriano, sa direksyon ng best-selling author na si Rod Marmol.

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)