• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 1:32 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2024

Lakas-CMD dumarami ang miyembro sa House – Romualdez

Posted on: September 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IPINAGMALAKI ni Speaker Martin Romualdez na mahigit sa one-third ng 310 na mambabatas ng House of Representatives ay miyembro na ng ruling party na LAKAS-CMD.

 

 

Ayon kay Romualdez na mayroon ng 109 na Lakas-CMD members ngayon sa House.

 

 

Pinakahuling sumali ay sina Zamboang del Sur Rep. Victoria Yu, dating Nacionalista Party member Raul Tupas ng Iloilo at Bukidnon Rep. Jose Manuel Alba.

 

 

Dagdag pa ni Romualdez na ang kanilang pakikipag-alyansa ay nagpapalawak ng suporta sa kongreso para sa pagsuporta sa isinusulong ng programa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na kaunlaran at mga programa sa Bagong Pilipinas. (Vina de Guzman)

Barko ng China sa West Philippine Sea, lumobo sa 251

Posted on: September 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LUMOBO na sa 251 ang bilang ng mga barko ng China na namataan sa West Philippine Sea bunsod ng mga militia vessels na nakapaligid sa kinaroroonan ng BRP Sierra Madre.

 

 

Ayon sa report ng Philippine Navy, umaabot na sa 251 China Coast Guard (CCG) ships, People’s Liberation Army-Navy (PLA-N) warships at Chinese maritime militia (CMM) vessels ang naitala mula Setyembre 17 hanggang 23.

 

 

Ang mga Chinese ship na namataan sa WPS ay 2 CCGs, 2 PLANs, 7 CMMs, 1 research ship sa Bajo de Masinloc; 9 CCGs, 62 CMMs, 1 research vessel sa Ayungin Shoal; 1 CCG, 23 CMMs, 1 research vessel sa Pagasa Islands; 3 PLANs sa Likas Island; 2 CMMs sa Panata Island; 16 CCGs, 11 PLANs, 55 CMMs sa Escoda Shoal at 18 CMMs sa Iroquois Reef.

 

 

Sinabi ng PN na ang nasabing bilang ay record breaking at mas mataas sa 157 vessels na naitala mula Setyembre 10 hanggang 16.

 

 

Karamihan ng mga barko ng China ay nakikita sa Ayungin Shoal at Escoda Shoal.

 

 

Ang BRP Sierra Madre ay nakadaong sa Ayungin Shoal.

 

 

Noong nakaraang linggo nang tinanggal ng Philippine Coast Guard sa Escoda Shoal ang BRP Teresa Magbanua.

 

 

Sa kabila nito, iginiit ni Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, spokesman ng Philippine Navy sa WPS na hindi ito nangangahulugan na China na ang may kontrol sa South China Sea at ginagawa naman lahat ng AFP ang kanilang mandato para protektahan ang soberenya ng bansa. (Daris Jose)

Hindi nagamit na RFID na RFID Load dapat puwede i-refund sa motorista

Posted on: September 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAPASALAMAT ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa DOTR at Toll Regulatory Board at pinakinggan nila ang mga pagtutol ng mga motorista sa balak na magpataw ng malalaking multa sa walang RFID o kulang sa load kapag dumadaan sa mga tollways.

 

 

Ibig sabihin ay mananatili ang mga cash lanes sa mga tollways.

 

 

Matapang rin ang pahayag ng Toll Regulatory Board na pagmumultahin nila ang mga toll operators at RFID providers na palpak sa performance indicators kabilang ang delay sa pagpasok ng RFID load at palpak na mga barriers.

 

 

Pero may isa rin pong mungkahi ang LCSP kung mamarapatin ng TRB at DoTR – Puede ba ma refund ng mga motorista ang binayad nila sa pag load kung hindi ito nagamit?

 

 

Isa kasi sa duda ng mga motorista ay ang tinatawag na “floating money”.

 

 

Halimbawa nag load ka ng P1000 pesos pero 300 pesos lang ang nagamit. Maari bang ma refund yun 700 pesos para magamit ng motorista sa ibang bagay? Pera naman nila yun dahil hindi naman nagamit.

 

 

Isa pang tanong. Pwede bang magbayad sa tollways gamit ang credit card, debit card , paymaya o ano mang e-wallet sa pagpasok sa mga tollways?

 

 

Diba cashless mode of payment din yun?

 

 

Ang option ng pagbabayad sa tollways ay dapat sa motorista dahil sila ang nagbabayad sa paggamit ng toll. Bakit lilimitahan mo ang option nila sa isang RFID provider lang?

 

 

Sana ay makonsidera ng DoTR at TRB ang mungkahi na refundable ang RFID load na hindi nagamit dahil pera yun ng motorista at hindi ng RFID provider. HINDI NAGAMIT na RFID LOAD DAPAT PWEDE i-RE… by Lira Poralan6:39 AMLira PoralanHINDI NAGAMIT na RFID LOAD DAPAT PWEDE i-REFUND ng MOTORISTA

 

 

Nagpapasalamat ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa DOTR at Toll Regulatory Board at pinakinggan nila ang mga pagtutol ng mga motorista sa balak na magpataw ng malalaking multa sa walang RFID o kulang sa load kapag dumadaan sa mga tollways.

 

 

Ibig sabihin ay mananatili ang mga cash lanes sa mga tollways.

 

 

Matapang rin ang pahayag ng Toll Regulatory Board na pagmumultahin nila ang mga toll operators at RFID providers na palpak sa performance indicators kabilang ang delay sa pagpasok ng RFID load at palpak na mga barriers.

 

 

Pero may isa rin pong mungkahi ang LCSP kung mamarapatin ng TRB at DoTR – Pwede ba ma refund ng mga motorista ang binayad nila sa pag load kung hindi ito nagamit?

 

 

Isa kasi sa duda ng mga motorista ay ang tinatawag na “floating money”.

 

 

Halimbawa nag load ka ng P1000 pesos pero 300 pesos lang ang nagamit. Maari bang ma refund yun 700 pesos para magamit ng motorista sa ibang bagay? Pera naman nila yun dahil hindi naman nagamit.

 

 

Isa pang tanong. Pwede bang magbayad sa tollways gamit ang credit card, debit card , paymaya o ano mang e-wallet sa pagpasok sa mga tollways?

 

 

Diba cashless mode of payment din yun?

 

 

Ang option ng pagbabayad sa tollways ay dapat sa motorista dahil sila ang nagbabayad sa paggamit ng toll. Bakit lilimitahan mo ang option nila sa isang RFID provider lang?

 

 

Sana ay makonsidera ng DoTR at TRB ang mungkahi na refundable ang RFID load na hindi nagamit dahil pera yun ng motorista at hindi ng RFID provider.has context menu. (Atty. Ariel Inton)

Magna Carta for Pinoy Seafarers, batas na

Posted on: September 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. angSenate Bill No. 2221 at House Bill No. 7325 o Magna Carta for Filipino Seafarers.

 

 

Sa ceremonial signing na pinangunahan ng Pangulo sa Malakanyang, sinabi nito ang kahalagahan ng bagong batas na naglalayong ipaglaban ang karapatan at pagpapahalaga sa mga seafarers na nagtatrabaho at nagsasakripisyo sa ibang bansa.

 

 

“At its core, this new law aims to uphold the fundamental rights of our overseas seafarers: their right to fair wages, safe working conditions, and skills and competency development, amongst others,” sinabi pa ni Marcos.

 

 

Pahayag pa ni ­Pangulong Marcos, na ang patas na sweldo ay hindi lamang tungkol sa patas na numero sa paycheck kundi dapat makakuha rin ng patas na kabayaran ang mga seafarers para sa kanilang hirap at dedikasyon.

 

 

Pagdating naman aniya sa kondisyon sa trabaho, ang mga kumpanya ay hindi lamang dapat nakatutok sa pagsunod kundi dapat din tiyakin ang kaligtasan at proteksyon hindi lamang mula sa mga panganib na kinakaharap kundi pati na rin sa pananamantala at diskriminasyon.

 

 

Dagdag pa ng Pangulo na ang Magna Carta ay naaayon para sa makasabay sa pamantayan sa pagsasanay, Certification and Watchkeeeping (STCW) gayundin sa pagtanggap sa global maritime labor laws.

 

 

Sa pamamagitan aniya nito ay tiyak na ang mga seafarer natin ay hindi lamang sumusunod kundi mahusay at handang harapin ang mga hamon ng nagbabagong industriya ng maritime. (Daris Jose)

TRB ‘di muna maniningil ng penalty sa mga walang RFID

Posted on: September 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINIGURO ng Toll Regulatory Board (TRB) na hindi sila maniningil ng penalty sa mga hindi susunod sa paglalagay ng Radio Frequency Identification (RFID) sa kanilang mga sasakyan.

 

 

Pahayag ito ng TRB sa kabila nang sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na sisimulan na sa Enero ang paniningil ng multa sa mga sasakyang walang nakakabit na RFID.

 

 

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni TRB executive director Atty. Alvin Carullo, aayusin muna ang operation issues ng mga toll operators.

 

 

 

“Pag-aaralan po namin, kung sa dumating ­January natin talagang hindi pa rin nakakamit nila iyong tinatawag natin na efficiency ng ating toll operation system, maaari po na i-differ pa natin ng further,” ayon kay Carullo.

 

 

Nasa P1,000 ang multa para sa first offense, P2,000 sa second offense at P5,000 sa subsequent offenses.

 

 

Tiniyak naman ni Carullo na pagmumultahin ang mga toll operators kung mabibigo silang ayusin ang kanilang sistema. (Daris Jose)

P10.5 bilyong budget ng Office of the President sa 2025 aprub agad sa loob ng 10 minuto

Posted on: September 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINDI umabot ng 10 minuto ang ginawang pag-apruba ng Senate Finance Subcommittee sa panukalang P10.5 bilyon budget ng Office of the President para sa 2025.

 

 

Humarap sa Finance Subcommittee na pinamumunuan ni Sen. Grace Poe si Executive Secretary Lucas Bersamin.

 

 

Ang panukalang budget ng tanggapan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa susunod na taon ay mas mababa ng 1.88% kaysa sa budget ngayong 2024.

 

 

Ipinunto ni Poe na ilan sa mga ehensiya na nasa ilalim ng Office of the President, katulad ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ay nakatulong sa mga anti-crime initiatives, lalo na sa isyu ng mga ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

 

 

“The President has created the new presidential office for child protection and I think it’s high time for that and many of us are very grateful to protect our children, the most vulnerable in society,” ani Poe.

 

 

Sinabi naman ni Bersamin na ang pagbabawas sa panukalang budget ay hindi makakaapekto sa paghahatid ng mga serbisyo ng Pangulo sa mga Pilipino.

 

 

Mabilis na naaprubahan ang panukalang budget ng OP dahil sa tinatawag na “parliamentary courtesy.” (Daris Jose)

LTO bibili ng breath analyzers sa pagtugis sa mga lasing na driver

Posted on: September 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HANDANG bumili ang Land Transportation Office (LTO) ng dagdag na breath analyzers para sa kaligtasan ng lahat ng motorista sa bansa.

 

 

Ang naturang breath analyzers ay para sa full implementation ng Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013. Sa pamamagitan ng naturang analyzers ay madalian nang madedetermina ang isang motorista na lango sa alak na isang dahilan kung bakit nagkakaroon ng aksidente ang mga motorista sa lansangan.

 

“And to ensure effective enforcement, we have to download as many breath analyzers that could be used by traffic and law enforcers on the ground,” sabi ni LTO Chief Vigor Mendoza.

 

 

Aniya, inaalam din ng tanggapan kung ano ang nangyari sa 756 units ng breath analyzers na nabili noong 2015 at 2017.

 

 

 

Sa 756 units ng breath analyzer, halos lahat ay sira na at aabot lamang sa 288 dito ang maaaring makumpuni.

 

 

Sinabi ni Mendoza na mahalaga na maipamahagi ang mga breath analyzers sa bawat rehiyon upang maipatupad nang husto ang naturang batas. (Daris Jose)

 

Kelot na wanted sa rape sa Valenzuela, nasilo sa Laguna

Posted on: September 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HIMAS-REHAS ang isang lalaki na wanted sa kaso ng panggagahasa sa Lungsod ng Valenzuela matapos makorner ng pulisya sa manhunt operation sa Sta. Cruz Laguna.

 

 

Sa ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pinagtataguang lugar ng 37-anyos na akusado na kabilang sa mga most wanted person sa lungsod.

 

 

Inatasan ni Col. Cayaban ang Warrant and Subpoena Section (WSS) na bumuo ng team para sa isasagawang pagtugis sa akusado.

 

 

Kaagad namang ikinasa ng WSS ang manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado sa kanyang pinagtataguang lugar sa Brgy. Palasan, Sitio 5, Sta. Cruz Laguna, dakong alas-9:30 ng gabi.

 

 

Ang akusado ay binitbit ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Mateo B Altarejos ng Regional Trial Court Branch 16-FC, Valenzuela City noong July 8, 2019 para sa kasong Rape.

 

 

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado na nakapiit ngayon sa custodial facility unit ng Valenzuela police habang hinihintay ang commitment order mula sa hukuman.

 

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas si Col. Cayaban at ang kanyang mga tauhan sa kanilang pagsisikap na tugisin ang mga taong wanted na pinaghahanap ng batas na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado. (Richard Mesa)

PBBM, kumpiyansa na mas mababawasan ang presyo ng bigas

Posted on: September 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas mababawasan ang presyo ng bigas sa bansa.

 

 

“Doon sa rice mukha namang sumusunod doon sa projections natin sa rice prices. And it seems to be consistent again with the same experience of other ASEAN countries like Thailand and Vietnam,” ayon kay Pangulong Marcos sa idinaos na sectoral meeting sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes.

 

 

“So, I think as the time goes on, that should improve,” aniya pa rin.

 

 

Sinabi naman ng Presidential Communications Office (PCO) na bigas ang itinuturing na top inflation driver, nakapag-ambag ng 1.3% na puntos sa inflation.

 

 

“Inflation further decelerated to 14.7 percent, but prices remained elevated,” ayon sa PCO.

 

 

Ang mga presyo ng bigas sa Vietnam at Thailand ay naging moderate noong nakaraang buwan, nakasaad sa available data para sa buwan ng September ang pagbabago sa presyo ng kalakal.

 

 

Matatandaang, ang campaign promise ni Pangulong Marcos ay ibaba ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo.

 

 

“The aspiration hinges on fixing the value chain, or the series of stages involved in producing a product or service that is sold to consumers, with each state adding to the value of the product or services.” ang sinabi ng Chief Executive.

 

 

Samantala, sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na may pagtataya ang DA ng paggaan ng presyo ng bigas, ang ganap na epekto nito ay dapat na maramdaman sa Enero 2025.

 

 

”So, we should see a lowering of—because of the lower duties, at saka bumaba rin ng kaunti ang international price ng bigas, so pababa na iyan. But the full effects, para sa akin, P5.00 to P7.00 ang range, so, I will put it at P5.00 na dapat bumaba,” ang sinabi ni Laurel.

 

 

”Kung P52 kunwari ngayon ang bigas, dapat by January ay nasa P48 na lang iyan; kung P50 ang bigas ngayon, P45 dapat iyan by January. Iyan ang aking estimates,” dagdag na wika nito. (Daris Jose)

PERSONAL na binisita ni Mayor John Rey Tiangco

Posted on: September 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PERSONAL na binisita ni Mayor John Rey Tiangco para kamustahin ang pamamahagi ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) sa mga rehistradong Navoteño PWDs kung saan nakatanggap ang bawat isa sa kanila ng P3,000. Nagpasalamat naman si Tiangco kay President Bongbong Marcos at House Speaker Martin Romualdez dahil sa naturang programa. (Richard Mesa)