• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 10:28 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2024

Hinihintay naman kung kailan mabubuntis si Maine: RIA, isinilang na ang baby boy nila ni ZANJOE

Posted on: September 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KINUKUHA na raw ng kanyang namayapang ina ang cardiologist at tinaguriang Doktor ng Bayan na si Dr. Willie Ong na nakikipaglaban ngayon stage 4 sa sarcoma o abdominal cancer.

 

 

Pero ayon pa kay Doc Willie na kung talagang oras na para siya’y magpaalam ay maluwag niyang tatanggapin.

 

Ito ang ibinahagi ni Dr. Willie sa interview sa kanya sa kanya ni Ms. Jessica Soho sa programa nitong “Kapuso Mo, Jessica Soho” .

 

Naikuwento ng dating vice presidential candidate na ang nakita niyang “vision” ng namayapang ina ay parang totoong-totoo.

 

Well, need ni Doc Willie ng prayers nating lahat.

 

***

 

NANGANAK na ang Kapamilyang aktres na si Ria Atayde kahapon.

 

Pero wala pa siyang post. Ang mister lang niyang si Zanjoe Marrudo ang nag-post (IG story) ng baby na nasa baby bassinet crib at may petsa na 9.23.24. May background music ito na ‘Three Little Birds’ ni Bob Marley.

 

Baby boy ang first baby ng celebrity couple na nagkaroon ng gender reveal an apo ng mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde kamakailan.

 

Ngayong meron ng apo ang mag-asawang Sylvia at Sir Art mula kina Zanjoe at Ria.

 

Ang inaabangan naman ay kung kelan naman ang kina Arjo at Maine, huh!

 

Parehong bisi ang dalawa ngayon, si Maine sa kanyang everyday stints sa programang “Eat Bulaga” at bukod sa isang aktor ay naglilingkod din bilang Congressman si Arjo Atayde sa District 1 ng Quezon City.

 

Tutok din si Arjo sa kanyang food business na ‘Inasal Republic’ na mayroon ng ilang mga sangay ngayon.

 

“I do business at night after everything. I have to work du­ring the day. I really want to grow into it, learn more about it, explore and travel, and understand Filipino infusion.

 

“I’m starting here at Inasal Republic and as to why I entered the inasal industry. It’s not a big industry but because of course I trust the product. I won’t jump into something if I don’t trust it, just like everybody else,” banggit pa ni Arjo.

 

Malaki ang pasasalamat ng aktor, negosyante at politiko sa asawang si Maine dahil sa suportang ibinibigay nito sa kanilang bagong negosyo.

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Magkasama sa advocacy series na ‘West Philippine Sea’: ALJUR at AJ, nagbahagi ng kanilang karanasan tungkol sa ‘bullying’

Posted on: September 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PURSIGIDO talaga ang advocacy producer na si Dr. Michael Raymond Aragon, na chairman ng Kapisanan ng Mga Social Media Broadcasters sa Pilipinas Inc. (KSMBPI) sa pagsusulong ng kanyang action-advocacy series na “West Philippine Sea” na nakatakdang mapanood sa mga streaming platforms, tulad ng free TV, cable and satelite TV, simula ngayong November.

 

 

Kuwento pa ng butihing producer, “we will also air it on radio as drama series through DZRH (both radio version and video version), on Viva One and right now it has 10 million subscribers, not only in the Philippines, marami ring OFW.”

 

 

Bibida sa “WPS” sina AJ Raval, Ayanna Misola at Aljur Abrenica.

 

 

Tampok din ang magkapatid na Rannie Raymundo at Lance Raymundo, Mary Sharapova, Jeric Raval, Mossimo Scofield, Ali Forbes, Jericka Madrigal, Lala Vinzon, Roi Vinzon, Mary at Daiana Menezes, mula sa direksyon ni Karlo Montero.

 

 

Ayon kay Doc Mike, kakaiba ang deal nila sa mga artistang nabanggit, “Ang mga talents na ‘to, hindi ko binabayaran ng talent fee ha. Libre ito.

 

 

“Even Viva is not getting any manager’s commission. Tulong ito. Ang nabibigay lang namin sa kanila ay honorarium for food, transportation, and basic expenses.”

 

 

Dagdag pa niya, “The people here are real heroes, bayani sila. Maraming mga artista, gumagawa ng projects pero unang tanong, ‘Magkano TF ko d’yan?’ Ito, wala. Nang sinabi ko sa kanila na ito ang problema, naintindihan nila.”

 

 

Anyway natanong sina Aljur at AJ, tungkol sa advocacy series na ‘WPS’ at ganun na rin sa karanasan nila sa bullying, na ginanap na Zoom presscon kahapon, September 25.

 

 

“I’m very grateful kina Doc Mike, dahil isa kami sa naging instrumento to advocate na ipaglaban ang bansa natin,” pahayag ni Aljur.

 

 

“Tungkol naman sa bullying, na-experience ko rin yan noong bata pa ako. Palagi akong nabu-bully, all boys kasi kami. And I talk to a lot of people naman, sabi ng pari namin, ‘it’s doesn’t matter who is right or wrong. Ang importante kung sino ang nakakaintindi.

 

 

“And there’s a kind of understanding that you will reach. At pag minahal mo yun, that understanding, everything will flow in a good Godly way. God will bless you, God will help you, with this people God will find a way.

 

 

“And eventually, yung bullying, if you succeed, parang lahat ng mga nam-bully sa ‘yo, mapapatawad mo, something na hindi nila nakikita.

 

 

“And I think everything happens for a reason.”

 

 

Say naman ni AJ, “first time kong gumawa ng advocacy project, actually dati may nag-o-offer at gusto kong gawin, kaya lang hindi pa ako pinapayagan.

 

 

“Kaya maganda po ito para sa amin, lalo na tungkol sa West Philippine Sea. Actually obsessed na ako sa mga napapanood ko sa news, sa tiktok, sa Facebook.

 

 

“At maganda rin po ito kay Aljur, kasi kilala ko po siya na makabayan po talaga siya.”

 

 

Dagdag pa niya, “sa experience ko naman sa bullying, hindi naman po ako masyadong naapektuhan. Kasi po ang turo sa amin, sa sambahan po namin, kung paano mo makita ang kapwa mo, ganun ka rin makita ng Diyos.

 

 

“Ganun lang po kasimple.”

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Nag-sorry sa ‘di magandang performance: ARNEL, aalis bilang lead vocalist ‘pag umabot sa 1M ang text na ‘GO’

Posted on: September 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HUMINGI ng paumanhin si Arnel Pineda, ang Pinoy lead vocalist ng American band na Journey, sa hindi niya naging magandang performance sa Rock in Rio Music Festival sa Rio de Janeiro, Brazil.

 

Sa kanyang Facebook post nitong Linggo, sinimulan ni Arnel ang kaniyang mensahe sa pamamagitan ng pasasalamat sa mga taong sumusuporta sa kanilang banda.

 

“This year I appreciate [you all], and not only that, everytime that I’m on stage with the band, I feel this immense gratitude, humility and honor,” saad ni Arnel.

 

Kasabay nito ang pagtugon niya sa hindi niya magandang performance sa Brazil concert, at siya pa mismo ang naglagay ng link ng tugtugin sa “Behind the Songs” page, at inihayag na, “no one more than me in this world feels so devastated about this.

 

Sa video na kuha noong September 21, makikita na hirap si Arnel na maabot ang mataas na tono sa kanilang hit song na “Don’t Stop Believin“.

 

“It’s really amazing how one thousand right things you have done will be forgotten just cause of this and of all the places, it’s in Rock In Rio,” saad ni Arnel.

 

Ayon kay Arnel, “I suffered emotionally and mentally” at tinanong ang fans kung dapat pa ba siyang manatili sa banda o hindi na.

 

“I am offering you a chance now (lalo na ang mga galit sa kaniya) to simply text GO or STAY right here,” lahad ng Pinoy singer.

 

“And if GO reaches 1 million. I’m stepping out for good. Are you game folks? Let’s start.”

 

Sa huli, nagpasalamat si Arnel sa fans at mga kaibigan na na “naniwala” sa kaniya simula sa umpisa.

 

Taong 2007 nang maging lead singer ng Journey si Arnel makaraang umalis ang dating lead vocalist ng banda na si Jeff Soto.

 

***

 

SUNUD-SUNOD ang acting projects ng Kapuso Oppa na si Kim Ji-Soo matapos niyang pumirma bilang isang Sparkle artist.

 

Matatandaan na una siyang napanood sa GMA Network action drama series na ‘Black Rider,’ kung saan marami ang bumilib sa kanyang pagganap bilang Adrian Park. Naging Red Carpet Scene Stealer Awardee rin siya sa GMA Gala 2024. Malapit na ring ipalabas ang kanyang kauna-unahang Filipino movie na “Mujigae” kasama sina Rufa Mae Quinto, Alexa Ilacad, Lito Pimentel, at marami pang iba.

 

Hindi lang sa TV at pelikula makikita si Kim Ji-Soo dahil kamakailan lamang ay inilabas na ang ilang episode ng kaniyang YouTube vlog na ‘Jisoo Road’ at naging active rin siya sa TikTok para mas lalo pang mapalapit sa kanyang fans.

 

Dahil sa init ng suporta ng fans sa Kapuso Oppa ay ipinagpapatuloy niya ang kanyang career sa bansa sa kabila ng mga isyung hinarap niya simula pa noong 2021.

 

Paglilinaw ng South Korean actor, nakausap at nakipag-ayos na siya sa mga taong involved sa school violence issue habang wala namang katotohanan ang alegasyong sexual assault.

 

Nananatiling focused at determinado si Kim Ji-Soo sa kanyang career at nagpapasalamat siya sa kanyang fans. Aniya, “I am truly grateful for the opportunities I’ve had here. The support from my Filipino fans has been overwhelming, and there is so much more I want to accomplish.”

 

Kinakikiligan naman ngayon ang tambalan nila ni Kapuso actress Jillian Ward nang mapabilang siya sa top-rating GMA Afternoon Prime series na ‘Abot-Kamay Na Pangarap’ bilang si Doc Kim Young.

 

Kamakailan ay ibinahagi ng Korean actor na mas relax at kumportable na siya sa set sa tulong na rin ni Jillian.

 

***

 

NAGPAPASALAMAT si Marina Benipayo sa mga sumuporta sa kanilang pamilya noong ma-detain ang partner niyang si Ricardo Cepeda ng 11 months para sa kasong estafa.

 

Ayon pa sa former model and beauty queen, maayos ang lahat kay Ricardo kaya hindi na nito kailangan dumaan pa sa physical at psychological treatment sa paglaya niya.

 

“Malakas naman ang will ni Ricardo psychologically, spiritually, mentally. He’s a very strong person. I think normally pag gano’n, kahit si Ricardo yung few weeks na a-detain siya, talaga nag-iiba yung cycle niya.”

 

Hindi rin biro ang naging sakripisyo ni Marina noong nilipat si Ricardo sa Cagayan Provincial Jail sa Tuguegarao City. Dito raw na-test ang commitment nila ni Ricardo bilang life-long partners.

 

“I visited him every week. From April to mga August, mga twice a month kasi mahal din ang ticket ng eroplano. Tapos everything that I was working for went to the plane tickets and what he needed na.

 

“So you know, you would really do if halimbawa yung commitment ninyo is strong with one another, you won’t give up, di ba? Talagang you would still, kahit nakakapagod especially nung every week ako lumilipad.“

 

Noong tanungin ni Marina si Ricardo kung ano ang gusto nitong gawin pag-uwi nito, gusto lang daw nito magpahinga“Sabi niya right now, gusto ko lang magpahinga. Kasi siyempre, I don’t think we can totally describe yung pinagdaanan ni Richard doon, how it was emotionally, mentally, psychologically, ‘di ba?”

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Evangelista, Santor hinirang na MOS

Posted on: September 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINIRANG sina Aishel Evangelista ng Betta Ca­loocan Swim Team at Patricia Mae Santor ng Ilus­tre East Swim bilang Most Outstanding Swimmer (MOS) sa pagtatapos ng “Go Full Speedo’ Swim Series Long Course Swimming Leg 1 kamakalawa sa Teofilo Yldefonso swimming pool sa Malate, Manila.

 

Nanguna ang 14-an­yos na si Evangelis­ta, Grade 10 student sa UST, sa boys’ 800m free­­style para sa kanyang pang-limang gold medal sa event na inorganisa ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) at suportado ng Spe­edo, Philippine Sports Com­mission at Philippine Olympic Committee.

 

Nanalo rin si Evangelis­ta sa 200m Individual Med­ley (2:18.45), 50m breaststroke (33.38), 100m freestyle (57.64) at 50m backstroke (31.77).

 

May limang golds din ang 16-anyos na si Santor mula sa mga panalo sa 800m freestyle (10:05,25), 200m freestyle (2:24.30), 200m IM ( 2:31.22), 200m breaststroke (2:50.68) at 100m freestyle (1:02.80).

 

Kinilala rin sina Makoto Nakamura ng S’Ace Sea­hawks at Jie Angela Mi­ka­ela Talosig ng Midsayap Pi­rates bilang MOS sa girls’ 11-yrs at 18-yrs old classes, ayon sa pagkaka­sunod.

 

Lumangoy si Nakamu­ra ng apat na ginto at may tatlo si Talosig.

Pinoy boxer Melvin Jerusalem matagumpay na nadepensahan ang WBC belt

Posted on: September 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINATIKIM ni Pinoy boxer Melvin Jerusalem ang unang talo sa Mexican challenger Luis Angel Castillo para mapanatili nito ang kaniyang WBC minimumweight title belt na ginanap sa lungsod ng Mandaluyong.

 

Nakuha ng 30-anyos na boksingero mula sa Bukidnon ang unanimous decision sa score na 118-109, 120-107 at 120-107.

 

Sa unang round ay inulan agad ni Jerusalem ang kalaban at kaniya itong napatumba.

 

Sinabi nito na kaniyang pinilit na i-knock out ang Mexican boxer subalit naging matibay ito.

Itinuturing ni Jerusalem na isang hindi makakalimutang laban dahil sa matagumpay na pagdepensa ng kaniyang titulo sa sariling bansa.

 

Unang hawak ni Jerusalem ang WBO 105- pound titile ng patumbahin si Masataka Taniguchi Japan noong Enero ng nakaraang taon subalit ito ay kaniyang nabitiwan matapos ang apat na buwan laban kay Oscar Collazo ng Puerto Rico.

 

Mayroon ng 21 panalo ,isang talo at isang draw si Castillo habang si Jerusalem mayroong 23 panalo at tatlong talo na mayroong 12 knockouts.

All-Stars babalik sa 2024 NBA season

Posted on: September 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ILANG All-Stars at key players ang ina­­asahang magbabalik sa aksyon para sa 2023-24 NBA season na magbubukas sa Oktubre 22.

 

Kabilang dito sina Kristaps Porzingis ng NBA champions Boston Celtics, Kawhi Leonard ng Los Angeles Clippers at Jimmy Butler ng Miami Heat.

 

Posibleng ilang buwan pa ang bibilangin bago mu­ling makapaglaro ang 7-foot-2 na si Porzingis na nag­rerekober sa kanyang torn retinaculum at dislocated posterior tibialis tendon sa kaliwang binti.

 

 

Sinabi naman ni Leonard na maganda na ang pa­kiramdam ng kanyang surgically repaired right knee.

 

Sumasali na si Butler sa workout ng Heat matapos magkaroon ng sprained right MCL sa play-in tournament loss sa Philadelphia 76ers.

TESDA, hinikayat ng DSWD na iprayoridad ang 4Ps senior HS graduates

Posted on: September 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na iprayoridad ang 4Ps senior high graduates para sa skills training opportunities para makatulong na makapagtayo ng mas maliwanag na kinabukasan.

 

 

Sa katunayan, nagpulong ang mga opisyal ng DSWD sa pangunguna ni Gatchalian at TESDA Director-General Jose Francisco Benitez, araw ng Lunes, Setyembre 23 para talakayin ang “preferential treatment” para sa mga senior high school graduates na kabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries sa TESDA admissions.

 

 

Nagbigay naman ng briefing si DSWD Undersecretary for 4Ps Vilma Cabrera, kasama sina Assistant Secretary Maritess Maristela ng National Household Targeting System at 4Ps (NHTS-4Ps) at 4Ps National Program Manager Director Gemma Gabuya, sa mga children-beneficiaries na nakompleto na ang senior high school sa nakalipas na tatlong taon at inaasahang ga-graduate o matatapos sa susunod na tatlong taon.

 

 

Itinatag ang TESDA sa ilalim ng Republic Act 7796, mas kilala bilang “Technical Education and Skills Development Act of 1994,” ahensiya ng pamahalaan na responsable para sa pangangasiwa ng technical education at skills development sa bansa.

 

 

Samantala, ang mga opisyal ng TESDA na dumalo sa pulong ay sina Community-Based Technical Vocational Education and Training Office Executive Director Lorenzo Emanuel Guillermo; Regional Operations Management Office (ROMO) Assistant Executive Director Glenford Prospero; ROMO Regional Operations Management Division Chief Rea Dalumpines; Deputy Director for Policies and Planning Rosanna Urdaneta; at Planning Office Executive Director Charlyn Justimbaste.

 

 

Kasama rin na dumalo sa miting ang mga taga-DSWD na sina 4Ps Beneficiary Data Management Division Chief Mary Rose Oquindo at 4Ps Institutional Partnership Division Chief Khristina Umali. (Daris Jose)

Alice Guo, nagulat umano sa sitwasyon ng kaniyang selda nang una nitong makita ayon sa BJMP

Posted on: September 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGULAT umano si dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo nang una niyang masaksihan ang sitwasyon sa seldang paglalagyan sa kaniya sa Pasig City Jail Female Dormitory, ayon yan sa Bureau of Jail Management ang Penology (BJMP).

 

 

Sinabi ni Jsupt. Jayrex Bustinera, spokesperson ng BJMP, maliban rito ay wala na silang natanggap na negative report hinggil sa unang gabi ni Guo.

 

Pagsasalaysay ni Bustinera, ang selda ay may sukat na 45 square meters at ang dingding ay puro rehas at may 10 triple deck sa loob kung saan ang pwesto ni Guo ay nasa 2nd level at may katabing nasa lima o anim na preso. Nakabalagbag umano sina Guo matulog para magkasya ayon kay Bustinera.

 

Ang higaan ay simpleng plywood lang din na binalot sa linoleum para hindi tumagos ang surot.

 

 

Malayo ito sa detention room niya sa kustodiya ng Philippine National Police (PNP) kung saan sarili niya lang ang kwarto at banyo at nakahiga sa single bed na may foam.

 

Ayon pa kay Bustinera, mananatili si Guo sa Pasig city jail female dormitory hanggat walang court order na ibalik ito sa kustodiya ng PNP.

 

Samantala, matatandaan na sa unang araw ni Guo kahapon sa BJMP, kumpiskado ang ilan niyang kagamitan.

 

Ito ay dahil pinayagan lang umano sa naturang kulongan ang dilaw na damit, hygiene kits at jogging pants ng dating alkalde.

 

Ani Bustinera, ang mga nakumpiskang gamit ay ipapauwi sa kaniyang abogado at ang iba ay iuuwi kung may dadalaw sa kanya.

Pagdinig ng Quad Comm magpapatuloy kahit naka-recess ang Kongreso – Abante

Posted on: September 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAGSASAGAWA ng pagdinig ang quad committee ng Kamara de Representantes kahit na naka-recess ang sesyon ng Kongreso upang mabigyan ng pagkakataon ang mga kongresista na masusing mapag-aralan ang magkakaugnay na isyu ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), ilegal na droga, money laundering, at mga extrajudicial killings (EJKs) noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Ito ang inihayag Manila 6th district Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr., isa co-chairman ng quad committee.

 

 

Naka-anim na pagdinig na ang quad committee, kung saan natuklasan ng mga mambabatas, batay sa mga lumabas na impormasyon, ang lawak at mahabang panahon ng pag-iral ng mga ilegal na aktibidad.

 

 

Ayon pa kay Abante, na siya ring chairman Committee on Human Rights, kinakailangan pa ng maraming panahon upang lumabas ang lahat ng dapat na matuklasan.

 

 

Sa ikaanim na pagdinig ng quad comm, napakinggan ng komite ang mga naging rebelasyon ni dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog.

 

 

Sa isang panayam, tinukoy din ni Abante na ang yumaong si dating PNP General na si Camilo Cascolan ang nagligtas sa kapahamakan kay Mabilog, nang babalaan niya ang dating alkalde na huwag bumalik sa Pilipinas dahil nanganganib ang kanyang buhay.

 

 

Si Mabilog ay kasama sa narco-list ni dating Pangulong Duterte.

 

 

Ang payo ni Cascolan ay kasabay ng panghihikayat ni dating PNP chief at ngayo’y Senador Ronald “Bato” dela Rosa kay Mabilog na bumalik sa Pilipinas upang umano’y matulungan ang pagkakasangkot ng dating alkalde sa drug-list.

 

 

Dagdag pa ni Abante, na si Cascolan din ang nagsabing pipilitin si Mabilog na iugnay sina dating Senador Mar Roxas at Franklin Drilon sa ilegal na kalakalan ng droga noong panahon ng drug war campaign ni Duterte.

 

 

Nakakapanghinayang naman ayon kay Abante na pumanaw na si Cascolan, at hindi na maririnig ang kaniyang panig.

 

 

May isa namang mataas na opisyal ng PNP ang binanggit ni Mabilog sa kaniyang testimonya. (Daris Jose)

Finance Chief Recto kumpiyansang makamit ng PH ‘A’ credit rating sa 2028

Posted on: September 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KUMPIYANSA si Finance Secretary Ralph Recto na makakamit ng Pilipinas ang “A” credit rating sa taong 2028.

 

 

Ito ay dahil sa patuloy na namantine ng Pilipinas ang malakas na investment outlook sa kabila ng pabago-bagong global economic environment.

 

 

Binigyang-diin ng finance chief na conscious ang gobyerno sa mga programa nito at target na makamit na lahat ng rating agencies ay magbigigay ng grade A sa Pilipinas kahit A minus pa ito.

 

 

Bukod sa Moody binigyan din ng “upgrade credit rating” ng isang Japanese rating agency ang Pilipinas mula sa rating na R&I.

 

 

Ayon sa Kalihim malaking ambag din para mapanatiling malakas ang investment outlook ng bansa ay ang medium term fiscal framework plan ng pamahalaan.

 

Binigyan kasi nang global credit watcher na Moody na “BAA2” investment-grade credit rating ang Pilipinas na mayruong “stable” outlook.

 

Ayon kay Recto naka-angkla ang kanilang mga hakbang sa inilatag na fiscal policy at economic policy ng Marcos Jr., administration at nakikita ng mga agencies na mapagkakatiwalaan ang nasabing plano.

 

Binigyang-diin ni Recto na sa ngayon patuloy ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas patunay dito ang pagbaba ng inflation.

 

Tinukoy naman ni Recto na nitong 2nd quarter nakapagtala ng 6.3% GDP growth ang Pilipinas at sa buong taon nakapagtala naman ng 6.1%.

 

Sa unang dalawang taon ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nakapagtala ng 6 to 6.1 percent GDP isa ito sa pinaka mataas na naitala sa lahat ng Pangulo ng bansa.

 

Paliwanag ni Recto ang fiscal framework plan ay layong pababain ang deficit ng 3.8% sa taong 2028.

 

Sinabi pa ng Kalihim na sa sandaling umutang ang Pilipinas nagiging mas mababa na ang interest rate. (Daris Jose)