• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 12:45 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2024

Bayan Muna ipaparating sa SC ang pagkuwestiyon sa pagmamadaling maipasa ang 2025 national budget

Posted on: September 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG kuwestiyunin sa Korte Suprema ng grupong Bayan Muna ang ginawang pag-sertipika ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa 2025 budget bill.

 

 

Sinabi ni Bayan Muna chairpeson Neri Colmenares, na ang nasabing executive power ng pangulo ay inilalaan tuwing may kalamidad at anumang emergency.

 

 

Dagdag pa nito na mayroon na silang parehas na kasong naihain sa SC at maghahain pa sila uli dahil inaprubahan ng House of Representative ang budget sa pamamagitan ng certification ni Marcos.

 

 

Naniniwala sila na ang pagsertipika ng budget bilang urgent ay para maiwasan na ito ay kuwesiyunin o may tinatago.

 

 

Duda sila na mayroong mga insertion o isiningit sa mga budget kaya minadali ito ng ipasa.

 

 

Isa rin sa kinukuwestiyon nila ay mabilis na ito naipasa sa Kamara subalit sila ay agad na nakarecess at hindi pa naipasa sa Senado.

 

 

Sa buwan pa ng Nobyembre nila nito maipapasa pagkatapos nilang mag-break.

Pinas, tinuligsa ang nagpapatuloy na paglulunsad ng ballistic missile ng NoKor

Posted on: September 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINULIGSA ng gobyerno ng Pilipinas ang nagpapatuloy na paglulunsad ng ballistic missile ng North Korea.
Sa katunayan, inilarawan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nasabing pagkilos bilang “a provocation that undermines regional peace and stability.”
Dahil dito, nanawagan ang DFA sa North Korea na “immediately cease” ang ganitong mga aktibidad at mangyaring sumunod sa lahat ng international obligations, kabilang na ang kaugnay sa United Nations Security Council resolutions.
Hinikayat din ng DFA ang Pyongyang na mag-commit sa mapayapa at nakapagbibigay-linaw na dayalogo.
“The Philippines expresses serious concern and strongly denounces the continuing ballistic missile launches conducted by the Democratic People’s Republic of Korea (DPRK),” ayon sa DFA.
“Such provocative actions undermine economic progress, peace, and stability in the Korean Peninsula and the Indo-Pacific region,” ang sinabi pa rin ng DFA.
Tinuran pa ng departamento na nais ng Maynila na makita ang pangmatagalang kapayapaan sa Peninsula at nanawagan para sa isang “complete, verifiable, and irreversible denuclearization” ng DPRK.
Sa ulat, nagpaputok ang North Korea ng multiple short-range ballistic missiles noong nakaraang linggo. Ito ang ulat ng South Korean government na hindi naman sinabi ang kung saan ito bumagsak.
“The launches come as North Korea ramps up its nuclear weapons program and days after it unveiled its uranium enrichment facility,” ayon sa ulat. (Daris Jose)

PBBM, pinasinayaan ang pinakamahabang tulay sa Mindanao

Posted on: September 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. , araw ng Biyernes ang inagurasyon ng 3.17-kilometro ng Panguil Bay Bridge Project.

 

Ito ang itinuturing na pinakamahabang sea-crossing bridge sa Mindanao na naglalayong mapahusay ang pagkakakonekta at drive economic progress sa rehiyon.

 

Ang P8.026-billion Panguil Bay Bridge Project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay kumokonekta sa Tangub City sa Misamis Occidental at bayan ng Tubod sa Lanao del Norte.

 

Ang actual work ng disensyo at konstruksyon ng two-way, two-lane bridge na nagkokonekta sa Misamis Occidental at Lanao del Norte provinces ay nagsimula noong Pebrero 28, 2020 at nakompleto ngayong buwan.

 

Sinasabing mababawasan ang land travel time sa pagitan ng Misamis Occidental at Lanao del Norte ng 7 minuto lamang mula sa mahigit dalawang oras.

 

Sa kasalukuyan, ang byahe ay umabot ng 2.5 oras sa pamamagitan ng Roll-On, Roll Off (RoRo) vessels mula Ozamiz hanggang Mucas sa Lanao del Norte o 100-kilometer route via Tangub-Molave-Tubod road o Tangub-Kapatagan-Tubod road.

 

Inaasahan din na maaayos ng Panguil Bay Bridge Project ang transport systems na nag-uugnay sa coastal areas ng rehiyon at mapabibilis ang 24/7 na pagkilos ng mga tao, kalakal at serbisyo, itinutulak ang paglago ng ekonomiya sa mga nakapaligid na lugar.

 

“The bridge is made up of a 360-meter approach road leading to a 1,020-meter approach bridge on the Tangub City side, alongside a 569-meter approach road connecting to a 900-meter approach bridge on the Tubod side,” ayon sa ulat.

 

“It also features an extra-dosed main bridge, with 320-meter central span, supported by two pylons standing 20 meters tall, anchored by six cable stays, and complemented by a lighting system, providing structural support and enhancing bridge aesthetics and safety for nighttime travel,” ayon pa rin sa ulat.

 

Ang proyekto ay ginamitan ng advanced Korean bridge technology, kabilang na ang reverse circulation sa pag-drill ng barges para makalikha ng boreholes at paglulunsad ng makapal na permanent steel casings gamit ang ‘revolving crane barges at vibro pile hammers.’

 

Samantala, ang proyekto ay pinondohan sa pamamagitan ng loan agreement na nilagdaan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Korean Export-Import Bank noong 2016.

 

Ang Panguil Bay Bridge Project ay isa sa 198 high-impact priority infrastructure flagship projects sa ilalim ng “Build, Better, More” program ng administrasyong Marcos. (Daris Jose)

Chinese nuclear-powered submarine lumubog noong unang bahagi ng taong kasalukuyan -US official

Posted on: September 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng isang senior U.S. defense official na ang pinakabagong nuclear-powered attack submarine ng Tsina ay lumubog noong unang bahagi ng taong kasalukuyan.

 

Maituturing itong isang malaking kahihiyan para sa Beijing na hangad na mapalawak ang military capabilities nito.

 

Sa ulat, sinasabing ang Tsina ay mayroon ng pinakamalaking navy sa buong mundo, mayroong 370 barko, at nagsimula nang gumawa ng bagong henerasyon ng nuclear-armed submarines.

 

Winika ng senior U.S. defense official na ang bagong first-in-class nuclear-powered attack submarine ng Tsina ay lumubog sa tabi ng pier o pantalan sa pagitan ng Mayo at Hunyo.

 

Sinabi naman ng tagapagsalita ng Chinese embassy sa Washington na wala itong maibibigay na impormasyon ukol dito.

 

Hindi naman malinaw kung ano ang dahilan ng paglubog o kung ito may lulan na nuclear fuel ng oras na iyon.

 

“In addition to the obvious questions about training standards and equipment quality, the incident raises deeper questions about the PLA’s internal accountability and oversight of China’s defense industry – which has long been plagued by corruption,” ang sinabi ng opisyal, gumamit ng acronym para sa People’s Liberation Army.

 

“It’s not surprising that the PLA Navy would try to conceal” the sinking,” ang sinabi pa rin ng opisyal.

 

Samantala, ang balita ay unang iniulat ng Wall Street Journal.

 

Isang serye ng satellite images mula sa Planet Labs mula Hunyo ang lumabas para ipakita ang cranes sa Wuchang shipyard, kung saan ang submarine ay nakadaong.

 

“As of 2022, China had six nuclear-powered ballistic missile submarines, six nuclear-powered attack submarines and 48 diesel-powered attack submarines,” ayon sa Pentagon report ukol sa China’s military.

 

“That submarine force is expected to grow to 65 by 2025 and 80 by 2035,” ang sinabi naman ng U.S. Defense Department. (Daris Jose)

PBBM, idineklara ang Misamis Occidental bilang ‘INSURGENCY-FREE PROVINCE’

Posted on: September 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Biyernes ang Misamis Occidental bilang isang “Insurgency-Free Province”.

 

 

Ayon sa Pangulo, ang malakas na ‘political will at mahigpit na pagtutulungan ng mga law enforcement agencies ang naghatid sa pagtatapos ng communist rebellion at terrorist activities sa lalawigan.

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa Tangub City Global College (TCGC) sa Tangub City, binigyang diin ni Pangulong Marcos na ang 60 barangay na minsan nang naapektuhan ng Communist Terrorist Groups’ (CTGs) sa Misamis Occidental ay malaya na mula sa kanilang impluwensiya.

 

“We are gathered here today to celebrate a historic occasion, one that also took time in the making, the declaration of Misamis Occidental as an Insurgency-Free Province,”ang sinabi ng Pangulo sa mga residente ng Barangay Maloro, Tangub City.

 

 

“After years of consistent and resolute security, peace, and community-building, we have succeeded in our campaign to end the decades of conflict in the sixty barangays in your province that were once in the clutches of insurgent movements,” aniya pa rin.

 

Binigyang kredito naman ng administrasyon ang pagkawala ng CTGs-related violence sa neutralization ng key leaders ng grupo sa Misamis Occidental at Zamboanga del Sur sa first half ng 2024 sa Ilalim ng liderato ni Pangulong Marcos.

 

Ang lumalagong bilang ng mga indibiduwal na pinili ang mapayapang daan at ang paghina ng armed rebellion ay nakapag-ambag din sa mapayapang kalayagayan ng lalawigan.

 

“We have successfully dismantled the key leadership of the former insurgents operating in Misamis Occidental, which have now led to their reintegration into society,” ang winika ng Pangulo.

 

Sa kabilang dako, pinuri naman ni Pangulong Marcos ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa kanilang community development at reintegration programs para sa mga nagbabalik-loob sa batas.

 

 

Tinatayang 51 barangay sa Misamis Occidental ang nakinabang mula sa Barangay Development Program (BDP) sa pagitan ng 2021 hanggang 2023.

 

 

“As of September, the Marcos administration completed 46 projects, including 44 farm-to-market roads (FMRs) and two other infrastructure projects involving the construction and development of roads and bridges in the province,” ayon sa ulat.

 

Idinagdag naman ni Pangulong Marcos na may 17 bagong proyekto ang nasa pipeline – siyang ang nakatuon sa improvement ng water supply systems at walo naman sa improvement ng health stations, rural electrification at rehabilitasyon ng mga eskuwelahan. (Daris Jose)

Mahigit P3-B nawala dahil sa agri smuggling noong 2023- PBBM

Posted on: September 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mahigit sa P3 billion ang nawala dahil sa agricultural smuggling noong 2023.

 

 

Inihayag ito ni Pangulong Marcos sa paglagda upang maging ganap na batas ang Anti- Agricultural Economic Sabotage.

 

 

Giit ng Pangulo, ang economic sabotage sa agricultural sector ay ”not simply a tale of dubious deals and inflated profits; it manifests as well as hunger, desperation, as betrayal.”

 

 

”Let us then acknowledge the gravity of the situation: These crimes threaten not only our economy but our national security as well. It jeopardizes the livelihood of hardworking Filipino farmers and fisherfolk and it threatens the food sustainability of our communities,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

 

”In 2023 alone, we lost over three billion pesos to agricultural smuggling — staggering amount,” ang pahayag pa rin ng Chief Executive.

 

 

Sinabi pa rin niya na “in less than nine months of 2024”, nakumpiska ng mga awtoridad ang mahigit sa P230 milyong halaga ng smuggled agricultural products.

 

 

Sa ilalim aniya ng bagong batas, ang smuggling, hoarding, profiteering, at cartel operations na may kaugnayan sa agricultural at fishery products ay ika-klasipika bilang economic sabotage, isang non-bailable offense, ang kaparusahan ay habambuhay na pagkakakulong at may multa na 5 beses sa halaga ng sangkot na kalakal.

 

 

Ayon sa Pangulo, hindi lamang target nito ang mga mastermind kundi ang panagutin ang lahat ng mga kompanya na kasabwat at may pananagutan kabilang ang mga ‘financiers, brokers, mga empleyado at maging ang transporters. ( Daris Jose)

Bagong batas, nagdedeklara sa smuggling, hoarding ng agricultural products bilang economic sabotage-DA

Posted on: September 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINANGGAP ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. ang pagtinta sa Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, isang batas na magpapataw ng mas mahigpit na parusa laban sa mga ‘smugglers at hoarders’ ng agricultural food products kabilang na ang mga cartel.

 

 

“This new law that penalizes violators with higher fines and long jail terms, should instill fear in the minds of smugglers and hoarders, and force them to mend their ways,” ayon kay Tiu Laurel.

 

 

“This would also benefit our farmers and fisherfolk whose livelihood are imperiled by unscrupulous hoarders and smugglers,” dagdag na wika nito.

 

 

Nilagdaan upang maging ganap na batas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Miyerkules, itinuturing ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act (AGES) ang smuggling at hoarding ng agricultural food products bilang economic sabotage kapag ang halaga ng kalakal ay lumampas sa P10 million. Kinokonsidera rin na economic sabotage ang paglikha sa cartel at financing smugglers at hoarders.

 

 

“Aside from a fine that is five-times the value of smuggled or hoarded agricultural or fishery products, violators face life imprisonment if proven guilty,” ayon sa DA.

 

 

Ang Agricultural products na saklaw ng AGES ay bigas, mais, baka at iba pang ruminants, baboy, manok, bawang, sibuyas, at iba pang gulay, prutas , isda, at iba pang aquatic products sa kanilang raw state.

 

 

“AGES also grants rewards of up to P20 million and other incentives to those who will provide information that would lead to the investigation, arrest, prosecution and conviction of smugglers and hoarders. This should lead to the radical reduction of their ranks,” ayon kay Tiu Laurel.

 

 

Samantala, nire-require naman ng batas ang pagtatatag at pagpapanatili ng Daily Price Index, ang Bureau of Agricultural Research at Agribusiness and Marketing Assistance Service ng DA ang mamamahala nito. (Daris Jose)

Pagbuhay sa parusang bitay, pinarerebyu

Posted on: September 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang pagrebyu sa muling pagbuhay sa parusang bitay para sa heinous crimes.

 

 

Kabilang na rin ang iba pang panukala para sa pagbuwag ng mga sindikato , pagpapanagot sa corrupt officials at peace and order sa bansa.

 

 

Ang panawagan ay ginawa ng overall chairman ng House Quad Committee sa kanyang opening statement ng ikapitong public hearing ng joint panel na nagiimbestiga sa ugnayan sa pagitan ng illegal Philippine offshore gaming operators (POGOs), paglaganap ng illicit drug trade, land grabbing ng ilang Chinese nationals, at extrajudicial killings (EJKs).

 

 

“Naging urong-sulong po tayo sa usaping death penalty noong mga nakalipas na panahon. Tingnan nyo ang nangyari. Sumama po lalo ang naging lagay ng ating kapayapaan at kaayusan. Hindi na takot ang mga kriminal. Lantaran ang ginawang pamamaslang na ngayon ay tinawag nating extrajuducial killings,” ani Barbers.

 

 

Sa imbestigasyon sa drug-related EJKs sa ilalim ng Duterte administration, nabunyag sa Quad Committee ang pagsisilbi ng ilang law enforcement officers bilang “hired killers,” at pagpatay base sa suspisyon na sangkot sa droga.

 

 

Nabatid na ang mga naturang pagpatay ay dala ng financial incentives, tulad ng rewards para sa bawat pagpaslang ng biktimang for each death, as long as the victim was labeled a “drug personality.”

 

 

Ipinanukala din nito ang pag-amyenda sa Cybercrime Law upang masolusyunan ang isyu ng online gambling, hacking, at investment scams, na ginagamit na bagong plataporma ng mga organized crime syndicates.

 

 

Barbers also called for amendments to the Anti-Money Laundering Act to empower the government to take swift action against suspicious financial activities, even before formal charges are filed, ensuring that illegal funds are intercepted before they can be used to further criminal enterprises.

 

 

Iginiit pa nito na ang pag-amyenda sa Local Government Code ay kailangan para maiwasan ang pang aabuso sa kapangyarihan ng local government units sa reclassifying at convertion ng lupain na sinasamantala ng ilang foreign nationals at corrupt officials. Gayundin ang pagreporma sa birth registration laws.
(Vina de Guzman)

P353K shabu nasabat sa Caloocan drug bust, 2 timbog

Posted on: September 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT P.3 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya sa dalawang hinihinalang tulak ng iligal matapos maaresto sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City, Huwebes ng umaga.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles alyas Ike, 25, ng lungsod at alyas Ledge, 42, ng Navotas City.

 

 

Ayon kay Col. Doles, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Restie Mables ang buy bust operation nang magawa nilang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P6,500 halaga ng droga.

 

 

Matapos umanong tanggapin ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad dinamba ng mga operatiba ang mga suspek dakong alas-5:54 sa Libis Espina Brgy. 18.

 

 

Ani Lt Mables, nakumpiska nila sa mga suspek ang nasa 52 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price value na Php 353,600 at buy bust money na isang P500 bill at anim pirasong P,1000 boodle money.

 

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Caloocan police sa kanilang matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 ong Compehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Checkpoint tinakbuhan, rider arestado sa Malabon

Posted on: September 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BINITBIT sa selda ang 25-anyos na rider matapos takbuhan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita nang parahin siya dahil walang suot ng helmet sa Malabon City.

 

 

Tumagal din ng ilang minuto ang habulan sa pagitan ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 2 at ng rider na si alyas Jay-ar, residente ng Paz St. Brgy. Tugatog, bago siya tuluyang masukol dakong ala-1:30 ng madaling araw.

 

 

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, nagsasagawa ng Oplan Sita ang kanyang mga tauhan sa kanto ng M.H. Del Pilar at Basilio Streets sa Brgy. Tugatog bilang paraan ng pagsugpo sa kriminalidad nang parahin nila ang suspek na walang suot na helmet.

 

 

Bahagyang nag-menor muna suspek subalit, biglang humarurot patakas na dahilan para siya habulin hanggang tuluyang ma-korner sa Paez Street sa Barangay Concepcion.

 

 

Natuklasan din na walang rehistro ang motorsiklong minamaneho ng suspek kaya’t bukod sa paglabag sa R.A 10054 o ang Motorcycle Helmet Act at paglabag sa Art. 151 ng Kodigo Penal o ang Resistance and Disobedience to an Agent of Person in Authority, kinasuhan din siya ng paglabag sa R.A. 4136 o unregistered motorcycle sa Malabon City Prosecutor’s Office.

 

 

Ayon kay Col. Baybayan, nakikipag-ugnayan na sila sa Higway Patrol Group (HPG) upang alamin kung naka-alarma ang motorsiklong minamaneho ng suspek. (Richard Mesa)