• March 12, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2024

133,000 family food packs, ipinadala sa Enteng affected areas -DSWD

Posted on: September 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IPINADALA na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 133,000 family food packs sa mga lugar na labis na tinamaan ng Tropical Storm Enteng.

 

 

Iniulat ni DSWD Secretary Rex Gatchalian kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sa kasalukuyan ay pino-proseso na nila ang isa pang 100,000 family food packs.

 

 

“Mr. President, as reported to you the other night, we have already deployed 133,000 family food packs. And we are currently processing another 100,000, ‘yung mga bago na dumating. But you’re right, Mr. President, if you look at the breakdown of where we sent the food packs, it followed the path of the storm,” ang sinabi ni Gatchalian kay Pangulong Marcos sa isinagawang situation briefing sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

 

 

“Of course, NCR (National Capital Region), because nandito ‘yung flooded areas all the time. But after NCR, it was Region V where the storm came closest at its height, 24,000; and then Region III, 21,000; CALABARZON, 12,000,” dagdag na wika nito.

 

 

Tinuran pa ng Kalihim sa Pangulo na ang pigura ay augmentation numbers para suportahan ang nisyatiba ng lokal na pamahalaan.

 

 

Ang family food packs para sa mga biktima ng bagyong Enteng ay maaaring umabot sa 250,000

 

 

Sa kabilang dako, naka-monitor naman ang DSWD sa dalawang nagbabadyang bagyo para sa ‘stockpiling needs.’

 

 

Sinabi pa ni Gatchalian na bago pa manalasa ang bagyong Enteng, nakapag-restore na ang DSWD ng national stockpile nito sa 1.7 million family food packs na ipinakalat sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

 

“So now we’re doing both response and stockpiling kasi we’ll be using up our stockpile in those said regions. But we’re confident mahahabol naman namin ‘yun. As we speak right now, we’re deploying, and we’re packing, and we’re stockpiling,” ayon sa Kalihim.

 

 

Samantala, sa isang kalatas, inihayag ni Pangulong Marcos na mahigit sa P16 million na humanitarian aid ang ipinadala sa mga lugar na labis na tinamaan ni “Enteng”.

 

 

Mayroon namang P65.5 million na standby fund at P2.6 billion na stockpiles ang handa nang ipamahagi sa mga biktima ng bagyo. (Daris Jose)

Pinsala ni Enteng sa Agriculture umabot na sa P350 milyon – DA

Posted on: September 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT na sa P350 -milyon ang inisyal na halaga ng pinsalang natamo ng agri sector dahil sa pananalasa ng bagyong Enteng.

 

 

Batay sa datos ng Department of Agriculture (DA), mayroong 8,893 na ektarya ng sakahan ang naapektuhan sa Bicol region.

 

 

Katumbas ito ng 13,623 na apektadong magsasaka at production loss na 14,814MT.

 

 

Mula sa mga sakahan ng palay na apektado, 63% ang partially damaged habang 36% o katumbas ng 3,000 ektarya ang labis na napinsala.

 

 

Kaugnay nito, inihahanda naman ng DA ang assistance nito sa mga apektadong magsasaka kabilang ang higit P200-M halaga ng binhi, biocontrol measures at makinarya.

 

 

Gayundin ang Survival and Recovery (SURE) Loan Program from the Agricultural Credit Policy.

 

 

Tiniyak naman ng DA ang patuloy na assessment sa pinsala ng bagyo sa iba pang rehiyon sa bansa. (Daris Jose)

The Daltons face-off against Paddy, played by James McAvoy, and his reign of terror in “Speak No Evil.”

Posted on: September 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

THE Daltons try to survive as their dream vacation turns into a psychological nightmare in Speak No Evil, the latest thriller from Blumhouse. In the film, the contrast between the Dalton family and Paddy’s family sets the tone for the insidious horror that simmers and eventually gets unleashed.
The Daltons, an American family struggling with their life in England, have a chance meeting with a British family during a trip to Italy, and get invited to get away from it all on their rustic countryside farmhouse. The Daltons consist of Ben(Scoot McNairy), his wife Louise(Mackenzie Davis), and their daughter Agnes.
Ben is stuck in an unfulfilling rut as his career was upended shortly after moving his whole family to London from the United States. He feels emasculated at the prospect of unemployment and not being able to provide for his family.
Louise Dalton, dragged to the opposite side of the ocean into a prospect that went nowhere, feels unhappy and anxious about the future of her family, which carries over to her relationship with her husband and daughter. She finds herself feeling disconnected from Ben, and her anxiety makes her overprotective with Agnes(Alix West Lefler), who feels the tension within the family as well. A smart pre-teen, she manages her tendency to worry with her comfort plushy, Hoppy, which Ben feels that she’s too old to be carrying around everywhere.
In contrast, Paddy’s family seems very in tune with their countryside lifestyle, which they offer to share with the Daltons for the weekend. Paddy, a former physician, the unnervingly hypermasculine head of the family. His strong opinions and rejection of modern societal norms, bely a darkness within him, but on the surface he is refreshingly brash. His wife Ciara(Aisling Franciosi) is undoubtedly his better half, with a softer charm and inviting personality. They seem to be a perfect match, and to top it all off is their son Ant(Dan Hough). Mute from a genetic condition, he seems to be shy, but hits it off with Agnes immediately. Paddy’s family seems to be picture perfect, and what the Daltons aspire to be, until the darkness takes hold and the weekend getaway turns into a fight for survival.
It all comes to a head as Speak No Evil is iunleashed in Philippine cinemas on September 11, from Universal Pictures International.
Follow Universal Pictures PH (FB)UniversalPicturesPH (IG) and UniversalPicsPH (TikTok) for the latest updates on “Speak No Evil.” Connect with the hashtag #SpeakNoEvilPH
(ROHN ROMULO)

Isa sa itinuturing na pinakamayamang aktor sa ‘Pinas: COCO, mukhang desidido na sa pagbili ng property sa Spain

Posted on: September 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA sa amin ng isang friend ABS-CBN insider ang sinasabing may bibilhin ng isang property si Coco Martin sa Spain.

 

On negotiation at pinag-aralan na raw ng abogado ng aktor ang bibilhin na isang house and lot na located sa isang magarang subdivision sa naturang bansa.

 

Hindi naman magkaroon ng problema si Coco. Ang pagiging Filipino dahil pinayagan din naman sa Spain ang non-EU nationals sa pamamagitan ng property investment para sa golden visa at magiging eligible ang Filipino citizen para mag-apply for citizenship pagkatapos ng dalawang taon.

 

Banggit pa ng source namin na maituring daw na isa sa pinakamayamang aktor si Coco sa ngayon.

 

Incidentally, sa kanyang seryeng “FPJ’s Batang Quiapo” ay super rich ang bagong Tanggol.

 

Biglang nagbago ang kapalaran ni Tanggol dahil sa ibinenta niyang diamanteng ‘Star of Venus’ sa mayamang negosyanteng si Divina (Rosanna Roces). At kasosyo na rin siya sa negosyo.

 

At kahit milyonaryo na si Coco sa serye ay tuloy pa rin ang pagdating ng mga kontrabida sa buhay niya.

 

***

 

NAKAUSAP namin ang anak ni Isko “Yorme” Moreno na si Joaquin Domagoso nang nakiramay ang Kapuso Star sa isa sa mga residente na namatayan.

 

Ayon pa kay Joaquin ay tuloy-tuloy na raw ang pagpalaot niya sa mundo ng pulitika.

 

Tatakbo siyang kunsehal sa unang districto ng Maynila.

 

Sa totoo lang saksı kami kung paano pinagkakaguluhan si Joaquin ng mga taga-Tondo.

 

And from the way we look at it, mukhang another Isko Moreno in the making si Joaquin as far as public servant is concern.

 

Sarili raw niyang kagustuhan yun at walang kinalaman ang ama niyang magbabalik pulitika at tatakbong mayor ng Maynila.

 

Kaya mukhang isasantabi muna ng Sparkle artist ang kanyang showbiz career.

 

Ngayon pa lang ay binabati na namin si Coun. Joaquin Domagoso at ang ama niyang si Mayor Isko Moreno, huh!

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Matapos na maging box-office hit sa ‘Cinemalaya XX’: ‘Balota’ na pinagbidahan ni MARIAN, mapapanood na nationwide

Posted on: September 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAGANDANG balita para sa mga supporter ng “Balota” ni Marian Rivera dahil mapapanood na ang nasabing Cinemalaya film sa mga sinehan nationwide simula October 16.

 

Matatandaang nagwagi bilang 2024 Cinemalaya Best Actress si Marian sa kanyang pagganap bilang teacher Emmy. Ang “Balota” ay mula sa direksyon ni Kip Oebanda.

 

Inanunsyo ito ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group kamakailan sa kanilang official social media accounts.

 

Maraming netizens na ang na-excite dahil matapos maging box-office hit sa Cinemalaya Film Festival noong Agosto ay mapapanood nang muli ang pelikula with its new cut.

 

Komento ng isang netizen: “Ay sa wakas dininig ang aming hiling, ok lang kahit matagal pa showing basta maipapalabas nationwide.”

 

***

 

NGAYONG Sabado, 12 p.m. sa Mall of Asia Arena, ang opening ceremony ng centennial season ng NCAA.

 

Bukod sa Kapuso artists na magbibigay-kulay sa programa, tiyak na inaabangan din ng kanilang fans ang performances nina SB19 member Justin at P-pop’s Female Alphas na G22.

 

Katuwang pa rin ang GMA Network bilang official broadcast partner, siguradong maraming inihandang sorpresa ang NCAA para sa “NCAA Siglo Uno: Inspiring Legacies Opening Ceremony.”

 

Magsisilbing hosts ng opening ceremony sina Sparkle stars Martin Javier, Lexi Gonzales, Michael Sager, at Faith da Silva. Tiyak maghahatid-saya naman sa kanyang kaabang-abang na

 

performance si Justin habang hindi dapat palagpasin ang pag-perform ng G22 sa NCAA Season 100 theme song na “Own the Future.”

 

Matapos ang opening ceremony, mag-uumpisa agad ang bakbakan sa Men’s Basketball. Sa Game 1, magsasagupaan ang LPU Pirates at Season 99 champion na San Beda Red Lions, 2:30 p.m.

 

Susunod naman ang Game 2 kung saan maglalaban ang Benilde Blazers at Mapua Cardinals, 5 p.m.

 

Abangan din ang telecasts ng opening ceremony sa GMA at Heart of Asia sa Linggo (September 8), 10:05 a.m.

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

 

Para sa mahusay na pagganap sa ‘Cattleya Killer’: ARJO, tinanghal na Best Male Lead sa ‘ContentAsia Awards 2024′

Posted on: September 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KINILALA na naman ang husay sa pag-arte ng multi-awarded actor turned politician na si Congressman Arjo Atayde matapos na parangalan sa ContentAsia Awards 2024 na ginanap nitong Huwebes, September 5 sa Taipei, Taiwan.

 

Si Arjo ang nanalo bilang Best Male Lead in a TV Programme/Series para sa kanyang pagganap bilang Anton dela Rosa sa “Cattleya Killer,” na tinalo ang lima pang aktor na naminado kasama si Dingdong Dantes sa “Royal Blood” ng GMA.

 

Sa kanyang acceptance speech, pinasalamatan niya ang Prime Video, Nathan Studio, ABS-CBN management and ABS-CBN International.

 

Ayon sa award-winning actor, “Thank you to everyone. I’m forever indebted to all the actors that I work with, to the people behind the camera, to everyone who’s helped me be here, gather all this power to actually pull through this good series.”

 

Nagpasalamat din si Arjo sa kanyang pamilya at lalo na asawa niyang si Maine Mendoza.

 

“It’s my first time in Taipei, this is such a reward for a first time here. Last but not the least, my family. Thank you so much to my family for supporting so much, to my wife who understands so much of the hard work that of obviously that we have to pull through to be able to do this,” pahayag pa niya.

 

Muling nagpasalamat ang aktor sa ABS-CBN at ganun din sa mamamayang Pilipino.

 

“To ABS-CBN, Tita Cory Vidanes, Sir Carlo Katigbak, and of course, to Sir Rowell Bayani, thank you so much for this opportunity. To the Filipinos, to ABS-CBN, maraming, maraming salamat po,” dagdag pa niya.

 

Kilala nga ang multi-awarded Filipino film at television actor sa kanyang stellar performance sa digital series na ‘Bagman’ bilang Benjo Malaya.

 

Gumawa siya ng marka at pinag-usapan nang siya ay hinirang na Best Actor in a Leading Role para sa ‘Bagman’ sa 3rd Asian Academy Creative Awards.

 

Kinikilala ng taunang pagpaparangal ng paggawad ang kahusayan sa industriya ng pelikula at telebisyon sa 16 na bansa sa rehiyon ng Asia-Pacific at si Arjo ang unang Pilipinong nakatanggap ng parangal na ito.

 

Tumatak din ang kanyang character bilang Elijah Sarmiento sa primetime drama series na ‘The General’s Daughter’, na kung saan pinuri ng Autism Society Philippines para sa kanyang sensitibong pag-atake at pagre-represent ng may autism.

 

Bukod sa lead actor, isa rin siya sa producer ng ‘Cattleya Killer,’ na inilunsad at ipinalabas sa MIPCOM Cannes noong Oktubre 2022 at nakuha ng Prime Video para sa pagpapalabas noong Hunyo 2023 sa Southeast Asia, Hongkong, Taiwan, at iba pang teritoryo.

 

Samantala, ang “A Very Good Girl” ng Star Cinema ay nanalo ng Best Asian Feature Film/Telemovie Bronze Award. Nakuha ng “Trespassers” mula sa Nippon TV ang gold award habang ang “Firefly” ng GMA ang nakakuha ng silver trophy.

 

Congrats Cong. Arjo!

 

***

 

NANINDIGAN sa ikalawang pagkakataon ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa una nitong desisyon na bigyan ng X rating ang pelikulang “Dear Santa” na dating “Dear Satan” ang pamagat.

 

Ibig sabihin ng X ay hindi pwedeng ipalabas ito sa mga sinehan matapos na ito’y makitaan ng pag-atake sa paniniwala at relihiyon, partikular sa simbahang Katolika at ng iba pang Kristiyano.

 

 

Isinagawa ang ikalawang ribyu noong Setyembre 5.

 

 

Sa unang ribyu, na-X ang “Dear Satan” dahil sa paglabag nito sa Presidential Decree No. 1986, Chapter IV, Section F, Subsection (c). Alinsunod sa naturang probisyon, hindi pinapahintulutan ng MTRCB ang pagpapalabas ng pelikula, programa sa telebisyon o anumang katulad na pampublikong materyal o patalastas kung “Ang pelikula ay malinaw na naglalaman ng pag-atake sa anumang lahi, paniniwala o relihiyon.”

 

 

Nakitaan din ng Komite ang pelikula ng baluktot na paglalarawan kay ‘Satanas’ na taliwas sa mga turo ng simbahang Katolika at ng Kristiyanismo. Mapanlinlang ang depiksiyon kay Satanas at puwedeng malihis ang landas ng mga manonood.

 

 

Nilinaw ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio na ang Committee system ang siyang masusing nagre-ribyu ng mga pelikula.

 

 

“Kami sa MTRCB ay tapat na sumusunod sa mandatong kaloob ng PD No. 1986 na kailangang balansehin ang umiiral na kultura at moralidad ng mga Pilipino,” sabi ni Sotto-Antonio.

 

 

Iginiit niyang kaisa lagi ang ahensya para sa pangkalahatang tagumpay ng idustriya ng pelikula at telebisyon ayon sa mga umiiral na mga batas sa bansa.

 

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Koleksyon sa MRT 3 fare hindi aabot sa projections

Posted on: September 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHAN ng Department of Transportation (DOTr) na hindi aabot ang koleksyon sa pamasahe ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) para sa mga bayarin kung kaya’t hindi nito mababayaran ang kanilang financial obligations sa operator ng MRT sa ilalim ng build-lease-transfer (BLT) concession agreement nito.

 

“With regard to the BLT agreement, the government will pay a combined P3.4 billion,” wika ni DOTr assistant secretary Jorgette B. Aquino sa House appropriations committee hearing noong nakaraang linggo.

 

Ayon kay Aquino, ang farebox revenue ng MRT 3 sa loob ng walong buwan hanggang August ay umabot ng P1.6 million habang ang projected non-rail revenue ay P36 million hanggang katapusan ng taon.

 

Ang nasabing halaga na makukuha sa MRT 3 mula sa fares at non-rail income ay ibabayad sa government’s equity rental at iba pang obligasyon sa operator ng MRT 3, ang Metro Rail Transit Corp. (MRTC).

 

Sinabi ni Aquino na ang P3.4 billion na financial obligasyon sa MRTC ay kasama na ang P2.75 billion para sa equity rental, staffing, at gastos sa administrative at ang P690 million na bayad din sa MRTC na kailangan bayaran sa darating na January.

 

Ang projected fare revenue sa apat na buwan hanggang December ay P800 million lamang na may kakulangan na P960 million para sa mga financial obligasyon ng MRT 3.

 

Sa darating na July 2025 ay magkakaroon ng turn-over ang MRTC sa pamahalaan kapag ang BLT agreement ay natapos na. Inaasahan ng pamahalaan na magkaroon ng privatization sa MRT 3 bago matapos ang kontrata sa susunod na taon.

 

Sinabi naman ni Assistant Minority Leader and Party-list Rep Marissa Magsino na gusto nilang malaman sa Kongreso kung sasapat ang koleksyon para sa mga pangbayad ng pamahalaan sa kanilang financial obligasyon at kung hindi ay hahanap sila ng paraan kung paano mapupunuan ang kakulagan.

 

“We need to know if the fare collection is enough to cover the government’s financial obligations ang if not we will look into how we can fill in these balances,” wika ni Magsino

 

Ayon kay Aquino, ang DOTr ay naunang humingi ng pondo na nagkakahalaga ng P3.1 billion para sa MRT 3 subalit ang nabigyan ng approval lamang ay P1.07 billion sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP).

 

Sa ilalim ng BLT agreement, ang DOTr ang siyang may-ari ng prangkisa at sila rin ang humahawak ng operasyon at pagmimintina ng pasilidad kasama ang pagkokolekta ng pamasahe. Ang MRTC ang siyang nagtayo at nag-aayos ng system kapalit ang bayad mula sa DOTr. LASACMAR

Pinsala ni Enteng sa Agriculture umabot na sa P350 milyon – DA

Posted on: September 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT na sa P350-milyon ang inisyal na halaga ng pinsalang natamo ng agri sector dahil sa pananalasa ng bagyong Enteng.

 

Batay sa datos ng Department of Agriculture (DA), mayroong 8,893 na ektarya ng sakahan ang naapektuhan sa Bicol region.

 

Katumbas ito ng 13,623 na apektadong magsasaka at production loss na 14,814MT.

 

Mula sa mga sakahan ng palay na apektado, 63% ang partially damaged habang 36% o katumbas ng 3,000 ektarya ang labis na napinsala.

 

Kaugnay nito, inihahanda naman ng DA ang assistance nito sa mga apektadong magsasaka kabilang ang higit P200-M halaga ng binhi, biocontrol measures at makinarya.

 

Gayundin ang Survival and Recovery (SURE) Loan Program from the Agricultural Credit Policy.

 

Tiniyak naman ng DA ang patuloy na assessment sa pinsala ng bagyo sa iba pang rehiyon sa bansa.

Australian Olympian break dancer Rachel Gunn nag-sorry na sa breakdancing community ng kanilang bansa

Posted on: September 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HUMINGI na ng paumanhin si Australian Olympian Rachael Gunn sa breakdancing community ng kanyang bansa.

 

 

Kasunod ito sa kontrobersiya na kaniyang kinaharap noong lumahok siya sa Paris Olympics.

 

 

Nabigo kasi siya sa B-Girls competitions ng magtala ng zeo points.

 

 

Dagdag pa ng 36-anyos na breakdancers na nalulungkot siya na marinig ang nasabing mga negatibong komento.

 

Inakusahan kasi siya na minanipula niya ang selection process kabilang ang pagbuo niya ng sariling governing body.

 

 

Maging ang kaniyang asawa ay kaniyang kinuha para maging judge sa qualification trial.

 

 

Ang nasabing alegasyon din ay ikinalungkot ng Australian Olympic Committee (AOC) at ng World DanceSport Federation (WDSF).

 

 

Giit nito na hindi nakakatuwa ang alegasyon dahil sa itinuturing siyang top-ranked sa Australian B-girls noong 2020, 2022 at 2023 kung saan naimbitahan siyang maging representatives sa ilang mga World Championships.

Sharpshooter guard Evan Fournier, aalis na sa NBA matapos ang 12 season

Posted on: September 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

AALIS na si Evan Fournier sa National Basketball Association(NBA) matapos ang 12 season na paglalaro.

 

 

Sa kasalukuyan ay isang unrestricted free agent si Fournier matapos niyang tanggihan ang alok sa kanya ng Detroit Pistons na $19 million contract para sa 2024-2025 season.

 

 

Noong Pebrero 2024, napunta siya sa Detroit bilang bahagi ng Bojan Bogdanovic deal ngunit pinili nitong pasukin ang free agency.

 

 

Batay sa opisyal na report ng NBA, maglalaro na si Fournier sa Greek powerhouse team na Olympiacos. Una na ring pumirma ng kontrata ang batikang NBA player sa naturang koponan na nagkakahalaga ng $4 million para sa dalawang taon.

 

Sa mga unang season niya sa NBA, nagawa niyang mag-average ng career-high na 18.5 points per game ngunit matapos siyang mapasama sa ilang trade deal ay dahan-dahan ding bumaba ang kanyang naipapasok na points per game.

 

 

Siya ay bahagi ng NBA draft 2012 at pinili ng Denver Nuggets bilang first-round pick. Hindi naman siya nagtagal sa Nuggets at napunta sa Orlando Magic kung saan niya ginugol ang ilang taon.

 

 

Mula sa Orlando, napunta siya sa Boston Celtics ngunit kinalaunan ay tuluyan ding na-trade sa New York Knicks.

 

 

Habang nasa Knicks, nagawa niyang itala ang franchise record para sa pinakamaraming 3-pointer sa isang seaon – 241.

 

 

Nitong nakalipas na 2024 Olympics, naging bahagi si Fournier ng French basketball team at nag-ambag siya ng 9.8 ppg at 2.2 apg.