• March 12, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2024

Social security protection sa barangay officials, tiniyak ng SSS

Posted on: September 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISINULONG ni Social Security System (SSS) President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet na maging miyembro ng SSS ang mga barangay official sa buong bansa upang makatanggap ng lifetime monthly pension oras na magretiro ang mga ito sa serbisyo.

 

“Many of our barangay officials and workers serve their constituents for 10 or 20 years. However, when they retire from public service, they do not get any separation pay or monthly pension. Now, through the SSS membership, we are offering you an opportunity to get a monthly pension when you retire from being a barangay official,”sabi ni Macasaet .

 

Binigyang diin ni Macasaet na kailangang kumuha na ng mga nabanggit ng SS number at magsimulang pagbayad ng kanilang monthly contributions upang awtomatikong magkatoon ng social security coverage mula sa SSS.

 

Anya, oras na makapagbayad ng kahit 120 monthly SSS contributions ay makakatanggap na ang mga ito ng lifetime monthly pension oras na sila ay magretiro.

 

‘Aside from retirement benefits, you will be entitled to sickness, maternity, disability, unemployment, funeral, and death benefits.” paliwanag pa ni Macasaet.

 

Dapat din anyang samantalahin ng mga barangay officials ang ibat ibang SSS loan programs tulad ng salary at calamity gayundin ng dagdag na coverage mula sa Employees’ Compensation (EC) Program para sa work-related sickness o injury na nagresulta ng pagkamatay o anumang kapansanan.

SK Leaders in Pasig Pioneer First-Ever Youth-Led HPV Vaccination Drive in NCR

Posted on: September 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

THE Sangguniang Kabataan (SK) of Barangay Pinagbuhatan made history as they spearheaded the first-ever youth-led city-wide immunization program against Human Papillomavirus (HPV) in Pasig City at Pinagbuhatan Elementary School. The initiative, titled “Kabataan Para Sa HPV-Free Pasig City,” marks a significant milestone in public health, by vaccinating around 300 girls aged 9 to 14 in the locality during the launch while up to 3,000 students will benefit from this program until the end of the year.

 

 

This groundbreaking event is the first youth-led School-Based Immunization (SBI) and community vaccination program in the National Capital Region (NCR), demonstrating the critical role of young leaders in advancing public health initiatives. The SK of Pinagbuhatan, in collaboration with the Pasig Local Government Unit (LGU), the Department of Health (DOH), and the Department of Education (DepEd), has brought together a coalition of partners dedicated to safeguarding the health of the city’s youth.

 

 

Pasig City Mayor Vico Sotto emphasized the importance of collaboration in the program’s success, saying, “Kasama natin ang DOH, private partners katulad ng MSD in the Philippines, at DepEd sa information dissemination. Maraming sakit ang pwedeng iwasan tulad ng cervical cancer, polio, at tigdas. Kaya napakaaktibo ng city health department sa awareness raising at pagpapabakuna. Mas malawak na ang coverage natin ngayon. Napaka-importante ng partnership ng iba’t ibang stakeholders. Mas maraming stakeholders na involved, mas buo ang programa natin. Alamin ang mga serbisyong available, alamin ang kahalagahan nito at pakinabang nito. Knowledge is power kaya magpabakuna po tayo.”

 

 

In addition to the vaccination of schoolgirls, the program has procured 9,780 doses of the HPV vaccine for LGU workers, further broadening the reach and impact of this initiative.

 

 

A total of 4 health centers across Pasig are participating in the simultaneous vaccination drive, which aims to immunize schoolchildren and provide reproductive health services to women throughout the city. This youth initiative aligns with the national healthcare program “Sa Aking Paglaki, Walang HPV,” led by the DOH and DepEd, and seeks to democratize access to life-saving HPV vaccines.

 

 

Keith Gumban, SK Councillor and Committee for Health Chairperson, highlighted the significance of the initiative, stating, “Ang programang ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas ligtas at mas malusog na kinabukasan sa ating mga kabataan.”

 

 

Victor Javena, Chief Education Supervisor of the SGOD at the DepEd Division Office in Pasig City, reiterated the department’s commitment, saying, “Kami ay inyong maasahan sa pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan sa paaralan upang gabayan ang mga magulang at ang kanilang mga anak para maiwasan ang cervical cancer.”

 

 

Dr. Jaya Ebuen, Development Management Officer at the DOH NCRO, emphasized the preventability of cervical cancer through vaccination, noting, “Cervical cancer is caused by HPV which is easily preventable by vaccine. Kaya lagi naming sinasabi na walang Pilipino ang dapat na magkasakit lalo na at kayang i-prevent ito ng bakuna.”

 

 

A global and national concern

Cervical cancer continues to be a major health challenge and, in the Philippines, the impact is especially alarming, with at least 12 women succumbing to cervical cancer every day. This makes it the second most common cancer among women aged 15 to 44.

 

 

Despite these statistics, experts emphasize that cervical cancer is one of the most preventable forms of cancer. The combination of HPV vaccination and regular cervical screening offers the best protection against this disease.

 

 

The World Health Organization (WHO) has set ambitious global targets to eliminate cervical cancer. These goals include vaccinating 90 percent of girls with the HPV vaccine by age 15, screening 70 percent of women by the ages of 35 and 45, and ensuring that 90 percent of women diagnosed with pre-cancer or invasive cancer receive the necessary treatment.

 

 

This vaccination launch is a pre-emptive effort ahead of the official start of School-Based Immunization programs for the school year, which will resume in October.

Pinoy Para swimmer Ernie Gawilan, nagpasalamat sa naging suporta ng mga Pilipino sa Team Philippines

Posted on: September 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Nagpasalamat si Pinoy Para swimmer Ernie Gawilan sa naging suporta ng mga Pilipino sa Team Philippines para sa Parlympics 2024 na nakatakdang magtapos bukas, Setyembre-8.

 

 

Ayon kay Gawilan, buo ang suportang natatangap ng team mula sa sports fans at mga opisyal ng bansa mula pa man noong naghahanda pa lamang ang mga ito hanggang ngayong papatapos na ang naturang torneyo.

 

 

Si Gawilan ay isa sa mga miyembro ng Philippine delegation na umabot sa Finals ng 400m freestyle ng swimming ngunit bigong makapagtapos sa medal finish.

 

 

Nakuha nito ang ika-anim na pwesto sa kanyang event kasunod na rin ng magandang performance na ipinakita sa Para games.

 

 

Samantala, nais naman ang Pinoy Paralympian na tumutok sa karagdagan pang mga pagsasanay sa pagbabalik nito sa Pilipinas.

 

 

Gayunpaman, hindi pa umano niya alam ang mga susunod na papasuking kumpetisyon pagbalik dito sa Pilipinas, lalo at dedepende aniya ito sa kung ano ang mga suhestiyon ng kanyang coach.

 

 

Ang Team Philippines na sumabak sa Paris Para Games ay binubuo nina Allain Ganapin ng Taekwondo, Angel Mae Otom at Ernie Gawilan sa swimming, track and field athletes Jerrold Mangliwan at Cendy Asusano, at archer Agustina Bantiloc.

Marlon Tapales all-set na sa laban kay Kumar

Posted on: September 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Nakahanda na si dating unified world super bantamweight king Marlon Tapales para sa laban nito kay Saurabh Kumar ng India.

 

 

Gaganapin ang laban ng dalawa ngayong araw sa Olympic Stadium ng Phom Penh, Cambodia para sa World Boxing Council (WBC) Asia crown.

 

 

Nangunguna kasi si Tapales ng apat na sanctioning bodies para makuha ang binakanteng world title ni Naoya Inoue sa featherweight ranks.

 

 

Nakuha ni Inoue ang WBA at IBF belts sa 32-anyos na si Tapales noong Disyembre.

 

 

Nitong Mayo ay tinalo din ni Tapales si Nattapong Jankaew ng Thailand sa pamamagitan ng unang round na ginanap sa bansa.

Mojdeh pasok sa World Cup

Posted on: September 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Babanderahan ni Micaela Jasmine Mojdeh ang national swimming team na sasabak sa prestihiyosong 2024 World Aquatics (WA) Swimming World Cup na idaraos sa tatlong magkakahiwalay na venues.

 

 

Isa si Mojdeh sa 16 swim­mers na nagkwalipika matapos ang isinagawang qualifying event ng Phi­lippine Aquatics Inc. kamakailan sa Rizal Memorial swimming pool.

 

 

Masaya ang buong Behrouz Elite Swimming Team (BEST) sa panibagong tagumpay na naabot ni Mojdeh partikular na sa kanyang kauna-unahang torneo sa seniors division.

 

 

Maningning ang juniors campaign ni Mojdeh na naka­pasok sa semifinals ng World Juniors Swimming Championships no­ong 2022 sa Lima, Peru habang bumasag ito ng national junior record sa parehong world meet noong 2023 sa Netanya, Israel.

 

 

“She always has good news happening on her on my birthday. In 2022, she made it to the semis World Juniors then broke PH junior record in 2023. Now she finally made it to Philippine National Team. Step by step towards your goal. One step at a time,” ani BEST team manager Joan Mojdeh na ina ni Micaela Jasmine.

 

 

Nakapasok si Mojdeh matapos makalikom ng 690 WA points.

 

 

“As she now steps into her first competition as a national team on her 18th year and bid her last year in the junior national team. We are having mixed emotions but more excited for her,” dagdag ni Joan.

 

 

Nagpasalamat ito sa lahat ng mga tumulong kay Micaela Jasmine sapul noong nagsisimula pa lamang ito partikular na sa yumaong Philippine Swimming League (PSL) president na si coach Susan Papa gayundin sa mga kasalukuyang coach nito na si veteran mentor Sherwyn Santiago.

Sinner pasok na sa finals ng US Open

Posted on: September 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Pasok na sa finals ng US Open si Jannik Sinner matapos talunin si Jack Draper.

 

 

Naging matindi ang labanan ng dalawa kung saan nakuha ng top-ranked tennis star na si Sinner ang score na 7-5, 7-6 (3), 6-2 .

 

 

Ang 23-anyos na Italian tennis star ay hindi na pinatawan ng parusa sa kaniyang doping case dahil naipasa lamang ito mula sa kaniyang trainer.

 

 

Kinailangan pang ipatingin sa mga medical experts ang 22-anyos na British tennis player na si Draper matapos na magsuka ng dalawang beses.

 

 

Habang si Sinner ay sumailalim sa pagmamasahe dahil sa pananakit ng katawan dahil sa labis na init ng panahon.

Ads September 9, 2024

Posted on: September 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Kelot na sangkot sa pagbebenta ng baril, nalambat ng Maritime police sa entrapment

Posted on: September 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LAGLAG sa selda ang isang lalaki na sangkot umano ilegal na pagbebenta ng baril matapos matimbog ng mga tauhan ng Maritime police sa isinagawang entrapment operation sa Tondo, Manila.

 

 

Ayon kay Northern NCR MARPSTA Chief P/Major Randy Veran, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal na pagbebenta ng baril ni alyas “Joseph”.

 

 

Nang magawa nilang makipagtransaksyon sa suspek ay agad bumuo ng team si Major Veran, kasama ang mga tauhan ng Tayuman PCP-PS7 saka ikinasa ang entrapment operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay ‘Joseph’ dakong alas-6:50 ng gabi sa Tayuman, Tondo, Manila.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang isang caliber .9mm pistol na may isang magazine na kargado ng isang bala na may estimated market value na P17,500.00.

 

 

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa paglabag sa Section 32, “Unlawful Manufacture, Importation, Sale or Disposition of Firearms or Ammunition or Parts” of R.A. 10591 “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”. (Richard Mesa)

Tinatayang may 8,036 pamilya o 31,677 katao ang apektado ni Enteng sa Rizal province… PBBM, ipinag-utos ang mahigpit na pagtugon sa mga lugar na tinamaan ni ENTENG

Posted on: September 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Biyernes na panatilihin ang mahigpit na pakikipag-ugnayan sa pagitan ng nasyonal at lokal na pamahalaan upang masiguro ang mabilis na distribusyon ng tulong sa mga residente na apektado ng Severe Tropical Storm Enteng.

 

“Continue the coordination between the national agencies and the LGUs with DENR, with Public Works para ‘yung ating ginagawa like if there are specific concerns that we can address them as quickly as possible,” ayon sa Pangulo sa situation briefing sa Antipolo City.

 

Binigyang diin ng Chief Executive na kagyat na dapat na tinutugunan ang ‘special concerns’ dahil nangangahulugan ito na may mga lugar o grupo ng tao o komunidad ang nananatiling nangangailangan ng agarang atensyon mula sa pamahalaan.

 

“So, we have to do something special for them,” ang dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ng provincial government ng Rizal kay Pangulong Marcos na nakapagbigay na sila ng lahat ng kinakailangang tulong sa mga residente sa lalawigan na tinamaan ni Enteng.

 

Bago pa matapos ang briefing, ipinag-utos ni Pangulong Marcos sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ipagpatuloy lamang ang ginagawa nitong pamamahagi ng mga relief goods sa mga apektadong residente kasabay ng naging atas naman nito sa Department of Interior and Local Government (DILG) na patuloy na makipagtulungan sa LGUs.

 

Ipinag-utos naman ni Pangulong Marcos sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na mahigpit na makipag-ugnayan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa clearing operations.

 

Tinatayang may 8,036 pamilya o 31,677 katao ang apektado ni Enteng sa Rizal province.

 

Napinsala naman ng naturang bagyo ang Rizal Provincial Hospital system, umabot sa P533,700.

 

Matapos naman ang paghambalos ng bagyo, kaagad na nagbigay ang DSWD ng P11.62 milyong halaga ng tulong sa mga apektadong pamilya at ginawang available ang P134.40 milyong halaga ng standby funds, food, at non-food items sa Calabarzon (Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon) region. (Daris Jose)

Prisoner swap… Walang ‘palit-ulo’ sa pagitan ng Pinas, Indonesia para kay Alice Guo — PBBM

Posted on: September 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang prisoner-swap o ‘palit-ulo’ sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia kasunod ng pag-aresto sa dinismis na si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

 

Sa naging panayam ng mga miyembro ng Malacañang Press Corps (MPC), winika ni Pangulong Marcos na walang ‘official request’ mula sa Indonesian government para sa ‘prisoner swap.’

 

”Wala namang nag-swap. Walang swap,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

”There was… because lumabas sa isang article sa Indonesia na dapat mag-swap pero hindi official ‘yun because an article came out in Indonesia suggesting a swap but it was never official],” aniya pa rin

 

Tinuran pa ng Chief Executive na ang pakikipag-ugnayan sa Indonesian authorities hinggil sa pag-aresto kay Guo ay “very intricate at sensitive.”

 

Binanggit nito na ang kanyang naging byahe sa Indonesia ay nakatulong sa kanya na magkaroon ng maraming kaibigan na tumulong naman sa proseso ng pag-aresto kay Guo.

 

”Kinakausap natin ang mga kaibigan sa Indonesia. Buti na lang marami tayong naging kaibigan na dahil sa pagpunta-punta ko sa mga iba’t ibang bansa… Indonesia being one of them at naging malapit kami ni President Jokowi… naging bahagi ‘yun kahit na hindi ganoon kasimple ang pag-transfer,” ang pahayag ni Pangulong Marcos.

 

Sa ulat, una nang sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na may ilang kondisyon para sa deportation ni Guo na nadakip sa Tangerang, Indonesia.

 

Una nang lumutang ang isyu na hinihiling umano ng Jakarta Police na ipagpalit si Guo kay Haas, na nakapiit sa Pilipinas.

 

Napag-alaman na si Haas ay nadakip ng Bureau of Immigration sa San Remigio, Northern Cebu noong Mayo 15, 2024 bunsod na rin ng Interpol red notice.

 

Subalit, sinabi naman ng tinuran ni Justice Undersecretary Nicky Ty na wala pa silang natatanggap na official request mula sa Indonesian government hinggil sa umano’y “palit ulo” sa naarestong si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

 

Aniya, wala pang opisyal na pakiusap o hiling ang Indonesia kaugnay sa isyu ng “palit ulo” sa Australian national Gregor Johan Haas, na most wanted sa bansa dahil sa kaso ng drug smuggling.
“Huwag natin pangunahan, ano?, ani Ty. (Daris Jose)