• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 1:10 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2024

Sa usaping tungkol sa sexual harassment: ANGELA, nag-iingat at dapat kayang protektahan ang sarili

Posted on: September 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MASAYA ang Vivamax actress na si Angela Morena na makatrabaho sa unang pagkakataon ang direktor na si Dado Lumibao para sa “Butas”.

 

Say ni Angela, “Ang dami kong na-discover at natutunan. Isa yun sa ano, dahil writer siya, siya yung nagsulat nito, talagang very strict siya pagdating sa dayalog and everything.

 

“E ako as an actor mahilig akong mag-adlib pero since itong “Butas” it’s a teamwork, it’s a collaboration, at sobrang natuwa ako kasi si direk Dado sobrang taas ng respeto niya pagdating sa mga Vivamax actors.

 

“Hindi lang sa amin pero kinukuwento niya, sinasabi niya na, ‘Ang taas ng respeto ko sa inyo!’”

 

Nakilala si direk Dado bilang writer at direktor ng mga romance at drama projects sa ABS-CBN at una niyang Vivamax project ang “Butas”.

 

At dahil daring and sexy ang ‘Butas’ (mabilis ang pagkakabigkas bilang pang-uri) natanong si Angela kung ano ang opinyon niya tungkol sa isyung pinag-uusapan ngayon, ang sexual harassment.

 

Lalo pa nga at sa genre ng kanyang mga proyekto, kadalasan ay mga may mapangahas na eksenang ipanagagawa sa kanya.

 

“Well for me naman po I am trained to work professionally,” pahayag ni Angela.

 

 

“And as long as you can protect yourself, protect yourself.

 

 

“Kasi walang ibang magpoprotekta sa iyo kundi ang sarili mo.

 

 

“And respeto.”

 

 

Noong baguhan pa lamang si Angela ay kita ang pagiging mahiyan pa nito, pero sa ngayon, naroroon na ang confidence niya bilang isang Vivamax actress.

 

 

Iyon ba ay nangangahulugan na mas madali na para sa kanya ang gumawa ng mga daring na projects at characters?

 

 

“The answer is no,” at napatawa si Angela. “Hindi po talaga madali at everytime na nagkakaroon ako ng project or ng bagong character na nakikilala andun pa rin yung kaba.

 

 

“And hindi ko magagawa ang lahat ng ito kundi dahil sa production, sa direktor, and especially Viva.”

 

Dahil ‘Butas’ ang titulo ng kanilang proyekto, tinanong namin si Angela kung ano ang poumapasok sa isip niya kapag naririnig niya ang salitang “butas”?

 

At nagkaroon na ba ng importansiya sa buhay niya ang salitang ito?

 

“Siguro po for me, “butas” is kulang? Or the feeling of being misunderstood. Kasi alam naman natin na no one is perfect, lahat tayo may “butas” sa pagkatao natin.

 

“And nasa atin kung paano natin siya tatanggapin at kung paano natin hahanapin yung kulang na iyon sa tamang paraan.

 

“Kasi yung character ko dito sa maling paraan niya hinanap, e. “At doon kayo magkakaroon ng question pagdating sa moral niya at sa character niya.

 

“So iyon, kulang and misunderstood.”

 

May iba na ang tingin sa mga sexy stars ay mababa na isang stigma pa rin sa ngayon.

 

“Pero hindi nila alam o hindi nila naiintindihan kung ano nga ba yung dahilan ko kung bakit ako nandito, kung bakit ko ito ginagawa.

 

“Na hindi ako katulad o hindi ako ganung klaseng tao na iniisip nila,” seryosong sinabi pa ni Angela.

 

Kasama ni Angela sa “Butas” sina Albie Casiño, JD Aguas at Angelica Hart. Available na ito for streaming sa Vivamax.

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

100 negosyo package ang inihanda para sa mga kababayan: SAM, sinurpresa ni RHIAN para saksihan ang pamimigay ng bonggang regalo

Posted on: September 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAMIGAY nang 100 negosyo package si Rep. Sam Verzosa sa napili na 100 kata ng “Dear SV” sa kanyang thanksgiving at birthday celebration na ginanap sa MLQU Hidalgo Basketball Covered Court nitong Lunes, September 16.

 

Bahagi ng pasasalamat ay ang malaking surpresa na bumuluga kay SV at isa na rito ang pagdating ng kanyang girlfriend na Rhian Ramos, na nagsilbing co-host niya sa naturang event.

 

Say ni Rhian, “sandali, magsisimula ka talaga na wala ako?

 

“Siyempre babati muna ako sa birthday celebrant. Akala mo ba, palalampasin ko ang araw na ito, siyempre hindi dahil malakas ka sa akin.”

 

Sabay sabi kay Sam na, “nagulat ka ba?”

 

“Sinikreto talaga namin ng production team para ma-surprise ka today.

 

“Gusto ko rin malaman mo, na hindi ko talaga palalampasin ang chance na masaksihan sa araw na ito ang napakalaki mong regalo para sa kanilang lahat.”

 

Dumating din ang pamilya ni Rep. Verzosa, kasama na rin ang kanyang mga anak at ganun din ang mga kaibigang at supporters. Nag-alay ng mga awitin sa celebrant ang Sto. Domingo Boys Choir.

 

Pero ng pinaka-highlight ng event ay ang paglalantad ng nakabalot na mobile negosyo package na tinawag na ’SioMaynila’, na kung saan isa-isang pinuntahan ni SV ang masusuwerteng napili at nakatanggap ng regalo mula sa birthday celebrant.

 

May kanya-kanya silang kuwento, kaya naman hindi napigilan ni Sam na maging emosyonal habang nag-iikot at isa-isang kinakausap ang mga kababayan sa Lungsod ng Maynila at ibang lugar sa bansa.

 

Para talaga silang nakatanggap ng early Christmas gift, na kung saan sakto sa countdown na 100 days bago mag-Pasko.

 

Kuwento pa ni SV, “ito po ay talagang pinagpuyatan namin at pinagsikapan. Hindi lang isang araw, hindi isang linggo, dahil ilang buwan ang ginugol namin at pinag-isipan para sa regalong ito.

 

“Kung paano namin tunay na mapapasaya yung mga kababayan natin, na nagmula pa sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas at sa lungsod ng Maynila.”

 

Dagdag pa ng representative ng ‘Tutok To Win Party-List’, “tuwing programa ng ‘Dear SV’, pumipili kami ng isang taong tutulungan at babaguhin ang buhay. Pero sa espesyal na araw ngayon, 100 Pilipino ang babaguhin natin ang buhay at matutulungan.”

 

Wish ni SV na sana’y makatulong at mapalago ang ipinamahagi niyang negosyo package lalo na sa mga taga-Maynila.

 

Mabuhay kay Rep. SV at maligayang kaarawan!

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Dalawang gowns ang inirampa sa ‘VIFF’… JANINE, napagkamalang European actress dahil sa kakaibang ganda

Posted on: September 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

FIRST time nakarating sa Venice, Italy si Janine Gutierrez, dumating siya doon ng August 28 at umuwi ng September 4.

 

 

Dumalo si Janine sa 81st Venice International Film Festival para sa pelikula niyang ‘Phantosmia’ ni Lav Diaz na four hours and fifteen minutes ang haba.

 

 

Ano ang feeling habang isa-isang tinatawag ang mga pangalan nila sa red carpet premiere ng pelikula niya?

 

“Sobrang saya,” bulalas ni Janine, “kasi first time ko din naman to have a screening na international yung audience.

 

“So masaya po.

 

“Tapos siguro mga thirty minutes to go sa pelikula merong isang babae na naglapag ng parang note, papel na nakatupi, nilapag niya sa harap ni direk Lav, nakalagay, ‘This was an absolute masterpiece!’

 

“Nilapag niya lang [yung note] during the screening.”

 

Kagulat-gulat ang papel ni Janine sa pelikula; ibinebenta siya ng sarili niyang ina kung kani-kaninong lalaki at sinasaktan siya nito kapag tumatanggi siya.

 

Pero hindi naman nagpaseksi si Janine sa pelikula kahit ganoon ang tema ng pelikula.

 

“Hindi naman po daring, parang wala naman pong pinakitang anything, lahat suggestive.”

 

Ang aktres na si Hazel Orencia ang gumanap na ina ni Janine sa ‘Phantosmia’.

 

Aminado si Janine na pressure ang dumalo sa isang international event na tulad ng VIFF.

 

“Opo kasi siyempre I don’t wanna disappoint tsaka parang feeling ko kami yung Philippine delegation doon, e.

 

“So gusto ko din talaga na ipakita na yung mga fashion designers natin dito sobrang world class.”

 

Dalawang gowns ang isinuot ni Janine sa festival at parehong nag-trending ang mga ito.

 

“Sobrang grateful kasi siyempre yung dalawang designers pumayag na damitan ako doon sa Venice International Film Festival.”

 

Ang black gown ni Janine ay likha ng iconic fashion designer na si Inno Sotto at ang baby blue gown naman niya ay gawa ni Vania Romoff.

 

Ilan sa mga kasama ni Janine sa Venice ay ang producer ng pelikula na si Paul Soriano at misis nitong si Toni Gonzaga at ang beteranong aktor na si Ronnie Lazaro na kasali rin sa pelikula.

 

May kuwento pa nga raw si direk Paul na sa sobrang ganda ni Janine ay napagkamalan itong isang European actress.

 

“Sobrang grateful, sobrang grateful kasi napaka-supportive ng mga kasama ko doon like sina Ms. Toni nga, si direk Paul and si Tito Ronnie, parang happy sila na pini-piktyuran ako sa red carpet.
“Very supportive sila.

 

“And proud to be Filipina yung pakiramdam ko talaga doon kasi makikita mo din doon sa red carpet na merong flag for each country na parte nung Venice Film Festival this year so nagpa-picture talaga ako kasi may flag tayo,” ang nakangiting kuwento pa ni Janine.

 

Pagbalik ni Janine sa Pilipinas ay sumalang na agad siya sa taping ng ‘Lavender Fields’.

 

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Lady Gaga and Joaquin Phoenix discuss the chaotic and emotional music that brings Arthur Fleck to life in ‘Joker: Folie à Deux’

Posted on: September 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

IN Joker: Folie à Deux, the sequel to the 2019 Oscar-winning film, the music within Arthur Fleck takes center stage, revealing more of his complex and fractured psyche. Writer, director, and producer Todd Phillips knew that music would play a vital role in the film’s evolution.

 

 

“There’s a romance to Arthur in the first film, like when he dances in the bathroom,” Phillips reflects. “Arthur has music in him. That was a logical leaping-off point for the sequel.”

 

Joaquin Phoenix, who reprises his Oscar-winning role as Arthur Fleck/Joker, adds, “We started talking about music very early on.”

 

In this new chapter, Arthur finds himself institutionalized at Arkham Asylum, facing the consequences of his crimes as the Joker. Struggling to reconcile his two identities, Arthur not only discovers love but also unlocks the music that has been a part of him all along.

 

For Phoenix, performing live renditions of songs during filming brought a rawness to the experience. “We had to perform live and perform the songs in ways that maybe weren’t the most beautiful renditions of the song,” says Phoenix, laughing. “There was something very exciting about that.”

 

The film introduces Lady Gaga as Harley Quinn, Arthur’s twisted love interest, marking her debut in the Joker franchise. For Gaga, the music within Arthur is a mirror of his chaotic and fractured soul.

 

“This music within him, it’s messy, chaotic,” says the Grammy winner. “It’s expressing the complexity of love and in a way brings Arthur to life.”

 

As Arthur stumbles through his journey of love and self-discovery, the music becomes an essential thread that ties the story together. The chaotic sounds reflect the Joker’s unhinged persona while highlighting the emotions that simmer beneath the surface.

 

Joker: Folie à Deux is set to offer a darker, more twisted exploration of Arthur Fleck’s transformation. With Phillips’ signature storytelling and Phoenix and Gaga’s captivating performances, this sequel promises to take audiences on an emotional rollercoaster filled with romance, chaos, and music.

 

Joker: Folie à Deux will be released in cinemas across the Philippines on October 2, 2024, distributed by Warner Bros. Pictures, a Warner Bros. Discovery company. Don’t miss this explosive return to the world of Gotham’s most infamous villain. #JokerMovie #FolieADeux #ArthurFleck

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Countdown sa hosting ng bansa sa Volleyball Men’s World Championship sinimulan na

Posted on: September 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Sinimulan na ng Pilipinas ang isang taon na countdown para hosting ng FIVB Volleyball Men’s World Championship 2025.

 

 

Bilang bahagi ng paghahanda ay nagsagawa ng isang konsyerto ang sa Kalayaan Grounds ng Malacañang nitong Linggo ng gabi.

 

 

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) na ang “PH to Serve” ay isinagawa para ipamalas ang performance ng mga medalist ng World Championships of Performing Arts (WCOPA) Team Philippines.

 

 

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr at First Lady ang pagtanggap sa Alas Pilipinas ang national volleyball team ng bansa na kinabibilangan ng men’s at women’s team.

 

Gaganapin ang nasabing torneo mula Setyembre 12 hanggang 28, 2025 ang men’s World Championship na binubuo ng 32 koponan.

 

 

Mayroon ng automatic na qualifiers ang torneo ang Pilipinas bilang host country at ang Italy bilang defending champion.

BRP Teresa Magbanua nilisan na ang Escoda Shoal

Posted on: September 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa puwersa ng gobyerno na panatilihin ang ‘strategic presence’ sa West Philippine Sea kasunod ng pagbabalik ng BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) mula Escoda Shoal.
Sinabi ito ni National Maritime Council (NMC) spokesman Alexander Lopez matapos na tapusin ng BRP Teresa Magbanua ang matagumpay nitong five-month mission sa pinagtatalunang katubigan.
Sa isang panayam ng Malacañang reporters, araw ng Lunes, Setyembre 16, sinabi ni Lopez na nakatakdang mag-deploy ang Philippine Coast Guard (PCG) ng bagong vessel para i- monitor ang lugar kasunod ng direktiba mula sa Pangulo.
“Ang directive ni Pangulo ay i-maintain natin yung ating presence. Kapag sinabing presence, strategic presence iyon, ‘di lang physical presence,” aniya pa rin.
“I just want to clear that kapag sinabi natin presence, magpapadala lang ng isang barko,” dagdag na wika nito.
Ang paliwanag ni Lopez, sapat na ang isang barko para i-monitor hindi lamang ang Escoda Shoal kundi maging ang buong West Philippine Sea, makadaragdag ito ng tulong sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Navy (PN), at PCG.
“Actually, ang isang barko kaya ma-monitor iyon kasi may radar iyon,” aniya pa rin.
“May additional help or assets from others such as the PN and even the Coast Guard. Like, for example, nagpapalipad tayo ng eroplano, nagpapalipad din ng eroplano yung AFP… nagpapadala din ng barko,” dagdag na wika ni Lopez.
Gayunman, tumanggi naman si Lopez na pangalanan ang barko na papalit sa BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal.
“Hindi ko muna pwede sabihin ngayon until such time that nakapag-take station yung pinadala ng Coast Guard,” lahad ng Pangulo.
Sa kabila nito, tiniyak naman ni Lopez sa publiko na ang pag-alis ng BRP Teresa Magbanua mula sa Escoda Shoal ay hindi nangangahulugan na isinusuko na ng Pilipinas ang karapatan nito sa pinagtatalunang katubigan.
“Mali yung ganoon pananaw. Wala tayong gini-give up,” aniya pa rin sabay sabing “Kahit umalis yung Teresa Magbanua doon, it did not diminish our presence there dahil may ibang paraan para i-monitor, i-cover yung area.”
Matapos ang limang buwang deployment, lumisan na ang BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701), ang flagship vessel ng Philip­pine Coast Guard (PCG) lulan ang 60 crew nito na gutom at uhaw na uhaw na nagbalik sa Puerto Prin­cesa City, Palawan.
Batay sa report, apat sa mga crew ay dehydrated na habang isa naman ay may sugat sa hita at ang kanilang mga kasamahan ay nanghihina na rin sa gutom saka sa matinding uhaw matapos naman ang paghaharang ng China Coast Guard sa resupply mission.
Sinasabing ang mga ito ay naubusan na ng malinis na maiinom na tubig at dalawang linggo ng lugaw ang pinagtitiyagaang kainin.
Ayon kay maritime analyst Ray Powell, Director ng Sealight, isang Maritime Transparency Initiative ng Gordian Knot Center for National Security Innovation sa Stanford University sa Estados Unidos, dakong ala-1:00 ng hapon noong Sabado nang lisanin na ng BRP Teresa Magbanua ang Escoda (Sabina Shoal).
Kaagad namang nilinaw ng PCG na ‘humanitarian’ at hindi politikal, ang dahilan kung bakit nagpasya silang i-pullout na ang barko sa pinag-aagawang teritoryo. (Daris Jose)

Human trafficking case vs Alice Guo isasampa sa Pasig court – DOJ

Posted on: September 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDA nang ihain ng Department of Justice (DOJ) ang kasong qualified human trafficking laban kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Pasig City Regional Trial Court (RTC) ngayong linggong ito.
Ito ay kasunod na rin nang pagpayag ng Supreme Court (SC) sa ­hiling ng DOJ na mailipat ang pagdinig sa naturang kaso mula sa Capas, Tarlac Regional Trial Court (RTC) Branch 66 patungo sa Pasig RTC.
Kumpiyansa ang DOJ na sapat ang kanilang ebidensiya upang mapanagot ang mga respondents sa mga kasong kinakaharap ng mga ito.
Ayon sa DOJ, ang mga kaso sa ilalim ng Republic Act 9208, o The Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, ay non-bailable at may katapat na parusang habambuhay na pagkabilanggo.
Una na ring nailipat ang graft case na kinakaharap ni Guo sa Valenzuela RTC.
Bukod sa qualified human trafficking at graft case, si Guo ay nahaharap din sa tax evasion at money laundering sa DOJ. (Daris Jose)

Ads September 17, 2024

Posted on: September 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Bulacan, ipinagdiwang ang gay pride, kinoronahan ang kauna-unahang La Baklakenya sa Singkaban Festival 2024

Posted on: September 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Bumida ang matitingkad na kulay ng LGBTQ+ communities nang parehong ipagdiwang ng Singkaban Festival ang pagiging inklusibo at pamanang kultural sa pamamagitan ng Bulacan Gay Pride 2024 sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center dito kamakailan.

 

 

Dinaluhan ang gala night ng iba’t ibang LGBTQ+ federations na may mahigit 500 mga miyembro na sama-samang itinataguyod ang pagkakapantay-pantay sa lalawigan kung saan ilan sa mga beauty contestant ay naglaban para sa kauna-unahang titulo ng ‘La Baklakenya 2024’, habang naggawad din ng special awards para kilalanin ang katangi-tanging mga indibidwal at grupo na nagbigay ng mahahalagang ambag sa LGBTQ+ community at pangkalahatang Bulakenyo.

 

 

Kabilang sa mga titleholder sina Izza Galvez ng Lungsod ng Malolos para sa kauna-unahang La Baklakenya 2024 award na may premyong P10,000 at mga parangal na Tradisyonal na Kasuotang Baklakenya at Talento Baklakenya na kapwa may P2,000 na premyo; Anjo ‘Sofia’ Bautista ng Bocaue para sa La Baklakenya Turismo na may premyong P7,000 at Kasuotan Panlangoy award na may premyong P2,000; Lian Tadeo mula Bustos para sa La Baklakenya Sining at Kultura na may premyong P5,000, Harlin Budol ng Lungsod ng Meycauayan para sa La Baklakenya Kasaysayan na may P3,000 premyo at Jane De Leon ng Plaridel para sa Saya La Baklakenya award na may premyong P2,000.

 

 

Kinilala rin ang Creative Guild of Marilao bilang Most Active Club at Bahaghari de Mayumo ng San Miguel bilang Most Compliant Club na kapwa nag-uwi ng premyong P10,000, habang si John Carlo Manahan ng San Miguel ang kinilala bilang Most Compliant Secretary, Eduard Raymundo ng Marilao bilang Most Active President, at Miguel Migs Delos Reyes ng San Miguel bilang Most Compliant President, lahat ay nag-uwi ng P5,000 papremyo.

 

 

Sa kanyang mensahe, inanunsyo ni LGBTQ+ Bulacan Federation President Peter John T. Dionisio ang pagka-apruba kamakailan ng resolusyon na nagkakaloob ng isang LGBTQ+ scholar bawat barangay sa lalawigan, gayunpaman, pinaigting ni Gobernador Daniel R. Fernando ang kanyang suporta para sa komunidad sa pamamagitan ng pagdoble ng bilang ng mga iskolar na dalawa bawat barangay.

 

Samantala, sa pamamagitan ni Crispin De Luna, inihayag ni Fernando ang kaniyang paghanga at suporta sa LGBTQ+ community, at sinabi na malapit sa kaniyang puso ang mga miyembro nito dahil sa kanilang mga natural na talento at kasiyahang ibinibigay nila sa mga komunidad.

 

 

“Ano mang anyo ng mukha at pag-ibig, ito ay dapat na ipinagdiriwang, ibinabahagi at ipinadarama. Iisa lamang ang hiling ng bawat isa, ay kalayaang magmahal at mahalin, malayo sa mapanghusgang mata ng ating lipunan. Kaya naman magkakapit-bisig ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at LGBTQ+ community sa pagsusulong ng peace, unity and gender equality,” anang gobernador.

 

 

Sinayaw din ng ilang mga kinatawan ang Rigodon De Honor na isang elegante at sopistikadong sayaw na dinala sa Pilipinas ng mga Pilipinong naglakbay sa ibang bansa noong panahon ng Kastila.

Pamasahe sa mga airlines tataas dahil sa travel cost adjustments

Posted on: September 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ng Air Carriers Association of the Philippines (ACAP) noong Miyerkules na asahan na ng mga pasahero na magkakaron ng pagtaas ng pamasahe sa mga airlines dahil sa gagawing adjustment sa travel costs.

 

 

Kapag nag take-over na ang New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC) sa operasyon at pagmimintina ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay magkakaroon ng tiyak na pagtaas ng pamasahe dahil sa ipapatupad na bagong rate sa terminal at airport fees.

 

 

“We look forward to the anticipated infrastructure improvements and their positive impact on passenger experience. Thus, passengers may expect adjustments in travel costs once new airport fees are implemented,” wika ng ACAP.

 

 

Ang grupo ay binubuo ng mga malalaking carriers sa bansa tulad ng AirAsia Philippines, CebGo, Cebu Pacific, Philippine Airlines (PAL), at PAL Express.

 

 

Sinabi ng ACAP na patuloy silang makikipagtulungan sa NNIC at pamahalaan upang mabawasan ang epekto ng travel cost adjustments at ng masiguro ang interest ng airlines at pasahero ay magkakaron ng representasyon. Ang ACAP ay committed din na makipag-ugnayan sa NNIC at sila ay umaasa na ang adjustments sa fees ay magreresulta sa pagkakaroon ng isang enhanced operational efficiency sa NAIA.

 

 

Dati pa sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na tataas ang terminal at airport fees kapag nagkaron na ng pagsasapribado ng NAIA.

 

 

“Terminal fee will be increased and that will be in 2025. We are looking at P950,” sabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista.

 

 

Ayon kay NNIC general manager Angelo Alvarez na nakalagay sa kanilang nilagdaan na kasunduan sa pamahalaan na ang pagtataas ng fees ay magiging epektibo isang taon pagkatapos na ang NNIC ay mag take over sa NAIA.

 

 

Sa ngayon, ang terminal fees sa NAIA ay P200 sa domestic travelers at P550 sa international na mga pasahero. Dagdag naman ni Bautista na ang huling pagtataas ng terminal fees ay nangyari pa noong nakaraang 24 na taon.

 

 

Magkakaron rin ng re-assignment ng terminal para sa mga airlines. Sa ilalim ng bagong plano para sa mga airlines, sinabi ng NNIC na ang NAIA Terminal 1 ay gagamitin lamang ng Philippine Airlines at ang Terminal 2 naman ay magiging isang domestic terminal na lamang kasama na ang operasyon ng Cebu Pacific. Habang ang Terminal 3 ay ilalaan sa mga foreign airlines na sa ngayon ay nasa Terminal 1. Ang Terminal 4 naman ay para sa Air Asia flights na ngayon ay nasa Terminal 2.

 

Dati ang conglomerate ay tinatawag na SMC SAP & Co. Consortium bago naging NNIC. Ang grupo ay lumagda sa P170.6 billion na concession agreement sa Department of Transportation (DOTr) upang sila ang mag take-over sa operasyon ng NAIA matapos na sila ang magbigay ng may pinakamataas na share para sa future revenues sa pamahalaan.

 

 

Magbibigay ang grupo ng P122.3 billion sa capital investments sa loob ng 25 taong concession period o P4.89 billion kada taon. Kailangan din na magbigay sila ng upfront payment na P30 billion sa pamahalaan at kasunod ang P2 billion na annual payments sa buong ilang taon ng kontrata. LASACMAR