• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 7:26 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2024

Nakatakda sa Oct. 7… PBBM, inaprubahan ang P7.9-B para sa immunization drive na Bakuna Eskuwela

Posted on: September 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglalaan ng P7.9 billion para sa national immunization program ng Department of Health’s (DOH).

 

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa na ibinigay ni Pangulong Marcos ang kanyang pagsang-ayon sa isinagawang sectoral meeting kasama ang mga opisyal ng DOH sa pangunguna ni Herbosa sa Palasyo ng Malakanyang sa Maynila, araw ng Martes.

 

Sinabi ni Herbosa na ang inaprubahang budget ay mas mataas kaysa sa nagdaang budget na P6.4 billion budget na inilaan para sa immunization program ng departamento.

 

“Naibigay ni Presidente ‘yung aking ni-request na full budget. First time po ito. Lagi pong 60 to 70 percent lang nang hinihingi. But this is the first time our President really allocated PHP7.9 billion para sa mga pambili lang ng mga bakuna lamang po iyan,” ang sinabi ni Herbosa.

 

Sinabi pa ni Herbosa, ang DOH, sa pakikipagtulungan sa Department of Education (DepEd), maglulunsad din ng “Bakuna Eskuwela” campaign sa buong bansa sa Oktubre 7, sa pagsisikap na palakasin ang national immunization program at tugunan ang bumababang immunization rate sa bansa.

 

Sinabi pa nito na sakop ng Balik Eskuwela Program ang mga estudyante ng Grade 1, 4, at 7 sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa.

 

“Under the school-based immunization program, vaccines for human papillomaviruses (HPV), measles, rubella, tetanus, and diphtheria will be administered to the students,” ang winika naman ni Malacañang Press Briefer Daphne Oseña-Paez.

 

Nilinaw naman ni Herbosa na ang pagbabakuna ay hindi sapilitan at kailangan pa rin ng consent o pahintulot ng mga magulang.

 

“Kailangan pa rin ng parental consent. Of course, right of refusal pa rin,” ang naging pahayag ni Herbosa.

 

“And then, ang usual process naming, pag may nagrefuse na parents, ‘yung health workers na naming ang pumupunta at ini-interview, tinatanong bakit ayaw magpabakuna. And then we try to convince them, baka maling information, maraming nababasa sa social media,” lahad ng Kalihim.

 

Samantala, sinabi ni Herbosa na ang mga estudyante mula sa pribadong eskuwelahan ay maaaring ring mag-avail ng vaccination drive, binigyang-diin na titiyakin niya na “the program will not refuse any child.” (Daris Jose)

Walang pagbabago sa terminal assignments sa NAIA sa ngayon

Posted on: September 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINDI pa mababago sa ngayon ang mga terminal assignments sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ayon sa mga Philippine air carriers.

 

 

Sinabi ito ng mga airlines matapos na magkaroon ng announcement ang bagong operator ng NAIA na magkakaroon ng posibleng terminal reassignments pero sa darating pa na panahon.

 

 

Ang Cebu Pacific ang nagsabi na ang kanilang flights ay normal pa rin ang operasyon sa NAIA Terminal 3 para sa kanilang 5J domestic at international flights habang ang CebGo DG flights ay patuloy pa rin ang operasyon sa NAIA Terminal 4.

 

 

Habang ang Air Asia Philippines naman ay patuloy pa rin ang operasyon ng kanilang international flights sa Terminal 3 at ang kanilang domestic flights ay sa NAIA Terminal 2 naman.

 

 

Ayon sa dalawang airlines na tinatangap nila ang New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC) bilang bagong operator ng NAIA na nagsimula noong Sept. 14. Umaasa naman sila na magkakaroon ng konsultasyon sa kanila bago mangyari ang sinasabing terminal reassignments.

 

 

“We would implement terminal reassignments, but that would have to be done over many years,” wika ni NNIC general manager Lito Alvarez.

 

 

Sinabi ni Alvarez na ang lahat ng ito ay plano pa lang at wala pang eksaktong schedule o petsa kung kelan ito ipapatupad. Sa ngayon, ang terminal assignments ay dati at mananatili pa rin.

 

 

Ang Terminal 1 ay para sa Philippine Airlines (PAL) international flights at ibang foreign airlines habang ang Terminal 2 ay para naman sa operasyon ng PAL at Air Asia domestic flights. Ang Terminal 3 ay sa international at domestic flights ng Cebu Pacific at international flights ng Air Asia at iba pang foreign airlines. Habang ang Terminal 4 ay sa CebGo flights.

 

 

Binibigyan ng advise ang mga pasahero na makigpag-ugnayan sa kanilang airline upang matiyak ang terminal kung saan ang kanilang flights. LASACMAR

4 tulak nalambat sa Navotas drug bust, P450K shabu nasamsam

Posted on: September 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SHOOT sa selda ang apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.4 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Navotas City.

 

 

Sa ulat ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities ni alyas Jomar, 30, ng Brgy. Daanghari kaya isinailalim nila ito sa validation.

 

\

Nang positibo ang report, agad bumuo ng team si P/Capt. Luis Rufo Jr., saka ikinasa ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at sa kanyang kasabwat na si alyas Marvin, 42, dakong alas-12:33 ng hating gabi sa M. Naval St. Brgy. San Roque.

 

 

Nakuha sa mga suspek ang aabot 55.84 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P379,712.00 at buy bust money na isang P1,000 bill, kasama ang dalawang P1,000 boodle money.

 

 

Nauna rito, ala-1:34 ng madaling araw nang madakma naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation din sa M. Naval St., Brgy. San Roque ang dalawa pang tulak na sina alyas Olive, 48, at alyas Sonny, 50, kapwa ng lungsod.

 

 

Ani Capt. Rufo, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 10.57 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P71,876.00 at buy bust money.

 

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Navotas police sa kanilang pagsisikap na tugisin ang mga taong sangkot sa pagpapakalat ng iligal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Kauna-unahang MMDA Satellite office binuksan sa Quezon City

Posted on: September 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ANG Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), katuwang ang Robinsons Land Corporation (RLC), ay opisyal na naglunsad ng kanilang inaugural satellite office sa Robinsons Galleria Ortigas, Quezon City, na pinalawak ang layunin ng ahensya upang mapahusay ang accessibility at kaginhawahan para sa pag-aayos ng mga multa sa paglabag sa trapiko, kasama ng iba pa.
Sinabi ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes na ang pagbubukas ng MMDA Redemption Satellite Office ay bahagi ng matatag na pangako ng ahensya na ilapit ang mga serbisyo ng gobyerno sa publikong nakikipagtransaksyon.
“The goal of this partnership with RLC is to make settlement of traffic fine-related concerns easier and more accessible to our valued stakeholders,” ani Artes.
Nagpasalamat din si Artes sa pamunuan ng RLC sa pagbibigay ng fixed place sa loob ng shopping mall sa ilalim ng rent-free arrangement.
“I would like to express my gratitude to the RLC for forging a memorandum of agreement with MMDA by setting up a satellite office for the benefit of our motorists,” aniya pa.
Ang RLC Vice President for Marketing and ­Operations Joel Lumanlan, na nagbigay ng welcome remarks, ay nagpasalamat sa MMDA sa pagpili sa Robinsons Malls bilang kauna-unahang satellite office location nito sa labas ng MMDA Head Office.
Ang bagong bukas na MMDA Redemption Satellite Office ay matatagpuan sa Lingkod Pinoy Center, Lower Ground Floor ng Robinsons Galleria Ortigas.
Kabilang sa mga serbisyong ibibigay ng MMDA Redemption Satellite Office ang fine settlement para sa mga traffic violations na inisyu ng ahensya, pag-aalis ng alarma para sa mga driver na inilagay sa alarm list ng Land Transportation Office, at pagpro­seso ng mga driver’ clearances na nagpapatunay na sila ay walang nakabinbing mga paglabag sa trapiko. Ang mga oras ng opisina ay mula Lunes hanggang Sabado, simula 8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

PBBM, pinangunahan ang kampanya kontra online sex-abuse, exploitation; lumikha ng tanggapan para sa Child Protection

Posted on: September 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos ang kampanya laban sa lumalaganap na Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC).

 

Binigyang diin ng Chief Executive ang epekto sa ‘puso at pundasyon’ ng bawat komunidad sa Pilipinas.

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa idinaos na **Iisang Nasyon, Iisang Aksyon: Tapusin ang OSAEC Ngayon Summit 2024, tinukoy ng Pangulo na halos kalahating milyon ng kabataang Filipino ang biktima ng OSAEC.

 

“Many of these victims live within our midst, and several may even be the sons, daughters, and neighbors of those we know, while the perpetrators are the victims’ families or relatives who are expected to care for them,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

“We are here today to confront one of the greatest challenges of our time. The challenges that we face in government are always the challenges that are brought to us by the future. And what exemplifies our future more, what symbolizes our future more than our children? And that is why this strikes at the very heart of our society. It undermines the foundations of what we are, of who we are as a people,” aniya pa rin.

 

“In every community that is alive with the laughter and the chatter of children, there is a dark reality— where half a million Filipino, 1 in every 100 Filipinos has been victimized. It is an appalling statistic. We cannot allow this to continue. We will not allow it to continue. It is the horrible scourge of Online Sexual Abuse or Exploitation of Children or OSAEC, which remains widespread now in our country,” ang winika ni Pangulong Marcos.

 

Kinilala ang pangangailangan na gumawa ng malawak na aksyon laban sa OSAEC, lumikha ang Pangulo ng Presidential Office for Child Protection (POCP), magsisilbi bilang ‘epicenter’ ng lahat ng pagsisikap, resources, at estratehiya upang matiyak na ang bawat bata sa bansa ay protektado at suportado.

 

“As this is a battle that we must not lose and we will not lose, this Administration created the Presidential Office for Child Protection or POCP, which is a critical step in our fight against this crisis,” ang inanunsyo ni Pangulong Marcos.

 

“The POCP will serve as the epicenter of our efforts, bringing together resources and strategies to ensure that every child in our country is protected and supported,” anito.

 

Tinukoy naman ng Chief Executive ang Anti-OSAEC and Anti-CSAEM Act at ang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022 bilang ‘legislative strides’ na nakatutok sa walang humpay na pagtugis sa mga salarin at papanagutin sa batas.

 

“On the legislative side, such as the Anti-OSAEC and Anti-CSAEM Act as well as the Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022, also underscore our relentless pursuit to bring these perpetrators to justice,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)

2 bagong pumping stations sa Malabon, pinasinayaan

Posted on: September 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINASINAYAAN ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa pangunguna ni Mayor Jeannie Sandoval at dating Congressman Ricky Sandoval ang dalawang bagong modernong pumping station bilang bahagi ng inisyatiba na ‘Ligtas sa Baha’ para sa kaligtasan ng mga Malabueño sa panahon ng bagyo at high tide.

 

 

Ang dalawang pasilidad ay ang Sto. Rosario II Pumping Station sa Barangay Baritan, at ang Dulong Adante Pumping Station sa Barangay Tañong.

 

 

“Hindi tayo titigil sa pagsigurong mayroon tayong mga programa laban sa matinding pagbabaha dito sa ating lungsod. Maliban sa pagsasaayos ng mga floodgate ay ating binuksan itong dalawang modern pumping stations sa ating lungsod na tiyak na makakatulong sa pagpigil ng pagpasok ng baha dito sa ating lungsod tuwing may bagyo o high tide,” ani Mayor Jeannie.

 

 

“Tanging hiling ko lamang po ay ang inyong kooperasyon sa pagpapanatili ng kalinisan sa ating lungsod lalo na sa mga daanan ng tubig. Huwag tayong magtapon ng mga basura sa mga ito upang hindi bumara at maging sanhi ng mas matinding problema,” dagdag niya.

 

 

“Itong ating bagong mga pumping stations ay itinayo upang mas mapaigting ang ating mga hakbang tungo sa mas ligtas na lungsod, anumang kalamidad ang dumaan. Maliban sa mga isinasagawnag pagsasaayos ng mga imprastraktura laban sa pagbabaha ay ating makakatulong ang dalawang modernong pumping stations para hindi maapektuhan ang lungsod ng matinding sakuna,” pahayag naman ni City Administrator Dr. Alexander Rosete.

 

 

“Asahan ninyo na patuloy tayo sa pagbuo at pagpapaganda ng mga proyektong nakatuon sa kaligtasan ng bawat Malabueño,” dagdag niya. (Richard Mesa)

“Ipagpatuloy natin ang pamana ng Kongreso ng Malolos—isang pamana ng tapang, pagkakaisa, at hindi matitinag na pangako sa kinabukasan ng ating minamahal na bayan” – Fernando

Posted on: September 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

LUNGSOD NG MALOLOS – “Ang pamana ng Bulacan ay nagpapaalala na ang isang malakas na bayan ay itinayo sa mga haligi ng kalayaan, katarungan, at soberanya—mga pagpapahalagang dapat nating ipaglaban at ipagpatuloy. Nawa’y magsilbing paalala ang pagdiriwang na ito na, habang ipinagpapatuloy natin ang laban para sa ating soberanya at patuloy naitaguyod ang responsableng pamumuno. Ipagpatuloy natin ang pamana ng Kongreso ng Malolos—isang pamana ng tapang, pagkakaisa, at hindi matitinag na pangako sa kinabukasan ng ating minamahal na bayan.”

 

 

 

Ito ang pahayag ni Gobernador Daniel R. Fernando sa harap ng daan-daang Bulakenyo bilang panauhing pandangal sa Ika-126 Anibersaryo ng Kongreso ng Malolos na ginanap kamakailan sa harap ng makasaysayang bakuran ng Simbahan ng Barasoain sa lungsod na ito.

 

 

Sinamahan siya nina Alvin R. Alcasid, kinatawan ni National Historical Commission of the Philippines (NHCP) Chair Regalado Trota Jose, Jr. at PNP Provincial Director PCOL. Satur L. Ediong sa isinagawang pag-aalay ng bulaklak sa harap ng monumento ni Heneral Emilio Aguinaldo, na sinaksihan nina Bise Gob. Alexis C. Castro, Punong Lungsod ng Malolos Christian D. Natividad, Pangalawang Punong Lungsod Miguel Alberto T. Bautista at Reb. Padre Domingo M. Salonga ng Nuestra Senior Del Carmen.

 

 

May temang “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan”, binigyang-diin din ni Fernando ang kahalagahan ng Kongreso ng Malolos bilang simbolo ng pagiging makabayan, pagkakaisa, at lakas ng mga Pilipino habang inaalala kung paano ginawa ng mga delegado ang Konstitusyon ng Malolos na naglatag ng pundasyon para sa Unang Republika ng Pilipinas at nagmarka ng mahalagang kaganapan sa kasaysayan ng bansa.

 

 

Ang Kongreso ng Malolos na opisyal na tinatawag bilang National Assembly at karaniwang kilala bilang Rebolusyonaryong Kongreso, ay nagsilbing lehislatibong katawan ng Rebolusyonaryong Pamahalaan ng Pilipinas, habang ang mga miyembro nito ay nahalal sa pagitan ng Hunyo 23 at Setyembre 10, 1898.

 

 

Samantala, ang Rebolusyonaryong Kongreso na naitatag noong Setyembre 15, 1989 sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan at ang komemorasyon nito ang hudyat ng pagtatapos ng isang linggong pagdiriwang ng Singkaban Festival 2024.

Mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno, handa kay ‘Gener,’ ‘Pulasan’

Posted on: September 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Pulilan, wagi sa Hari at Reyna ng Singkaban 2024

Posted on: September 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS- Wagi ang bayan ng Pulilan sa Hari at Reyna ng Singkaban sa taong ito sa pagkakapanalo ng kanilang Hari na si Mark Lawrence L. Contreras at Reyna na si Maria Faraseth E. Celso sa parehong titulo sa ginanap na Grand Coronation Night sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center noong Biyernes.

 

Maliban sa pinag-aagawang titulo, nakuha din ni Celso ang Best Formal Wear at Smart Choice Award; habang tinanggap rin ni Contreras ang Best in Formal Wear.

 

Sa question-and-answer na bahagi ng patimpalak, tinanong si Contreras ni Miss World Philippines 2018 1st Princess Chanel Morales kung sinong Bulakenyong makasaysayang personalidad ang hinahangaan niya, na kanyang sinagot na si Francisco Balagtas.

 

“Bilang isang Bulakenyo, ako ay isang manunulat at ang isang modelo ko ay si Francisco Balagtas. Nalaman ko kung gaano makapangyarihan ang mga salita kaya’t alam ko na bilang mga Bulakenyo may mga nakatago tayong kwento sa mga suluk-sulok na kung sisipatin ito, sa mga salitang ito, sa mga istoryang mayroon tayo bilang Bulakenyo, sana matuto tayong magpabago at magwasto katulad ni Francisco Balagtas,” anang bagong koronang Hari ng Singkaban.

 

Samantala, ang isinagot ng nanalong Reyna ng Singkaban, na tinanong ni National Commission for Culture and the Arts Public Affairs and Information Section Head Rene Napenas kung anong aspeto ng kasaysayan at kultura ng Bulacan ang kanyang bibigyang-pansin kung binigyan siya ng oportunidad na manguna sa kampanya ng turismo ng lalawigan, ay ang agri-eco-tourism.

 

“As we all know, Bulacan is an agricultural province, and today, we are now introducing agri-eco-tourism to our province. And through this, we do not only help our local farmers but we also introduce the rich cultural heritage of Bulacan as a farming community,” ani Celso.

 

Sa kabilang banda, sinabi ni Gobernador Daniel R. Fernando na ang entablado ng Hari at Reyna ng Singkaban ay daan ng mga kalahok upang ibahagi ang kanilang mga adbokasiya bilang kabataan ng lalawigan.

 

“Sa gitna ng inyong magagandang ngiti at matitikas na tindig ay makikita ang mga kabataang buong pusong nagsisikap at nagpupunyagi para makamit ang kani-kanilang mga pangarap. Ang tunay na kagandahan at kakisigan ay hindi lamang po makikita sa pisikal na kaanyuan kung hindi higit sa pagkakaroon ng mabuting pusong kumakalinga at nagsusulong sa kapakanan ng kanyang kapwa,” anang gobernador.

 

Samantala, magkaparehong mga parangal ang natanggap nina Hari at Reyna ng Bocaue Ronald Ervin DC. Arciaga at Amalia E. Aronikabilang ang Hari at Reyna ng Turismo, Best in Kasuotang Filipino, at Best in Swimwear.

 

Gayundin, iniuwi ni Hari ng Marilao Randanniell M. Marilag ang mga parangal na Hari ng Sining at Kultura, Mr. Talent, at Mr. Sunnyware; nakuha ni Reyna ng Balagtas Kristeen Mia SJ. Lucero ang Reyna ng Sining at Kultura; napanalunan ni Hari ng Calumpit Jonas S. Carillo ang Hari ng Kasaysayan at Mr. Photogenic award; at tinanggap ni Reyna ng Santa Maria Leslie Jane C. Domingo ang Reyna ng Kasaysayan at Ms. Talent award.

 

Kabilang sa iba pang nagwagi mula sa mga kalalakihang kandidato sina Hari ng Santa Maria John David V. Almadin bilang 1st runner up; Hari ng Pandi Nathaniel E. Dela Cruz bilang 2nd runner up; Hari ng Obando Ernesto E. Andaya III para sa Best Tourism Video atKatrionn’s Choice Award; Hari ng San Miguel Julius Y. Dela Cruz para sa Smart Choice Award at Photographer’s Choice Award; Hari ng Baliwag Jonard S. Sandoval para sa Leticia’s Choice Award; at pasok sa Top 10 ng kumpetisyon sina Hari ng Meycauayan Marc Anthony Balitaan at Hari ng Malolos Emmanuel T. Aguilera.

 

Samantala, ang iba pang nagwagi sa mga kababaihan ay sina Reyna ng San Rafael Janella Marie C. Ventura bilang 1st runner up at Ms. Sunnyware award; Reyna ng Paombong Bianca Mae B. Bautista bilang 2nd runner up, Best Tourism Video, at Ms. Photogenic; Reyna ng San Miguel Djanelle Irish DG. Villanueva para sa Photographer’s Choice Award; Reyna ng Pandi Chezka Monique B. Abique para saKatrionn’s Choice Award; Reyna ng Plaridel Aira Faith B. Manumbas para sa Leticia’s Choice Award; at pumasok sa Top 10 ng patimpalak sina Reyna ng Obando Pamela Amor SJ. Enriquez, Reyna ng Baliwag Christine Gayle P. Dabu, Reyna ng Calumpit Almia Genanda, at Reyna ng Malolos Heart Gwyneth C. Ocampo.

Kamara iraratsada debate sa P6.352 trilyong budget

Posted on: September 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INUMPISAHAN na nitong Lunes sa plenaryo ng Kamara ang pagtalakay sa P6.352 trilyong national budget para sa 2025.

 

Ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ang pondo ay sumusuporta sa Agenda for Prosperity at Bagong Pilipinas programs ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

Pinasalamatan ni Romualdez sina House Committee on Appropriations Chairman at Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co at Senior Vice Chairperson at Marikina City Rep. Stella Quimbo sa pagtapos ng panukalang badyet sa itinakdang oras.

 

Matapos ang sponsorship speech ni Co, sisimulan na ang debate sa general principles at panukalang badyet ng Department of Finance, DOJ at NEDA, kasama ang attached agency at lumpsum na badyet ng mga ito.

 

Ilan sa mga ahensiyang mahigpit na binabantayan ang pondo ay Comelec, DAR, DFA, DTI, at ilan pang executive offices at state colleges and universities ang sasalang. Gayundin ang Department of National Defense, Department of Migrant Workers, DENR, at kanilang mga attached agencies, at budgetary support sa mga government corporations.

 

Ang panukala na bawasan ang badyet ng Office of the Vice President (OVP) ay sasalang sa Setyembre 23.

 

Target ng Kamara na maaprubahan ang ­General Appropriations Bill bago ang adjournment sa Setyembre 25.