• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 2:17 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2024

Police Captain , misis pinasok sa bahay, pinagbabaril patay

Posted on: September 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TRAHEDYA ang sinapit ng isang police captain at misis nitong negosyante na kap pulis na kapwa nasawi habang malubhang nasugatan ng kanilang menor-de- edad na anak nang pasukin ang bahay at pagbabarilin sila ng ‘di pa tukoy na salarin, sa Alabang, Muntinlupa City, Lunes ng mada­ling araw.
Kinilala ang mga nasawi na sina P/Captain Aminoden Sanchez Mangonday, Mary Grace Ramirez Ma­ngonday, 40, na isang negosyante.
Kasalukuyang ginagamot pa sa ospital ang anak nilang si alyas “Shasmeen”, 12-anyos.
Sa inisyal na ulat mula sa Muntinlupa City Police Station, naganap ang insidente ala-1:10 ng madaling araw, sa Tierra Villas, L&B 2 Ilaya St., Alabang.
Lumalabas na isa lang ang suspek na inilarawang nasa 5’9 ang taas, nakasuot ng itim na jacket at itim na pantalon, mahaba ang buhok, na armado ng baril.
Sa imbestigasyon, naidlip sa sofa bed ng kanilang sala si Capt. Ma­ngonday sa ikalawang palapag nang pasukin ng suspek at binaril sa ulo, kasunod ay pinasok naman ang bedroom ng mag-asawa kung saan nandon  Mary Grace na pinagbabaril din sa din ulo.
Dahil sa narinig na magkakasunod na putok ay lumabas ng kaniyang kuwarto si Shasmeen na nakakita sa suspek na binaril din ng suspek
Batay din sa ulat, hindi nai-lock ang pintuan ng bahay kaya napasok umano ng suspek.
Dadalhin ang mga bangkay sa Blue Mosque, Maharlika Village, sa Taguig City para sa tradisyunal na paglilibing bilang Islam.
Nabatid na si Capt. Mangonday ay kasalukuyang nasa schooling ng Investigation Officers Basic Course(IOBC) na malapit na sanang matapos.
Bumuo na si P/Colonel Robert Domingo ng tracker teams na mag-iimbestiga at posibleng pag-aresto sa matutukoy na suspek. (Daris Jose)

19,000 Pinoy na nagtatrabaho sa POGO, maaapektuhan sa ban ng DOLE

Posted on: September 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT  19,000 Filipino workers na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) firms sa  National Capital Region (NCR) ang maapektuhan sa nalalapit na ban, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Sinabi ni DOLE-NCR Assistant Regional Director Jude Thomas Trayvilla na nakapag-profile ang ahensya ng nasa 19,341 Filipino employees na nagtatrabaho sa ilalim ng 48 internet gaming licenses (IGLs) sa kabisera ng rehiyon.
Karamihan sa mga manggagawa ay sumasahod ng tinatayang aabot sa halagang P16,00/ Hanggang P22,000 ay naka-empleyo sa ilalim ng administrative task, e coding, Hr, liaison, marketing, finance, IT, housekeeping gayundin ang drivers at security guards.
Noong nakaraang linggo, inulit ng DOLE na handa itong magbigay ng tulong sa mga Filipino workers na nawalan ng trabaho dahil sa POGO ban.
Kabilang sa mga interbensyon ng DOLE na ibigay sa mga apektadong empleyado ay ang TUPAD program, livelihood projects, at isang specialized job fair, dagdag ni Trayvilla.
Ang job fair ay isasagawa sa Oktubre 10, 2024 sa Ayala Malls Manila Bay sa Pasay City. Hindi bababa sa 70 employer ang inaasahang lalahok sa kaganapan.
Ang pagbabawal sa POGO sa bansa ay inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, sa kanyang ikatlong State of the Nation Address. GENE ADSUARA 

Senator Tulfo binatikos DSWD sa — libu-libong contractual employees

Posted on: September 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MARIING binatikos ni Sen. Raffy Tulfo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa libu-­libong social workers na hindi pa rin nare-regular kahit pa halos isang dekada nang nagtatrabaho sa ahensiya.

 

 

Sa pagdinig ng panukalang 2025 budget ng DSWD, sinabi ni Sen. Tulfo na maraming kawani ng ahensiya ang magreretiro pero hindi pa rin nagiging regular.

 

 

Ayon kay Tulfo, bago utusan ng gobyerno ang mga pribadong institusyon na sumunod sa batas ay dapat mauna muna ito.

 

 

“Bago tayo magmando sa private institutions na sumunod sa pagbabawal sa mga contractual, mauna muna tayo sa gobyerno! Nakakahiya, DSWD! By the thousands pa rin ang kontraktuwal (employees)!” ani Tulfo.

 

 

Sinabi ni Tulfo na sa kasalukuyan, tinatayang nasa 6,038 contractual at job order employees ng DSWD na karamihan sa kanila ay lampas 10-15 taon nang nagpapaka-alila pero wala pa ring natatanggap na mga benepisyo.

 

 

Ayon pa kay Tulfo, noong nakaraang taon pa niya isinangguni ang isyung ito sa DSWD ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw na aksyon.

 

 

Isinulong ni Tulfo na ipatawag na rin sa susunod na pagdinig si DBM Sec. Amenah Pangandaman dahil itinuturo ni Sec. Rex Gatchalian ang DBM. Ito ay para maliwanagan ang komite kung makapaglalagay nga ba talaga ng regular plantilla positions sa naturang ahensya kahit na gradual ang implementasyon nito.
(Daris Jose)

Speaker Romualdez: Kamara papanagutin mga opisyal na mali paggamit ng pondo ng bayan

Posted on: September 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa mga opisyal ng gobyerno na hindi kukunsintihin ng kamara ang maling paggamit ng pondo ng bayan.

 

Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng deliberasyon ng plenaryo sa panukalang P6.352 trilyong national budget nitong Lunes, iginiit ni Speaker Romualdez na hindi palalagpasin ng Kamara ang pagmamaliit sa trabaho nitong bantayan ang badyet ng gobyerno upang matakasan ang kanilang pananagutan sa maling paggamit ng pondo.

 

Sinabi ni Speaker Romualdez na sa mahabang panahon ay sinusuri ng Kamara ang panukalang badyet upang matiyak na nakalinya ito sa prayoridad ng national government at para sa kapakanan ng mga Pilipino at hindi para sa pansariling kapakinabangan.

 

Tiniyak ng Speaker sa publiko na mananatiling walang kompromiso ang Kamara sa pagtatanggol nito sa mabuting pamamahala, pananagutan sa pananalapi, at pagbibigay proteksyon sa pera ng mga nagbabayad ng buwis. Nilinaw niya na walang indibidwal o espesyal na interes ang bibigyan ng hindi nararapat na pabor o konsiderasyon.

 

Kinilala rin ni Romualdez ang kanyang mga kapwa mambabatas sa pagbabantay sa pondo ng bayan at sinabihan ng mga ito na ang kanilang prayoridad ay ang sambayanang Pilipino at ang matiyak na tamang paglalaan ng pondo at matiyak na hindi ito naaabuso.

 

Iginiit ni Speaker na ang polisiya sa pagba-badyet ay para maabot ang fscal discipline nang natutugunan ang pangangailangan ng mga tao.
Sa pagbubukas ng debate sa plenaryo ng panukalang 2025 badyet, hinamon ni Speaker Romualdez ang mga miyembro ng Kamara na magtrabaho ng mayroong kumpiyansa at may pagmamadali upang maipasa ito sa tamang oras. (Vina de Guzman)

Online Registration, pinalawig ng Comelec

Posted on: September 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSIYO ng Commission on Elections (Comelec) na mas pinalawig pa ang online filing ng aplikasyon para sa reactivation.

 

 

Ayon sa Comelec , napagpasyahan ng Comelec en banc na palawigin ito hanggang Setyembre 25, limang araw bago ang itinakda namang deadline ng voter registration para sa 2025 midterm elections.

 

Ang orihinal na deadline ng filing ng application for reactivation ay noong Setyembre 7,2024 ngunit dahil sa nakabulihang bilang ng mga Filipino voters na hindi pa nag-a-apply ng reactivation , ang Comelec en banc ay nagpasya na ito ay palawigin upang bigyang pagkakataon ang mga botante na makapag-reactivate ng kanilang voter registration rekord nang hindi nahihirapan pang magtungo sa Comelec offices.

 

Sa inilabas na abiso ng komisyon, kung ang isang indibidwal ay dati nang rehistradong botante ngunit deactivated ang registration status ,maaring mag-file online ng aplikasyon upang magpa-reactivate.

 

Kung ikaw naman ay senior citizens o person’s with disability (PWD) ,maaring mag-file ng aplikasyon online para sa “reactivation with updating of records”.

 

Gayundin ang mga botante na nais mag-apply ng ‘ reactivation with transfer of registration within OR with corrections of entries”.

 

Maaari din mag-file online ang mga botante para sa ‘reactivation with transfer of registration within AND with corrections of entries.

 

Ang online filing reactivation ay dapat sa pamamagitan ng email address ng Office of the Election Officers (OEOs) sa buong bansa na available sa opisyal na website ng Comelec sa www.comelec.gov.ph

 

Hinimok ng Comelec ang lahat ng deactivated na botante na samantalahin ang pagkakataon at i-reactivate ang kanilang voter registration online. GENE ADSUARA

‘Pogi’, kasabwat laglag sa P100K shabu sa Malabon

Posted on: September 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

DALAWANG drug suspects, kabilang ang 55-anyos na ginang ang kalaboso matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu nang maaresto ng pulisya sa buy bust operation sa Malabon City, Martes ng madaling araw.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina alyas Pogi, 49, construction worker at alyas Beng, 55, kapwa residente ng lungsod.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGe. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Baybayan na unang nakatanggap ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y iligal drug activities ng mga suspek.
Nang magawa nilang makipagtransaksyon sa mga suspek ay ikinasa ng SDEU ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila matapos bintahan umano ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer dakong alas-2:35 ng madaling araw sa P. Aquino Avenue, Brgy. Tonsuya.
Ayon kay Col. Baybayan, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 15.70 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P106, 760.00 at buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang pinuri naman ni Gen. Gapas si Col. Cayaban sa kanilang matagumpay na drug operation. (Richard Mesa)

Karamihang biktima umano ni Quiboloy, pasok na sa witness protection ng DOJ

Posted on: September 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

TINUKOY ni House Appropriations Committee Vice-Chairman at Ako Bicol partylist Rep. Jil Bongalon na ilan sa mga biktima ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy ang nasa ilalim na ng Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DOJ).

Sa pagtatanong ni Gabriela partylist Rep. Arlene Brosas, kaugnay ng paghimay ng proposed budget ng DOJ, isa sa naging punto ng tanong ang tungkol sa mga biktimang nag-apply para sa WPP.
Tugon ni Bongalon na nagsilbing budget sponsor, halos kalahati na ng mga biktima ni Quiboloy ay nasa witness program at inaasahan na madaragdagan pa ito.
Base rin sa ulat ng ahensya, nahaharap sa dalawang kaso ng child abuse ang nakakulong na pastor at isang human trafficking case.
Dagdag pa ni Bongalon, kung sakaling mag-request ng extradition ang US para kay Quiboloy na mayroon ding kinakaharap na kaso doon ay tatalima ang Pilipinas.
Subalit uunahin muna na tapusin ang pagresolba sa mga kaso ng KOJC leader dito sa bansa bago sa Estados Unidos.
Hindi rin umano makakapagbigay ng time table ang kagawaran dahil magbabago ang posibleng mga proseso sa kaso kapag nadagdagan ang mga nagrereklamo. (Daris Jose)

PBBM, nanguna sa PFP General Assembly, National Convention

Posted on: September 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtitipon ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa kanilang General Assembly and National Convention sa Diamond Hotel Manila, araw ng Lunes, bahagi ito ng pag-buwelo at paghahanda ng political party para sa mid-term election sa susunod na taon.

 

“I’m very glad that we can see that there is progress that is happening as we move on in preparation for … well, filing (of candidacy) is our next big event. And, we have now within the PFP organized ourselves properly,” ayon kay Pangulong Marcos sa nasabing event.

 

“Although we (PFP) are the lead party, kasama tayo sa Alyansa at nakasama ang iba’t ibang partido. Lahat ng malalaking partido sa Pilipinas ay kasama ngayon natin. Kaya’t we have to do all of this in conjunction with them,” ang Winika pa rin ng Pangulo.

 

Nasaksihan naman ng Pangulo sa mga nakalipas na buwan ang ‘alliance signing ceremonies’ sa pagitan ng PFP at iba pang national political parties, patunay ng mga ibinahaging pangako na magtulungan tungo sa ‘national transformation’ para makamit ang progreso at itaas ang kondisyon ng pamumuhay ng mga Filipino.

 

Nabuo noong 2018, ang PFP ay isang national political party sa Pilipinas, si Pangulong Marcos ang tumatayong chairman ng Partido. Pormal itong akreditado ng Commission on Elections (COMELEC) noong Oktubre 2018. Itinutulak naman ng Partido ang pederalismo sa bansa.

 

Sa panahon ng tumatakbo ang 2022 national election, binuo ng PFP ang UniTeam Alliance, Lakas-CMD, Hugpong ng Pagbabago (HNP), at Partido ng Masang Pilipino (PMP), na mayroong ‘guest candidates’ mula sa ibang partido.

 

Matatandaang nanalo si Marcos sa landslide sa general election. (Daris Jose)

Ads September 18, 2024

Posted on: September 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PBBM, inirekomenda si Cheloy Garafil bilang MECO board chairman

Posted on: September 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INIREKOMENDA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Presidential Communications Office (PCO) secretary Cheloy Garafil bilang miyembro at chairman ng board of directors ng Manila Economic and Cultural Office (MECO).

 

Ang anunsyo ng Pangulo ay ibinahagi ng PCO sa Facebook Page nito.

 

Nauna rito, kinumpirma ni PCO Secretary Cesar Chavez na itinalaga ni Pangulong Marcos Jr. si Garafil bilang chairman ng Manila Economic and Cultural Office sa Taiwan kapalit ni Silvestre Bello III.

 

Bago pa naging PCO secretary, Nagsilbi muna si Garafil bilang officer-in-charge ng dating Office of the Press Secretary.

 

Matatandaang, Hunyo 2022, itinalaga ni Pangulong Marcos si Garafil bilang pinuno ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

 

Nagsilbi rin siya bilang service director ng Committee on Rules of the House of Representatives. Bukod dito, Nagsilbi rin siya bilang taga-usig para sa Department of Justice (DOJ) at State Solicitor para sa Office of the Solicitor General (OSG). (Daris Jose)