• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 6:07 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2024

Kopya ng disbarment hindi pa natatanggap ng IBP

Posted on: September 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

WALA  pang natatanggap na kopya ang Integrated Bar of the Philippines sa  disbarment case na isinampa ni Atty. Melvin Matibag laban kay dating Presidential Spokesman Sec. Harry Roque.
Ayon kay Atty. Antonio Pido, National President ng IBP, ang disbarment case laban kay Atty.Roque ay sa media organizations lamang niya narinig .
Karinawan umanong binibigyan ng Supreme Court ng kopya ng disbarment complaint ang IBP at nagsasagawa sila ng sarili nilang imbestigasyon.
Sa kaso ni Roque, kahapon pa lamang inihain ni Matibag sa Korte Suprema ang disbarment case para matanggalan ng lisensya bilang abogado dahil sa pagpost niya sa social media ng mga unverified information tungkol sa pag-uugnay niya kay Pang. Bongbong Marcos Jr sa white substance issue. GENE ADSUARA 

Lalaki timbog sa baril sa Valenzuela

Posted on: September 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KULONG ang isang lalaki matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril nang halughugin ng pulisya ang kanyang bahay sa bisa ng isang search warrant sa Valenzuela City.

 

Sa report ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang Malinta Police Sub-Station (SS4) na nag-iingat umano ng hindi lisensyadong baril ang 38-anyos na lalaki na si alyas “Boy Bakal”.

 

Nang makakuha ng kopya ng search warrant na inilabas ni Executive Judge Mateo Altarejos ng Valenzuela Regional Trial Court para sa paglabag sa RA 10591, agad sinalakay ng mga tauhan ng SS4 sa pangunguna ni P/Capt. Selwyn Villanueva ang bahay ng suspek sa Dulong Tangke St., Brgy. Malinga dakong alas-7:50 ng gabi.

 

 

Sa isinagawang paghalughog nina PCpl Gilbert Asirit at PCpl Harold Payopay, nasamsam nila sa loob ng bahay ng suspek ang isang calibre .38 revolver na may dalawang bala.

 

 

Nang walang maipakitang mga papeles hinggil sa ligaledad ng naturang baril ay pinosasan ng mga pulis ang suspek para sampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act.

 

 

Ani Col. Cayaban, prayuridad nila ang kaligtasan ng komunidad at ang matagumpay aniya na pagpapatupad ng warrant ay binibigyang-diin ang kanilang pangako na tiyaking ang mga baril ay hindi mapupunta sa maling mga kamay. (Richard Mesa)

NAIA sasailalim sa mga pagbabago

Posted on: September 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NATAPOS na ang turn-over ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa bagong pribadong operator, ang New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC), na naatasan na gumawa ng mga pangunahing rehabilitasyon dito na nagkakahalaga ng P170.6 billion.

 

 

Gagawin ang rehabilitasyon sa loob ng 15 taon. Sisimulan ang mga pagbabago sa loob ng susunod na 12 buwan kung saan mararanasan ng mga pasahero na magkakaron ng pagbabago sa kanilang paglalakbay subalit ang mga ito ay mas magiging mahal ang bayad sa kanilang paglalakbay.

 

 

Nangako ang NNIC na sa loob ng kalahating taon ay kanilang gagawin ang mga madadaling pagkukumpuni sa nasabing paliparan. Una nilang gagawin ay ang pag-aayos ng mga comfort rooms at ang pagkakaron ng tuloy-tuloy na daloy ng tubig kasama na ang pagbili at paglalagay ng mga bagong upuan sa mga terminals at ang pag-lalagay din ng mga bgong cooling systems.

 

 

Maglalagay din sila ng masa mabilis na connectivity o wi-fi sa lahat ng nasasakupan ng mga terminals na magagamit ng mga pasahero kung kailangan nilang magtrabaho habang nasa airport.

 

 

Umaasa naman si Infrawatch PH convenor Terry Ridon na ang NNIC ay uunahin ang pag-aayos ng mga mobility facilities tulad ng mga elevators,escalators at walkalators para mas maging madali at magaan ang paglalakad sa mga terminals.

 

 

Ayon sa NNIC ay gagawin nila ang mga nasabing pagbabago ng mga facilities at magkakaroon din ng karagdagan improvement sa mga transport options sa pagpunta at pag-alis ng airport.

 

 

Sa ika-limang taon ng kanilang rehabilitasyon, ang NNIC ay kailangan din magawa ang mga malalaking programa sa rehabilitasyon tulad ng pagtataas ng passenger capacity at pagtatayo ng bagong terminal.

 

 

Isa sa mga pangunahing layuin ng NNIC ay ang magkaron ng pagpapalawig ng kapasidad ng NAIA upang magkaron ng 62 million kada taon mula sa dating 35 million.

 

 

“We are confident that it can reach this milestone by removing the remains of the Philippine Village Hotel near Terminal 2 and constructing a new terminal on the property that would be vacated,” wika ng NNIC

 

 

Maliban dito, nasa concession din na kailangan na magkaron ng propelling ng aircraft movement sa NAIA ng 48 kada isang oras mula sa dating 40. Kung kaya’t ang NNIC ay tinitingnan ang posibleng pagkakarong ng terminal reassignment ng mga airlines upang maging maganda ang runway efficiency at mabawasan ang flight interruptions.

 

 

Sa ilalim ng nasabing plano ang local carriers tulad ng Philippine Airlines, Cebu Pacific at AirAsia Philippines ay umaasa na magkakaron ng kunsultasyon sa mga stakeholders bago muna ipatupad ang nasabing reassignment upang makalikom ng mga insights kung paano maapektuhan ang mga pasahero.

 

 

Dahil dito, ang mga pasahero ay mapipilitan na magbayad ng mas mahal na fees sa darating na taon.

 

 

Sa darating na September 2025, sa unang anibersaryo ng handover, ang mga fees sa serbisyo ay inaasahang tataas ng 72 porsiento o mula P550 magiging P950 ang international flights at 95 porsiento naman o magigingP390 mula sa dating P200 sa mga domestic flights.

 

 

Ang Carriers Association of the Philippines na binubuo ng 36 na airlines ay nagbigay ng babala sa mga pasahero na ang flying costs ay tataas kapag ang NNIC ay itinaas ang service charges sa NAIA. Ang mga airlines ang unang tatamaan ng price adjustments dahil ang kanilang takeoff rates ay tiyak na tataas.

 

 

“As instructed, NAIA is imposing takeoff rates between $794 and $1,794 in the initial year of the concession for international flights. For domestic, the amount ranges from P14,417 to P34,617,” sabi ng CAP.

 

 

Hindi naman sinasangayunan ng mga advocacy groups tulad ng AirportWatch.PH at Bantay Kunsyumer, Kalsada, Kuryente ang nasabing gagawing pagtataas ng mga rates at sinabi nila na dapat ay magkaroon muna ng mga reporma bago ang pagtataas.

 

 

Kinikuwestyun din ng grupo ang SMC na siyang lead party ng NNIC na kung talagang matatapos nila sa tamang panahon ang gagawing rehabilitasyon dahil may history na ang SMC na hindi nakakatapos ng malalaking proyekto sa takdang panahon tulad ng ginagawang P735.63 billion na New Manila International Airport at ang P125.04 billion na Metro Rail Transit Line 3. LASACMAR

Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco ang pamamahagi ng Ayuda para sa Kapos Ang kita Program o AKAP

Posted on: September 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BUMISITA at kinamusta nina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco ang pamamahagi ng Ayuda para sa Kapos Ang kita Program o AKAP kung saan nasa 1,038 rehistradong PWDs ang nakatanggap ng P3,000 tulong pinansyal. Nagpasalamat naman ang Tiangco Brother’s kay Pangulong Bongbong Marcos, House Speaker Martin Romualdez at Department of Social Welfare and Development, sa handog nilang programa na malaki anilang tulong sa mga Navoteño. (Richard Mesa)

LTO, PNP pumirma ng data-sharing agreement para sa mabisang pag-iwas at paglabas sa krimen

Posted on: September 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINALAKAS ng Land Transportation Office (LTO) at Philippine National Police (PNP) ang kanilang ugnayan sa pagpapatupad ng batas matapos lagdaan ang isang kasunduan sa data-sharing na magbibigay-daan sa mga imbestigador ng pulisya na magkaroon ng access sa mga record ng mga sasakyan, partikular na ang mga ginagamit sa kriminal na aktibidad.

 

 

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, ang memorandum of agreement na nilagdaan ng mga matataas na opisyal ng PNP at LTO ay isa sa mga mahalagang hakbang sa digital shift na nais ipatupad ni Pangulong Marcos, hindi lamang sa mga serbisyong pampamahalaan kundi pati na rin sa mga usaping pagpapatupad ng batas.

 

 

“With most of the criminal elements going digital, the PNP and the entire government law enforcement machinery must be one step ahead in order to be effective and efficient in crime prevention and crime-busting,” ani Abalos.

 

 

“This agreement is a testament to the necessity of embracing technological innovations in the government’s efforts to make sure that every citizen is safe whether they are on the streets or in their homes,” dagdag niya.

 

 

Ang memorandum of agreement ay nilagdaan nina PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil at LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II.

 

 

Batay sa kasunduan, sinabi ni Assec Mendoza na bubuo ang LTO ng isang verification facility sa LTO IT Systems na magbibigay kakayahan sa PNP, sa pamamagitan ng Highway Patrol Group (PNP-HPG), na i-verify ang impormasyon ng mga record ng rehistro ng mga sasakyan na iniimbestigahan o naka-alarm.

 

 

Dagdag pa ni Assec Mendoza, ang kasunduan ay magbibigay-daan din sa pansamantalang pagtatalaga ng awtorisadong tauhan mula sa HPG sa LTO Command Center upang masuri ang mga record ng rehistro ng mga sasakyang iniimbestigahan o naka-alarmang status.

 

 

Ngunit binigyang-diin niya na ang pag-verify ay limitado lamang sa “read-only basis” at sasaklawin lamang ang mga detalye sa Certificate of Registration at Official Receipt history ng record ng rehistro kabilang ang mga nakaraang paglilipat ng pagmamay-ari at encumbrances at iba pang mga bagay na may kaugnayan sa imbestigasyon.

 

 

Sa kabilang banda, ang PNP ay inaatasang pahintulutan ang LTO na beripikahin ang Motor Vehicle Clearance Certificate (MVCC) na isinusumite ng nagrerehistro para sa unang rehistro ng mga sasakyan, at iba pang mga transaksyong tulad ng paglilipat ng pagmamay-ari, pagbabago ng makina/chassis, kulay at disenyo ng katawan upang matiyak ang pagiging lehitimo ng MVCC.

 

 

Ayon pa kay Assec Mendoza, ang beripikasyon ay isasagawa ng PNP-HPG Motor Vehicle Clearance Division, na magagamit ng PNP-HPG nang walang bayad o karagdagang gastos sa kanilang mga kliyente.

 

 

Nilinaw ni Assec Mendoza na ang pag-upload ng MVCC ay pansamantalang solusyon lamang habang ang PNP-HPG ay nasa proseso ng paglipat sa bagong IT system na bahagi ng kanilang programa sa modernisasyon.

 

 

“This agreement only solidifies the already existing PNP-LTO partnership on the aspect of law enforcement and eventually ensures President Marcos’ commitment to good peace and order situation in the country,” ani Assec Mendoza.

 

“The LTO is doing well in its digital transformation and we are happy to share our insights and inputs to the PNP, especially on matters pertaining to land transportation,” dagdag niya.

 

Samantala, pinuri ni PNP Chief Marbil ang LTO sa pamumuno ni Assec Mendoza dahil sa pakikiisa sa layunin ng PNP na magkaroon ng epektibo at mahusay na pagpapatupad ng batas sa pamamagitan ng mga digital innovations.

 

 

“We have been pushing for this kind of partnership even before. And I am happy that under my watch, this was finally realized,” ani PNP Chief Marbil.

 

 

“This should help streamline shorten the timeline for issuance of police clearances necessary for vehicle registration and transfer,” dagdag niya. (PAUL JOHN REYES)

Higit 18K posisyon paglalabanan sa 2025

Posted on: September 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAYROONG HIGIT 18,280 elective positions ang paglalabanan ng mga kandidato sa buong bansa sa 2025 National and Local Elections, ayon sa datos ng Commission on Elections (COMELEC).

 

 

 

Kinabibilangan ito ng 12 Senators, 63 Party-List Representatives, 254 Member ng House of Representatives, 82 Governor, 82 Vice-Governor, 800 na Member ng Sangguniang Panlalawigan, 149 City Mayor, 149 Vice Mayor, 1,690 Member ng Sangguniang Panglungsod, 1,493 Municipal Mayor, 1493 Municipal Vice-Mayor, 11,948 Member ng Sangguniang Bayan, 25 BARMM Members of the Parliament, at 40 BARMM Party List Representatives.

 

 

Nitong Setyembre 17, nakapagtala ng 6,250,050 bagong registered voters ang Comelec , kung saan ang Calabarzon ang may pinakamataas na naitala sa bilang na 1,041,179; pumangalawa ang National Capital Region na 824,239; Central Luzon – 705,530; Davao Region – 356,854; Central Visayas – 331,033; at sa main office ng Comelec sa Maynila ay may 9,201.

 

 

Muling nagpaalala kahapon si Comelec Chairman George Erwin Garcia na wala nang pagpapalawig pa sa pagtatapos ng registration period sa Set. 30, 2024 para sa 2025 midterm elections.

“Thank you for always being my rock’.. MARIAN, kinakiligan ang napaka-sweet na mensahe kay DINGDONG

Posted on: September 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAY nakakikilig at napaka-sweet na mensahe si Marian Rivera sa kanyang asawang si Dingdong Dantes.

 

 

Sa Instagram post si Marian, ibinahagi niya ng larawan nila ni Dingdong na kung saan nakayakap siya sa balikat ng asawa.

 

 

Kuha ito sa Italy na kung saan rumampa ang mommy nina Zia at Sixto sa Milano Fashion Week para sa Kiko Milano.

 

 

May caption ito ng, “Thank you for always being my rock. Your support means the world to me, and I’m so grateful to have you by my side.”

 

 

Na sinagot naman ng Primetime King ng GMA ng, “Love you” na lalo pang nagpakilig sa mga netizen:

 

 

“Yay grabeh kayo. Kilig.”

 

 

“Celebrity couple na kahit mag asawa at may mga anak na kilig na kilig pa tin kami parang bagong loveteam lang.”

 

 

“One of my fav couples. You guys still gives us hope in true love…”

 

 

“True love really exist! ”

 

 

“My fave Filipino couple. You make true love believable. ”

 

 

“Proof that there’s true love and forever esp in showbiz… #DongYan 4ever.”

 

 

Pinost din ito ng GMA Primetime Queen at may caption na, “With my husband, every moment is a blessing. Grateful for you always! 💖 #DongYanInMilan 🇮🇹”

 

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Ilang taon na ring magka-loveteam: FRANCINE at SETH, nabigyan na ng pagkakataong magbida sa pelikula

Posted on: September 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ILANG taon na ring magka-loveteam pero ngayon lang nabigyan ng pagkakataon na magbida sa pelikula ang tambalang Francine Diaz at Seth Fedelin.

 

Unang nakilala at sumikat nang husto ang dalawa sa top-rating series na “Kadenang Ginto”.

 

Ngayon ay masayang-masaya raw ang fans ng tambalang FranSeth dahil magbibida na sila sa “My Future You” na malapit nang mapanood sa mga sinehan.

 

Sinisiguro naman nina Francine at Seth na talagang ikatutuwa ng kanilang mga tagahanga ang bagong proyekto.

 

“Excited na kinakabahan, excited kami and siyempre para mapanood na rin ng mga supporters namin ang lahat ng pinaghirapan namin para sa kanila.

 

“We did this with love and passion,” tuwang-tuwa namang paglalahad Francine sa isang interview sa kanya ng ABS-CBN news.

 

Banggit naman ni Seth na kagaya raw ni Francine ay sobrang excited rin daw siya pero sobrang kinalabahan.

 

“Sobrang excited, sobrang natutuwa and natural kinakabahan. Pero ‘yung kaba na ‘yon healthy naman siya kumbaga. Excited talaga kami, ‘yung family namin, friends namin, mga tao sa paligid namin sobrang excited rin,”sey naman ni Seth.

 

Ayon sa FranSeth ay talagang kaabang-abang ang bawat eksena na kanilang ginawa sa “My Future You.” Ibang-iba ang tema ng istorya nito kumpara sa mga seryeng nagawa ng dalawa noon.

 

“Dito po sa movie namin, hindi lang po siya pa-sweet talaga. Hindi kami nag-focus sa kung ano lang ang kilig na mayroon kami. Marami siyang mata-tackle na story about sa family, sa sarili po and of course sa special someone. “Para po sa akin siguro, isa sa aabangan n’yo kami siguro mas mature version na hindi na talaga siya para maglaro ng characters,” Dagdag pa rin ni Francine.

 

***

 

SOBRANG ingay at pinag pilitan ng mga supporters ng kilalang aktres na magkaroon Ito ng projects,.

 

Sa totoo lang naman May mga naka- tenggang proyekto ang beteranang aktres.

 

Hindi nga lang maipalabas dahil sa alam naman nila ang kadahilanan.

 

May mga nagmamalasakit pa rin naman sa aktres at pinapakiusap sa mga produ na mabigyan ng project si aktres.

 

Sa totoo nga lang naman medyo namayagpag pa rin ang mga kapanabayan ni aktres.

 

And from a source, meron sanang special role sa isang project ang aktres pero mukhang napagalitan pa siya.

 

Kagaya ng mga dating usapan na dapat may down payment bago mag-umpisa ay pumayag na ang mga nasa likod ng projects.

 

In fairness naman kasi kahit may mga demands si aktres, bukod sa health conditions ay iba pa rin ang dating pag kasama siya sa isang proyekto.

 

Pero mukhang mauudlot dahil mismong advertisers ang tumanggi.

 

Kaysa naman na-shelve ang project siyempre nagdesisyon si produ na huwag nang isama ang beteranang TV star.

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Sa naging performance sa ‘Rock in Rio Music Festival’: ARNEL, ipinagtanggol ng mga miyembro ng bandang ‘Journey’

Posted on: September 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KAYA pala biglang hindi na naging aktibo sa showbiz ang dating Kapuso teen actor na si Ralph Noriega ay dahil nagtayo ito ng sarili niyang negosyo kasama ang kanyang girlfriend.

 

 

“Mas pinagkakaabalahan ko po ‘yung business namin ng girlfriend ko which is ‘yung Within The Box Woodworks & Design Co. We specialize in custom-made furnitures, cabinets, designs and the like. Tapos I work with some brands din po on the side,” ayon sa 24-year old actor-turned-businessman.

 

17 years old lang si Ralph noong una siyang lumabas sa 2016 teleserye na Poor Señorita. Nasundan ito ng iba pang teleserye na Someone To Watch Over Me, Meant To Be, Super Ma’am, Ika-5 Utos, Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday at ang huli niyang teleserye na Nagbabagang Luha noong 2021.

 

Nakalabas din siya sa mga GMA shows na Magpakailanman, Dear Uge at Tadhana.

 

It was during the pandemic daw na naisip ni Ralph na kailangan ay may specific goal siya sa buhay at ang magtayo ng sarili niyang business ang isa sa gusto niyang gawin.

 

“Ngayon ko lang po sasabihin ito. Nung mga panahon po kasi na yun medyo naguluhan ako kung ano ba talaga ang gusto ko gawin sa buhay ko? Kung ano yung goal ko?

 

“And that time po I wanted to explore kung ano pa po ang mga kaya kong gawin. So tinapos ko po ‘yung program ko na AB Communications (at UPHSL-Biñan) tapos nag-corporate work po ako, then nagbukas ng business.

 

“In 2022 po, I decided na magpa-release muna since di ko po nagagampanan ‘yung role ko sa GMA as one of their Sparkle Artists.

 

“And I was very thankful sa management specially kay Sir Daryl (Zamora) dahil naintindihan nila ako and they gave me that chance to explore sa gusto kong gawin.”

 

“But I’m not closing my doors po. Kung mabibigyan po ng opportunity it will be an honor na maka-work po ulit ang mga nakatrabaho ko noon.”

 

***

 

IPINAGTANGGOL ng mga miyembro ng bandang Journey ang kanilang Pinoy vocalist na si Arnel Pineda kaugnay sa naging performance nito sa Rock in Rio Music Festival sa Brazil na may mga hindi nasiyahan.

 

Isang “biological instrument” ang boses ng tao at naapektuhan ito ng iba’t ibang dahilan. Habang nagkakaedad ang isang singer, nagbabago raw ang tinig nito.

 

Sa Instagram post, inihayag ng drummer ng banda na si Deen Castronovo na, “Arnel has RISEN to the challenge of Journey’s catalog, NIGHT after NIGHT, YEAR after tiring YEAR! He gives to YOU ALL and Journey, the best that he can give you. Sometimes it DOES NOT, CANNOT or WILL NOT cooperate when needed. So, what’s the point of hammering a human being over something they have no control over? Back off trolls!“

 

Nag-post si Arnel sa social media ng paumanhin sa fans na hindi nasiyahan sa kanyang performance sa Brazil dahil nahirapan siyang abutin ang mataas na tono sa kanilang kanta na “Don’t Stop Believin.”

 

16 years nang lead vocalist si Arnel ng Journey after siyang mapili ng banda bilang kapalit ng dating lead vocalist na si Jeff Soto noong 2007.

 

***

 

NAG-TURN 90 ang iconic Italian actress na si Sophia Loren at sinorpresa siya ng kanyang friend na di Giorgio Armani with a special birthday dinner.

 

Maraming malapit sa Oscar winning actress na umabot ito sa 90th birthday niya. Last year ay naospital ang aktes dahil sa isang aksidente sa bahay niya sa Geneva, Switzerland.

 

Nag-suffer ito ng hip fractures and femur fracture noong madulas ito sa bathroom.

 

Nagpapasalamat si Sophia na dahil sa rehabilitation at dasal ng kanyang pamilya at mga kaibigan kaya gumaling siya at buhay pa siya ngayon.

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Experience the ultimate holiday adventure with Dwayne Johnson and Chris Evans in “Red One”

Posted on: September 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

THE holiday season just got an action-packed twist!

 

 

 

“Red One,” the epic Christmas action-comedy starring Dwayne Johnson and Chris Evans, hits cinemas on November 6. The official trailer is out now, giving us a sneak peek at what promises to be a thrilling, heartwarming, and hilarious adventure to save Christmas!

 

 

Directed by Jake Kasdan, known for his work with Dwayne Johnson on the “Jumanji” blockbuster hits, “Red One” blends comedy, action, and festive magic into an unforgettable multigenerational spectacle. With Hollywood heavyweights Dwayne Johnson and Chris Evans leading the charge, this film is set to deliver a larger-than-life, feel-good experience that will appeal to audiences of all ages.

 

 

When Santa Claus – or as he’s known in the secret code world, RED ONE – is kidnapped, it’s up to the North Pole’s Head of Security (Dwayne Johnson) to embark on a globe-trotting mission to rescue him. But he can’t do it alone! He’s joined by the world’s most notorious bounty hunter (Chris Evans) in a high-stakes adventure that’s brimming with heart, humor, and holiday spirit.

 

Together, they must navigate a series of outrageous obstacles, adrenaline-fueled challenges, and daring escapades to save Christmas before time runs out.

 

 

Beyond the dynamic duo of Dwayne Johnson and Chris Evans, “Red One” boasts an exceptional supporting cast: Lucy Liu (from the “Charlie’s Angels” franchise) brings her star power to the ensemble. Kiernan Shipka (known for “Twisters”) adds a youthful energy to the team.Bonnie Hunt (“Cheaper By the Dozen”) provides her signature charm. Kristofer Hivju (“Game of Thrones”) joins with his captivating screen presence. Nick Kroll (“Big Mouth”) offers his comedic flair. Wesley Kimmel (“The Mandalorian”) showcases his rising talent. And last but not least, Oscar-winner J.K. Simmons (“Whiplash”) adds his commanding charisma.

 

 

“Red One” is directed by Jake Kasdan, who masterfully balances action and comedy, creating a cinematic experience that’s both thrilling and festive. The film’s screenplay is penned by Chris Morgan, celebrated for his work on the “Fast & Furious” franchise, with the story crafted by Hiram Garcia, known for his involvement in the “Jumanji” and “Fast & Furious” franchises. With such an accomplished team, it’s no wonder “Red One” promises to be an electrifying ride!

 

 

The film is produced by Dwayne Johnson, Hiram Garcia, Dany Garcia, Chris Morgan, Jake Kasdan, and Melvin Mar, while Barry Waldman and Ainsley Davies serve as executive producers.

 

 

“Red One” delivers a fresh and exhilarating twist on the traditional Christmas movie, blending action-packed sequences with heartwarming holiday moments. Whether you’re a fan of thrilling adventures, laugh-out-loud comedy, or feel-good festive fun, this film is a must-watch. It’s a Christmas journey that blends the magic of the season with edge-of-your-seat excitement!

 

 

“Red One” opens in cinemas across the Philippines on November 6, distributed by Warner Bros. Pictures, a Warner Bros. Discovery company. Don’t miss out on this ultimate holiday adventure – it’s bound to be the action-comedy event of the season! (Photo & Video Credit: “Warner Bros. Pictures)

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)