
KINUMPIRMA ni Paul Gutierrez na napaso’ o natapos na ang kanyang termino bilang executive director ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS).
Sa isang kalatas, pinasalamatan ni Gutierrez si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa pagkakataon na ibinigay sa kanya para makapagsilbi sa ilalim ng kanyang administrasyon kahit sa maikling panahon lamang o isang taon at 14 linggo mula nang italaga siya noong May 25, 2023.
“His (Pres. Marcos) decision to continue with the PTFoMS is the clearest message to all that he is committed to creating a safe media environment where every member of the press can practice their profession responsibly, professionally, and without fear,” ayon kay Gutierrez.
“Modesty aside, during this period, the PTFoMS was able to help solve ALL the five (5) violent attacks against the press that happened under the Marcos administration while helping solve two (2) more cases of media killings under the previous administration (Ed Dizon case, 2019, Duterte administration; Gerry Ortega case, 2011, Aquino administration). We also promptly and diligently assisted in resolving all incidents of threats and harassments by the members of the press brought to our attention. Those we assisted can attest to this. The database (most wanted list) of all suspects in the killing of journalists, the first of its kind, has also been completed, ready for release to the public,” ang litaniya ni Gutierrez.
Sa kapareho pa rin aniyang panahon, nagawa ng PTFoMS na magkaroon ng MOA sa PAO kung saan ang mga indigent na miyembro ng mga mamamahayag lalo na iyong mga nasa malalayong lugar ay matutulungan, free-of-charge, ng PAO sa kanilang legal cases na may kaugnayan sa kanilang trabaho bilang journalists.
Matatandaang, kamakailan lamang, lumagda ang PTFoMS ng MOA kasama ang COMELEC na naglalayong tiyakin ang karapatan at seguridad ng mga journalist sa panahon ng election period.
“For finalization is the MOA with the CHR and the NAPOLCOM that are also geared to protecting the rights of the media and strengthening the media’s relationship with the PNP. All of these are the “first” to happen in the 7-years history of the PTFoMS and all of them, under the Marcos administration,” ang sinabi ni Gutierrez.
Bahagi pa rin ng tagumpay ng PTFoMS, gamit ang limitadong budget, nagawa nito (PTFoMS) na magsagawa ng walong (8) regional media safety summits sa buong bansa na may buong suporta ng mga nagmamalasakit na LGUs at media organizations.
Winika pa ni Gutierrez na sa unang bahagi ng taon, binigyang kredito ng ibang tanggapan ng pamahalaan ang PTFoMS para sa matagumpay na paggabay sa pagbisita sa bansa ng UN Special Rapporteur on Freedom of Opinion and Expression.
Sa kabilang dako, pinasalamatan din ni Gutierrez ang lahat ng Inter-Agency Partners ng PTFoMS at mga kapwa opisyal sa gobyerno para sa mga nagawa ng mga ito upang maging posible ang mga kapuri-puring tagumpay na ito sa maikling panahon.
Partikular na pinasalamatan ni Gutierrez ang NBI, PNP, Phil. Army para sa buong suporta ng mga ito sa ‘joint effort’ sa pagbibigay hustisya sa mga biktima ng media killings.
“I thank Secretary Boying Remulla of the DOJ and PCO Secretary Cheloy Garafil and Secretary Cesar Chavez, the chairand co-chair of the PTFoMS, respectively, and friends of many years. Their unstinting support made the burden of my job satisfying and bearable. The same goes to my family who has always been there as my pillar of support,” ang sinabi pa rin ni Gutierrez.
Pinasalamatan din ni Gutierrez ang mga miyembro ng press—groups at mga indibiduwal sa buong bansa na sinasagot ang kanyang mga tawag, kung wala aniya ang tulong at kooperasyon ng mga ito, “PTFoMS can only do so much. Para sa inyo ito at salamat sa tulong at suporta ninyo.”
Sa huli, pinasalamatan naman ni Gutierrez ang mga PTFoMS staff sa sa dedikasyon at commitment ng mga ito na manatili sa buo niyang journey.
“Together with them, everything that happened is one remarkable experience,” diving pahayag ni Gutierrez.
Nauna rito, napaulat na ipinagbigay- alam ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa isang sulat na pinadala kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na may petsang Setyembre 12, 2024 na expired na ang termino ni Gutierrez bilang Executive Director ng PTFoMS.
“This refers to the expiration of the tenure of Mr. Paulino Malinay Gutierrez as Executive Director of the Presidential Task Force on Media Security. On behalf of President Ferdinand R. Marcos Jr., this is to inform you that the expiration of his tenure shall take effect immediately,” ayon sa liham ni Bersamin.
Binigyan ng kopya ng liham sina Gutierrez at Senior Undersecretary Elaine T. Masukat, head ng Presidential Management Staff (PMS).
Si Gutierrez ay dating pangulo ng National Press Club (NPC), isang organisasyon ng mga journalist sa Pilipinas. (Daris Jose)