• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 11:55 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2024

PBBM, mainit na tinanggap si Indonesian President-elect Prabowo sa Malakanyang

Posted on: September 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAINIT na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Biyernes si Indonesian President-elect Prabowo Subianto sa Palasyo ng Malakanyang.

 

Sa naging pag-uusap ng dalawang lider, sinabi ni Pangulong Marcos kay Prabowo na magandang pahiwatig para sa Pilipinas at Indonesia ang pagpili ng huli sa Maynila bilang isa sa unang foreign visits bilang isang elected state leader.

 

Matatandaang, ang unang foreign trip ni Pangulong Marcos nang maupo ito bilang halal na Pangulo ng bansa noong 2022 ay sa Indonesia.

 

“I think your visit here today will certainly bring a new impetus to making that relationship between Indonesia and the Philippines stronger and deeper,” ayon sa Pangulo.

 

Muli namang kinumpirma ni Prabowo ang kanyang commitment na panatilihin ang tinatawag niyang ‘traditionally close relationship’ sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia.

 

“We have common roots, cultural, historical, and by the fact that we are very close neighbors, it behooves us, I think, to always support each other and to work together closely in all fields,” ang sinabi ni Prabowo.

 

Samantala, sa Nobyembre ay ika-75 taon ng diplomatic relations ng Pilipinas at Indonesia.

 

Si Prabowo, Indonesia’s Defense minister at former military general, ay opisyal na kinumpirma ni Indonesia’s Election Commission na siyang nanalo sa presidential elections noong Pebrero. Pormal na naupo ito sa pagka-Pangulo nito lamang Oktubre , pinalitan ni Prabowo si Joko Widodo. (Daris Jose)

Kalidad ng buhay ng 39% ng mga pinoy, bumuti sa nakalipas na 12 buwan- SWS

Posted on: September 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA ang 39% ng mga adult Filipino na bumuti ang kalidad ng kanilang buhay sa nakalipas na taon.

 

 

Ito’y base sa resulta ng kamakailan na survey ng Social Weather Stations (SWS).

 

Makikita sa survey na ginawa mula June 23-July 1, 2024, na 23% ng mga respondents ang nagsabi na ang kalidad ng kanilang buhay ay naging mas masahol pa kaysa sa bago ang 12 buwan habang 37% naman ang nagsabi na ang kanilang buhay ay nananatiling hindi nagbago.

 

 

Dahil dito, sinabi ng SWS na nagresulta ito ng net gainers score na +15, na klasipikado bilang “very high.”

 

Nagmarka naman ang June 2024 score ng 10-point improvement mula sa dating survey noong March 2024, na mayroong “fair” rating na+5.

 

Gayunman, ang kasalukuyang iskor ay nananatiling bahagyang nasa ibaba ng pre-pandemic level na +18 na naitala noong December 2019.

 

Ayon sa June 2024 survey, “Balance Luzon registered the highest net gainer score at an “excellent” +26, followed by Metro Manila at a very high +16, Mindanao at a high +7, and the Visayas at a high +1.”

 

“The 10-point rise in the nationwide Net Gainer score between March 2024 and June 2024 was due to increases in all areas, especially in Mindanao,” ang sinabi pa rin ng SWS.

 

Pagdating naman sa educational levels, ang net gainers sa hanay ng mga college graduates ay tumaas mula sa +10 noong March 2024 sa “excellent” +21 noong Hunyo, habang ang junior high school at elementary graduates ay mayroong “very high” rating at non-elementary graduates ay mayroon namang “net zero “fair” rating.

 

Ang mga pamilya na hindi nakaranas ng pagkagutom ay mayroong “very high” net gainers score na +18, habang ang pamilyang nahaharap sa moderate hunger ay may iskor na +12.

 

Taliwas dito, nananatili naman na nasa “mediocre” territory ang ‘severely hungry families’ na may iskor na -17.

 

Ang mga pamilyang tinukoy bilang “Not Poor” ay mayroong “excellent” score na +26, habang iyong mga kinokonsidera ang kanilang sarili na “Poor” ay mayroong “high” score na +9.

 

“The Net Gainers score has historically been lower among the Poor than the Borderline and Not Poor. This means the Poor have more Losers and fewer Gainers than the Borderline and Not Poor,” ayon sa SWS.

 

Samantala, ang Second Quarter 2024 Social Weather Survey ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 adults sa buong bansa na may ±2.5% margin of error sa national level. (Daris Jose)

EU, nagpalabas ng P12.4-M na tulong para sa mga Filipinong biktima ni ‘Enteng’

Posted on: September 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGPALABAS ang European Union (EU) ng EUR200,000 o P12.4 milyon na emergency assistance para tulungan ang Pilipinas sa pagtugon sa mga iniwang nasira ni Tropical Storm Enteng na may international name na Typhoon Yagi, ilang linggo na ang nakalilipas.

 

 

Ang bagong pondo ay bahagi ng EUR2.2 million o P136.8 milyon na aid package para sa Southeast Asian countries na matinding tinamaan ng bagyo.

 

“As Southeast Asia has suffered one of the deadliest typhoons in recent years, our thoughts go to all the victims and their families.

 

The EU stands ready to help the affected communities with all the means at its disposal,” ang sinabi ni Commissioner for Crisis Management Janez Lenarčič.

 

“This new funding will help people in Myanmar, Vietnam, Laos, and the Philippines to address their most immediate needs,” dagdag na wika nito.

 

Nakatakda namang makuha ng Myanmar ang malaking tipak ng emergency assistance, sinasabing aabot sa EUR1.2 million sinundan ng Vietnam (EUR650,000) at Laos (EUR150,000).

 

Bago pa ang naturang anunsyo, pinagana muna ng EU ang Copernicus Emergency Satellite Mapping Service nito lamang Setyembre 11. Sa ngayon, nakapag-produce ng 10 maps para sa damage assessment sa mga apektadong komunidad.

 

Sa ulat, nag-iwan ang Typhoon Yagi ng malaking pinsala nang dumaan ito sa Northern Vietnam, Laos, at Myanmar.

 

Ito ang itinuturing na pinakamalakas na bagyo na naitala sa rehiyon sa maraming dekada.

 

Sa kasalukuyan, may 500 katao ang naitalang patay, karamihan ay mula sa Vietnam at Myanmar.

 

Sa Pilipinas, nang bumaybay ang bagyo, mayroon itong ‘less intensity’, ang sanib-puwersa ng bagyong Yagi at southwest monsoon ang dahilan ng matinding pagbaha at naapektuhan ang tatlong milyong katao sa iba’t ibang lugar sa walong rehiyon. (Daris Jose)

GSIS, naglaan ng P1.5B para emergency loans sa dengue-hit areas sa E. Visayas

Posted on: September 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGLAAN ang state workers’ pension fund Government Service Insurance System (GSIS) ng P1.5-billion na emergency loans para tulungan ang mga miyembro at pensiyonado nito sa iba’t ibang lalawigan sa Eastern Visayas, mga idineklarang calamity areas dahil sa tumaas na bilang ng kaso ng sakit na dengue.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ng GSIS na ang emergency loan program ay mapakikinabangan ng 34,739 miyembro at pensiyonado sa Eastern Visayas.

 

 

Ang programa ayon sa GSIS ay naglalayon na magbigay ng agarang financial assistance sa Samar at Leyte (Ormoc City, Maasin City, at Kananga) na maaaring humarap sa hindi inaasahang medical expenses, kawalan ng kita dahil sa sakit, bukod sa iba pa.

 

 

“To qualify for the emergency loan, active members must reside or work in calamity-declared areas, not on leave without pay, have no pending administrative or legal cases, no due and demandable loan, and made at least six monthly premium payments prior to applying,” ang sinabi ng GSIS.

 

 

“Their net take-home pay must not be less than P5,000 as stipulated by the General Appropriations Act,” dagdag na pahayag ng GSIS.

 

 

Para sa mga matatanda at disability pensioners, para maging kuwalipikado, dapat ay mayroon silang 25% na natitira mula sa kanilang pensiyon matapos kaltasin ang para sa loan amortization.

 

 

“Members and pensioners with an existing emergency loan balance may borrow up to P40,000 to settle their previous loans, with a maximum net amount of P20,000,” ang sinabi ng GSIS.

 

 

Samantala, iyong mga wala naman ‘existing balances’ ayon sa GSIS ay maaaring mag-apply para sa P20,000-loan.

 

 

Ang emergency loan ay mayroong interest rate na 6% bawat taon, mayroong repayment period ng tatlong taon.

 

 

“Qualified members and pensioners can apply for the loan online through the GSIS Touch mobile app,” ayon sa GSIS.

 

 

“They may also submit their applications through the GSIS Wireless Automated Processing System (GWAPS) kiosks located in GSIS branches nationwide, major government offices such as the Department of Education, provincial capitols, city halls, municipal offices, and select Robinson’s and SM malls,” ang sinabi pa rin ng GSIS. (Daris Jose)

Mayor John Rey Tiangco, nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa International Coastal Clean-up Day

Posted on: September 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco, nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa International Coastal Clean-up Day sa pamamagitan ng pagsasagawa ng simultaneous cleanup activities sa lahat ng barangay sa Navotas. (Richard Mesa)

Alice Guo ‘iseselda’ sa Pasig City Jail – PNP

Posted on: September 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

POSIBLENG ngayong araw mailipat sa Pasig City Jail si dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo.

 

 

Ito naman ang napag-alaman mula kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, dahil kailangan pang ibalik ng Criminal Investigation and Detection Group ang warrant of arrest ni Guo sa Pasig Regional Trial Court.

 

Ayon sa PNP, may ilan pang mga dokumento na dapat ayusin bago tuluyang mailipat ang dating alkalde ng Bamban.

 

 

Sinabi naman ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesperson Chief Insp. Jayrex Bustinera na kailangan pa aniyang sumailalim sa medical examination, tulad ng x-rays at ECG reading dahil nasa 44 ang makakasamang Persons Deprived of Liberty (PDLs) ni Guo.

 

 

Batay sa kanilang patakaran dapat ay naka-isolate ang bagong commit na PDL. Subalit kailangan na gamitin ang isolation room para sa isang TB patient. (Daris Jose)

Alice Guo, nagpiyansa sa 2 counts ng graft

Posted on: September 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKAPAGLAGAK ng piyansa sa Valenzuela Regional Trial Court Branch 282 ang sinibak na Bamban, Tarlac mayor Alice Guo para sa dalawang count ng kasong graft na isinampa ng Department of the Interior and Local Government hinggil sa kanyang pagkakasangkot umano sa sinalakay na Philippine Offshore Ga­ming Operator (POGO) sa Bamban.

 

 

Kinatigan ni Valenzuela RTC Judge Elena Amigo Amano ang hirit na piyansa ng abogado ni Guo na si Atty. Stephen David bunsod na rin ng mga petisyon hinggil sa kustodiya ng dating alkalde.

 

Unang tinangka ni Atty. David na magkaroon ng status quo para manatili sa Philippine National Police (PNP) custodial facility si Guo dahil maituturing na high profile ang kaniyang kliyente.
Gayunman, sinabi ng korte na may letter request ang Quad Committee ng House of Representatives na kunin ang kustodiya Kay Guo dahil sa contempt order nito.

 

 

Bukas nakatakdang talakayin ng korte kung saan dapat na ikulong si Guo.

 

Kasalukuyang nakakulong si Guo sa PNP Custodial Center sa Camp Crame at nagpiyansa ng P540,000 Valenzuela City RTC Branch 282 matapos na iutos ng Ombudsman na triplehin ang P90,000 na piyansa.

 

 

Iginiit ng prosecution team ng Ombudsman na gawing triple ang piyansa dahil maituturing na high risk si Guo.

 

 

Samantala, tiniyak naman ni Bureau of Jail Management and Peno­logy (BJMP) spokesperson Chief Insp. Jayrex Busti­nera na handa ang kanilang mga jail facility maging sa Valenzuela o Pasig City Jail. Kailangan lamang aniya ang commitment order mula sa korte.

 

 

Magiging ordinaryong PDL din si Guo habang dinidinig ang kanyang kaso. (Daris Jose)

Lakas-CMD pormal ng nakipagsanib-pwersa sa administrasyon para halalan 2025

Posted on: September 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez noong Biyernes ang opisyal na pakikipag-alyansa ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) sa administrasyon upang punan at suportahan ang mga kandidato sa congressional-local election sa Mayo 2025.

 

 

Ginawa ni Romualdez ang anunsiyo sa national convention ng partido, na dinaluhan ng mga pangunahing opisyal at miyembro ng Lakas-CMD sa Aguado Residence sa Malacañang.

 

 

Sinabi ni Speaker mananatili ang Lakas-CMD bilang maasahang katuwang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa pagsusulong ng mga patakaran at reporma para sa kabutihan ng bawat Pilipino.

 

Hinimok ni Speaker Romualdez ang mga miyembro ng kanyang partido na maghanda para sa halalan sa 2025 na may bagong pananaw at layunin.

 

 

Sinabi pa ng lider ng Kamara na siya at ang kanyang mga kasamahan sa partido ay pinagkatiwalaan ng sagradong tungkulin na maging pundasyon ng pananaw ng administrasyon para sa mas maliwanag na hinaharap.

 

 

Idinagdag pa ni Speaker Romualdez na matagal nang napatunayan na ang Lakas-CMD ay mahalaga at maaasahang katuwang sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagtutulungan upang bumuo ng isang ‘Bagong Pilipinas’—isang bayan na nakaugat sa progreso, pagkakapantay-pantay, at katatagan.”

 

 

Binigyan diin ng lider ng Mababang Kapulungan ang kahalagahan ng tiwala at pagkakaisa ng kanyang partido habang papalapit ang halalan, na sa kabila ng hamon ay gagawin ito nang may tiwala sa pinagsamang lakas, pagkakaisa, at dedikasyon sa mga Pilipino.

 

 

Ang Lakas-CMD ay mayroong 4,000 miyembro na kinabibilangan 106 ng kongresista, 15 gobernador, 15 bise-gobernador, 124 miyembro ng provincial board, 18 alkalde at 19 bise-alkalde ng lungsod, 105 konsehal ng lungsod, 332 alkalde ng bayan, 199 bise-alkalde ng bayan, at 1,294 konsehal ng bayan. (Daris Jose)

Ads September 23, 2024

Posted on: September 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

P238K shabu nasamsam sa drug suspect sa Valenzuela

Posted on: September 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT P.2 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos maaresto ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City, Biyernes ng umaga.

 

 

Sa report ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ang naarestong suspek na si alyas Gie, 57, ng lungsod.

 

 

Ayon kay Col. Cayaban, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Joan Dorado hinggil sa umano’y pagbibenta ng suspek ng shabu.

 

 

Nang magawa nilang makipagtransaksyon sa suspek, ikinasa ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Johnny Llave ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya dakong alas-6:15 ng umaga sa Liwayway St. Brgy. Marulas, matapos umanong bintahan ng P7,500 halaga ng shabu ang pulis na nagpanggap ba buyer.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang apat plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P238,000, buy bust money na isang P500 bill at pitong P1,000 boodle money, P200 recovered money, cellphone at coin purse.

 

 

Ani P/MSg. Ana Liza Antonio, kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Art. II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa nila laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)