• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 3:18 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2024

Cone gagawaran ng President’s Award

Posted on: September 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KIKILALANIN ang husay at galing ni veteran coach Tim Cone sa PBA Press Corps 30th Awards Night na idaraos sa Setyembre 24 sa Novotel Manila Araneta City.

 

 

Ibibigay kay Cone ang President’s Award matapos tulungan ang Gilas Pilipinas men’s basketball team na makamit ang tagumpay sa iba’t ibang torneo.

 

 

Galing ang Gilas Pilipinas sa kampeonato sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China na nagsilbing simula ng magandang ratsada ng tropa sa 2024.

 

Dinala ng mga Pinoy cagers ang momentum sa FI­BA Asia Cup qualifiers matapos ilampaso ang Hong Kong, 94-64, at Chinese Taipei, 106-53.

 

Mas lalo pang gumawa ng ingay ang GIlas Pilipinas nang gulantangin ang World No. 6 Latvia, 89-80, sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Riga, Latvia.

 

Ang panalo ang nagdala sa Gilas sa semis, subalit yumukod sa Brazil, 71-60, upang tuluyang maglaho ang pag-asa nitong makapasok sa Paris Olypics.

 

 

Gayunpaman, sapat na ang nagawa ni Cone para makuha ang pagkilala ng PBAPC.

EJ Obiena desididong magtapos ng kolehiyo

Posted on: September 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

DESIDIDO si Filipino pole vaulter EJ Obiena na tapusin ang kaniyang college degree sa University of Santo Tomas.

 

 

Sinabi nito na nagsusumikap pa rin siyang makuha ang diploma sa kursong Electronic Engineering.

 

 

Nag leave of absence muna ito para pagtuunan ng pasin ang kaniyang paglalaro sa pole vault.

 

 

Sa kasalukuyan ay inaayos niya ang ilang mga schedule niya para sa tuluyang makapagtapos sa kolehiyo.

 

 

Magugunitang pansamantalang hindi lalahok si Obiena sa mga torneo ngayong taon dahil ito ay nagpapagaling sa kaniyang spine injury kung saan tiniyak nito sa susunod na taon ay sasabak na ito sa mga international tournament.

Knockout asam ni Jerusalem

Posted on: September 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NATUPAD na ang pa­nga­rap ni Filipino world bo­xing champion Melvin Je­rusalem na lumaban sa harap ng kanyang mga ka­­babayan.

 

 

 

Ang kulang na lamang ay ang kanyang panalo.

 

Idedepensa ni Jerusa­lem ang suot niyang World Boxing Council (WBC) mi­nimumweight crown laban kay Mexican mandatory challenger Luis Angel Castillo sa Manny Pacquiao Presents: Blow by Blow nga­yong gabi sa Mandalu­yong City College.

 

 

Nangako ang 30-an­yos na si Jerusalem (22-3-0, 12 KOs) na bibigyan ni­ya ng magandang laban ang 27-anyos na si Castillo (21-0-1, 13 KOs).

 

 

“Knockout talaga ang gusto ko kapag nakakita ako ng pagkakataon,” wika ng tubong Manolo Fortich, Bukidnon.

 

 

Napasakamay niya ang WBC belt matapos ta­lunin si Japanese Yudai Shigeoka sa Nagoya no­ong Marso 31.

 

 

Nauna nang nagkampeon si Jerusalem sa World Boxing Organization (WBO) minimumweight class matapos daigin si Ja­panese fighter, Masataka Taniguchi noong Enero ng 2023.

 

 

Ngunit matapos ang apat na buwan ay naisuko ito ni Jerusalem kay Oscar Collazo ng Puerto Rico via seventh round TKO.

 

 

“Napakasakit talaga ng nangyari doon, kaya ayoko nang maulit iyon ngayon,” ani Jerusalem.

 

Samantala, determina­do si Castillo na agawin kay Jerusalem ang titulo pa­ra maiuwi sa Mexico.

 

 

“I know this is going to be a tough fight, but I know we will emerge victorious,” sabi ni Castillo.

Harry Roque pugante na!

Posted on: September 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ITINUTURING na ngayong ‘pugante’ sa batas si da­ting Presidential spokesman Harry Roque na hinihinalang may kaugnayan sa illegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa Porac, Pampanga.

 

 

Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, ito ay bunga ng kabiguan ni Roque na dumalo at isumite ang mga dokumento na makatutulong sa imbestigasyon ng Quad Committee.

 

 

Hindi sinipot ni Roque ang pagdinig ng Kamara noong nakalipas na Huwebes bunsod para i-contempt ito sa ikalawang pagkakataon at isyuhan ng warrant of arrest.

 

 

Nabigo naman ang mga operatiba ng PNP at House Sgt. At Arms na matagpuan si Roque sa address ng opisina nito sa Makati City.

 

 

Pinasusumite kay Roque ang kanyang Statement of Asset Liabilities and Net Worth (SALN), tax returns at rekord ng negosyo nito.

 

 

Si Roque na dating tagapagsalita ni dating pangulong Rodrigo Duterte ay sinasabing may ugnayan sa Lucky South 99, ang ni-raid na POGO hub sa Porac, Pampanga na nakumpiskahan ng illegal na droga noong Hunyo.

 

 

Samantalang maging ang misis ni Roque na si Myla Roque na ipinatatawag din ng komite ay na­bigong dumalo sa pagdinig. (Daris Jose)

Nasunugan sa Tondo, binisita ni Isko

Posted on: September 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BINISITA ni dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang halos 2,000 pamilyang nasunugan sa evacuation center.

 

 

Partikular na pinuntahan ng dating alkalde ang General Vicente Lim Elementary School kung saan isa-isang kinumusta ang kalagayan ng bawat pamilyang nawalan ng tirahan.

 

 

Ayon kay Domagoso, batid niya ang hirap ng pinagdadaanan ng mga nasunugan ngunit naroon pa rin ang pasasalamat na walang nasaktan o nasawi sa matinding sunog na tumupok sa tenement area Aroma Compound.

 

 

Bagama’t malungkot ang mga nasunugan, ikinatuwa naman ng mga residente nang makita si Domagoso at isa-isa silang niyakap at kinumusta.

 

 

Handa rin itong tumulong sa mga naapektuhan ng sunog kasama ang kanyang tandem sa abot ng kanilang makakaya.

 

 

Sumiklab ang sunog sa Bldg.27 hanggang 23 noong Sabado na umabot sa Task Force Bravo at halos 13 oras tinagal ang sunog bago ito tuluyang naapula ng mga bumbero.

 

 

Tumulong din ang Philippine Air Force 505th Search and Rescue Brigade gamit ang kanilang Bambi Bucket upang mapadali ang pag apula sa matinding sunog. GENE ADSUARA

Valenzuela LGU pinasinayaan ang bagong boardwalk, inilunsad ang unang walkathon

Posted on: September 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BINUKSAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang “The Valenzuela Boardwalk”; isang 1.3 km ang haba na floodwall na may linear park at bike trail na sumasaklaw sa mga Barangay ng Coloong, Tagalag, at Wawang Pulo na layunin nito na magtaguyod ng malusog na pamumuhay para sa mga Valenzuelano

 

 

Ang Valenzuela Boardwalk, ay idinisenyo para sa mahabang pagtakbo, health walk, at cycling activities para sa Pamilyang Valenzuelano. Ang linear park ay orihinal na itinatag bilang isang flood control dike upang kontrolin ang daloy ng tubig sa pagitan ng mga nabanggit na barangay at Meycauayan, na kalaunan ay naging isang ligtas na lugar na libangan para sa mga aktibidad ng pedestrian.

 

 

Pinangunahan nina Mayor WES Gatchalian, Gng. Tiffany Gatchalian at pamilya, Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, at ang Sangguniang Panlungsod ang pagbabasbas at pagpapasinaya ng Valenzuela Boardwalk.

 

 

Kasunod nito, inilunsad din ng lungsod ang una nitong walkathon kasama ang mga senior citizen kung saan isang masayang paglalakad na nagtatampok ng humigit-kumulang 200 Valenzulenong senior citizen na miyembro ng OSCA-Alliance of Senior Citizens.

 

 

Binagtas ng mga senior citizen ang 600 metro na bahagi ng boardwalk, upang ikampanya ang malusog na pamumuhay at galaw ng katawan sa mga matatanda. Upang matiyak ang kanilang kaligtasan, naglagay ng water station, medic, at mga rescue team na naka-standby.

 

 

Isinagawa din ang libreng go-karting activity para sa mga batang edad 4 hanggang 7 na ginanap sa kabilang kalahati ng boardwalk abutin ng ng dalawang araw kung saan nasa sampung go-karts ang sponsored ng Pedway Go Kart.

 

 

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor WES na ang boardwalk ay nagsisilbi hindi lamang bilang isang recreational space kundi bilang isa rin sa mga flood-control initiatives ng lungsod.

 

 

Ang Valenzuela Boardwalk ay bukas araw-araw mula 5:00 AM hanggang 10:00 PM. (Richard Mesa)

2 lalaki na nasita sa damit, huli sa P52K shabu sa Caloocan

Posted on: September 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA loob ng kulungan humantong ang paggala ng dalawang lalaki nang mabisto ang dala nilang shabu makaraang masita ng mga pulis dahil kapwa walang suot na damit sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

 

 

 

Sa report ni Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Police Sub-Station (SS4) sa Salmon St., Brgy. 8 nang mapansin nila ang dalawang lalaki na kapwa walang suot na damit habang gumagala sa lugar dakong ala-1:30 ng madaling araw.

 

 

Dahil malinaw na paglabag ito sa umiiral na ordinansa ng lungsod, nilapitan nila ang mga suspek para isyuhan ng tiket subalit, tumakbo umano ang mga ito kaya hinabol sila ng mga pulis hanggang sa magawang makorner.

 

 

Nang kapkapan, nakuha sa mga suspek na sina alyas Rico at alyas Eric, ang dalawang plastic sachets na naglalaman ng nasa 7.7 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P52,360.

 

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Navotas, nakiisa sa International Coastal Clean-up Day

Posted on: September 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKIISA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco sa International Coastal Clean-up Day sa pamamagitan ng pagsasagawa ng simultaneous cleanup activities sa lahat ng barangay sa Navotas.

 

 

Hinikayat ni Mayor Tiangco ang mga Navoteño na hindi lamang makiisa sa paglilinis tuwing mayroong espesyal na okasyon, kundi gawing habit ang pagsasagawa ng cleanup drives at pag-segregate ng basura sa bahay pa lamang.

 

 

Aniya, layon ng paggunita sa ICC na mabawasan ang mga basurang nauuwi sa mga karagatan at nakakasama hindi lang sa kalikasan kundi nakakaapekto rin sa kabuhayan at kalusugan ng mga mamamayan.

 

 

Sinabi pa niya na pamamagitan ng pakikiisa ng mga volunteer, makakuha rin ng sapat na datos tungkol sa mga uri ng basurang nakakalap sa pagsasagawa ng aktibidad.

 

 

Kabilang sa mga nakiisa sa ICC ang mga tauhan ng Navotas Police, Navotas-BJMP, Navotas-BFP, Northern NCR Maritime Police, Coast Guard, mga guro, mga estudyante at mga volunteer. (Richard Mesa)

DOTr, LTO, LTFRB, nagpulong para talakayin ang mandatoryong pagpapatupad sa speed limiter para sa pampublikong sasakyan

Posted on: September 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAGAWA ng pagpupulong ang mga matataas na opisyal ng transportasyon upang talakayin ang mandatoryong pagpapatupad ng batas na nagtatakda ng paglalagay ng speed limiters sa mga pampublikong sasakyan (PUV), bilang bahagi ng road safety measures ng pamahalaan.

 

 

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, ang Republic Act 10916, o ang Road Speed Limiter Act, ay dapat sana’y ganap nang naipatupad noong 2016 matapos itong maging ganap na batas.

 

 

“The full implementation of this law is long overdue. We have to do something now for the interest and protection of all road users,” ani Assec Mendoza.

 

 

“We will continue holding a series of meetings in order to come up with the guideline, with the intention of installing the required speed limiters in the soonest possible time,” dagdag niya.

 

 

Ang unang pagpupulong ay ginanap noong Setyembre 18 at dinaluhan ni Atty. Alex Verzosa, Consultant mula sa Office of the Assistant Secretary ng LTO, kasama si Assistant Secretary for Road Transport Infrastructure James Andres B. Melad ng DOTr, Atty. Zoj Daphne Usita, at Chief Ms. Nida Quibic ng Information Systems Management Division (ISMD) ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

 

 

Dumalo rin sa nasabing pagpupulong ang mga UV Express at bus operators.

 

 

Binigyang-diin ng diyalogo ang patuloy na pagsusumikap patungo sa mandatoryong pagpapatupad ng mga speed limiters, na naglalayong mapabuti ang kaligtasan sa kalsada at matiyak ang mahigpit na pagsunod sa mga itinakdang regulasyon ng pamahalaan.

 

 

“These measures aim to promote safer travel for commuters and elevate the standards of public transportation safety across the country,” ani Assec Mendoza.

 

 

Ang Republic Act 10916 ay nagpapakilala ng paggamit ng speed limiter device na elektronikong kumokontrol sa bilis ng sasakyan nang hindi naaapektuhan ang mga bahagi nito.

 

 

Ito ay isinabatas bilang bahagi ng interbensyon ng pamahalaan upang mabawasan ang insidente ng mga aksidente sa kalsada.

 

 

Batay sa datos ng World Health Organization, humigit-kumulang 1.3 milyong tao ang namamatay sa mga aksidente sa kalsada sa buong mundo habang nasa pagitan ng 20 milyon hanggang 50 milyon ang nasugatan, kabilang na ang mga pinsalang nagdudulot ng permanenteng kapansanan.

 

 

Ibinunyag din ng parehong datos na ang mga pinsala mula sa aksidente sa kalsada ang pangunahing sanhi ng kamatayan para sa mga bata at kabataang edad 5-29 taon, at mahigit kalahati ng lahat ng nasasawi sa mga aksidente sa kalsada ay kabilang sa mga vulnerable road users tulad ng mga pedestrian, siklista, at motorista.

 

 

Sa Pilipinas, ayon sa datos ng UN, humigit-kumulang 32 katao ang namamatay kada araw dahil sa mga aksidente sa kalsada.

 

 

Ang paglalagay ng speed limiters sa mga PUV ay bahagi ng mga hakbang na itinutulak ni DOTr Secretary Jaime Bautista sa ilalim ng Philippine Road Safety Action Plan.

 

 

“Our goal of reducing road accident deaths by 35 percent by 2028 and by 50 percent by 2033 was endorsed by the United Nations General Assembly. This is part of the Philippine Road Safety Action Plan that actively promotes road safety,” saad ni Bautista. (PAUL JOHN REYES)

 

 

 

COMELEC nanawagang ire-activate rehistro para sa 2025 elections

Posted on: September 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MULING nagpaalala sa publiko ang Commission on Elections (Comelec) nitong Sabado na hanggang sa katapusan o Setyembre 30 na lang ang reactivation ng mga natanggal sa talaan ng botante.

 

 

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na may 5.37 milyon ang nadiskubre nilang deactivated o hindi nakaboto sa dalawang magkasunod na halalan.

 

 

“Kaya naman, panawagan natin, kinakailangan maging “wais,” kailangang magpa reactivate tayo ng ating registration hanggang September 30 na lang po, at eto ay walang extension,”ani Garcia.

 

 

Maari rin aniya na magpareactivate sa pamamagitan ng online o sa official email address ng mga tanggapan ng Election Officer na makikita sa official Comelec website subalit hanggang Setyembre 25 lang ito maaring palawigin.

 

 

Kung ‘di aabot, hanggang Set. 30 naman sa mga local na tanggapan ng Comelec.