• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 6:13 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2024

Citizen rights’ group nagbabala vs Konektadong Pinoy Act

Posted on: September 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Nagpahayag ng pagkabahala ang isang citizens’ rights network sa panukalang Konektadong Pinoy Bill, o Senate Bill 2699, at sinabing ang bill, sa kasalukuyang porma nito, ay may oversight gaps na maaaring magresulta sa hindi sinasadyang negatibong epekto sa mga Pilipino.

 

 

Sa isang pahayag sa Facebook, sinabi ng CitizenWatch Philippines na nababahala ang organisasyon sa lumuluwag na restrictions sa foreign entities para mag-operate sa Pilipinas.

 

 

Ayon sa CitizenWatch, kapag naisabatas ang bill, ang National Telecommunications Commission (NTC) ay magiging isang registrar na lamang at mababawasan ang papel nito upang i-regulate ang telco operations sa bansa.

 

“As a result, there could be erosion of consumer protection, because it is the NTC’s mandate to hold telecommunications providers accountable and compliant to standards that protect consumers. Operators could then result to cutting corners to maximize short-term gains, to the detriment of long-term quality and innovation,” wika ni CitizenWatch lead convenor, Orlando Oxales.

 

 

“SB2699, if passed, will eliminate the requirement for a legislative franchise for the use of the country’s radio frequency spectrum and will also weaken the regulatory oversight of the NTC, which is dangerous to the Philippines’ national security,” dagdag pa ng network.

 

Nanawagan din ang CitizenWatch sa Kongreso na ang anumang bagong batas ay kailangang humikayat ng kumpetisyon at tumiyak sa paglago ng digital infrastructure ng bansa, lalo na sa mga liblib na lugar.

 

 

“We call on the Senate to work with industry experts in integrating adequate safeguards that would mitigate risks to all broadband users. Calibrating, rather than diminishing, the NTC’s regulatory oversight, is essential. We have to ensure that our laws truly promote the safe and accelerated expansion of our digital infrastructure,” ani Oxales.

 

 

Ang Konektadong Pinoy Act ay kasalukuyang nakahain sa Senado at naghihintay ng mga karagdagang deliberasyon at aksiyon.

Cultural fashion show sa Caloocan, pinangunahan ni first Lady Malapitan

Posted on: September 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISINAGAWA ng Caloocan Cultural Affairs and Tourism Council (CATC) sa pangunguna ni Caloocan First Lady at CATC Chairperson Audrey Malapitan ang ikalawang cultural fashion show, Runway Caloocan 2024, kasabay ng pagdiriwang ng Tourism Month kung saan limang sumisikat na fashion icons ang naglaban-laban para sa titulo ng nangungunang local designer.

 

 

Ang event ay ginanap sa Caloocan City Sports Complex at bukas ito sa publiko nang walang bayad kung saan itinampok ang kilalang mga fashion gurus na sina Ehrran Montoya, Maxie Andreison, at Mike Lim bilang panel expert judges.

 

 

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitab sa mga kalahok sa pagpapakita ng talento at pagkamalikhain ng mga mamamayan ng Caloocan at nangakong patuloy na susuporta sa mga proyektong magdadala ng halaga ng kasaysayan, kultura at turismo ng lokal na kabuhayan ay trabaho.

 

 

“Sa ating mga kalahok, kayo ang patunay ng natatanging talento at pagka-malikhain ng lahat ng Batang Kankaloo. Sana may ma-inspire niyo pa ang mga kabataan na sumunod sa inyong yapak, sa pagsisikap na maabot ang inyong mga pangarap,” ani Mayor Along.

 

 

“Asahan niyo po na patuloy na kumikilos ang ating administrasyon upang pahalagahan ang kasaysayan at kultura ng lungsod habang pinalalakas din ang turismo at kabuhayan para sa ating mga kababayan,” dagdag niya.

 

 

Binigyang-diin naman ni Caloocan First Lady at CATC Chairperson Audrey Malapitan ang kahalagahan ng mga fashion na nilikha ng mga kalahok sa pagdadala ng kamalayan sa kultura at kasaysayan sa general public, lalo na sa mga kabataan.

 

 

“Hindi lamang kinang, kulay, at ganda ang ating nasaksihan. Ang bawat kasuotang ito ang nagkwe-kwento ng ating kasaysayan na isinalin-salin sa bawat henerasyon at patuloy na bumubuhay sa ating pusong makabayan,” pahayag ni Ms. Malapitan.

 

 

Nasungkit nina Mr. Reyjie Enriquez at Ms. Danica Sayo ang Best Male at Female Model award, respectively, habang si Mr. Paulo Delos Santos mula sa Barangay 178 ay idineklara bilang Best Designer ngayong taon. (Richard Mesa)

Cash Assistance para sa mga Navoteñong mangingisda

Posted on: September 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MULING namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa ilalim ng pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco ng cash assistance para sa mga Navoteñong mangingisda na naapektuhan ng oil spill sa Bataan kung saan umabot sa 1,274 benepisyaryo ang nakatanggap ng P7,500 tulong pinansyal na mula kay Pangulong Bongbong Marcos. (Richard Mesa)

Ads September 24, 2024

Posted on: September 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Mabibilang sa mga daliri ang na-stranded: Transport strike ng Manibela at Piston, nilangaw?

Posted on: September 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NILANGAW ang transport strike na ginawa at pinangunahan ng transport group na Manibela at Piston.

 

 

Sinimulan kasi ngayong araw ng Lunes, Setyembre 23 ang transport strike na ikinasa ng grupong MANIBELA at PISTON. Tatagal ang transport strike, araw ng Martes, Setyembre 24.

 

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na palaging handa ang departamento at iba pang ahensiya ng pamahalaan sa ganitong mga senaryo.

 

“Yung strike, itong string ng Manibela at Piston pang-ilang beses na nilang ginagawa pero naipakita naman natin na nag-Dotr at ang ibang mga agencies ay ready, prepared, dahil sa ngayon, napakarami na nu’ng sumusuporta doon sa ating public transport modernization program,” ayon sa Kalihim.

 

“Kaya nga aniya, hindi na hindi na nila ito masyadong pinapansin lalo pa’t hindi naman nakakaapekto sa kalagayan ng mga existing transport system dahil mahigit sa 83% ang sumusuporta aniya sa programa ng DOTr at ang lahat ng ito aniya ay hindi sumasama sa transport strike,” ang sinabi pa rin ng Kalihim.

 

Para naman kay DOTR Usec. Jesus Ferdinand Ortega, nagpapasalamat naman sila sa lahat ng members ng Inter-Agency Task Force, sa laki ng tulong ng mga ito sa paghawak sa kaganapan ngayong araw.

 

“We are maintaining and continuing our program of zero stranded passengers sa nangyayari today, and malaki pong pasasalamat natin sa mga kasamahan natin sa different LGUs, MMDA, PNP.

 

Kasama rin po natin dito iyong ating mga tiga-LTO and LTFRB,” ayon kay Ortega.

 

Samantala, ikinagalak namang sabihin ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III na sa ngayon ay wala pong na-stranded na pasahero sa lahat ng mga spots na kailang minomonitor.

 

“Unang-una po, kakaunti lang po iyong mga sumama doon sa transport strike; pangalawa, mayroon po kaming nakahandang libreng-sakay; and then pangatlo po, nandoon po ang PNP to maintain peace and order para doon sa mga dyip na … para sa mga operators na namimilit po na sumama iyong mga kasamahan nila sa strike. So as of this time ho, wala hong na-stranded ni isang pasahero,” ang pahayag ni Guadiz.

 

Sinabi pa rin niya na nag-deploy rin ang LTFRB ng “Libreng Sakay” vehicles para sa mga mahihirapang sumakay kasunod ng tigil-pasada.

 

“Unang-una, dinidispatsa natin iyong libreng-sakay kung talagang kailangan lang. Kasi hindi po natin puwedeng idispatsa ito kung maayos naman po iyong takbo at natutugunan ang mga consolidated transportation groups, iyong mga kooperatiba at asosasyon, iyong needs ng sa kalye po. Kasi mahirap naman po kung maglibreng sakay tayo tapos apektado iyong mga pumapasada po,” ang sinabi naman ni Ortega.

 

“But regarding your concern po, rest assured po na we will maximize and use properly iyong ating libreng-sakay. At tama po kayo, hindi pa po tapos iyong araw but we see the flow of the half of the day that it will continue po hanggang mamayang hapon at hanggang bukas na rin po,” aniya pa rin.

 

Kasunod nito, ipinunto naman ni Guadiz na kinikilala naman ng ahensya ang karapatan ng mga driver at operator na ipahayag ang kanilang hinaing.

 

Gayunman, panawagan nito na iwasang magdulot ng buhol-buhol na trapiko lalo na sa major thoroughfares.

 

Sa panig ng gobyerno, nananatili umano itong nakatuon sa pagtiyak na may maayos at maaasahang access ang mga mamamayan sa pampublikong transportasyon. (Daris Jose)

Para maging ganap na batas: PBBM, tinintahan ang Magna Carta of Filipino Seafarers law

Posted on: September 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Lunes ang Republic Act 12021 o Magna Carta of Filipino Seafarers Law para maging ganap na batas.

 

Ang ceremonial signing ng Magna Carta of Filipino Seafarers ay idinaos sa Ceremonial Hall sa Palasyo ng Malakanyang.

 

“The Magna Carta of Filipino Seafarers institutionalizes the protection of Filipino seafarers’ rights. It will also serve as a guarantee to the international community that the Philippines will comply with its obligations to international conventions,” ayon sa ulat.

 

Matatandaang, sinertipikahan ni Pangulong Marcos ang Magna Carta of Filipino Seafarers bilang urgent measure noong Setyembre ng nakaraang taon.

 

Ipinaliwanag ng Magna Carta ang papel ng mga ahensiya ng gobyerno at stakeholders para makamit ang karaniwang layunin para igarantiya ang ‘accountability, efficiency, at clarity’ para sa proteksyon ng mga seafarers. Mapo-proteksyunan din nito ang seafarers mula sa mapanganib na aksyon banta sa kanilang kabuhayan gaya ng ‘ambulance chasing.’

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na ang bagong nilagdaang batas ay para igiit ang karapatan ng mga seafarers, kabilang na rito ang ”the right to just terms and conditions of work; right to self-organization and to collective bargaining; right to educational advancement and training at reasonable and affordable costs; right to information; the right to information of a seafarer’s family or next of kin; and the right against discrimination.”

 

Bibigyan din ng batas ang Filipino seafarers ng karapatan sa ‘safe passage at safe travel, consultation, free legal representation, agarang medical attention, access sa communication, record of employment o certificate of employment, patas na pagtrato sa event ng maritime accident.

 

Sinabi ni Escudero na iisa-isahin ng batas ang mga tungkulin ng seafarer, gaya ng pagtugon at pagsunod sa terms and conditions ng employment contract at maging masigasig sa pagganap sa tungkulin na may kinalaman sa barko. (Daris Jose)

Experience the heartwarming journey of Roz in The Wild Robot, an animated adaptation of the bestselling novel

Posted on: September 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

#1 New York Times bestselling novel The Wild Robot by Peter Brown is set to make its highly anticipated cinematic debut this October.

 

Directed by Chris Sanders, the mind behind How to Train Your Dragon and The Croods, and produced by DreamWorks Animation, this animated adaptation is bound to captivate audiences worldwide.

 

 

Described by DreamWorks Animation President Margie Cohn as “a once-in-a-generation book,” The Wild Robot tells the heartwarming tale of Roz, a robot stranded on a deserted island. The character, voiced by Academy Award® winner Lupita Nyong’o, embarks on a profound journey of survival, self-discovery, and connection with nature. Roz’s encounters with the island’s wildlife gradually transform her from an outsider into a beloved member of this untamed world.

 

Audiences will be swept away by both the stunning natural landscapes and the emotional depth of Roz’s story. Margie Cohn shares, “At DreamWorks, our goal is to transport audiences into immersive places that they’ve never experienced before, whether it’s the fairytale landscapes of Shrek and Puss in Boots, the fantastical prehistoric world of The Croods or the natural beauty of Kung Fu Panda and, of course, the How to Train Your Dragon films,” Cohn says. “But our films also explore the emotional terrain of what it means to be alive: to be lonely, to be afraid, to experience the thrill of the unknown, to find the brave places inside yourself that you may not have known existed, and, above all, to find your home, and your family, in whatever form that may be. We were thrilled that Peter trusted us with his story.”

 

 

Chris Sanders, the three-time Academy Award-nominated director, discovered The Wild Robot through his daughter’s school project and was immediately drawn to the novel’s emotional resonance. “What struck me most about the book was its deceptively simple yet profound emotional depth,” Sanders says. “I connected with its innocence and its earnestness. I’m drawn to stories with strong emotional undercurrents. While I appreciate big adventure stories, it’s the quieter, more intimate moments that truly resonate. These are the elements I prioritize as a filmmaker, and I thought The Wild Robotexemplified them beautifully.”

 

 

Sanders’s expertise in crafting emotionally driven films ensures that The Wild Robot will be more than just an adventure – it will be a poignant exploration of identity and the bonds that form in the most unexpected places.

 

 

Author Peter Brown, whose lifelong passion for animation shaped his storytelling, was deeply involved in the film’s adaptation process. “When I heard that DreamWorks wanted to make a movie based on The Wild Robot, it felt like my life was coming full circle,” Brown says. “Books and movies are very different art forms, so it’s only natural for The Wild Robot movie to differ from the book, but I had numerous discussions with the filmmakers, and I knew their goal was to capture the spirit of the story that I had dreamed up years ago.”

 

 

 

The all-star cast includes: Lupita Nyong’o as Roz, the stranded robot, Pedro Pascal as the sly fox Fink, Catherine O’Hara as the quirky opossum Pinktail. Bill Nighy as the wise goose Longneck, Kit Connor as the young gosling Brightbill, Stephanie Hsu as Vontra, another key robot character. Plus, appearances from Mark Hamill, Matt Berry, and Ving Thames.

 

 

The Wild Robot is an extraordinary adventure that blends technology and nature. The story follows Roz, a ROZZUM unit 7134, who is shipwrecked on an uninhabited island and must learn to adapt to her harsh surroundings. As Roz encounters the island’s animals, she forms meaningful connections, including a touching relationship with an orphaned gosling named Brightbill. Through these interactions, Roz discovers the essence of humanity in the most unexpected ways.

 

 

With its beautiful animation, talented cast, and heartwarming narrative, The Wild Robot is poised to be a film that resonates deeply with audiences of all ages.

 

 

Get ready to connect with your wild side! The Wild Robot opens in Philippine cinemas on October 9. Expect a visually stunning, emotionally rich film that both kids and adults will enjoy.

 

 

Stay updated on the latest news by following Universal Pictures PH on Facebook, Instagram, and TikTok. Join the conversation using #TheWildRobotMoviePH. (Photo and video credit: “Universal Pictures International”)

 

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

New version na ng ‘Face to Face’ ang mapapanood: KORINA, ‘di pumayag na maging tagasalo ng iniwang programa ni KARLA

Posted on: September 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TULOY na tuloy na ang premyadong broadcaster na si Korina Sanchez sa programang “Face to Face” at niya si Karla Estrada.

 

Iba na rin daw ang co-host ni Korina, si KaladKaren na.

 

Ayon pa sa nakausap ay parang naunahan lang daw ni Karla ang management dahil nakaplano na raw talaga na mag-reformat ang programa at kasama sa papalitan ang mga host.

 

Katuwiran pa ng source naman ay hindi raw talaga umangat ang “Face to Face” mula nang umere ito.

 

Kaya tuloy na ang pag-take over ni Korina sa programa ng TV5. Kahit sinasabing si Korina na nga ang host ng “Face to Face” pero it’s new version na sa pagpasok ng magaling na host.

 

Hindi raw pumayag ang asawa ni Mar Roxas na basta na lang maging tagasalo ni Karla, na kaya umalis sa programa dahil sa ambisyon at kakandidatong Mayor ng Sta. Rita, Samar, huh!
Naka-plano na raw lahat ng mga gagawin ni Karla hanggang sa 2025.

 

Noong nakaraang local elections ay pang 3rd nominee si Karla ng Tingog Partylist pero hindi nga pinalad maupo ang nanay ni Daniel Padilla.

 

Pero binigyan naman ang aktres at TV host ng posisyon sa office ni House Speaker Martin Romualdez.

 

***

 

ILANG araw na lang ay magpapa-file na ng kanilang COC ang lahat ng mga lalahok sa local elections.

 

Habang papalapit ito ay mukhang mas nagkakainitan ang mahigpit na magkakalaban for Manila mayoral candidates na sina Isko Moreno at incumbent Mayor Honey Lacuna.

 

Kung dati ay nasa minority ang kampo ni Isko ay mukhang makukuha nila Ang majority.

 

Lumipat kasi mula sa grupo ni Mayora ang kapatid ni Vice Mayor Yul Servo sa partido ni Isko.

 

So, isang kunsehal na lang ang lilipat tiyak majority na ang grupo ni Isko.

 

Ang nakalulungkot lang, may feelers daw na maaring tatalon na rin sa partido ni Yorme si Vice Mayor Yul.

 

Kung magkatotoo anong posisyon ang tatakbuhan ni Yul?

 

Hindi pwedeng bise alkalde dahil naka-posisyon na si Chi Atienza na lalong lumalakas sa survey.

 

Hindi na rin pwedeng balik-Congressman dahil ang kapatid na Apple Nieto ang inilagay ni Yorme, huh!

 

 

Ang gulo di ba?

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Life-changing ang maging isang parent: ETHEL, nag-mature na talaga at iniisip ang future ni ELLA

Posted on: September 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LIFE-CHANGING nga raw ang maging isang parent ayon sa comedienne na si Ethel Booba.

 

Ina si Ethel sa isang 5-year-old daughter named Ella mula sa kanyang partner na si Jessie Salazar.

 

“Nag-mature ba ako? Ako rin nga nagugulat e. Nag-mature talaga ako nu’ng naging nanay ako. Oo, iba na ‘yung priorities ko. Ngayon hindi na ako bumibili ng mamahaling damit, kailangan mura na lang kasi mayroon akong pinagkakagastusan kasi ang mahal ng gatas, diaper.

 

“Ngayon, iniisip ko kailangan ko talagang mag-ipon dahil ‘yung future niya, ‘yung pag-aaral niya doon ako nanganganib kasi Inglesera e. Hirap na hirap talaga ako e. Minsan sasabihin ko ‘ah ok’, minsan magtatanong Ingles, sasabihin ko na lang ‘later i’m busy.’ Kaya ‘yung asawa ko tawang-tawa talaga sa akin kasi hindi ko na talaga siya masagot kasi hirap na hirap ako talaga,” sey ni Ethel.

 

Bukod nga raw sa pagiging stand-up comedienne, founder din si Ethel ng sarili niyang beauty business sa tulong ng kanyang partner na very supportive at maayos ang communication nila kahit pa busy sila.

 

“Mas peaceful talaga at kung gusto mo ng pang-matagalan, for lifetime, mas non-showbiz. Communication. Kailangan talaga nag-uusap kayo palagi na alam mo ‘yung huwag mong kimkimin ang sama ng loob mo, kailangan maging open ka sa kaniya. Okay lang na masaktan siya pero kailangan malaman niya kung ano ang mali at malaman ko rin kung ano ang mali ko at doon kami nag-meet.”

 

Masusundan na kaya si Ella?

 

“Kung ibibigay. Nag-usap nga kami ni Vice Ganda kasi inanak niya ‘yan e. Sabi ko, ‘parang hindi na.’ Sabi niya, okay din iyan, para mayamang-mayaman siya. Biniro ko na lang na dadagdagan ko, mag-do-donate ka ba pang educational plan’ kasi ‘yun ang pinakamabigat talaga,” tawa ni Ethel.

 

***

 

NAKILAHOK ang ilang Sparkle artist at GMA employee volunteers sa isinagawang International Coastal Cleanup Drive sa Pasay City noong nakaraang Sabado, Sept. 21.

 

Isinagawa ang cleanup drive sa Pasay sa Central Park sa SM by the Bay, na pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources, Philippine Coast Guard, kasama na rin ang GMA Network sa pamamagitan ng Kapuso at Kasambuhay ng Kalikasan.

 

Nakibahagi ang Sparkle stars na sina Shuvee Etrata, Nikki Co, John Clifford, Seb Pajarillo at Zyren Dela Cruz, at 30 GMA employee-volunteers sa ika-39 Coastal Cleanup na may temang “Clean Seas for Blue Economy.”

 

Ang paglilinis ay parte ng taunang International Coastal Cleanup Drive na isinasagawa tuwing ikatlong Sabado ng Setyembre, ayon na rin sa Presidential Proclamation 470.

 

Dala-dala ng volunteers ang kanilang mga sako, face mask, tumbler para sa iinuming tubig at rake para sa paghahakot ng basura.

 

Daan-daang indibiduwal pa ang nakisali mula sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno, NGOs, mga estudyante at pribadong sektor.

 

Sa dami ng basura, kinailangang gumamit ng dump truck para mahakot ang mga ito, kung saan ang karamihan ay mga plastic, styrofoam, kawayan at mga driftwood na inanod sa lugar dahil sa mga nagdaang bagyong Carina, Enteng at Habagat.

 

Ilang ambulansiya pa ang nakaantabay kung sakaling kailangan ng tulong medikal.

 

Inaasahang aabot sa tone-toneladang basura ang mahahakot sa baybaying dagat ng Manila Bay.

 

Pinakamalaking nahakot ng SM sa ika-38 International Cleanup noong nakaraang taon ang umabot ng 100,000 kilos ng basura.

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Ibang-iba ang role sa action-advocacy series na ‘WPS’: AYANNA, tuluyan nang tatalikuran ang paghuhubad sa pelikula

Posted on: September 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ANG action-advocacy series na “West Philippine Sea” ay isang kwento ng pag-asa at katatagan.

 

Sinasaliksik nito ang kapangyarihan ng pag-ibig, ang kahalagahan ng pagkakaisa, at ang di-natitinag na diwa ng isang bansang determinadong ipaglaban ang kinabukasan nito.

 

Ito ay nagpapaalala sa atin na kahit na sa harap ng napakatinding pagsubok, ang espiritu ng tao ay maaaring manaig, na pinalakas ng pagmamahal, determinadong determinasyon, at ang hindi natitinag na paniniwala sa kapangyarihan ng sama-samang pagkilos at ang tunay na diwa ng nasyonalismo at pagkamakabayan para sa tunay na debosyon sa bayan at mamamayan.

 

Sa serye, ang Kagawaran ng Sandatahang Maharlikeño para sa Bagong Pilipinas na Inaasam o KSMBPI ay isang patagong cyber-security agency na lihim na tumutulong sa bansang nakikipagbuno sa nagbabantang banta ng nuklear na nagmumula sa mga salungatan sa soberanya laban sa isang mabigat na nuclear superpower habang kasabay nito ang sikreto nito.

 

Ang mga agent (tinatawag na WPS DEFENDERS) ay humaharap sa mga pang-araw-araw na personal na isyu ng kanilang sarili.

 

Ang kwentong ito ay nagbubukas sa malapit na hinaharap na Pilipinas na binu-bully ng isang Nuclear Superpower Nation, ang Kaharian ng Manchuria.

 

Sa gitna ng tumitinding tensyon na ito, ang lihim na organisasyon na binubuo ng mga bihasang espiya at mga dalubhasa sa cyber-security, ay kumikilos sa anino, na nagpoprotekta sa mga interes ng kanilang bansa.

 

Sa loob ng nasabing lihim na organisasyon, tatlong kontrobersyal na pag-iibigan ang uusbong sa mga versatile agents, humahamon sa mga pamantayan ng lipunan at naglalayag sa mga kumplikado ng kanilang mga mapanganib na propesyon.

 

Ang isang mas maliit na bansa, ang Pilipinas, ay tumatayo bilang simbolo ng pagsuway, tumatangging sumuko sa mga kahilingan ng Manchuria. Ang Pilipinas, na nahuli sa mga crosshair ng geopolitical conflict na ito, ay nahaharap sa banta ng pagiging isang larangan ng digmaan.

 

Mangibabaw ba ang pag-ibig sa mga panahong ito ng pagsubok?

 

Maaari bang malampasan ng isang maliit na bansa ang isang malakas na pambu-bully?

 

Bida sa “WPS” sina AJ Raval, Ayanna Misola, Ali Forbes, Aljur Abrenica, Mossimo Scofield, Jerica Madrigal, Lala Vinzon, Roi Vinzon, Rannie Raymundo, Jeric Raval, Daiana Menezes, at Lance Raymundo. Mula ito sa direksyon ni Karlo Montero.

 

Ang theme song ng TV series ay “Huwag Mong Palampasin” na inawit ng The Company.

 

Ang “WPS” ay produced ni Dr. Michael Raymond Aragon, ang chairman ng Kapisanan ng Mga Social Media Broadcasters sa Pilipinas Inc. (KSMBPI).

 

***

 

SAMANTALA, tuluyan na raw tatalikuran ng Vivamax star na si Ayanna Misola ang paghuhubad sa mga pelikula.

 

Ayon ito sa naging pahayag ni Ayanna naganap na presscon ng upcoming advocacy series.

 

“Yung role ko po dito, iba din po sya sa mga napapanood ninyo na sa Vivamax. Isa po ako sa mga defender dito and meron po kaming connection ni Lance (Raymundo). ‘Yung role ko po is mayaman, medyo of Chinese culture,” pahayag ng sexy star ng Vivamax.

 

Dagdag pa ni Ayanna, “I think, ito po ‘yung first project ko na wala talagang sexy role and sobrang nagte-thank you ako kay Boss Mike Aragon kasi kung hindi dahil sa kanya siguro po, na-lock, na-stereotype na ‘ko sa mga sexy roles.

 

“Siya po ‘yung nagbigay sa ‘kin ng opportunity para maipakita ko po ‘yung sarili ko dito sa bagong branding.

 

“Masaya rin po kasi dati ko pa po gusto na maging famous sa maayos na way. Yung may impact talaga para sa mga kaedad ko,” sabi pa ng Vivamax star.

 

Patuloy pa niya, “Si Boss Mike din po ‘yung nagbigay ng opportunity sa amin para ipakita na kaya naming mag-change image.

 

“And also, kasi nga po, gusto ko po talagang maging good influence sa generation natin ngayon. Hindi lang basta sikat sa social media, gusto ko rin ‘yung may impact for future generations din,” aniya pa.

 

Ang grupo nina Dr. Mike, ang nasa likod ng pagsasampa ng kaso laban kina Vice Ganda at Toni Fowler dahil sa mga pinaggagawa umano ng mga ito sa iba’t ibang platforms.

 

Bukod dito, nagsampa rin ng KSMBPI ng criminal cases laban sa mga Vivamax stars kasama si Ayaana, AJ Raval at Azi Acosta for alleged violation of the cybercrime law, citing “obscene publication.”

 

Nabasura naman ang mga kaso pero nasundan ito ng magandang partnership sa pagitan ng KSMBPI at ng mga nabanggit na Vivamax stars.

 

At ngayon nga ay magkakasama sa “West Philippine Sea”.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)