• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 9:58 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 28th, 2024

Pangandaman, kumpiyansang mabilis na maipapasa ang panukalang P6.352-trillion national budget para sa taong 2025

Posted on: September 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KUMPIYANSA si Budget Secretary Amenah Pangandaman na agad na maipapasa ang panukalang P6.352-trillion national budget para sa taong 2025.

 

 

“Thus, we are confident about the immediate passage of the proposed national budget for next year so that we can continue implementing programs and initiatives for the welfare of our people,” ayon sa Kalihim.

 

 

Nauna rito, pinasalamatan ni Pangandaman sina Senate President Francis Escudero at House Speaker Martin Romualdez dahil pinansin ng mga ito ang kahilingan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipasa sa tamang oras ang panukalang 2025 budget.

 

Kamakailan lang ay inaprubahan ng Mabang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo at pinal na pagbasa ang House Bill (HB) 10800 o 2025 General Appropriations Bill (GAB), isang araw matapos na seripikahan ni Pangulong Marcos na urgent ang naturang batas.

 

Kasunod ng pagpapasa sa Kongreso, ang 2025 GAB ay dadalhin sa Senado para mas basahin at himayin pa.

 

Pinasalamatan naman ni Pangandaman ang mga kongresista para sa pagpapasa sa panukalang 2025 national budget.

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Senate Finance Committee chairperson Grace Poe na ang committee hearings sa 2025 GAB ay

 

 

ira-wrapped up sa Oktubre 18, bago pa ang All Saints’ Day at All Souls’ Day break.

 

Winika pa ni Poe na matapos ang committee hearings at transmittal ng GAB sa Senado, sisimulan naman ng panel ang paghahanda para sa committee report para sa plenary deliberations sa Nobyembre 4.

 

Matatandaang, araw ng Martes nang sertipikahan bilang urgent ni Pangulong Marcos ang pagsasabatas ng GAB “to ensure the uninterrupted operation of critical government functions, guarantee the allocation of fiscal resources for vital initiatives, and enable the government to adeptly respond to emerging challenges.”

 

Ang 2025 National Expenditure Program, tinurn over ng DBM sa Kongreso noong July 2024 ang magsilbi bilang basehan para sa GAB. (Daris Jose)

Vacation service credits ng mga guro, itinaas pa sa isang buwan

Posted on: September 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

DINODOBLE pa ng Department of Education (DepEd) ang vacation service credits ng mga guro sa 30 araw.

 

 

Ipinaliwanag ng ahensya ang mga service credit, kung saan nagbibigay-daan ito sa mga guro na i-offset ang mga pagliban dahil sa sakit o personal na dahilan, o upang mabawi ang mga bawas sa suweldo sa panahon ng bakasyon.

 

 

Ang panibagong kautusan ay nagbibigay ng karapatan sa mga kasalukuyang guro na may hindi bababa sa isang taon ng serbisyo, gayundin ang mga bagong hire na guro na itinalaga sa loob ng apat na buwan pagkatapos ng pagsisimula ng klase, ng 30 araw ng mga vacation service credits taun-taon.

 

 

Maliban dito, ang mga bagong guro na ang mga appointment ay ibinigay sa nakalipas na apat na buwan pagkatapos ng pagsisimula ng mga klase ay makakatanggap ng 45 araw ng mga bakasyon bawat taon. (Daris Jose)

VP Sara: Paggamit ng mga walang kredibilidad na testigo, itigil na

Posted on: September 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINIMOK ni Vice President Sara Duterte ang mga mambabatas na itigil na ang paggamit ng mga walang kredibilidad at kuwestiyonableng testigo upang sirain siya.

 

 

Tinukoy pa ni Duterte si Gloria Mercado na ­dating DepEd underse­cretary na ngayon aniya ay bahagi na ng political machinery laban sa kanya.

 

 

Ayon sa bise presidente, nais ng Kongreso na paniwalaan ng mga Pilipino si Mercado at kalimutan na umamin itong masama ang kanyang loob nang mawala sa pwesto.

 

 

Inisa-isa rin niya ang mga kadahilanan kung bakit tinanggal si Mercado sa DepEd.

 

 

Kabilang aniya dito ang paghingi ni Mercado ng P16 milyon mula sa isang pribadong kompanya na malinaw aniyang labag sa batas.

 

 

Ani Sara, hindi ito maaaring itanggi ni Mercado dahil ito ay dokumentado at pirmado niya mismo.

 

 

Iginiit din aniya ni Mercado na mabigyan ng teaching item ang isang indibidwal sa Region VII at ginawa niya itong Executive Assistant sa DepEd Central Office. Makikita aniya ang service record ng taong ito sa BHROD ng Deped.

 

 

Sinabi pa ni Duterte na kabilang din sa mga ebidensiya laban kay Mercado ay ang ‘Minutes of Teacher Education Council (TEC) meetings’ kung saan malinaw na makikitang sinadya ni Mercado na maantala ang appointment ng executive director ng TEC.

 

 

Matatandaang ka­makalawa, ibinunyag ni Mercado sa ikalawang pagdinig ng House good governance committee na siya at ang iba pang empleyado ng DepEd ay buwanang tumatanggap ng envelope na naglalaman ng P50,000 cash sa loob ng siyam na buwan, sa ilalim ng pamumuno ni Duterte noong siya pa ang kalihim ng DepEd. (Daris Jose)

Ads September 28, 2024

Posted on: September 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments