• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 8:24 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 24th, 2024

P6.352-T 2025 budget ipapasa na sa Miyerkules

Posted on: September 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG ipasa ng Kamara ang panukalang P6.352-trillion 2025 national budget sa ikatlo at pinal na pagpasa sa Miyerkules (September 25), matapos ang dalawang linggong plenary debates.

 

 

Ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sinusunod lamang ng kamara ang timeline sa plenary deliberation-approval dahil “because we are treating the national spending program with urgency without sacrificing transparency.”

 

 

Ang pagpasa ng Kamara sa badyet bago mag-recess upang mabigyan ng sapat na panahon ang senado sa pagtalakay ng badyet.

 

 

“We have sufficient time to finally agree on the budget before yearend. It is the most important piece of legislation Congress passes every year,” pahayag ng speaker.

 

 

Sa unang linggong deliberasyon ng badyet, inaprubahan ng kamara ang panukala ng ilang departamento at kanilang attached agencies, kabilang na ang Department of Finance, Department of Justice, National Economic and Development Authority, judiciary, Office of the Ombudsman, Commission on Human Rights, Department of Human Settlements and Urban Development, Department of Interior and Local Government, Department of Tourism, Development of Labor and Employment; Commission on Elections, Department of Agrarian Reform, Department of Foreign Affairs, Department of Trade and Industry, Department of National Defense, Department of Migrant Workers, Presidential Communications Office, Department of Science and Technology, Metro Manila Development Authority, state colleges and universities, at government corporations.

 

 

Ngayong Lunes hanggang Miyerkules ay tinalakay at tatalakyin ng kamara ang badyet ng Office of the President, Office of the Vice President, Department of Agriculture, National Irrigation Administration, Department of Health, Department of Energy, Energy Regulatory Commission;

 

Civil Service Commission, Department of Environment and Natural Resources, Commission on Audit, Department of Transportation, Department of Social Welfare and Development, Congress, Department of Trade and Industry, Department of Public Works and Highways, Department of Education, at ibang executive offices. (Vina de Guzman)

7 Co-Conspirators ni alice Guo, inaresto ng NBI

Posted on: September 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PITONG indibidwal ang inaresto ng pinagsamang puwersa ng lNational Bureau of Investiagtion -Organized and Transnational Crime Division (NBI-OCD), NBI-Intellectual Properety Rights Division (NBI-IPRD), NBI-Counter Terrorism Division (NBI-CD), NBI-Tarlac District Office (NBI-TARDO), at NBI-Central Luzon Regional Officce (NBI-CELRO) sa bisa ng arrest warrant sa kasong Qualified Trafficking sa ilalim ng Section 4(j) in relation to Section 6 (c) nd (i) para sa RA No. 9208 (Anti Trafficking in Persons Act of 2023) as ammeended ng RA No 10364 (Expanded Anti-Trafficking in Person Actoff 2012) at RA No. 11862 (Expanded Anti-Trafficking in Persons Actof 2022).

 

 

Kinilala ni NBI Director Judge Jaime Santiago (Ret) ang mga naaresto na sina Roderick Paul Bernardo Puajante, Juan Miguel Alpas ng pinagsamang puwersa ng NB-OTCD), NBI-IPRD at NBI -CTD) habang sina Rachelle Joan Malonzo Carreon, Jamielyn Santos Cruz, Rita Sapu Uyturralde, Rowena Gonzales Evangelista at Thelma Barrogo Requiro ay inaresto ng pinagsamaang puwersa ng NBI-OTCD, NBI-ARDO at NBI-CELRO.

 

 

Ang mga inaresto ay sinasabing mga co-conspirators ni Ex-Bamban Mayor Alice Guo. GENE ADSUARA

PBBM admin mapapabuti ang kapakanan ng guro; Tiangco

Posted on: September 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ni Navotas Congressman Toby Tiangco na ang pagpapalabas ng mga bagong alituntunin para sa flexible na oras ng pagtuturo sa ilalim ng MATATAG basic education curriculum ay magpapabuti sa kapakanan ng guro at makatutulong na mapalakas ang learning competencies ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan.

 

 

“I welcome the sustained efforts of the Department of Education to improve teacher welfare in the country, as directed by President Bongbong Marcos. Allowing flexibilities in teaching schedule will enable our teaching personnel the latitude in class preparation and instruction and will provide them options to adopt class schedules that are more responsive to the needs of our students,” ani Tiangco.

 

 

Gayunman, hinimok ni Rep. Tiangco ang Kagawaran ng Edukasyon na maging handa sa agarang pagmomonitor at pagsusuri sa epekto ng bagong pamamaraan sa mga estudyante.

 

 

“Kaya napakahalaga na masusing bantayan ang resulta ng mga reporma dahil kung makikita natin na hindi ito nakatutulong, mas mabilis tayong makagagawa ng pagbabago sa mga inisyatibo para sa edukasyon,” sabi niya.

 

 

Bilang Chair ng Committee on Information and Communications Technology, pinapurihan ni Rep. Tianco ang pagsisikap ng ahensiya sa pagpapahintulot sa online distance learning bilang paraan ng pagtuturo.

 

 

“We must leverage technology to address the diverse challenges facing our education sector. By embracing flexible delivery modalities, we can ensure broader access to quality instruction, especially in areas where in-person teaching may be difficult or impractical,” pahayag ng alkade.

 

 

Hinimok din niya ang ahensiya na tumuklas pa ng mga makabagong pamamaraan sa pagtuturo, mga bagong curriculum, at materyales na magaggamit sa pagpapaunlad ng kaalaman ng mga estudyante.

 

 

“We have to recognize that children today consume information differently. If we take these realities into consideration, coupled with strong programs for our curriculum delivery and teacher development, we can breach the gap between instruction and learning,” aniya. (Richard Mesa)

Citizen rights’ group nagbabala vs Konektadong Pinoy Act

Posted on: September 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Nagpahayag ng pagkabahala ang isang citizens’ rights network sa panukalang Konektadong Pinoy Bill, o Senate Bill 2699, at sinabing ang bill, sa kasalukuyang porma nito, ay may oversight gaps na maaaring magresulta sa hindi sinasadyang negatibong epekto sa mga Pilipino.

 

 

Sa isang pahayag sa Facebook, sinabi ng CitizenWatch Philippines na nababahala ang organisasyon sa lumuluwag na restrictions sa foreign entities para mag-operate sa Pilipinas.

 

 

Ayon sa CitizenWatch, kapag naisabatas ang bill, ang National Telecommunications Commission (NTC) ay magiging isang registrar na lamang at mababawasan ang papel nito upang i-regulate ang telco operations sa bansa.

 

“As a result, there could be erosion of consumer protection, because it is the NTC’s mandate to hold telecommunications providers accountable and compliant to standards that protect consumers. Operators could then result to cutting corners to maximize short-term gains, to the detriment of long-term quality and innovation,” wika ni CitizenWatch lead convenor, Orlando Oxales.

 

 

“SB2699, if passed, will eliminate the requirement for a legislative franchise for the use of the country’s radio frequency spectrum and will also weaken the regulatory oversight of the NTC, which is dangerous to the Philippines’ national security,” dagdag pa ng network.

 

Nanawagan din ang CitizenWatch sa Kongreso na ang anumang bagong batas ay kailangang humikayat ng kumpetisyon at tumiyak sa paglago ng digital infrastructure ng bansa, lalo na sa mga liblib na lugar.

 

 

“We call on the Senate to work with industry experts in integrating adequate safeguards that would mitigate risks to all broadband users. Calibrating, rather than diminishing, the NTC’s regulatory oversight, is essential. We have to ensure that our laws truly promote the safe and accelerated expansion of our digital infrastructure,” ani Oxales.

 

 

Ang Konektadong Pinoy Act ay kasalukuyang nakahain sa Senado at naghihintay ng mga karagdagang deliberasyon at aksiyon.

Cultural fashion show sa Caloocan, pinangunahan ni first Lady Malapitan

Posted on: September 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISINAGAWA ng Caloocan Cultural Affairs and Tourism Council (CATC) sa pangunguna ni Caloocan First Lady at CATC Chairperson Audrey Malapitan ang ikalawang cultural fashion show, Runway Caloocan 2024, kasabay ng pagdiriwang ng Tourism Month kung saan limang sumisikat na fashion icons ang naglaban-laban para sa titulo ng nangungunang local designer.

 

 

Ang event ay ginanap sa Caloocan City Sports Complex at bukas ito sa publiko nang walang bayad kung saan itinampok ang kilalang mga fashion gurus na sina Ehrran Montoya, Maxie Andreison, at Mike Lim bilang panel expert judges.

 

 

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitab sa mga kalahok sa pagpapakita ng talento at pagkamalikhain ng mga mamamayan ng Caloocan at nangakong patuloy na susuporta sa mga proyektong magdadala ng halaga ng kasaysayan, kultura at turismo ng lokal na kabuhayan ay trabaho.

 

 

“Sa ating mga kalahok, kayo ang patunay ng natatanging talento at pagka-malikhain ng lahat ng Batang Kankaloo. Sana may ma-inspire niyo pa ang mga kabataan na sumunod sa inyong yapak, sa pagsisikap na maabot ang inyong mga pangarap,” ani Mayor Along.

 

 

“Asahan niyo po na patuloy na kumikilos ang ating administrasyon upang pahalagahan ang kasaysayan at kultura ng lungsod habang pinalalakas din ang turismo at kabuhayan para sa ating mga kababayan,” dagdag niya.

 

 

Binigyang-diin naman ni Caloocan First Lady at CATC Chairperson Audrey Malapitan ang kahalagahan ng mga fashion na nilikha ng mga kalahok sa pagdadala ng kamalayan sa kultura at kasaysayan sa general public, lalo na sa mga kabataan.

 

 

“Hindi lamang kinang, kulay, at ganda ang ating nasaksihan. Ang bawat kasuotang ito ang nagkwe-kwento ng ating kasaysayan na isinalin-salin sa bawat henerasyon at patuloy na bumubuhay sa ating pusong makabayan,” pahayag ni Ms. Malapitan.

 

 

Nasungkit nina Mr. Reyjie Enriquez at Ms. Danica Sayo ang Best Male at Female Model award, respectively, habang si Mr. Paulo Delos Santos mula sa Barangay 178 ay idineklara bilang Best Designer ngayong taon. (Richard Mesa)

Cash Assistance para sa mga Navoteñong mangingisda

Posted on: September 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MULING namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa ilalim ng pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco ng cash assistance para sa mga Navoteñong mangingisda na naapektuhan ng oil spill sa Bataan kung saan umabot sa 1,274 benepisyaryo ang nakatanggap ng P7,500 tulong pinansyal na mula kay Pangulong Bongbong Marcos. (Richard Mesa)

Ads September 24, 2024

Posted on: September 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Mabibilang sa mga daliri ang na-stranded: Transport strike ng Manibela at Piston, nilangaw?

Posted on: September 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NILANGAW ang transport strike na ginawa at pinangunahan ng transport group na Manibela at Piston.

 

 

Sinimulan kasi ngayong araw ng Lunes, Setyembre 23 ang transport strike na ikinasa ng grupong MANIBELA at PISTON. Tatagal ang transport strike, araw ng Martes, Setyembre 24.

 

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na palaging handa ang departamento at iba pang ahensiya ng pamahalaan sa ganitong mga senaryo.

 

“Yung strike, itong string ng Manibela at Piston pang-ilang beses na nilang ginagawa pero naipakita naman natin na nag-Dotr at ang ibang mga agencies ay ready, prepared, dahil sa ngayon, napakarami na nu’ng sumusuporta doon sa ating public transport modernization program,” ayon sa Kalihim.

 

“Kaya nga aniya, hindi na hindi na nila ito masyadong pinapansin lalo pa’t hindi naman nakakaapekto sa kalagayan ng mga existing transport system dahil mahigit sa 83% ang sumusuporta aniya sa programa ng DOTr at ang lahat ng ito aniya ay hindi sumasama sa transport strike,” ang sinabi pa rin ng Kalihim.

 

Para naman kay DOTR Usec. Jesus Ferdinand Ortega, nagpapasalamat naman sila sa lahat ng members ng Inter-Agency Task Force, sa laki ng tulong ng mga ito sa paghawak sa kaganapan ngayong araw.

 

“We are maintaining and continuing our program of zero stranded passengers sa nangyayari today, and malaki pong pasasalamat natin sa mga kasamahan natin sa different LGUs, MMDA, PNP.

 

Kasama rin po natin dito iyong ating mga tiga-LTO and LTFRB,” ayon kay Ortega.

 

Samantala, ikinagalak namang sabihin ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III na sa ngayon ay wala pong na-stranded na pasahero sa lahat ng mga spots na kailang minomonitor.

 

“Unang-una po, kakaunti lang po iyong mga sumama doon sa transport strike; pangalawa, mayroon po kaming nakahandang libreng-sakay; and then pangatlo po, nandoon po ang PNP to maintain peace and order para doon sa mga dyip na … para sa mga operators na namimilit po na sumama iyong mga kasamahan nila sa strike. So as of this time ho, wala hong na-stranded ni isang pasahero,” ang pahayag ni Guadiz.

 

Sinabi pa rin niya na nag-deploy rin ang LTFRB ng “Libreng Sakay” vehicles para sa mga mahihirapang sumakay kasunod ng tigil-pasada.

 

“Unang-una, dinidispatsa natin iyong libreng-sakay kung talagang kailangan lang. Kasi hindi po natin puwedeng idispatsa ito kung maayos naman po iyong takbo at natutugunan ang mga consolidated transportation groups, iyong mga kooperatiba at asosasyon, iyong needs ng sa kalye po. Kasi mahirap naman po kung maglibreng sakay tayo tapos apektado iyong mga pumapasada po,” ang sinabi naman ni Ortega.

 

“But regarding your concern po, rest assured po na we will maximize and use properly iyong ating libreng-sakay. At tama po kayo, hindi pa po tapos iyong araw but we see the flow of the half of the day that it will continue po hanggang mamayang hapon at hanggang bukas na rin po,” aniya pa rin.

 

Kasunod nito, ipinunto naman ni Guadiz na kinikilala naman ng ahensya ang karapatan ng mga driver at operator na ipahayag ang kanilang hinaing.

 

Gayunman, panawagan nito na iwasang magdulot ng buhol-buhol na trapiko lalo na sa major thoroughfares.

 

Sa panig ng gobyerno, nananatili umano itong nakatuon sa pagtiyak na may maayos at maaasahang access ang mga mamamayan sa pampublikong transportasyon. (Daris Jose)

Para maging ganap na batas: PBBM, tinintahan ang Magna Carta of Filipino Seafarers law

Posted on: September 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Lunes ang Republic Act 12021 o Magna Carta of Filipino Seafarers Law para maging ganap na batas.

 

Ang ceremonial signing ng Magna Carta of Filipino Seafarers ay idinaos sa Ceremonial Hall sa Palasyo ng Malakanyang.

 

“The Magna Carta of Filipino Seafarers institutionalizes the protection of Filipino seafarers’ rights. It will also serve as a guarantee to the international community that the Philippines will comply with its obligations to international conventions,” ayon sa ulat.

 

Matatandaang, sinertipikahan ni Pangulong Marcos ang Magna Carta of Filipino Seafarers bilang urgent measure noong Setyembre ng nakaraang taon.

 

Ipinaliwanag ng Magna Carta ang papel ng mga ahensiya ng gobyerno at stakeholders para makamit ang karaniwang layunin para igarantiya ang ‘accountability, efficiency, at clarity’ para sa proteksyon ng mga seafarers. Mapo-proteksyunan din nito ang seafarers mula sa mapanganib na aksyon banta sa kanilang kabuhayan gaya ng ‘ambulance chasing.’

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na ang bagong nilagdaang batas ay para igiit ang karapatan ng mga seafarers, kabilang na rito ang ”the right to just terms and conditions of work; right to self-organization and to collective bargaining; right to educational advancement and training at reasonable and affordable costs; right to information; the right to information of a seafarer’s family or next of kin; and the right against discrimination.”

 

Bibigyan din ng batas ang Filipino seafarers ng karapatan sa ‘safe passage at safe travel, consultation, free legal representation, agarang medical attention, access sa communication, record of employment o certificate of employment, patas na pagtrato sa event ng maritime accident.

 

Sinabi ni Escudero na iisa-isahin ng batas ang mga tungkulin ng seafarer, gaya ng pagtugon at pagsunod sa terms and conditions ng employment contract at maging masigasig sa pagganap sa tungkulin na may kinalaman sa barko. (Daris Jose)