• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 1:41 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 23rd, 2024

Alice Guo, nagpiyansa sa 2 counts ng graft

Posted on: September 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKAPAGLAGAK ng piyansa sa Valenzuela Regional Trial Court Branch 282 ang sinibak na Bamban, Tarlac mayor Alice Guo para sa dalawang count ng kasong graft na isinampa ng Department of the Interior and Local Government hinggil sa kanyang pagkakasangkot umano sa sinalakay na Philippine Offshore Ga­ming Operator (POGO) sa Bamban.

 

 

Kinatigan ni Valenzuela RTC Judge Elena Amigo Amano ang hirit na piyansa ng abogado ni Guo na si Atty. Stephen David bunsod na rin ng mga petisyon hinggil sa kustodiya ng dating alkalde.

 

Unang tinangka ni Atty. David na magkaroon ng status quo para manatili sa Philippine National Police (PNP) custodial facility si Guo dahil maituturing na high profile ang kaniyang kliyente.
Gayunman, sinabi ng korte na may letter request ang Quad Committee ng House of Representatives na kunin ang kustodiya Kay Guo dahil sa contempt order nito.

 

 

Bukas nakatakdang talakayin ng korte kung saan dapat na ikulong si Guo.

 

Kasalukuyang nakakulong si Guo sa PNP Custodial Center sa Camp Crame at nagpiyansa ng P540,000 Valenzuela City RTC Branch 282 matapos na iutos ng Ombudsman na triplehin ang P90,000 na piyansa.

 

 

Iginiit ng prosecution team ng Ombudsman na gawing triple ang piyansa dahil maituturing na high risk si Guo.

 

 

Samantala, tiniyak naman ni Bureau of Jail Management and Peno­logy (BJMP) spokesperson Chief Insp. Jayrex Busti­nera na handa ang kanilang mga jail facility maging sa Valenzuela o Pasig City Jail. Kailangan lamang aniya ang commitment order mula sa korte.

 

 

Magiging ordinaryong PDL din si Guo habang dinidinig ang kanyang kaso. (Daris Jose)

Lakas-CMD pormal ng nakipagsanib-pwersa sa administrasyon para halalan 2025

Posted on: September 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez noong Biyernes ang opisyal na pakikipag-alyansa ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) sa administrasyon upang punan at suportahan ang mga kandidato sa congressional-local election sa Mayo 2025.

 

 

Ginawa ni Romualdez ang anunsiyo sa national convention ng partido, na dinaluhan ng mga pangunahing opisyal at miyembro ng Lakas-CMD sa Aguado Residence sa Malacañang.

 

 

Sinabi ni Speaker mananatili ang Lakas-CMD bilang maasahang katuwang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa pagsusulong ng mga patakaran at reporma para sa kabutihan ng bawat Pilipino.

 

Hinimok ni Speaker Romualdez ang mga miyembro ng kanyang partido na maghanda para sa halalan sa 2025 na may bagong pananaw at layunin.

 

 

Sinabi pa ng lider ng Kamara na siya at ang kanyang mga kasamahan sa partido ay pinagkatiwalaan ng sagradong tungkulin na maging pundasyon ng pananaw ng administrasyon para sa mas maliwanag na hinaharap.

 

 

Idinagdag pa ni Speaker Romualdez na matagal nang napatunayan na ang Lakas-CMD ay mahalaga at maaasahang katuwang sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagtutulungan upang bumuo ng isang ‘Bagong Pilipinas’—isang bayan na nakaugat sa progreso, pagkakapantay-pantay, at katatagan.”

 

 

Binigyan diin ng lider ng Mababang Kapulungan ang kahalagahan ng tiwala at pagkakaisa ng kanyang partido habang papalapit ang halalan, na sa kabila ng hamon ay gagawin ito nang may tiwala sa pinagsamang lakas, pagkakaisa, at dedikasyon sa mga Pilipino.

 

 

Ang Lakas-CMD ay mayroong 4,000 miyembro na kinabibilangan 106 ng kongresista, 15 gobernador, 15 bise-gobernador, 124 miyembro ng provincial board, 18 alkalde at 19 bise-alkalde ng lungsod, 105 konsehal ng lungsod, 332 alkalde ng bayan, 199 bise-alkalde ng bayan, at 1,294 konsehal ng bayan. (Daris Jose)

Ads September 23, 2024

Posted on: September 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments