• April 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2024

Panawagan ng DILG sa publiko: Mag-donate ng ‘hair, coconut husks’ para mapigilan ang oil spill

Posted on: August 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa publiko na mag- donate ng ‘hay, hair at coconut husks’ para mapigilan ang oil spill sa Bataan at kalapit-lugar.

 

 

 

 

Sa oil spill alert advisory ng DILG, sinabi ng DILG Bataan na “every contribution counts and will help in resolving this crisis quickly.’’

 

 

Ipinaliwanag ng DILG ang pangangailangan na gumamit ng ‘oil booms’ para mapagilan ang oil spill at gumamit ng skimmers para alisin ito sa tubig.

 

 

Dagdag pa na ang chemical dispersants ay makatutulong para tunawin ito sa natural na proseso.

 

 

Sa pagpapatupad ng clean-up drive, binigyang diin ng DILG ang pangangailangan ng ‘coordinated efforts at swift action’ ng local government units (LGUs) at komunidad sa paglutas sa Bataan oil spill sa lalong madaling panahon.

 

 

Sinabi ng DILG na maaaring mag-provide ang LGUs sa mga apektadong komunidad na lubhang kailangan ng suporta gaya ng financial assistance at alternatibong source of livelihood para sa mga mangingisda at mga residente.

 

 

Sanhi ng kontaminadong hangin at tubig, sinabi ng DILG na ang kabuhayan ng mga mangingisda at tourism industry ng Bataan ay grabeng naapektuhan, dagdag pa ang banta sa health hazards na dala nito.

 

 

Tinuran pa ng DILG na ang masamang epekto ng oil spill sa marine life, kung saan ang malaking numero ng sea creatures ay namatay o nalason.

 

 

“Nasira rin ang mga coral reefs at mangrove areas na mahalaga sa tirahan ng mga marine species,’’ ang paliwanag ng DILG. (Daris Jose)

ICC ‘di pipigilang mag-interview ng drug war suspects — Solicitor General

Posted on: August 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAAARING magpunta sa Pilipinas ang prosecutor ng International Criminal Court (ICC) at makapanayam ang mga suspek sa mga pagpatay sa war on drugs noong administrasyong Duterte, ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra nitong Martes.

 

 

 

 

 

Subalit, nilinaw ni Guevarra na ang gobyerno ng Pilipinas ay hindi legal na nakatali para asistehan ang ICC o mag-facilitate ng kanilang gagawin.

 

 

“The Philippine go­vernment cannot stop him from proceeding any way he wants. He can directly interview persons of interest online, through phone, by email, face-to-face, subject to the consent of these persons,” ani Guevarra.

 

 

Ito’y dahil aniya, sa tuluyan nang humiwalay sa ICC ang Pilipinas mula noong 2019.

 

 

“It has no legal duty to assist the ICC prosecutor in conducting his investigation,” dagdag ni Guevarra.

 

 

Una nang nag-post si dating Senador Antonio Trillanes ng larawan ng isang dokumento mula sa Office of the Prosecutor ng ICC na nagsasaad ng mga pangalan ng mga retirado at kasalukuyang matataas na opisyal na pinaghihinalaang lumahok sa madugong giyera kontra droga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Bukod kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, pinangalanan sa dokumento ng ICC sina dating PNP chief Oscar Albayalde, dating PNP-CIDG chief Romeo Caramat, PNP-Drug Enforcement Group director Eleazar Mata, at National Police Commission Commissioner Edilberto Leonardo.

 

 

 

 

(Daris Jose)

Inanunsyo ng mga top US officials … US magbibigay ng $500-M sa PH para sa AFP modernization program at PCG

Posted on: August 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSIYO ng mga top US officials na ang Washington DC ay maglalaan ng tulong na nagkakahalaga ng USD500 milyon (humigit-kumulang PHP29.3 bilyon) para tumulong sa kasalukuyang programa ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine Coast Guard (PCG).

 

 

 

Ginawa nina US Secretary of State Antony Blinken at Department of Defense Secretary Lloyd Austin III ang anunsyo sa ginanap na 2 + 2 Ministerial Meeting kasama ang kanilang mga counterpart sa Pilipinas na sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.,

 

 

Ang 2+2 meeting ay ginanap kanina sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

 

 

” We’re now allocating an additional USD500 million in foreign military financing (FMF) to the Philippines to boost security collaboration with our oldest treaty ally in the region,” pahayag ni Blinken.

 

 

“Ayon kay Blinken ang nasabing grant ay panibagong hakbang para palakasin pa ang alyansa ng Pilipinas at US at maituturing na once-in-a generation investment para tulungan ang modernization program ng AFP at PCG.

 

 

“Samantala, inihayag naman ni US Defense Secretary Lloyd Austin nakikipag-ugnayan ngayon ang US sa Pilipinas para makamit ang isang Malaya at bukas na Indo-Pacific.

 

 

” And together we are taking bold steps to strengthen our alliance. Today, as you heard Secretary Blinken and I announced that we are poised to deliver a once-in-generation investment to help modernize the AFP and the PCG,” pahayag ni Austin.

 

 

 

(Daris Jose)

Ads August 1, 2024

Posted on: August 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments