• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 12:11 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2024

Walang takot na lumangoy sa hanggang dibdib na baha… GERALD, muling hinangaan ng netizens sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo

Posted on: July 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MULING hinangaan ng netizens ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson dahil sa ginawa niyang pagtulong at pakikiisa sa search and rescue operation para sa mga nasalanta ng baha sa Quezon City, na dulot ng Super Typhoon Carina.

 

Makikita nga sa viral video ang kanyang pantulong sa isang pamilya sa Barangay Sto. Domingo, na kung saan na-trap sa loob ng bahay na lumubog sa baha. Bukod dito ay marami pa siyang natulungang mga residente, na kung saan lakas-loob talaga siyang lumangoy sa hanggang dibdib na baha.

 

 

Nang i-check namin ang video na pinost ni @TmaeOsanomae na may caption na “Thank you gerald #CarinaPH”, meron na itong more thank three million views.

 

 

Kasama ang iba pa niyang mga kagrupo na nagsasagawa ng search and rescue mission, isa-isang inakyat nina Gerald ang bubong ng mga kabahayan doon para mailipat sa mga evacuation center.

 

 

Kitang-kita rin sa isang video ang pagkuha ni Gerald sa mga kagamitan ng mga residenteng nasa bubungan matapos na bahain ang kanilang bahar.

 

 

May dala-dalang pumpboat sina Gerald kung saan nila inilalagay ang mga naisalbang kagamitan ng mga nabiktima.

 

 

At dahil sa naturang viral videos ni Gerald, binalikan ng netizens ang ginawa rin niyang pagtulong sa kasagsagan ng Bagyong Ondoy noong 2009, na kung nagdulot nang matinding pagbaha.

 

 

Ang guwapong boyfriend ni Julia Barretto ay active member ng Philippine Coast Guard Auxiliary unit mule pa noong 2016.

 

 

***

 

 

ITINUTURING ng Puregold na isang malaking tagumpay ang inaugural run ng kanilang film festival na naging launching pad para sa isang bagay na mas malaki pa.

 

Ang sa ikalawang taon ng makasaysayang ‘Puregold CinePanalo’ ay may nakahandang mas mataas na funding pool para sa mapipiling filmmakers.

 

Ang pitong full-length directors ay nakatakdang tumanggap ng production grant na nagkakahalaga ng tatlong milyong piso (PHP3,000,000.00), habang dalawampu’t limang piling student short film directors ay tatanggap naman ng production grant na nagkakahalaga ng isandaan at limampung libong piso (P150,000.00).

 

Seven full-length film grants ang ibibigay, na matatandaang anim lang noong nakaraang taon.

 

Binigyang-diin sa press conference na ginanap sa Gateway Cineplex 18 noong July 23, ang 2025 Puregold CinePanalo Film Festival ay muling naghahanap ng film entries na nagpapakita ng hindi matitinag na diwa ng Pilipino sa pamamagitan ng nakaka-uplift at nakaka-inspire na mga kuwentong panalo.

 

Ipinababatid din sa mga interesadong lumahok na kailangang magsumite ng complete screenplay at iba pang requirements hanggang sa Hulyo 30 para sa mga full-length films at sa Agosto 15 naman para sa student shorts.

 

Upang hikayatin ang mga aspiring filmmakers na sumali sa nabanggit na filmfest, nagbahagi ng kanilang karanasan ang mga direktor na mapalad na napili noong nakaraang taon.

 

Dumalo sa filmfest launch si Always Panalo Film awardee Carlo Obispo.  Nagpadala rin ng espesyal na video message ang Best Picture winner na si Kurt Soberano, ng katatapos lang na re-screened na ‘Under A Piaya Moon’, para hikayatin ang mga filmmakers na mag-submit ng kanilang mga panalo stories.

 

Bukod sa mga mensahe mula sa mga full-length directors, apat na student directors din ang nagbigay ng mensahe sa event para maipakita ang mga uri ng karanasan at oportunidad na maidudulot ng Puregold CinePanalo sa young aspiring filmmakers.  Dumalo sina Always Panalo Film awardee Jenievive Adame, Best Director winner Dizelle Masilungan, at regional filmmakers na sina Marian Jayce Tiongzon at Joanah Demonteverde.

 

Ang event ay pormal na binuksan ni Puregold’s Senior Marketing Manager Ivy Piedad, na naghatid ng isang mariing pahayag sa kahalagahan ng pagbibigay ng reward sa Filipino artistry at pagdiriwang ng diwa ng ‘Kwentong Panalo ng Buhay’.

 

Napansin din niya na ang kahalagahan na magbigay ng mga pagkakataon sa mga mag-aaral na gumagawa ng pelikula na maaaring hindi magkaroon ng same access tulad ng mga established directors.

 

“When we first launched Puregold CinePanalo, we envisioned it to champion Filipino stories, advocate for student filmmakers by providing them with a platform for their dream short films, and elevate the local film scene,” ayon kay Piedad.

 

Binanggit din ni Piedad kung paano naging instrumento ang Puregold CinePanalo sa pagbibigay-liwanag sa mga talento ng ilang kabataan, aspiring filmmakers, na ang ilan sa kanila ay ginamit ang momentum mula sa kompetisyon upang higit pang pa-igtingin ang kanilang mga artistic dreams.

 

“We saw the birth of promising talents, with several inspiring stories that came to life on the big screen. Fueled by last edition’s success, here we are once again!” Pagpapatuloy pa ni Piedad, “Back and bigger than ever, ready to celebrate another year of incredible films and mark the second chapter of Puregold CinePnalo.”

 

Kaya muling hinihikayat ang lahat ng interesadong filmmakers na basahin ang lahat ng mechanics ng 2025 Puregold CinePanalo Festival na publicly available sa official social media accounts ng Puregold.

 

Ang mga nagnanais na lumahok ay maaaring magsusumite ng kanilang mga opisyal na aplikasyon sa https://forms.gle/wNUUQ62okYcyW5r37.

Nalubog ang kotse, apat na t-shirt lang ang naisalba… ANJO, muntik nang ma-trap sa basement dahil sa taas ng baha

Posted on: July 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

APAT na t-shirt lamang ang naisalba ng Kapuso weather reporter na si Anjo Pertierra matapos lamunin ng baha ang bahay niya sa Marikina City bunsod ng super-typhoon Carina na nanalasa sa Metro Manila at Luzon ngayong Linggo.

 

Kabilang si Anjo sa mga residente ng Marikina City na napilitang lumikas dahil sa mataas na pagbaha.

 

Mabilis nakapasok ang tubig sa kuwarto ni Anjo na nasa basement kaya hindi raw niya mabuksan ang pinto.

 

“Sa dami ng tubig sa loob at sa tindi ng water pressure,” kuwento pa ng guwapong reporter.

 

Umabot hanggang dibdib ang tubig to think na si Anjo ay may taas na 6’2”!

 

Sa kasamaang palad pa ay pati ang kotse niya sa garahe niya ay nalubog sa baha.

 

Nasaklolohan naman si Anjo at ang iba pang mga residente ng mga rescuers sa pamamagitan ng paddle boat.

 

“Wala akong naisalbang gamit.

 

“Ang nakuha ko lang, apat na t-shirt, gawa nga po ng sobrang bilis po ng pagtaas ng tubig sa aking bahay.

 

“Pero wala po talaga akong nasalba na kahit ano.”

 

Ang suot niya sa ‘Unang Hirit’ ay dala lang ng stylist ng programa para may maisuot siya pagsalang niya sa TV dahil kahit nasalanata ng bagyo ay nag-report pa rin si Anjo sa GMA.

 

Sa Facebook post ng GMA Public Affairs kahapon, July 25, 2024, naka-upload ang mga larawan ni Anjo habang nasa background niya ang Marikina River.

 

Ang caption sa post, published as is: ‘THANK YOU FOR SHOWING UP, ANJO!’

 

“Pinasok at lubog na sa baha ang bahay ni Anjo Pertierra sa Marikina. Ibinahagi rin niya na isang bag lang ang naisalba at naidala niya kahapon.

 

“Pero kahit lubos na naapektuhan ng bagyo, pumasok si Anjo at nag-duty para sa #UnangHirit para maghatid ng ulat tungkol sa bagyong #CarinaPH at habagat.

 

“Maraming salamat, Anjo!”

 

***

 

 

TWO years na nawala, nagbabalik-showbiz ang beauty queen-actress na si Kelley Day.

 

 

Mula sa GMA 7 ang humahawak na ng kanyang career ay ang 3:16 Media Network ni Len Carrillo.

 

 

Paano siyang napunta sa pangangalaga ni Ms Len na may connect sa Vivamax.

 

 

“Wala akong plan to re-enter showbusiness.  Pero I knew that if may opportunity, na sabi ko sa mom ko, at sa boyfriend ko like..I will not..like go out of my way to find that opportunity kasi I guess, I have other things that I want to achieve also.

 

 

“But, if there’s an opportunity that attracts me, then I’m open to it.

 

 

“And then, ayun it happened na tumawag ‘yung mom ko sa akin. Sabi niya ‘I met someone I think, she likes to be your manager.’

 

 

“So, noong nag-meet kami ni ‘Nay Len, sabi ko, this is what I want.

 

 

“Kasi medyo ano ako..sa boundaries ko, sa limitations ko,” kuwento pa niya.

 

 

Ano ang plano niya sa kanyang career?

 

 

“I plan to venture into movies, and do some teleseryes again. Because I really enjoyed that at a time,” wika pa ni Kelley.

 

 

Pero ayon mismo kay Kelley ay hindi siya maghuhubad sa harap ng kamera.

 

 

“Hindi po ako magbi-Vivamax.”

 

 

Marami na ring beauty queen ang nagpaka-daring sa Vivamax pero ayon kay Kelley, 100% siyang hindi gagawa ng movie sa Vivamax at hindi tatanggap ng daring roles sa ngayon.

 

 

“Ayokong maghubad lang ako, just for the viewes. Kaunting pa-sexy. It really depends. Kasi, for me I have my own personal limitations.”

Pinupuri ang pagganap bilang guro sa ‘Balota’… MARIAN, ‘di lang palaban sa takilya pati na rin sa pag-arte

Posted on: July 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
MUKHANG panalo ang CineMalaya entry na “Balota” na pinagbibidahan ni Takilya Queen Marian Rivera.
Base sa ipinalabas na trailer ng nabanggit na movie ay walang dudang may laban na naman si Marian, hindi lang sa box-office kundi pati na rin sa acting derby.
Umani agad ng mga magagandang reviews ang movie na ito ng Kapuso Primetime Queen. Kaliwa’t kanan ang mga papuri sa kanya na mula sa netizens.
Sa Facebook page naman ni Marian ay na-upload ang ilan sa mga eksena kung saan ay umakyat siya sa mataas na puno.
Sey nga ng aktres tungkol sa eksena, “Kinabahan ako ng sobra pero kinaya…”
Ipinakita rin kung paanong ‘buwis-buhay’ ang nagagawa ng isang guro tuwing eleksyon.
Sa kabila ng lahat ng mabibigat na eksena ay ibinahagi naman ng Kapuso actress na malaking tulong na ginabayan siya ni Direk Kip Oebanda sa buong pelikula.
“Masasabi ko siguro na naging madali para sa akin hubugin ang character ni Teacher Emmy dahil napakagaan kausap ni Direk.
“Kumbaga, hinuhulma niya sa akin sino si Teacher Emmy. So, hindi mahirap na pasukin ang character na yun,” lahad pa ng magandang aktres.
Samantala, napakaganda ni Marian sa awards night ng 40th PMPC Star Awards for Movies na ipalalabas na this Sunday sa A2Z channel.
***
MUKHANG mainit ang labanan sa pagiging alkalde ng siyudad ng Maynila
Nagdeklara na si Isko Moreno at sigurado na raw ang muling pagtakbo bilang Mayor ng Maynila.
Pinatawag na nga ni Yorme ang lahat ng chairman, kagawad, secretary, treasurer at maging yung XO ng bawat baranggay. Naging saksı ang mga ito sa pagdeklara ni Isko sa kanyang intensiyon.
Mukhang hindi rin nagtagumpay si Mayor Honey Lacuna na kumbinsihin si Yorme na pagbigyan muna siya para sa isa pang termino.
Kaya ayon desidido ba rin si Mayora Honey na banggain si Isko this coming 2025 Elections.
Pero sa totoo lang, bukod sa kanilang ay sigurado rin pa lang tumakbo para maging susunod na Mayor ng Maynila sina Naida Angping at Alex Lopez.
But wait, mukhang hahabol daw at pumuporma na rin daw si Senator Imee Marcos.
May mga umuudyok daw sa senadora na tapatan si Yorme Isko.

Get an exclusive sneak peek at “Joker: Folie à Deux,” starring Joaquin Phoenix and Lady Gaga

Posted on: July 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

FROM acclaimed writer, director, and producer Todd Phillips comes “Joker: Folie à Deux,” the eagerly awaited sequel to 2019’s Academy Award-winning “Joker.” The original film captivated audiences worldwide, earning over $1 billion at the global box office and securing its place as the highest-grossing R-rated film of all time.

 

 

The new installment stars Joaquin Phoenix, reprising his Oscar-winning role as Arthur Fleck/Joker, alongside the multi-talented Lady Gaga, known for her sensational performance in “A Star Is Born.” Mark your calendars for October 2, as “Joker: Folie à Deux” hits cinemas and IMAX exclusively.

 

 

“Joker: Folie à Deux” finds Arthur Fleck institutionalized at Arkham, awaiting trial for his crimes as Joker. Struggling with his dual identity, Arthur not only stumbles upon true love but also discovers the music that’s always been inside him.

 

 

Todd Phillips, who garnered Oscar nominations for directing, writing, and producing “Joker,” returns to helm “Joker: Folie à Deux.” The screenplay, crafted by Phillips and fellow Oscar nominee Scott Silver, is based on characters from DC Comics. Phillips produces alongside Oscar nominee Emma Tillinger Koskoff and Joseph Garner, with Lady Gaga serving as the music consultant. The film’s executive producers include Michael E. Uslan, Georgia Kacandes, Scott Silver, Mark Friedberg, and Jason Ruder.

 

 

The star-studded cast features: Joaquin Phoenix as Arthur Fleck/Joker, Lady Gaga as Harley Quinn, Brendan Gleeson (“The Banshees of Inisherin”), Catherine Keener (“Get Out,” “Capote”) and Zazie Beetz, reprising her role from “Joker”

 

 

In cinemas October 2, “Joker: Folie à Deux” is distributed in the Philippines by Warner Bros. Pictures, a Warner Bros. Discovery company. Don’t miss this cinematic event that promises to be as groundbreaking and captivating as its predecessor. (Photo & Video Credit: “Warner Bros. Pictures”)

Ads July 26, 2024

Posted on: July 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Tiniyak ng DSWD: Suporta, nakahanda na para sa mga ‘displaced’ POGO workers

Posted on: July 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na nakahanda na ang departamento na magbigay ng tulong sa local at foreign nationals na maaapektuhan ng nalalapit na pagsasara ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) operations sa pagtatapos ng taon.

 

 

 

“Una sa lahat, base sa aming datos, ang karamihang nagtatrabaho o maaaring ma-displace sa mga POGO centers are non-Filipino citizens, although mayroon pa ring mga Filipino,” ayon kay Gatchalian sa isinagawang 2024 Post-SONA Discussions on Environmental Protection and Disaster Risk Reduction.

 

 

“The non-Filipino citizens, normally, are victims of human trafficking and we have to work with their respective embassies, which we have done in certain cases, doon sa mga illegal POGOs to make sure that they are, first, provided [with assistance]. Kahit hindi sila mga Filipino, bulnerable at biktima rin sila,” ayon pa rin kay Gatchalian.

 

 

Nauna rito, tuluyan nang ipinagbawal ni Pangulong Marcos ang operasyon ng POGO sa bansa.

 

 

Sa mahigit na isang oras na State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo ay inanunsiyo niya ang pag-ban sa POGO, dahilan para umani ito ng sigawan at standing ovation sa mga bisita sa plenaryo ng Kamara.

 

 

Ayon pa kay Pangulong Marcos, nagpapanggap na legitimate entities ang operasyon ng POGO subalit nagdudulot ito ng mas higit pa rito na mula sa gaming ay nagiging financial scamming, money laundering, prostitution, human trafficking, kidnapping, brutal torture at maging murder.

 

 

Kailangan na aniya na matigil ang pang-aabuso at hindi pagrespeto sa ating batas at kailangan na rin matigil ang panggugulo ng POGO sa ating lipunan at paglapastangan sa ating bansa.

 

 

Inatasan na rin ng Pangulo ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na itigil at ihinto ang operasyon ng POGOs bago matapos ngayong taon.

 

 

Habang inatasan din ni Pangulong Marcos ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pakikipag-koordinasyon sa economic managers na hanapan ng bagong trabaho ang mga Filipino na mawawalan ng trabaho.

 

 

Sa pamamagitan aniya nito ay mareresolba ang mga problema na kanilang kinakaharap bagamat hindi naman lahat ay mareresolba nito.

 

 

Tinukoy naman ni Gatchalian ang DSWD at Department of Justice na “jointly operating” ang Inter-Agency Council Against Trafficking-Tahanan ng Inyong Pag-asa (IACAT-TIP) Center, isang multi-purpose building na nagbibigay ng matutuluyan o kanlungan para sa mga victim-survivors ng human trafficking.

 

 

“We house them there temporarily, work with their governments, so they can go home safely in the fastest possible time,” ayon kay Gatchalian.

 

 

Para naman sa mga displaced Filipino workers, tinuran nito na ang DSWD ay maaaring magbigay ng cash aid sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

 

 

Ibibigay din ang cash assistance upang magawa ng mga ito na makapagsimula ng maliit na negosyo sa ilalim ngSustainable Livelihood Program (SLP) upang makatulong na makabawi at makabangon mula sa krisis.

 

 

“Kung sakaling ang madi-displace ay mamamayan natin, mayroon tayong AICS. The loss of livelihood is a crisis. It is defined as a crisis so mayroon tayong immediate intervention dyan na social welfare. Ibig sabihin ay ayuda kaagad kasi ayaw natin na mawala ang pagkain nila sa mesa, sa hapag,” ang pahayag ni Gatchalian.

 

 

“Kung gusto nilang pumasok sa entrepreneurship, sa pagtatayo ng maliit na negosyo, then we can guide them and give them necessary grants sa pamamagitan ng SLP,” dagdag na wika nito.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Gatchalian na ginawa ng DSWD na shelter ang POGO hub para sa families and individuals in street situations (FISS) na umabot sa ilalim ng “Oplan Pag-Abot” program ng departamento.

 

 

“These are big facilities na mala-hotel. What we have to do is retrofit a little and put it to good use,” aniya pa rin.

 

 

Ang dating POGO building ay isang six-story structure na matatagpuan sa kahabaan ngWilliams Street sa Pasay City. (Daris Jose)

Duterte,itinanggi ang inilabas na Maisug viral video na nagpapakita na gumagamit ng ilegal na droga si PBBM

Posted on: July 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na walang kinalaman ang Hakbang ng Maisug sa pagpapalabas ng di umano’y video na nagpapakita na may isang lalaki na may pagkakahawig kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot bago pa ang State-of-the-Nation Address.

 

 

 

“The Hakbang ng Maisug national leadership has nothing to do with the release of the video footage showing President Ferdinand Marcos Jr. in the act of snorting cocaine in Maisug gatherings in Canada and the USA,” ang sinabi ni Duterte, araw ng Martes, Hulyo 23 tungkol sa “polvoron” video.

 

 

Sinabi ni Duterte na ang video na umiikot ngayon sa iba’t ibang social media platforms ay gawa ng Maisug “volunteers” sa dalawang lugar kung saan walang kaalaman at pahintulot ng Maisug organizing committee.

 

 

“The members of the Maisug leadership were just as surprised as the rest of the country when they saw the video for the first time,” ayon kay Duterte.

 

 

Ayon pa kay Duterte, kagyat namang hinamon ng kasalukuyang administrasyon ang ‘authenticity’ ng video, tinawag itong “obviously fake video” at isang “malicious crude attempt to destabilize the administration.”

 

 

Binigyang diin ni Duterte na ang mahinang pagtatangka ng administrasyon na i-dismiss ang video sa pamamagitan ng simpleng pagtanggi ay nagpalakas lamang ng kumukulong paghihinala sa drug addiction ni Pangulong Marcos.

 

 

Aniya, batid ng kahit na sinumang abogado na ang pagtanggi ay ” weakest form of defense.”

 

 

“Even the ordinary man on the street knows that the best way to put the issue to rest is for President Marcos to undergo a hair follicle drug test. When undertaken by a credible drug testing center, a negative result would erase all doubts once and for all,” ang sinabi ni Duterte.

 

 

Binatikos naman ni Duterte ang “feigned laughter, feeble denial, and complete silence” ni Pangulong Marcos sa halip na ang naging tugon nito ay isailalim siya sa drug test.

 

 

Aniya, ang drug user para sa Pangulo ay “no laughing matter” at dapat na siya ang unang makaalam.

 

 

Idinagdag pa niya na ang ‘critical juncture’ sa kasaysayan ng bansa, ay nang magbanta siyang magpapadala ng sundalo sa giyera, ang ‘drug habit’ ng Pangulo ay nagpapakita rin ng malinaw at kasalukuyang panganib.

 

 

“With due apologies to all the experts who vouched for the authenticity of the video, the refusal of President Marcos to undergo the hair follicle drug test is the best proof not only of the video’s authenticity but, worse, his drug addiction,” ang sinabi ni Duterte.

 

 

Winika pa ni Duterte na ang inilabas na pagtanggi ng Department of National Defense (DND) ay isang malaking sampal sa mukha ng bawat makabayan at kagalang-galang na sundalo na bitbit ang “highest code of conduct” ng militar.

 

 

“It is bad enough that the DND has to do the dirty job of issuing the denial, and it is worse that in doing so, it has become a party to a despicable act it should have been fighting against in the first place,” ayon kay Duterte.

 

 

Sa kabilang dako, kinuwestiyon naman ni Duterte ang mainstream media, minsan na naging ‘most unrestrained press’ sa Asya, sa halip na komprontahin si Pangulong Marcos sa isyu ay mas pinili pa na tumingin sa ibang paraan.

 

 

Binatikos din ni Duterte ang Senado at Kongreso sa di umano’y pagsuporta kay Pangulong Marcos sa gitna ng moral at legal crisis.

 

 

Aniya, may pagkakataon ang mga ito na magpunta sa tamang bahagi ng kasaysayan subalit sinayang lamang ng mga ito.

 

 

“By this act of showing in public what had been long whispered in private, the men and women of Maisug have proven themselves worthy to be called Filipinos,” ang sinabi ni Duterte.

 

 

Tinuran pa ni Duterte na in-exposed ng Maisug ang kanilang sarili sa panganib at kapahamakan subalit handa naman ang mga ito na mag sakripisyo na alisin ang pinuno ng estado na isang malaking kahihiyan sa buong mundo.

 

 

Binigyang-diin ni Duterte na sa mga susunod na araw ay magiging mahalaga sa bawat Filipino at bansa dahil mangangailangan ito ng desisyon ng bawat Filipino kung magiging bahagi ng MG naghahangad ng katotohanan at iyong sasama na lamang sa coverup.

 

 

“It is a choice between standing up and demanding that this country enforce the law without fear or favor or hiding in fear and self-preservation. It will not be an easy choice. Either way, it will define us individually and as a people,” ayon kay Duterte.

 

 

Aniya pa rin, “staying neutral is a vote of confidence for an administration with no compunction.”

 

 

Kung anumang ang maging desisyon ani Duterte at pipiliin, ang consequences ay mananatili sa mga tao. (Daris Jose)

Pinas, Tsina umabot na sa ‘provisional arrangement’ ukol sa Ayungin missions

Posted on: July 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KAPWA nagkasundo ang Pilipinas at Tsina sa isang “provisional arrangement” sa rotation and resupply (RORE) missions sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

 

 

 

 

Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kapuwa sumang-ayon ang magkabilang panig na ang kasunduan “will not prejudice each other’s positions in the South China Sea.”

 

 

“The Philippines and the People’s Republic of China have reached an understanding on the provisional arrangement for the resupply of daily necessities and rotation missions to the BRP Sierra Madre in Ayungin Shoal,” ayon sa DFA.

 

 

Kapwa naman kinikilala ng dalawang bansa ang pangangailangan na ‘i-de-escalate’ ang situwasyon sa South China Sea at pangasiwaan ang pagkakaiba sa pamamagitan ng dayalogo at konsultasyon.
Hanggang ngayon ay hindi pa nagbibigay ang DFA ng nilalaman ng kasunduan.

 

 

Ginawa ang kasunduan kasunod ng serye ng konsultasyon sa panig ng tsino, kasunod ng constructive discussions sa 9th Bilateral Consultation Mechanism meeting sa South China Sea noong Hulyo 2.

 

 

Ito naman ang unang normal na hakbang na napagkasunduan ng magkabilang panig hinggil sa Ayungin Shoal. (Daris Jose)

Sona barong ni PBBM, gawa ng artisans mula Calabarzon, Visayas – PCO

Posted on: July 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISINUOT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang barong na gawa ng artisans mula Calabarzon at Western Visayas para sa kanyang pangatlong State of the Nation Address (Sona), noong Lunes, Hulyo 22, 2024.
“[President Marcos’] Sona barong is a collaborative work of artisans from Lucban, Quezon, Taal, Batangas, and Aklan,” ayon sa  Presidential Communications Office (PCO) .
Wala namang ibinigay na iba pang detalye sa naging kasuotan ng Pangulo.
Maliban kay Pangulong Marcos, nagbahagi rin ng kanilang naging kasuotan sina Senador Nancy Binay at Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel para sa SONA.
Bagama’t ang mga bisita ay pinagbabawalan na magsuot ng mga damit na may political messages, isiniwalat ni Manuel na magsusuot siya ng “protest barong” na nagtatampok sa mural na “symbolizes the hope of the new generation.”
Samantala, si Binay naman ay nagsuot ng all-piña terno  na dinisenyo ni Randy Ortiz. Sinabi ni Binay na ito’y “meticulously handloom-woven by the master artisans of Aklan.”
At upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa panahon ng SONA, nagtalaga ang Philippine National Police ng 23,000 tauhan nito sa Kalakhang Maynila. (Daris Jose)

Chinese computer hacker na nagtatrabaho sa isang online gaming hub, naaresto sa La Union

Posted on: July 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese computer hacker na nagtatrabaho sa isang online gaming hub na dating sinalakay sa Porac, Pampanga noong nakaraang buwan.

 

 

 

Sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ni BI fugitive search unit (FSU) kinilala ang dayuhan na si Lin Qiude, 40, na inaresto noong July 20 sa loob ng isang resort sa Point Freeport in San Fernando, La Union.

 

 

Sinabi ni BI FSU chief Rendel Ryan Sy na ang kanyang mga tauhan, kasama ang mga ahente mula sa intelligence division ng bureau, ay naglalayong hanapin at arestuhin ang mga indibidwal na umano’y sangkot sa online gaming related crimes na iniimbestigahan ng Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC).

 

 

Ang operasyon ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng mga intelligence group mula sa Philippine National Police (PNP), militar, at hukbong dagat, gayundin ng PNP Regional Office 1 at San Fernando City Police Station.

 

 

Noong ito ay inaresto, nalaman mula sa awtoridad ng Tsina na si Lin ay binasagan na isa itong pugante na wanted sa pandaraya.

 

 

Ayon sa awtoridad ng Tsina, si Lin ay napasailalim sa isang warrant of detention na inisyu ng isang public prosecutor sa Anxi County, China kung saan siya ay inakusahan ng pandaraya.

 

 

Ayon kay Sy, bukod sa pinaghahanap si Lin sa China, wanted din ito ng lokal na awtoridad na pinaghihinalaan na isa sa mga hackers na empleyado ng PAOCC na sinalakay sa Porac.

 

 

Si Lin ay pinaghihinalaan na responsable sap agha-hack ng mga bank accounts ng mga biktima na na nakabase mula sa US, Middle East and Europe. GENE ADSUARA