Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
MULING magsasanib-puwersa ang GMA Public Affairs at YouTube Philippines para sa espesyal na digital series – ang “Philippines’ Number 1,” tampok ang ilan sa mga pinakahinahangaang content creators sa bansa. Eksklusibong mapapanood ito sa GMA Public Affairs YouTube channel simula Setyembre 22.
Ang Pilipinas, tila isang bansang hitik sa ‘pinaka’ at ‘numero uno.’ Ito lang naman ang tahanan ng most perfect cone-shaped volcano sa buong mundo, ng pinakamataas na kawayang estatwa, ang pinakamahabang ilog sa ilalim ng lupa, at kung anu-ano pa. Ngunit saan nga ba mahahanap ang ‘the best of the best’ sa Pilipinas?
Matapos ang hit online series na “Pinoy Christmas in our Hearts,” muling magko-collab ang GMA Public Affairs at YouTube para sa “Philippines’ Number 1.”
Ang Palawan Island ay hindi matatawaran bilang isa sa mga pinakamagandang tourist destination hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Ang kilalang aktres at komedyante na si Rufa Mae Quinto, mapapadpad sa isang “secret place” sa El Nido na ayon sa mga lokal ay isa sa mga lugar kung saan mararanasan mo ang ultimate island vacation. Mag-a-apply rin si Rufa Mae bilang isang receptionist upang tuklasin ang mga lihim ng eksklusibong destinasyong ito.
Sa Tuguegarao City sa Lalawigan ng Cagayan naman, magtutungo ang “Philippines’ Number 1” para sa tanyag nilang Pancit Batil Patung Festival. Susuyurin ni celebrity chef JR Royol ang mga lansangan ng Tuguegarao para mahanap ang pinakalumang pancit batil patung recipe at susubukan ang tradisyunal na paraan ng pagluluto ng pansit na tinatawag na kinabayu. Samantala, ang sikat na vlogger na si Agassi Ching ay matapang na haharap sa Ultimate Pancit Batil Patung Mukbang Challenge dito sa Metro Manila.
Wala pa mang opisyal na dinedeklarang pambansang ulam ang mga Pilipino, ngunit malamang isa sa mga nangunguna rito ang Adobo. Para sa mga taga-Silay City sa Negros Occidental, halos lahat ay maaaring gawing Adobo — manok, baboy, gulay, kuneho, pato, atbp.
Nagdaraos pa sila ng festival kung saan iba’t ibang bersyon ng adobo ang inihahain. Nagtungo rito ang mga sikat na chef vlogger na sina RV Manabat at Abi Marquez para sa one-on-one adobo cooking showdown. Ngunit ang twist, hindi sila bibigyan ng anumang sangkap dahil kailangan nila mismo itong anihin. Ano ang magiging lasa ng “adobo of their labor?”
Tuklasin ang ‘the best of what Philippines has to offer’ sa mata ng ilan sa mga pinakakilalang content creators sa bansa. Abangan ang “Philippines’ Number 1,” na eksklusibong mapapanood sa GMA Public Affairs’ YouTube Channel (https://www.youtube.com/gmapublicaffairs) simula Setyembre 22.
(ROHN ROMULO)
NGAYONG Biyernes na ang finale episode ng isa sa consistent top-rater sa primetime ng GMA-7, ang “Royal Blood.”
Nakaaaliw lang ang iba na kinukuwestiyon pa ang pagiging top-rater ng serye, e, isa yata ito sa magandang primetime series na nagawa ng GMA-7, huh!
So ‘yun nga, kung totoo raw talaga na mataas ang rating ng “Royal Blood”, bakit daw hindi ito extended?
Naku, hindi ba talaga pwedeng walang extension dahil pwedeng mas makapangit pa sa kuwento?
Pero ang totoo, parang imposible na talaga itong ma-extend pa kahit na sabihing nagre-rate.
Ang bida nito na si Dingdong Dantes bilang Napoy e, sobrang dami nang nag-aabang na proyekto na kailangan na rin niyang bigyan ng focus.
So, malabo, ‘di ba? Kung totoo nga ang nabalitaan namin na medyo nagkasakit na rin si Dingdong kaya may ilang araw itong nagpahinga raw.
Pero hayan, obviously, back to work agad. At sa rami ng magkakasabay niyang shows at movies, nakuha pa rin niyang mag-report sa duty bilang reservist.
Ang caption niya sa kanyang Instagram stories, “AFP duties before the taping of Family Feud.”
So ‘yun nga, balik taping na ulit si Dingdong ng “Family Feud”, “Amazing Earth”, “The Voice Generations” at simula na rin sila ni Marian Rivera ng shooting ng kanilang MMFF movie na “Rewind” at sa “FireFly” naman, ang alam namin, parang special appearance lang din siya rito.
***
KAHIT na puyat, tutok ang buong oras sa kanyang anak, ramdam sa Instagram message ni Angelica Panganiban kung gaano siya kaligaya ngayon.
Hindi nga siguro mapapantayan ng kahit ano pang malaking proyekto, trophy ang pagiging isang ganap niyang nanay. Eh, ever since pa naman, ito talaga ang pangarap ni Angelica, ang maging isang ina.
Sa actual first birthday ng anak nila ng fiancé na si Gregg Homan, sa Australia nila ito ipinagdiwang. Kaya siguro, to follow ang pa-first birthday party.
Ang emote nga ni Angelica na baliw na baliw sa anak nila na si Baby Bean, “Punong puno ng takot ang buong pagkatao ko ng ganitong oras last year. Marahil dahil sa dami ng mga hindi ko alam gawin.
“Sa lahat ng duda. At nang sa hindi ko na mapigilan ang grand entrance mo. Pero sa kabila ng lahat ng kaba, ikaw ang nag gabay sa akin kung paano maging isang ina.
“Hindi perpekto, pero sapat. ‘Yun naman ang mahalaga. Salamat, salamat, salamat ng paulit-ulit sa pinakamasayang chapter ng buhay ko.
“Happy birthday love. Isang taon na kong baliw sa ‘yo. Ilang taon pa kaya tayo magiging baliw sa isa’t-isa? Mahal na mahal kita ng wagas.”
Siyempre, dahil sa post na ito ni Angelica, ang daming mga kapwa niya celebrities ang bumati sa kanilang mag-ina. Kabilang na si Kim Chiu na isa sa mga ninang at hiniritan ni Angelica na pakipadala na lang daw sa bahay nila ang regalo ng inaanak nito.
Gayundin sina Bela Padilla, Anne Curtis, Jodi Sta. Maria, Agot Isidro, Ryza Cenon, Angeline Quinto at iba pa.
(ROSE GARCIA)
KAHIT kami ay nagulat nang malaman namin na ninong pala ni Ruru Madrid sa binyag si… Piolo Pascual!
Sa mga hindi nakakaalam, dating modelo ang ama ni Ruru na si Bong Madrid, na noong kabataan ay napakaguwapo ring tulad ni Ruru.
At nagkataon na matalik na magkaibigan sina Bong at Piolo noon pa man, base na rin sa rebelasyon ni Ruru sa guesting niya sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda”.
“My dad and si … talagang magkaibigan po sila, so parang ‘Oh, inaanak mo yung anak ko ha’,” kuwento ni Ruru.
Maging sila raw ni Iñigo Pascual na anak ni Piolo ay nagkakuwentuhan na tungkol dito.
“Si Iñigo, sabi niya, ‘Bro alam mo ba na inaanak ka ni papa?’
“Sabi ko, ‘Oo bro. Alam mo ever since alam ko yan’,” ang nakangiting pagbabahagi pa ni Ruru tungkol sa minsang pagkikita nila ni Iñigo sa isang event.
“Tapos parang, natuwa ako na alam ni Mr. Piolo Pascual.”
Samantala, lagare si Ruru sa mga proyekto; malapit na siyang mapanood sa upcoming action series ng GMA, ang “Black Rider” with Yassi Pressman.
Silang dalawa rin ang mga bida sa pelikulang palabas ngayon sa mga sinehan ang “Video City”.
***
HINDI na nakagugulat nang aminin ni Alden Richards na natakot siyang tumanggap ng pelikula pagkatapos ipalabas ang ‘Hello Love, Goodbye’ nila ni Kathryn Bernardo four years ago.
Gumawa ng history ang naturang pelikula nila ni Kathryn dahil ito ang highest grossing Filipino film of all time, kaya hindi maiaalis kay Alden ang matinding expectations at pressure na nakaamba sa kanya tuwing gagawa ng bagong pelikula na kasunod ng HLG.
“I was fearful, you know, coming from the success of ‘Hello, Love, Goodbye’ siyempre, it broke records.
“Natakot po ako to accept projects in terms of movies kasi lalo pa’t yung pagtingin ko sa details ng gagawing projects is medyo, of course, tumaas din ‘yung standards ko,” pahayag ni Alden in an interview sa kanya ni Nelson Canlas sa 24 Oras.
At ngayong may bago siyang pelikula na ‘Five Breakups And A Romance’ with Julia Montes, for sure kabado si Alden habang nalalapit ang shlowing ng pelikula, lalo pa nga at isa siya sa mga producers ng movie with his Myriad Entertainment together with GMA Pictures and Cornerstone Studios.
By the way, personal choice ni Alden, bukod kay Julia, si Lotlot de Leon para gumanap na ina niya sa pelikula, na ang sumulat at nagdirehe ay si Irene Villamor.
(ROMMEL L. GONZALES)
RULES for survival: Obey or leave. Watch the character trailer for Concrete Utopia.
The critically acclaimed film is now showing in Philippine cinemas.
Get to know more about the characters of Concrete Utopia and the actors and actresses that portrayed them, as described by director Um Tae-hwa.
GEUM-AE, the head of Hwang Gung Apartments women’s association
Played by: Kim Sun-young
A resident of room 207, who serves as the head of the women’s association at Hwang Gung Apartments. When it comes to the safety of residents and herself, Geum-ae does not hesitate to take action. She’s the one who recommended Young-tak as the Resident Delegate and she firmly believes in following Resident Regulations no matter what. She plays a central role in bringing residents together while remaining extremely vigilant against any potential threats.
Director Um says that Kim Sun-young perfectly embodies the ordinary yet profound nature of the character of Geum-ae, enabling audiences to be fully immersed in the movie.
HYE-WON, who has returned from the hellish outside
Played by: Park Ji-hu
A resident of room 903, who miraculously survives the earthquake and returns alone to Hwang Gung Apartments. Under a new set of regulations, living with residents is never the same as before. Observing residents being bizarrely optimistic as if they don’t care about the hellish outside, Hye-won experiences an inexplicable sense of unease.
“She embodied the character just right even in situations where she had to convey a wealth of emotions through facial expressions and gazes alone,” the director says of Park Ji-hu.
DO-KYUN, an uncooperative resident
Played by: Kim Do-yoon
A resident of room 809 in Hwang Gung Apartments. Dissatisfied with the approach of the residents’ committee led by Young-tak and Geum-ae, he starts making excuses for himself and is uncooperative. He complies with the basic rules so as not to go against the current, but he refuses to do any more. Amidst each of the residents’ various struggles to survive, he becomes more and more isolated.
Director Um says of Kim Do-yoon, “Kim Do-yoon excelled at portraying this character whose neat and smart appearance gradually begins to fray and collapse.”
Directed by Um Tae-hwa, Concrete Utopia is loosely based on Part 2 of the hit webtoon “Joyful Outcast” (“Pleasant Neighbors”) and stars an ensemble of A-list Korean actors including Lee Byung-hun, Park Seo-jun, Park Bo-young, Park Ji-hu, Kim Do-yoon and Kim Sun-young. It is a disaster thriller about the aftermath of a devastating earthquake. The film will follow the story that begins when the survivors gather at Hwang Gung Apartments, the only building left standing in an earthquake-ravaged Seoul.
Connect with the hashtag #ConcreteUtopiaMoviePH
(ROHN ROMULO)
SINAMPAHAN ng panibagong reklamo ni Aljean Abe, isang dating teaching aide sa Barangay Kaligayahan Novaliches QC ang kanilang barangay kapitan na si Alfredo “Freddy” Roxas, ukol sa Grave Coercion na may kaugnayan sa Republic Act 3019 o Anti-Graft & Corrupt Practices Act.
Nag-ugat ang kanyang bagong reklamo ng makaranas sya at kanyang pamilya ng panghaharas at pananakot mula kay Kap. Roxas at sa mga tauhan nito mula ng malaman nila ang pagsasampa ng reklamo ni Abe sa Ombudsman nitong Sept. 11 kay Kap. Roxas at sa mga tauhan nito ng paglabag sa Anti-Graft & Corrupt Practices Act at Falsification of Public Documents dahil sa paggamit diumano ni Kap. Roxas ng “Ghost Employee”.
Matapos maisampa ang reklamo ay dagsa na ang missed call kay Abe at maging sa kanyang fb messenger dagsa na ng mensahe mula kila Mark Roldan Santiago Sedilla at Jennilyn Guiling Montefalco na pawang mga empleado ng Barangay Kaligayahan.
Para sa kanyang seguridad ay lumipat ng tirahan si Abe ngunit nito lamang Sept.12 pinuntahan sya ng mga tauhan ni Kap. Roxas na sina Melanie Aviguetero, Jamaica Jallorica upang kunan sya ng litrato ngunit di sya pumayag at gamit pa umano nila ang service vehicle ng barangay, at nitong Sept.14 ay may mensahe si Kap. Roxas kay Abe na bakit sya nagsampa ng kaso laban sa kanya at kung tulong pinansyal at kung gusto rin makabalik ni Abe sa trabaho sa barangay ay tutulungan sya ni Kap. Roxas basta pumirma lamang ito ng mga dokumento sa harap ng abogado.
Matatandaan na isang Hernando Compedio ang nagsampa din ng reklamong Anti Graft and Corrupt Practises Act laban kay Kap. Roxas dahil sa paggamit ng kanyang pangalan para umano makakolekta ng sweldo sa Quezon City Hall, kahit hindi na empleyado ng Barangay Kaligayahan si Compedio.
Reklamong paglabag din sa Anti Graft and Corrupt Practises Act ang isinampa ng isang Barangay Kagawad laban kay Kap. Roxas dahil naman sa pag-apruba sa isang resolusyon na hindi dumaan sa regular session ng barangay. (PAUL JOHN REYES)
DUMALO ang cast at crew ng My Plantito sa fan meet na ginanap noong Setyembre 16, kabilang ang kapana-panabik na tambalan ng mga bida ng serye, sina Kych Minemoto at Michael Ver.
Kasama ang iba pang artista na sina Ghaelo Salva, Devi Descartin, Elora Espano at Derrick Lauchengco.
Nagkaroon nga ng pagkakataon ang mga masugid na tagapanood ng kauna-unahang BL (Boy-Love) na serye ng Puregold Channel, ang My Plantito, na makasama ang mga artista ng palabas at ang mga lumikha nito, sa isang hapon ng saya, kilig, at malalaking sorpresa, sa Puregold QI Central.
Masigabo rin ang pagtanggap ng mga dumalo sa premyadong direktor na si Lemuel Lorca, producer na si Chris Cahilig, at kay Ivy Hayagan-Piedad, Puregold senior marketing manager. Nagsilbing host ng fan meet ang aktor at modelo na si VJ Mendoza.
Natuwa si Ms. Piedad sa rami ng taong dumalo sa fan meet.
“Ang mga fan ng My Plantito–mula BL lovers, plantito at plantita, at iba pa–ay pumunta talaga para ipakita ang kanilang suporta sa serye. Pinapatunayan lamang nito na nasa tamang daan ang Puregold pagdating sa retailtainment,” pagbabahagi niya.
“Magtiwala kayo sa amin na ipagpapatuloy naming kumonekta sa mga suki at tagasubaybay sa pamamagitan ng mga kuwentong aantig sa puso ng mga Pilipino.”
Ibinahagi rin ni “Charming Charlie” ng My Plantito ang kanyang saya sa naging fan meet.
“Damang-dama namin ang ligaya at energy ng mga fan na pumunta sa event. Hindi matatawaran ang nakita naming mga ngiti nila. Masaya ako na kasama ako sa My Plantito, at kakaiba ang pakiramdam ng pagtanggap ng mga fan dito at sa ibang bansa.”
Sabik din ang misteryosong plantito na si Miko.
“Parang mainit na yakap ang fan meet na ito mula sa aming mga tagapanood. Natutuwa kaming makita kung paano nila sinusubaybayan ang pinaghirapan namin, at kung paano sila nakaka-relate sa kuwento. Itong suporta na ito ay nagtutulak sa amin at sa Puregold Channel na pagbutihin pa.”
Sa naganap na fan meet, dalawang swerteng fan ang nagkaroon ng pagkakataon na iuwi ang lahat ng produktong kaya nilang makuha sa One-Minute Puregold Grocery Hakot.
Isa pang inabangan sa fan meet ang pagtatanghal nina Kych at Michael, na talaga namang binuhay ang mga karakter nina Charlie at Miko sa harap ng kanilang mga fan.
Isang kaabang-abang na serye, nakatanggap ng positibong feedback ang My Plantito mula sa mga tagapanood, at bawat episode ay nakakakuha ng higit-milyong view kahit isang linggo pa lamang na nai-post sa Tiktok.
Nagustuhan ng mga fan ang magaang kuwento ng BL, at ang pagpapahalaga sa pamilya, pakikipagkaibigan, pagmamahal, at ligaya, mga bagay na importante sa mga Pilipino.
(ROHN ROMULO)
FEELING blessed ang Sparkle artists na sina Vince Maristela at Cheska Fausto dahil kasama sila sa cast ng ‘Love Before Sunrise’ ng GMA at Viu Philippines.
Sa naganap na yellow carpet event ng naturang teleserye sa SM Megamall Cinema 2, inamin ng dalawang SPARKADA members na sobra silang na-starstruck sa mga bida na sina Dennis Trillo at Bea Alonzo.
Kuwento ni Cheska at Vince na halos lahat ng eksena nila ay kasama ang dalawang big stars. Pareho raw silang kinakabahan pero very supportive daw sina Dennis at Bea at pinapanood daw nila ang mga eksena nila kahit di sila kasama.
Obviously na may relasyon sa totoong buhay sina Vince at Cheska. Kita iyon sa mga social media accounts nila.
Gusto namin sana tanungin si Vince kung ano ang nangyari sa kanila ni Roxie Smith na unang nakarelasyon niya bago si Cheska?
Si Roxie ang naging date niya last year sa GMA Gala at sa Halloween event ng Sparkle. Pero after a year, si Cheska na ang naka-date niya sa GMA Gala at laman ng kanyang socmed. Nawala na mga photos nila ni Roxie.
Sa isang interview ni Cheska, naging close daw sila ni Vince nung magkasama sila sa teleserye na ‘Luv Is: Caught In His Arms’. Malamang na nawalan ng time si Roxie kay Vince nung gawin nito ang teleserye na ‘Hearts On Ice’.
Sa Instagram ni Roxie, puro solo photos lang at panay ang pagbiyahe niya. Mukhang wala pa siyang bagong boyfriend after ni Vince.
***
NI-LAUNCH ni JC Regino ang bagong single niya titled “Tama Na Sa ’Kin Ikaw” under GMA Music. Ang nasabing love song ay tribute sa timeless hits ng April Boys.
Nakipag-collab si JC sa kanyang mga uncle na sina Vingo and Jimmy Regino.
“Ang song po na ‘Tama Na Sa ’Kin Ikaw, ibig sabihin you’re enough for me, ikaw lang sapat na. Pinapakita po doon ang pagmamahal ng isa tao na kahit kalian hindi niya ito ipagpapalit at hindi niya sasaktan ang taong mahal niya.”
Thankful si JC sa GMA Music dahil sa suporta sa collab na ito.
“Ako po ay sobrang nagpapasalamat sa GMA Music dahil napakaluwag po nilang katrabaho. Maalaga po sila and napakagaan po ng samahan namin at parang pamilya po talaga ang turing nila. Naramdaman ko po na hindi lang ako basta talent at puwede akong magbigay ng opinion or contribution sa bawat gagawin naming. Kaya nagpapasalamat po ako sa GMA Music family sa pagmamahal na binibigay nila.”
“Tama Na Sa ’Kin Ikaw,” under GMA Music, now available on digital platforms worldwide.
***
PAGKATAPOS magkaroon ng baby si Al Pacino sa kanyang girlfriend na si Noor Alfallah, naghiwalay na sila at nag-file si Noor ng physical custody para sa anak nilang si Roman.
Ayon sa isang source, hindi na raw madalas makita ng 83-year old veteran Hollywood actor na kasama ang 29-year old girlfriend.
Hindi pa rin daw nakikita ng ibang anak ni Pacino ang bago nilang kapatid.
Sa na-file na legal documents, ni-reveal ni Alfallah na bukod sa physical custody of the baby, hiling din niya ay “reasonable visitation” mula kay Pacino. She also wants to share legal custody with the two-time Oscar winner.
Kasama rin sa ang “voluntary declaration of parentage,” na pipirmahan ni Pacino at ng isang witness na si Pacino ang biological father.
(RUEL J. MENDOZA)
NATHAN Studios, the brainchild of the Atayde family and helmed by President and CEO Ria Atayde, has once again showcased its commitment to delivering cutting-edge content.
Owned by the Atayde family, Nathan Studios is a top-tier production outfit committed to delivering groundbreaking content. With different projects spanning series, movies, and live events, the studio has consistently showcased narratives that challenge conventions and resonate deeply with audiences.
Under Ria’s leadership, the company has produced notable projects like ‘Cattleya Killer’, ‘Misis Piggy’, and ‘Topakk’.
During their recent visit to the Cannes Film Festival, the Nathan Studios team, in collaboration with veteran actress Lorna Tolentino and 888 Films International, secured the rights to the critically acclaimed Japanese drama film ‘Monster’ (Japanese: 怪物, romanized: Kaibutsu).
Directed by Hirokazu Kore-eda and penned by Yuji Sakamoto, Monster is not a run-of-the-mill dramatic film. It bagged the Best Screenplay award at Cannes and is a testament to the intricate art of storytelling. ‘Monster’ marks a significant milestone for director Kore-eda, as it’s the first time he has directed a film he didn’t write himself since Maborosi in 1995.
Moreover, its score holds a very special place in cinematic history, being the last project by the legendary Ryuichi Sakamoto, who died of cancer two months before its release. The film stands as a tribute to his memory. Having its world premiere at the 76th Cannes Film Festival on 17 May 2023, ‘Monster’ competed for the Palme d’Or, further highlighting its emotional depth and resonance. The film was subsequently released in Japan on June 2, 2023.
At its core, ‘Monster’ is an emotional exploration of adolescence, deceit, and the consequences that arise from them. Through the eyes of three different characters, the film demands patience from its viewers, promising a payoff filled with well-earned emotional revelations.
The narrative revolves around Minato, his mother Saori, and his classmate Eri, each offering a unique viewpoint on the unfolding events, revealing buried truths that troubled all the characters. Kore-eda’s exceptional camera work, combined with Sakamoto’s tender script, creates a cinematic masterpiece that helped its cast deliver emotional performances.
After watching ‘Monster’, Sylvia Sanchez, Ria, and Lorna were deeply moved. The film resonated with them on multiple levels, touching them as mothers, children, and human beings. That prompted them to acquire the film with an eye toward sharing it with Filipinos. “It’s a poignant narrative about love, anti-bullying, family, and mental health,” shares Ria.
The team at Nathan Studios is confident that Filipino audiences will embrace the film with the same intensity. As the Nathan Studios team gears up to introduce ‘Monster’ to Filipinos, audiences can anticipate a cinematic experience that is emotionally charged and thought-provoking. Nathan Studios continues to set new benchmarks in entertainment, dedicated to bringing diverse and impactful stories to the forefront.
For more information and exciting news updates on ‘Monster’ and Nathan Studios’ other projects, follow @nathan.studios on Instagram and like Nathan Studios Inc. on Facebook.
(ROHN ROMULO)
PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukala na magbibigay sa mga Muslim-Filipino ng digital access sa mga Shari’a court sa pamamagitan ng pag-amyenda sa ilang probisyon ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) Act of 2009 (Republic Act 9997).
Ang House Bill (HB) 9045 o ang An Act Providing Muslim Filipinos better access to Shari’a courts ay nakatanggap ng 251 pabor na boto at walang tumutol sa pagpasa nito.
Ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang NCMF ay inaatasan ng panukala na makipag-ugnayan sa Department of Information and Communications Technology at Supreme Court para sa digital transformation ng mga court services ng Muslim tribunals.
Layunin umano ng panukala na payagan ang paperless filing ng mga dokumento sa pamamagitan ng digital platform gaya ng marriage certificate, birth certificate, death certificate, at mga katulad nito.
Sa ilalim ng panukala ay papayagan din ang Muslim agency na pumasok sa Public-Private Partnerships para maiproseso ang mga ihahaing dokumento subalit dapat umanong tiyakin na mapapangalagaan ang pagiging pribado ng mga ito.
Ang Legal Affairs Bureau ng ahensya ay inaatasan naman na magbigay ng legal education sa mga Muslim-Filipino, tumulong sa mga kasong kakaharapin ng Komisyon at mag-imbestiga ng mga tauhan nito at magsumite ng mga rekomendasyon.
Ang Bureau of Legal Affairs ng NCMF ay inatasan din na mabibigyan ng “equitable access” ang mga Muslim Filipino sa Shari’a Courts at tulungan ang mga ito lalo na sa mga lugar na wala pang Shari’a Court.
Tutulungan din nito ang Philippine Statistics Authority sa pagsasagawa ng census upang matukoy ang aktwal na populasyon ng Muslim-Filipino sa bansa.
“The PSA and the Commission shall coordinate on the collection of statistical data for Muslim Filipinos in the national, regional, provincial, city, and municipal levels. The annual report shall include the latest census of population of Muslim-Filipinos, Muslim births, marriages, and deaths for the year,” sabi sa HB 9045.
Isang mekanismo rin ang lilikhain upang maging mabilis ang koordinasyon ng Shari’a Circuit at District Court sa Korte Suprema kasama rito ang Presidential Decree 1083, o ang “Code on Muslim Personal Laws of the Philippines.” (Ara Romero)