KINUMPIRMA ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na may impormasyon na ito tungkol sa grupong nasa likod ng cyber attack sa PhilHealth nitong Biyernes.
Binanggit ni DICT Undersecretary Jeffrey Dy na kilala na ng ahensya ang nasa likod ng pag-hack ng impormasyon ng PhilHealth at ang nagdedemanda ng ransom kapalit nito.
“Do we know the group? Yes. Do we know the [advanced persistent threat], modus operandi? Do we have an international intelligence that says where they operate? Yes,” sabi ni Dy sa programang “The Source” ng CNN nitong Martes.
Sa kabila nito, binanggit din ni Dy na hindi pa ito sapat upang magsampa ng kaso dahil hindi pa nila kilala ang totoong pangalan ng mga kasangkot dito.
“Is that enough to file charges against certain people? Not yet. We don’t even know the real identity behind the group,” sabi ni Dy.
“[But] we have evidences, we performed forensics… We even know where they are putting the files.”
Pinuri rin ng DICT ang naging tugon ng PhilHealth sa cyber attack sa pamamagitan ng pag-turn off sa online access at sa coordination nito sa National Computer Emergency ng DICT.
“Based on our investigations, Philhealth database remains intact… It is accesible internally not externally due to the containment measures we put in place,” sabi ni Dy.
Nagbabala ang DICT na maaaring gamitin ng hackers ang mga nakuhang impormasyon para sindakin ang publiko at makuha nila ang hinihinging ransom.
“Their modus opperandi is that if they cannot force the victim, they will force the public… They will create panic, they will want the public to be the ones to lobby Philheath and the government to pay the ransom.
Maaalala na matapos ang cyber attack sa PhilHealth binalita na nagsagawa ito ng containment measures upang maiwasan na mas maraming impormasyon ang makuha.
Binanggit din ng DICT na nagdemanda ang cyberhackers ng $300,000 o higit P16 million na randsom kapalit ang kanilang pag-delete ng mga impormasyon na na-hack ngunit hindi raw ito ibibigay ng DICT alinsunod sa patakaran ng gobyernong hindi magbigay ng pera para sa ransom. (Daris Jose)
INIULAT ng Pag-IBIG Fund na nakapagtala ang kanilang mga miyembro ng record high na P59.52 bilyon na savings para sa unang walong buwan ng taong ito.
TUNGKOL sa araw-araw na pinagdaraan ng Gen Z teens ang tema ng bagong GMA series na ‘Sparkle U.’
SET within the contemporary world of e-commerce, a woman’s life falls apart after buying a used item online in “Target”, a Korean thriller with a star-studded cast that includes K-drama’s favorites – Shin Hae-Sun (Mr. Queen), Kim Sung-kyun (Moving), Lim Chul-Soo (Crash Landing on You), Lee Joo-Young (School Nurse Files) and Kang Tae-oh (Extraordinary Attorney Woo).
KAPURI-PURI at talagang pinupusuan ng mga netizen ang IG post ni Dingdong Dantes na kung saan ibinahagi niya ang masayang family bonding.
LUMALAKI ang tiyansang maambunan ng kwarta ang mas maraming senior citizens sa Pilipinas matapos makapasa sa ikatlo at huling pagdinig ang Senate Bill 2028.
HINILING ni House Speaker Martin Romualdez ang pagbibitiw sa pwesto ni retired PNP General Mao Aplasca na siyang hepe ng Office of Transport Security.
MARIING kinondena ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang paglalagay ng Tsina ng mga floating barriers sa Scarborough Shoal na magsisilbing harang sa mga Pilipinong mangingisda sa kailang tradisyunal na fishing grounds.
PINURI ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Junie E. Cua ang positibong epekto ng programa tulad ng “Bagong Pilipinas Service Fair” sa pagpapalapit ng pamahalaan sa mga mamamayan.