IKINATUWA ng fans ng phenomenal BarDa loveteam nina Barbie Forteza at David Licauco na nag-viral ang video ng isang eksena nila sa new primetime series ng remake hit movie na “Maging Sino Ka Man”.
Ang video ay nagpakitang magkayakap na natutulog sina Monique (Barbie) at Carding (David) at during the mediacon ng serye, ipinaliwanag nila kung bakit may ganoon silang video.
“Nagri-rehearse kami noon ni David ng eksenang iyon, na niyakap ko siya,” kuwento ni Barbie.
“Then inihanda na ni Direk Enzo Williams ang eksena, siguro sa pagod na namin dahil sa sunud-sunod na shoot nakatulog kami. Pero iyon nga, sa halip na ako ang yumakap sa kanya, siya ang yumakap sa akin, hindi ba?”
“Yes,” sagot naman ni David, “Dahil sa pagod ko na rin.”
Ang “Maging Sino Ka Man,” ay magkakaroon ng world premiere sa September 11, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad at 9:40 p.m. sa GTV.
***
MAS lalong nag-enjoy ngayon si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na mag-dance video dahil may ka-partner na siya.
Ito ay si Raphael Landicho, na gumaganap na anak niya sa upcoming series na ginagawa nila sa GMA Network, kasama si Gabby Concepcion.
Si Raphael ang nag-post ng video nila ni Marian sa kanyang social media account, habang sumasayaw sila sa song ni Nicki Minaj na “Super Bass.” Sa latest posting ng video, nakakuha na ito ng mahigit 1.5 million views.
Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ni Raphael ang reel na nagpapakita silang sumasayaw ni Marian sa tune ng “Super Bass.”
At nagpasalamat pa siya: “Yehey, thank you po Ate Yan @marianrivera, napagbigyan nyo po ako.”
Ang ginawa naman ni Marian, inilagay niya ang comments ng reel at sinamahan pa niya ito ng smiling face at heart-shaped eyes emojis, na pinusuan naman ng mga netizens.
Samantala, nasa last week na ang “Voltes V: Legacy”, na si Raphael ay gumaganap bilang si Little Jon Armstrong, na kasama niyang bumubuo sa Voltes V sina Miguel Tanfelix, Matt Lozano, Radson Flores at Ysabel Ortega na napapanood gabi-gabi (8:00 p.m.) sa GMA-7.
(NORA V. CALDERON)
PINANGUNAHAN ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa may 2,000 drayber at mag-aaral sa Bulacan nitong Miyerkules.
KUMBINSIDO si Interior Secretary Benhur Abalos na dapat na sampahan ng kasong kriminal ang dating pulis na nasangkot sa viral video nang pananakit at panunutok pa ng baril nito laban sa isang siklista.
SA totoo lang, si Maine Mendoza ang naalala namin nang mabasa namin ang Instagram post ni Sef Cadayona tungkol sa naging proposal niya sa kanyang non-showbiz girlfriend.
APRUBADO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang estratehiya ng Department of Trade and Industry (DTI) na mapahusay ang food logistics sa Pilipinas.
NAIS ng isang mambabatas na amyendahan ang 31-taon ng batas na Price Act upang maitaas ang parusa at multa laban sa mga hoarders at mapagsamantalang mangangalakal ng bigas at mais.
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Bureau of Customs (BOC) na ipagpatuloy lamang ang raids o isang bigla at hindi inaasahang pagsalakay sa mga warehouse o bodega para tugunan ang usapin ng hoarding at illegal rice importation.
MOVIEGOERS in the Philippines will finally have the chance to experience Past Lives, the romantic movie that captured the hearts of audiences and critics worldwide.