OPISYAL na sinimulan ng mga top leaders ng ASEAN member-states, araw ng Martes ang 43rd ASEAN Summit sa Jakarta Convention Center sa Indonesia.
Dumalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa opening ceremony kasama sina ASEAN Summit Chair at Indonesian President Joko Widodo, Brunei’s Sultan Hassanal Bolkiah, Cambodia Prime Minister Hun Manet, Lao PDR Prime Minister Sonexay Siphandone, Malaysia Prime Minister Anwar Ibrahim, Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong, Vietnam Prime Minister Pham Minh Chinh, Mark Brown, Prime Minister of Cook Islands, Bangladesh President Mohammed Shahabuddin at Timor-Leste Prime Minister Xanana Gusmaño.
Tumayo namang kinatawan ng Thailand ang permanent Secretary for Foreign Affairs na si Sarun Charoensuwan.
Kasama ni Pangulong Marcos ang kanyang asawang si Unang Ginang Liza Araneta-Marcos.
Ginawa naman ng mga lider ng ASEAN member-states ang traditional handshake sa nasabing seremonya.
Si Pangulong Marcos ay mananatili sa Indonesia hanggang Huwebes, Setyembre 7 para dumalo sa ASEAN main events at maging sa iba pang summits.
Dumating ang Pangulo sa Jakarta, Lunes ng gabi.
Magtatapos ang 43rd ASEAN Summit sa Setyembre 7 na may handover ceremony ng ASEAN chairmanship mula Indonesia tungo sa Laos.
Nauna rito, sinabi ng Malakanyang na may 13 leader-level engagements ang dadaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa 43rd Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit sa Jakarta Indonesia.
Kabilang sa mga dadaluhan ng pangulo ang ASEAN Summit Plenary Session, opening ceremony ng ASEAN Indo-Pacific Forum, at 43rd ASEAN Summit Retreat Session.
Dadalo rin ang pangulo sa 26th ASEAN-China Summit, 24th ASEAN-Republic of Korea Summit, 26th ASEAN-Japan Summit, 26th ASEAN Plus Three Summit, ASEAN-US Summit, at ASEAN-Canada Summit.
Dadalo rin si Pangulong Marcos sa 20th ASEAN-India Summit, 18th East Asia Summit, 3rd ASEAN-Australia Summit, at 30th ASEAN-UN Summit.
Una rito, sinabi ni Pangulong Marcos na tatalakayin niya sa ASEAN ang usapin sa West Philippine Sea.
May bilateral meetings din si Pangulong Marcos sa ilang kapwa ASEAN leaders. (Daris Jose)
NAKATANGGAP ng cash incentives mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang aabot sa 911 na mga nagtapos sa Navotas Polytechnic College (NPC) para sa academic year 2022-2023.
DENZEL Washington and director Antoine Fuqua team up for the fifth time in “The Equalizer 3,” which ties Fuqua with the late Tony Scott as Washington’s most frequent director collaborator.
NAKU, ‘under fire’ ang MTRCB ngayon dahil sa ipinatang nilang 12 airing days suspension sa ‘It’s Showtime.’
HINDI na nagtagal sa pagtatago ang isang binata na nakatala bilang No. 5 most wanted sa Valenzuela City matapos matimbog ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Cabuyao, Laguna, kamakalawa ng hapon.
NANANAWAGAN si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa siklista na lumutang at magsampa ng kaso sa ginawang pagkasa at panunutok ng baril ng isang retiradong pulis na si Wilfredo Gonzales sa area ng Welcome Rotonda, Quezon City.
SIGURADONG ang mga BarDa fans nina Barbie Forteza at David Licauco, ay napanood na ang full trailer ng “Maging Sino Ka Man,” ang iconic adaptation sa GMA-7 ng pelikula noon nina Megastar Sharon Cuneta at Robin Padilla.
PINURI at kinagliwan ng netizens si Carla Abellana dahil sa kanyang Instagram post na kung saan pinakita niya kung paano pinaghahandaan ang isang role sa movie man o sa teleserye.
PANAWAGAN ng isang grupo na itigil ng mga online influencers ang kanilang pag-endorso sa mga iligal na online gambling sites.
UMAKYAT na sa mahigit kalahating milyong piso ang pinsala at pagkalugi ng agriculture sector kasunod ng matinding pananalasa ng bagyong Goring.