INAPRUBAHAN na ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman ang paglabas ng P3 bilyong pondo para sa implementasyon ng Fuel Subsidy to the Transport Sector Affected by Increasing Fuel Prices o ang Fuel Subsidy Program (FSP)], na layong bigyan ng ayuda ang mahigit 1.36 milyong drayber at operator na apektado ng serye ng oil price hike.
“Transportation is the lifeblood of our economy. Bilin po sa amin ni President Bongbong Marcos na tulungan at huwag pabayaan ang ating mga manggagawa sa transport sector. Kaya naman po sisiguruhin namin na mabibigyan sila ng nararapat na tulong mula sa gobyerno,” pahayag ni Amenah Pangandaman.
Ang paglalabas ng pondong P3 bilyon ay kasunod na rin ng kahilingan ng Department of Transportation (DOTr), at alinsunod sa Special Provision (SP) No. 7 ng DOTr-OSEC agency-specific budget sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 11936 o ang Fiscal Year (FY) 2023 General Appropriations Act (GAA).
Nauna nang nagsumite ng pormal na kahilingan ang DOTr nuong Agosto 9, 2023 ngunit ibinalik ng DBM nuong Agosto 17 dahil sa mga natukoy na ilang tinatawag na deficiencies at inconsistencies sa mga dokumento, kabilang ang hindi pagsusumite ng kaukulang guidelines mula sa DOTr, Department of Energy (DOE), at DBM, na requirement sa ilalim ng SP No. 7 ng FY 2023 DOTr-Office of the Secretary (DOTr-OSEC) Budget.
Noong Setyembre 4, muling natanggap ng DBM ang opisyal na kahilingan ng DOTr kalakip ang mga kinakailangang dokumento kabilang ang kopya ng FSP guidelines na may petsang Agostong 31, 2023 at pirmado ng mga pinuno ng DOTr, DBM, DOE, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Landbank of the Philippines (LBP).
Matapos ang validation ng LTFRB, sa pakikipag-ugnayan sa DILG, Department of Information and Communications Technology (DICT), at Department of Trade and Industry (DTI), ang natukoy na 1.36 milyong target beneficiaries ay makatatanggap ng one-time fuel subsidy, depende sa uri ng kanilang pinapasadang sasakyan:
-Modernized Public Utility Jeepney (MPUJ): P10,000
-Modernized Utility Vehicle Express (MUVE): P10,000
-Traditional PUJ: P6,500
-Traditional UVE: P6,500
-Public Utility Buses (PUB): P6,500
-Minibuses: P6,500
-Taxis: P6,500
-Shuttle Services Taxis: P6,500
-Transport Network Vehicle Services: P6,500
-Tourist Transport Services: P6,500
-School Transport Services: P6,500
-Filcabs: P6,500
-Tricycles: P1,000
-Delivery Services: P1,200
Batay na rin sa balangkas ng Memorandum of Agreement (MOA na isinumite ng DOTr, ang pondo ng subsidiya ay ibibigay sa DOTr-OSEC na siyang magbababa sa LTFRB, bilang implementing agency.
Ibabase naman ng LBP sa master list ng eligible beneficiaries na sertipikado ng LTFRB, DICT, DTI, at DILG, ang distribusyon ng subsidiya sa pamamagitan ng modes of payment, proseso at schedule na aprubado ng LTFRB.
Pinagsusumite rin ang LBP sa DOTr at LTFRB ng regular na kinakailangang ulat hinggil sa naging distribusyon ng subsidiya sa mga benepisyaryo bilang bahagi ng monitoring ng programa. (Daris Jose)
TAHASANG sinabi ni House Speaker Ferdinand Romualdez na bahagyang naapektuhan ang presyo ng bigas sa world market matapos pirmahan noong biyernes ni pangulong Marcos ang Executive Order 39 na nagtatakda sa presyo ng bigas sa bansa.
NAGKITA sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at US Vice President Kamala Harris para sa bilateral talks sa sidelines sa ASEAN Summit sa Jakarta, Indonesia.
MAGKASAMA sina Jean Garcia (as Belinda) at Barbie Forteza (as Monique/Dino) sa Maging Sino Ka Man, at very vocal si Jean sa pagkilala kay Barbie bilang isang mahusay na aktres.
TBA Studios is excited to announce its upcoming line-up of films for the rest of the year.
ITINAAS na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa Calabarzon ang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor mula P35 hanggang P50, inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Huwebes.
SA PANAHONG todo-kayod ang mga Pilipino, todo-kayod din ang mga scammers na naghahanap ng mabibiktima ng isa sa mga pinakausong cybercrime ngayon—ang phishing.
SINUSPINDE ng Philippine National Railways (PNR) ang operasyon nito sa Laguna simula noong nakaraang Huwebes habang ang mga bagon ay sasailalim sa maintenance works.
PINUNA ng Commission on Audit (COA) ang Department of Health (DOH) dahil sa hindi nagamit na ₱3-billion unobligated funds para sa pangagasiwa sana at pagtugon sa COVID-19 pandemic noong 2022.
IPINATUPAD na ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela at Navotas ang Executive Order No. 39 na inisyu ng Malacañang o ang Pagpapataw ng Mandated Price Ceilings sa Bigas sa lahat ng pampubliko at pribadong pamilihan at mga supermarket sa parehong lungsod.