• March 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2023

Nakakaalarmang kondisyon ipapaopera na: DAVID, napagkakamalang suplado dahil sa ‘sleep apnea’

Posted on: September 12th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PLANO na pala ni David Licauco na ipaopera ang kanyang kondisyon na ‘sleep apnea’ pagkatapos ng TV series nila ni Barbie Forteza na “Maging Sino Ka Man.”

 

 

Ang sleep apnea ay sleep disorder na tumitigil kung minsan ang paghinga ng pasyente habang natutulog.

 

 

Sa naging panayam ni Nelson Canlas na ipinakita sa GMA News “24 Oras”, sinabi ni David na natuklasan na mayroon siyang ganitong kondisyon noong 16-anyos siya.

 

 

“Gusto ko nang magpa-opera after this show, so hopefully I find the time na magawa ko ‘yun kasi I think sleep is the best gift by God,” sabi ng Pambansang Ginoo.

 

 

Ipinaliwanag ng aktor na may kinalaman sa kanyang kondisyon, kung kaya napagkakamalan siyang suplado.

 

 

“I tend to be, parang iniisip ng mga tao na mataray ako, suplado, but actually may nape-feel kasi ako sa umaga na bigat eh, so parang wala ka sa mood, so I had to work out,” paliwanag pa ni David.

 

 

Last July nang ihayag ni David ang pagkakaroon niya ng sleep apnea na nagiging dahilan din kaya siya nala-late sa taping.

 

 

“My breathing stops for like mga 30 seconds straight, 24 times in an hour. “So, all throughout the night, hirap ako eh. So stressed ako. So paggising ko sa umaga, I’m stressed also,” kuwento pa niya.

 

 

Napapanood na sa GMA-7 ang “Maging Sino Ka Man” na remake pelikula nina Sharon Cuneta at Robin Padilla.

 

 

***

 

 

SA kabila ng kanyang edad na 18 at maraming nagpapa-cute na boys sa kaniya, inihayag ni Jillian Ward na hindi pa rin siya nagpapaligaw.

 

 

Sa “Not Gonna Lie” segment ng programang ‘Dapat Alam Mo!’, tinanong si Jillian kung marami bang nanliligaw sa kaniya sa totoong buhay.

 

 

“I’m not gonna lie. Lie,” tugon ni Jillian.

 

 

Gayunman, “lie” ang lumabas sa lie detector test, na tumututol sa kaniyang sagot.

 

 

“Well, hindi po kasi ako nagpapaligaw pa talaga,” paliwanag ni Jillian.

 

 

“May mga nagpapa-cute po pero kasi ako myself, iniiwasan ko po muna.”

 

 

Dahil dito, tinanong din si Jillian kung sino sa cast members niya sa “Abot-Kamay Na Pangarap” ang nagpapa-cute sa kaniya.

 

 

“Ayoko pong sagutin,” natatawa niyang sagot.

 

 

Bukod dito, hindi rin pinapayagan pa si Jillian ng kanyang ina na magka-nobyo.

 

 

Gayunman, sariling desisyon daw ni Jillian ang hindi muna pumasok sa isang relasyon.

 

 

“Mas strikto po ako sa sarili ko kaysa strikto sa akin ‘yung mga nasa paligid ko. Kasi sabi po nila enjoy-in ko ‘yung pagkabata ko. So I myself, gusto kong mag-focus muna sa work,” pahayag ng Kapuso teen queen.

 

 

Dati nang inihayag ni Jillian na tipo niya sa isang lalaki ang talented at mabait ang personality.

 

 

Patuloy na napapanood si Jillian bilang si bilang si Dra. Analyn Santos, ang pinakabatang neurosurgeon sa Pilipinas sa GMA Afternoon Prime series na ‘Abot-Kamay na Pangarap’.

 

At mapapanoood this week ang guesting niya sa GMA Primetime series na “Royal Blood” na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes, na last two weeks na lang.

(ROMMEL L. GONZALES)

Ads September 11, 2023

Posted on: September 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

6th edition ng ‘The EDDYS’ sa Oct. 22 na: Award-winning actor at filmmaker na si ERIC, magdidirek ng awards night

Posted on: September 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PORMAL nang inihayag ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang magaganap na 6th Entertainment Editors’ Choice o mas kilala na ‘The EDDYS’ ngayong taon.

 

 

Ang awards night ay magaganap sa Oktubre, 22, 2023 sa EVM Convention Center, 37 Central Avenue, Quezon City, mula sa direksyon ng award-winning actor at filmmaker na si Eric Quizon.

 

 

Sa taong ito, ihahatid ng Airtime Marketing Philippines na pag-aari ng event producer na si Tess Celestino-Howard ang ikaanim na edisyon ng The EDDYS na magkakaroon din ng delayed telecast sa NET 25 sa Oct 28, 2023.

 

 

Ang annual event na ito na mula sa samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula at personalidad na itinuturing na “best of the best” sa Philippine Cinema. 14 acting and technical awards ang ipamamahagi ng SPEEd para sa ika-anim na edisyon ng ‘The EDDYS’ na pipiliin mula sa mga nominadong pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at ilang digital platforms noong 2022.

 

 

Tulad sa mga nakaraang gabi ng parangal, magsisilbing highlight ng event ang pagbibigay-pugay sa bagong batch ng EDDYS Icons na itinuturing nang mga haligi ng movie industry. Sila ang mga artista, direktor at iba pang personalidad na hindi matatawaran ang kontribusyon at pagmamahal sa industriya ng pelikulang Pilipino sa loob ng mahabang panahon.

 

 

Ang ilan pa sa mga special award na ipamamahagi sa ika-anim na edisyon ng ‘The EDDYS’ ay ang Isah V. Red Award (ang mga walang sawang tumutulong at nagbibigay inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan), at ang Joe Quirino Award at Manny Pichel Award (para sa mga natatanging miyembro ng entertainment media). Pararangalan din sa awards night ang Producer of the Year at Rising Producer of the Year.

 

 

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas, sa pangunguna ng presidente nitong si Eugene Asis ng “People’s Journal”.

(ROHN ROMULO)

After 36 Years, ‘Superman: Legacy’ Could Bring Back The Iconic Cape Logo

Posted on: September 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

DAVID Corenswet’s Clark Kent in Superman: Legacy could don a costume that brings back one iconic aspect of the hero’s suit that has long been missing.

 

After 36 years, Superman: Legacy can finally see the return of an important costume detail.

 

James Gunn’s Superman: Legacy promises to be quite the start for the new DC Universe. While the DCU’s first project will be the animated Creature Commandos series, which is aiming for a 2024 release, the 2025 Superman: Legacy will be the first movie of the new DC Universe, featuring not only Superman’s debut but a whole host of famous DC characters.

 

Leading Superman: Legacy are David Corenswet as Clark Kent and Rachel Brosnahan as Lois Lane.

 

The balance between both the Clark Kent and Superman sides of Corenswet’s character will be put on display by the presence of Lois and Jimmy Olsen on one side and the Man of Steel’s interactions with the multiple heroes confirmed for Superman: Legacy on the other.

 

With so many heroes, plenty of Superman action should be seen, which means Corenswet needs to have the perfect suit. Heated debates over whether there should be trunks or no trunks in Superman: Legacy’s new costume have already started, and while that is a key aspect of the suit, there is another possible classic addition to the costume that seems to be going unnoticed.

 

Superman’s cape logo has not been seen in a movie since Christopher Reeve’s last solo movie as the Man of Steel, 1987’s Superman IV: The Quest for Peace, marking 36 years since the iconic suit detail last appeared in a Superman movie. With Superman: Legacy being all about bringing the hero back to basics, with Gunn saying multiple times that he wants the classic Superman of the comics to be put on the screen in Superman: Legacy, bringing back the missing cape logo that was a marquee of Reeve’s Superman films, which were great adaptations of what Superman represents, would be a good step for the DC Universe.

 

The DCEU notably did not do right by Superman. Henry Cavill’s version of the hero never got the chance to be true to his Boy Scout self from the comics, with Superman always involved in dark themes and storylines throughout his time in the DCEU.

 

While Zack Snyder has explained that his DCEU plan was for Clark Kent to go on a journey that would end with him finally being true to his lighter self from the comics, the director ended up parting ways with the DCEU before that happened. Cavill’s Superman was then left aside by DC, never getting the chance to complete his journey.

 

With Gunn’s new DC Universe aiming to be closer to the comics than the DCEU ever was, Superman can finally be true to his classic self, and getting Superman: Legacy’s costume right would be a good sign for fans that, this time, things will be different. Hundreds of Superman costume designs have been made, according to Gunn, who says “it is most definitely not simple” to find the perfect one. With Superman: Legacy aiming to begin filming at the start of 2024, set photos could end up revealing the new Superman suit in a few months, and maybe the cape logo will be present. (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)

Dahil nagkita at nag-beso sa isang event: Fans nina NADINE at JAMES, kinilig at nabuhay na naman

Posted on: September 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINDI pa man namin binubuksan ang comment section ni James Reid, may hinala na kami kung ano ang mga comment na mababasa namin.

 

 

 

True enough nga, halos iisa ang comment o reaction ng mga netizen sa short video na pinost ni James.

 

 

 

Kasama ni James ang girlfriend na si Issa Pressman at sa reels, makikitang sumasayaw silang dalawa habang nakaharap sa salamin. Kuha pa rin ‘yon sa GUCCI event.

 

 

 

Eh, prior to that, naglabasan na nga sa balita ang pagkikita nina James at dating girlfriend na si Nadine Lustre sa GUCCI event din at nag-beso sila. Pareho pa ng kulay ng damit ang dalawa kaya feeling ng mga fan, para silang nag-twinning.

 

 

 

May mga nagsasabi kasi at nakapansin na diumano’y may kilig pa rin kay James, huh! Tapos, kasama pala nito si Issa, pero parang nawala raw do’n sa moment na nagkita ang dalawa. Kaya hayun, nabuhay na naman ang isyu na diumano’y ‘inahas’ ni Issa si James kay Nadine, e, magkaibigan pa naman ang mga ito dati.

 

 

 

So, sa post na nga ni James kasama ang girlfriend, ang mga binatong reaksiyon kay James, “Bumabawi si James. Post ng post about I.”

 

 

 

“Pinasahan agad ni Issa ng vid nila para may mapost si boyfie.”

 

 

 

“Yung siya ‘yong dyowa pero siya yung ‘di ka-match ng outfit. Hahaha!”

 

 

 

“Nadine Lustre is better than her.”

 

 

 

Naku, nabuhay talaga ang mga JaDine fans dahil sa pagkikita ng dalawa.

 

 

 

***

 

 

 

NAG-FINALE episode na ang “Voltes V: Legacy” noong Biyernes ng gabi sa GMA-7.

 

 

 

Apat na taon din ang naging journey nito simula pa nang simulan ang production.

 

 

 

At nang makausap nga namin ang cast, lalo na ang limang bayani mula sa sikat na 70’s anime sa Japan na sina Radson Flores, Matt Lozano, Raphael Landicho, Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix, para sa kanila, isa itong proyekto na sa buong buhay ay hindi na nila makakalimutan.

 

 

 

At kahit na katatapos lang nito, walang ibang wish ang lima kung hindi magkaroon daw sila ng reunion project na sila-sila pa rin ang magkakasama. Hindi naman nakapagtataka ang bond na nabuo nila dahil four solid years ba naman silang magkakasama.

 

 

 

At dahil nagwakas na nga ang “Voltes V: Legacy,” magbabalik naman ang breakout loveteam na BarDa nina Barbie Forteza at David Licauco simula ngayong gabi, September 11 sa kanilang ‘Maging Sino Ka Man’ GMA Primetime series.

 

 

 

May mga nanghuhusga na bakit daw si David ang gaganap sa dating role ni Robin Padilla sa original movie version nito, ang layo raw ni David kay Binoe. Kay Barbie naman, e, singer raw si Sharon Cuneta sa movie.

 

 

 

Naku, panoorin na lang at sigurado, ibang flavor naman ang maihahandog, lalo na sa kilig nina David at Barbie sa mga Kapuso viewers, lalo na sa kanilang mga fan.

 

 

 

(ROSE GARCIA)

Dahil nagkaroon ng family emergency si Direk Dom: DINGDONG, muling nakapag-direk sa pinagbibidahang ‘Royal Blood’

Posted on: September 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

THE long wait is over dahil mamayang gabi, muling masasaksihan angpagbabalik ng loveteam nina Barbie Forteza at David Licauco para sa action-packed series na “Maging Sino Ka Man.”

 

 

Muling matutunghayan ang husay ni Kapuso Primetime Princess at ang Pambansang Ginoo as they explore action adventures and romantic moments sa pagganap nila sa iconic roles ng TV adaptation ng dating pelikula bilang sina Monique at Carding, isang tagapagmana ng business empire at ng isang tinaguriang magnanakaw pero may alagang mga batang ulila.

 

 

Catch the world premiere of “Maging Sino Ka Man,” sa direksyon ni Enzo Williams, mamaya at 8:00 p.m. sa GMA Telebabad at sa GTV AT 9:40 p.m.

 

 

***

 

 

KABABALIK pa lamang ni Julie Anne San Jose, mula sa Canada for a series of shows (nauna ngang umuwi ang boyfriend niyang si Rayver Cruz dahil may sinimulan na itong bagong afternoon prime series sa GMA-7.)

 

 

Pero muli silang aalis for a two-day show sa Israel.

 

 

Dream come true pala kay Julie  Anne na ang show nila ni Rayver ay magaganap sa Israel dahil nasa bucket list daw niya ang makabisita sa Holy Land.

 

 

Wala pa lamang sinabing exact date si Julie kung kailan ang show nila ni Rayver.

 

 

Tiyak na tatapusin muna niya ang taping ng kanyang show na “The Voice Generations” na napapanood every Sunday, 7:00 p.m. sa GMA 7 pagkatapos ng “BBLG.”

 

 

***

 

 

BALIK-TV directing pala si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, na ibinahagi sa kanyang Instagram: “After a long hiatus, I found myself back  in the director’s chair, taking the reins for “Royal Blood.”

 

 

Ayon kay Dingdong, ang ‘Royal Blood’ director nilang si Dominic Zapata, ay hindi lamang isa sa mga una niyang mentors sa TV industry, siya rin ang una niyang director sa GMA’s “TGIS” 25 years ago, ay nagkaroon ng family emergency, kaya siya muna ang pumalit dito.

 

 

Inalaala rin ni Dingdong na hindi lamang una niyang director si Direk Dom, but his first teacher din sa acting, bago pa siya pormal na mag-aral ng tungkol sa directing sa college.

 

 

Ngayon nga raw, patuloy pa rin siyang ginagabayan at dinidirek ni Direk Dom na itinuturing niyang hindi lamang teacher but ‘tatay’ na rin niya sa industry sa iba’t ibang paraan.

 

 

Nagsama rin si Dingdong sa IG ng ilang behind-the-scenes nang dinirek niya sa “Royal Blood,” na nasa last two weeks na lamang, na napapanood gabi-gabi at 8:50 p.m., pagkatapos ng “Maging Sino Ka Man.”

(NORA V. CALDERON)

Type na maka-collab sina Zack at Ben & Ben: JERI, dream makatrabaho sina KATHRYN, DANIEL, JAMES at LIZA

Posted on: September 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MATAPOS ang mahigit isang taon, sa wakas ay ilalabas na ng Star Music ng ABS-CBN ang kauna-unahang handog ni Jeri Violago bilang isang recording artist.

 

Ayon sa premyadong songwriter na si Vehnee Saturno, hindi lang isa ang ginagawa nila, kundi dalawang bagong kanta para kay Jeri.

 

Inilalarawan ni Vehnee ang ‘Gusto Kita’ bilang isang straight forward love song. Ang pangalawang kanta naman na ‘Hindi Ka Nag-iisa,’ ay pagpapatuloy sa love story na isinalaysay sa ‘Gusto Kita’ sa pamamagitan ng pag-aalay ng mga salita ng kasiguruhan sa minamahal.

 

Sa paglabas ng kambal na awitin, unti-unti nang nalalapit si Jeri sa kanyang pangarap, na maging isang versatile entertainer.

 

Kuwento ng baguhang mang-aawit, “For ‘Hindi Ka Mag-iisa’, at first it was a ballad, parang pang-harana. But I was able to change at make it a little upbeat. And I was able to make it, have more recall and hopefully ‘pag narinig nila ang song, mas ma-remember ng mga tao.

 

“For ‘Gusto Kita’ naman, is the opposite. Mas R&B ang tunog, may slow and vibey at may konting bounce. Ganun type of music ang gusto ko, na when I’m listening to the song, natural na nagmo-move ang body ko.”

 

Anyway, pumirma ng 3-tier contract ang 23-year old (kaarawan niya kahapon, Setyembre 8) na Ateneo de Manila Business Management cum laude graduate sa Star Music, ang music production arm ng ABS-CBN.

 

Noong 2022, pumirma si Jeri ng magkahiwalay na kontrata sa Star Music sa iba’t ibang kapasidad: bilang isang artist, isang kompositor, at record producer.

 

Pagkatapos na makapagtapos sa kanyang kurso noong nakaraang taon, humingi ng pahintulot si Jeri sa kanyang ama at ina, na sina Joselito at Chiqui Violago, na payagan siyang ituloy ang kanyang hilig sa musika at pagkanta.

 

Dahil sa kanyang pangarap, tinanggihan niya ang alok ng ama na hawakan ang isang mahalagang posisyon sa isang rice mill, ang negosyo ng pag-aari nila sa San Jose, Nueva Ecija.

 

Naniniwala naman si Jonathan Manalo ng Star Music na ang singing-performing career ni Jeri ay nakaangkla sa kanyang strong vocals and wide range of talent.

 

Ang kanyang versatility bilang isang mang-aawit ay suportado ng mga parangal na nakuha sa mga taon niya sa Ateneo, kung saan ang kanyang high school group ay hinirang bilang kampeon sa Musikapella competition noong 2014.

 

Si Jeri ay itinanghal ding kampeon sa Ateneo Grade School Singing Competition noong 2011. Naging bise-presidente rin siya ng Ateneo Senior High School Glee Club.

 

Sa panahon ng mga live performances niya, maaaring mag-shift si Jeri na may parehong kadalian mula sa pop, jazz at swing patungo sa R&B at soul.

 

Gustung-gusto niya ang OPM song at looking forward siyang makipag-collab sa mga hit maker ngayon tulad ni Zack Tabudlo at grupong Ben & Ben.

 

Kasama sa kanyang mga entertainment credit ang mga pagtatanghal sa Music Museum at GSIS Museum. Nakapag-perform siya dito ng mga kanta mula sa ‘King and I’, ‘Annie’, ‘South Pacific’, pati na rin sa mga OPM hits at jazzy standards, na mala-Michael Buble.

 

Bilang isang teenager, nagsanay si Jeri sa pagkanta at pagko-compose sa The Music School ni Ryan Cayabyab.
Samantala, open din siya na sumabak sa pag-aartista. At kung mabibigyan ng pagkakataon ay willing siyang mag-workshop para matutong umarte.

 

 

Lalo pa nga’t dream niyang makatrabaho sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, James Reid at Liza Soberano, na napapanood na niya habang lumalaki. Kaya ilan lang sila sa kanyang mga hinahangaan.

 

 

Para sa magkaka-interes kay Jeri, maaaring tawagan sa pamamagitan ng kanyang manager na si Emy Domingo (+63917-858-6817). I-like o i-follow sa mga sumusunod: Jericho Violago sa Facebook, @jerichoviolago sa Tiktok; Jericho Violago sa You Tube, jerichoviolago sa Instagram.

(ROHN ROMULO)

Maraming natutunan sa mga nakarelasyon: JEAN, mahilig sa mga bad boy kaya ‘di naging successful

Posted on: September 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MARAMI raw natutunan si Jean Garcia sa kanyang mga naging karelasyon noon.

 

Hindi man daw perpekto lahat, pero importante raw yung may respeto sila sa isa’t isa. “Ang natutunan ko, sa dami ng relasyon din na dinaanan ko, siguro number one is respeto talaga. Respeto at pagtanggap. “Kapag pinili mong mahalin ang isang tao unahin mo ang respeto at unahin mong tanggapin muna ang lahat ng nasa kanya. “Kasi kapag nasa loob ka na ng relasyon, kahit gaano mo kamahal, kapag dumating ka pa rin sa point na ‘Ay hindi ko pala kayang tanggapin ‘yung ganito niya,’ maghihiwalay at maghihiwalay kayo. So ito, pagtanggap talaga. “Sarili mo lang ang aalagaan mo at mga tao lang na gusto mo talagang alagaan,” sey ni Jean.

 

Nang tanungin kung ano pinakagusto at pinakaayaw niya sa mga lalaki?

 

Sey ni Jean: “Very childish at saka very matitigas ang mga ulo. O ‘yung mga nakilala ko, matitigas talaga ang mga ulo? Mahilig yata ako sa mga bad boy eh, kaya hindi naging successful.

 

“The best in men. Kung talagang mahal ka, they will fight for you no matter what.”

 

Balik sa paggawa si Jean ng teleserye via ‘Maging Sino Ka Man’ na bida sina Barbie Forteza at David Licauco.

 

***

 

SI Mikoy Morales na nga ang puwedeng matawag na “Pambansang Sidekick” dahil lagi raw siyang kinukuhang best friend o sidekick ng mga leading men ngayon sa GMA.

 

Huli ngang naging sidekick si Mikoy ay kay Ruru Madrid sa ‘Lolong’, ngayon ay sidekick siya kay Pambansang Ginoo David Licauco sa bagong action-serye na ‘Maging Sino Ka Man.’

 

Gaganap si Mikoy bilang si Gordon a.k.a. Libag na best friend ni Carding. Sa origihal na 1991 film version, Si Dennis Padilla ang sidekick ni Robin Padilla. Si Barbie Forteza naman si Monique na ginampanan sa pelikula ni Sharon Cuneta.

 

Excited daw si Mikoy na makasama sa isang project sina Barbie at David. Lalo na raw si Barbie na in-demand bilang leading lady.

 

“Sana makita nila kung gaano siya kagaling. Hindi lang kung gaano siya kaganda, hindi lang kung gaano siya binibida ng GMA. Prime na natin si Barbie, ‘di ba? Sana makita rin nila kung gaano siya kagaling talaga,” sey ni Mikoy.

 

Ine-enjoy daw ni Mikoy ang mga roles na binibigay sa kanya ng GMA, malaki man ito o maliit.

 

“Yun ‘yung masaya sa pagiging best friend lagi ng bida, ang dami laging taping! So I think it’s a fun role, it’s always a fun role to be na maging ganon na best friend or kung ano man tawag doon. Pero it’s always a challenge din kung paano siya iibahin everytime.”

 

Nagbiro pa si Mikoy na dalawa lang daw silang pinagpipilian na best friend sa GMA. Yung isa raw ay si Buboy Villar.

 

Noong nakaraang buwan ay nanalo ng Balanghai trophy for best actor si Mikoy para sa Cinemalaya film na ‘Tether.’

 

***

 

NAKAKA-PROUD ang Pinoy drag performer na si Mac Coronel or mas kilala ngayon bilang impersonator ni Taylor Swift na si Taylor Sheesh dahil kilala na siya sa ibang bansa.

 

Na-feature recently si Taylor Sheesh sa US morning show na Good Morning America. Pinakita ang ilang video clips ng pag-perform niya sa mga shopping mall na naging patok sa Filipino audience na fans ni Taylor Swift.

 

Nasabi nga ni Mac na kaya raw niya ginawang mag-perform ay dahil hindi raw nakasama ang Pilipinas sa mga bansa sa Asia na pagtatanghalan ng The Eras Tour ni Taylor. Kaya siya na lang daw ang magbigay aliw sa pag-lipsync sa mga pinasikat na songs ni Taylor.

 

Pinuri ng reporter ng ‘Good Morning America’ ang hitsura at pag-perform ni Mac as Taylor Sheesh: “Everyone wants a piece of Taylor Swift these days but her Eras Tour isn’t going anywhere which is why Swifties have to be creative. While Swift is bejeweled, Taylor Sheesh can still make the whole place shimmer. So creative, the costuming, the visuals.”

 

Malaking tulong raw ang exposure na ito para kay Mac para lalong mapalawak pa niya ang kanyang impersonation kay Taylor. At kasama na raw sa pangarap niyang ma-meet in person si Taylor Swift at makasabay niya itong mag-perform sa entablado.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Ads September 9, 2023

Posted on: September 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Pinas, South Korea lumagda sa free trade deal

Posted on: September 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ISANG free trade agreement (FTA)  ang nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at South Korea sa sidelines ASEAN Summit sa Indonesia.

 

 

Inaasahan na ang nasabing kasunduan ay makapagpapalakas sa investment relations at makalilikha ng trabaho sa Pilipinas.

 

 

Sa kanyang report sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang paglagda sa  FTA  ay “clearly demonstrates the shared commitment of both countries to their mutual economic growth and development.”

 

 

“The FTA will strengthen our bilateral trade and investment relations with the Republic of Korea especially as it generates jobs and contributes to the Philippines’ value proposition as an ideal regional hub for smart and sustainable investments,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

 

Ang naturang kasunduan ay isnag mahalagang hakbang para sa pagsusulong ng ‘economic friendship’ ng dalawang bansa.

 

 

Binigyang diin ng Pangulo na patunay din ito na marami ang umaasam sa kolaborasyon ng Maynila at Seoul.

 

 

Nagtapos ang pag-uusap ng dalawang bansa hinggil sa free trade pact noong 2021.  (Daris Jose)