• March 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2023

Kumpara sa ibang lalaki na nakarelasyon: RUFA MAE, kinuwento ang kaibahan ng asawa na si TREVOR

Posted on: September 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MINSAN daw ay pumapasok sa isipan ni Dennis Trillo ang ilang “what ifs” sa buhay niya.

 

 

Ang “what ifs” ay mga tanong sa sarili tungkol sa consequences ng mga bagay na hindi nangyari.

 

 

Ibinahagi ng Kapuso Drama King ang isa sa kanyang mga “what ifs” ng kanyang buhay sa kanyang Instagram account.

 

 

“What if hindi ako natutong umarte at hindi ako nag artista? Ikaw, ano ang what if mo?” caption ni Dennis.

 

 

Matatandaang walang kinalaman sa pag-arte ang kursong kinuha ni Dennis sa kolehiyo na International Studies. Sa katunayan, nagtrabaho pa nga siya sa isang telecoms company bago mag-audition sa isang television network.

 

 

Bago nito, pagbabanda ang passion ni Dennis. Matapos ang mahigit 20 years sa showbiz, isa na siya sa mga tinitingalang aktor sa industriya.

 

 

Muling magbibida si Dennis sa upcoming romance drama series na ‘Love Before Sunrise.’ Kasama niya dito si Bea Alonzo, Sid Lucero at Andrea Torres.

 

 

Mula sa GMA Entertainment Group at ito ang pangalawang serye na bunga ng historic collaboration ng GMA Network at leading pan-regional over-the-top (OTT) video streaming service na Viu.

 

 

***

 

 

KINUWENTO ni Rufa Mae Quinto ang pagkakaiba ng kanyang asawa na si Trevor Magallanes mula sa ibang lalaki na nakilala niya.

 

 

“You feel at home. Hindi ka ninenerbyos. Kapag halimbawa hindi kami magkasama ngayon, hindi mo mafi-feel na ‘Ay bakit ang lungkot.’ Nakakalungkot, nami-miss ko silang mag-ama, pero hindi ‘yung feeling mo, ‘Ay bakit ganu’n?’” sey pa niya.

 

 

Ayon kay Rufa, may mga pagkakataon noon na masaya siya sa tuwing kasama niya ang kanyang boyfriend. Ngunit kapag hindi na sila magkasama, nakararamdam siya ng lungkot.

 

 

“Dalawang bagay lang pala ‘yun. Either mo mahal, or walang hiya siya,” ayon sa aktres.

 

 

Para sa kanya, mahalaga ring mahal niya ang isang tao.

 

 

“Sabi ko ‘Bakit ganoon, kapag magkasama kami tuwang tuwa ka, happy-happy? Tapos kapag lumalabas siya ng pinto, ang lungkot-lungkot. Doon ko rin na-realize na kailangan mahal mo rin ang tao, and at the same time you feel safe.”

 

 

Sa kabila nito, inilahad ni Rufa na ipinakita rin ng mga lalaking nakarelasyon niya ang pagmamahal at respeto sa kanya.

 

 

“Oo. Binigay naman nila, hindi lang talaga ako ready kasi nga marami akong gustong gawin. At ito nga ‘yon, ang ginagawa ko hanggang ngayon. Mas minahal ko lang po ‘yung mga tao at sarili ko.  Tapos hindi pa tamang panahon,” saad niya.

 

 

Ikinasal sina Rufa at Trevor noong 2016. May isa na silang anak na si Alexandria Athena.

 

 

***

 

 

UNRECOGNIZEABLE na ang former American child actor na si Angus T. Jones na nagbida sa hit US sitcom na ‘Two And A Half Men’ na umere mula 2003 hanggang 2015.

 

 

Namataan si Angus, who is 29-years ld now, na nakasakay ng electric bike sa Los Angeles. Naka-black shirt at glasses ito and sporting a bald look.

 

 

Bago pa magtapos ang ‘Two And A Half Men’ noong 2015, um-exit na sa naturang sitcom si Angus at age 18 noong 2013 dahil naging conflict daw sa kanyang religious beliefs ang image at tema ng sitcom. Pero nagkaroon siya ng cameo appearance sa series finale.

 

 

Pinagpatuloy din ni Angus ang pag-aaral niya sa University of Colorado Boulder.

 

 

During his time, si Angus ang hinirang na highest-paid child actor on television. Kumikita siya ng higit sa $300,000 per episode noon sa ‘Two And A Half Men.’

(RUEL J. MENDOZA) 

Ads September 18, 2023

Posted on: September 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Grupo ng mga magsasaka, ikinalungkot ang umano’y minadaling plano na pagbabawas sa taripa ng bigas

Posted on: September 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IKINALUNGKOT ng Federation of Free Farmers ang mistulang pagmamadali ng gobyerno na bawasan ang taripa ng mga inaangkat na bigas.

 

 

 

Maaalalang unang nagtakda ang Tariff Commission ng online public hearing ngayong araw para dinggin ang petition ng Foundation of Economic Freedom (FEF) na ibaba ang taripa ng bigas mula sa dating 35% patungong 10% lamang.

 

 

Ayon kay FFF National Manager Raul Montemayor, ang naturang proposal ay hindi akma sa panahon dahil sa nagsimula na ang pag-ani ng mga magsasaka ng kanilang mga itinanim na palay.

 

 

Ibig sabihin aniya, kung maaaprubahan kaagad ang panukala, tiyak na mas maraming mga importers ang makakabili ng bigas at lalo pang lolobo ang imported rice, daan upang lalo pang hindi mapansin ang mga produktong palay ng mga magsasaka.

 

 

Katwiran pa ni Montemayro na na hinding-hindi magbebenepisyo dito ang mga mahihirap dahil sa 85% ng mga imported na bigas ay premium grade na ibinebenta sa mga nakakagaang pamilya.

 

 

Pinuna rin ni Montemayor ang mabilisang paglalabas ng advisory para sa naturang hearing. (Daris Jose)

PBBM, pinuri ang Philippine Embassy sa Kuwait, DMW para sa walang humpay na paghahabol at makamit ang katarungan para kay Jullebee Ranara

Posted on: September 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  ang  Philippine Embassy sa Kuwait, ang  Department of Migrant Workers (DMW), at ang mga Kuwaiti authorities para sa walang humpay na paghahabol at makamit ang hustisya para sa pinatay na OFW na si Jullebee Ranara matapos hatulan ng guilty ng Kuwaiti juvenile court ang amo na nasa likod ng nasabing krimen. 

 

 

 

“I commend the Philippine Embassy in Kuwait, the Department of Migrant Workers, and the Kuwaiti Authorities for their continued pursuit of justice for our OFW, Jullebee Ranara. We hope that the appeal process will be conducted fairly, and justice will be served accordingly,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang mensahe na naka-post sa social media.

 

 

 

“I take comfort in thinking that Toots (the late DMW Secretary Susan “Toots” Ople) and Jullebee are looking down from heaven with smiles. Their legacy serves as a reminder of our duty to protect and support our fellow countrymen, regardless of where in the world they may be,” ayon pa rin sa Pangulo.

 

 

 

Sa ulat, sinabi ng DFA na hinatulan ng 15 taong pagkakakulong ang akusado dahil sa kasong pagpatay.

 

 

 

Nakatanggap din siya ng isang taong sentensiya sa pagkakulong dahil sa pagmamaneho nang walang lisensya.

 

 

 

Sinabi ng DFA na ang mas mababang parusa ay dahil sa pagiging menor de edad ng akusado. Mayroon siyang 30 araw para iapela ang hatol sa Court of First Instance.

 

 

 

“The family of the OFW has been informed and is grateful for the assistance provided them by the government,” anang DFA.

 

 

 

“The Philippine Government is similarly appreciative of the efforts undertaken by the Kuwaiti authorities to effect a speedy resolution of the case, in the pursuit of justice for our slain kababayan,” dagdag pa ng ahensya.

 

 

 

Ang nasunog na katawan ng 35-anyos na si Ranara ay natagpuan sa disyerto noong Enero.

 

 

 

Arestado ang 17-anyos na anak kaugnay ng krimen. Siya rin ay napaulat na nanggahasa at nakabuntis kay Ranara.

 

 

 

Nangako ang Kuwaiti Minister of Foreign Affairs Sheikh Salem Abdullah Al-Jaber Al-Sabah noong Enero na mapaparusahan ang pumatay kay Ranara. (Daris Jose)

Dahil sa second chances at balikan nila ni Bea: DENNIS, inihalintulad ang love story nila ni JENNYLYN sa upcoming series

Posted on: September 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MARAMING na-excite nang mag-post sa kanyang Instagram si Andrea Torres ng trailer ng upcoming Kapuso teleseryeng “Love Before Sunrise” na pinagtambalan nina Dennis Trillo at Bea Alonzo.  

 

 

Kontrabida ang role ni Andrea sa serye na malapit nang mapanood this September 25 sa GMA-7.

 

 

Nag-react ang mga netizens sa confrontation scenes nina Bea at Andrea sa trailer, na binuhusan ng tubig ng nagmamalditang si Andrea si Bea na gumanti naman ng malakas na sampal sa kanya, kaya naman nag-react agad sila sa makatanggal-pangang sampal ni Bea kay Andrea.

 

 

“Ang “Love Before Sunrise” ay magtatampok din kina Sid Lucero at Rodjun Cruz.

 

 

Last week lamang, dumayo na ang buong cast sa Kapuso Mall Show sa Higalaay Fest sa Ayala Malls Centrio, Cagayan de Oro City.

 

 

Ang much-awaited drama ay mapapanood na sa GMA-7 at stream episodes on VIU on September 25.  Papalitan nila ang “Royal Blood” ni Dingdong Dantes, na finale week na ngayon.

 

 

***

 

 

INIHALINTULAD ni Dennis Trillo ang love story nila ng wife na si Jennylyn Mercado sa story ng upcoming primetime series na “Love Before Sunrise.”

 

 

Nang mag-guest siya sa “Fast Talk with Boy Abunda,” sa GMA-7 last Friday, September 15, sinabi niya iyon yung nagkaroon sila ng second chances at nagkabalikan ni Bea Alonzo sa story.

 

 

“First time na naging kami ni Jen nang magtambal kami sa “Gumapang Ka sa Lusak” (2010) sa GMA-7,” kuwento ni Dennis.

 

 

“Pero tumagal lamang iyon ng isang taon, nagkahiwalay din po kami.  Then after ilang years, nag-reach out kami sa isa’t isa, tamang-tama naman pareho kaming walang partners, single kami pareho.  Siguro na-miss namin yung isa’t isa, ito yung second chances na sinasabi ko.”

 

 

That time daw alam na ni Dennis na doon na sila papunta ni Jen, kailangan lamang ang perfect timing para mangyari ang lahat. Siniguro rin ni Dennis na magiging tapat siya kay Jen, at hindi niya hahayaang masira ang tiwala sa kanya ng mga tao kaya siya na raw mismo ang lumalayo sa tukso, dahil may respeto siya sa kanyang wife.

 

 

Gusto niyang kahit may mga anak na sila ay maging happy pa rin si Jen.  Inamin din ni Dennis na siya ang seloso noon pero nag-mature na raw siya at mas pinahahalagahan niya ang tiwala.

 

 

Dennis shared kung paano niya pinapakilig si Jennylyn, minamasahe raw niya ang wife niya sa likod: “mahilig siyang magpamasahe sa likod, hindi siya makatulog, pero kapag hinimas ko na ang likod niya… pero hindi ko mapapantayan ang grabeng pag-aalaga sa akin ni Jen, the best siya.”

 

 

***

 

 

AYON kay Cristy Fermin sa kanyang programa, tungkol sa napipintong 12-day suspension ng airing ng “It’s Showtime” sa GTV ng MTRCB, nangako naman si Vice Ganda na huwag daw mag-alaala ang production staff ng show.

 

 

Na kapag natuloy ang suspension, dahil tutulungan niya ang mawawalan ng trabaho.

 

 

Muling pahayag ni Vice Ganda: “Huwag kayong mag-alaala, tutulungan ko kayo!”

 

 

Pero hindi na niya tutulungan ang mga co-hosts niya sa show, dahil tiyak daw namang may mga naipon na sila.

(NORA V. CALDERON)

4 na malalaking kumpanya interesado sa NAIA rehab

Posted on: September 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na may apat (4) na kumpanya ang interesado sa rehabilitation ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

 

 

“So far, there was the Manila International Airport Consortium, that’s number one. There was San Miguel Corporation which also purchased bidding documents, and GMR. The fourth one, I have to confirm which one,” wika ni DOTr assistant secretary Leonel De Velez.

 

 

Kamakailan lamang ay ang Manila International Airport Consortium na binubuo ng anim (6) na conglomerates sa Pilipinas at ang US-based partner nito ay nagsumite ng isang unsolicitated proposal upang sila ang mag rehabilitate ng NAIA sa loob ng 25-year na kontrata.

 

 

Subalit ang pamahalaan ay gustong magkaron ng solicitated deal sa concession na may period na 15 years at may posibleng 10-year extension based sa performance. Binuksan ng Public-Private Partnership Center and bidding noon August 23.

 

 

Ayon kay De Velez na plano nilang i-award ang P170.6 billion na kontrata sa taong ito upang maayos na sa lalong madaling panahon ang NAIA na siyang pangunahing gateway sa bansa.

 

 

Ang proyekto ay binubuo ng rehabilitation ng lahat ng pasilidad sa NAIA kasama ang apat na terminals at ang ibang pasilidad dito. Naglalayon ang rehabilitation na maitaas ang annual na kapasiad ng airport hanggang 62 million na pasahero mula sa ngayon na 35 million kung saan ito ay magkakaron ng traffic movement na 48 per hour mula sa dating 40.

 

 

Kilala ang NAIA na isa sa pinakamasamang airports sa mundo kung saan laging may passenger congestion at kamakailan lamang ay nagkaron ng 3 major power outgaes nitong taon.

 

 

Sinabi ni De Velez na ang rehabilitation ng NAIA at iba pang international airports sa Pilipinas ay mahalaga sa pagpapaunlad ng turismo sa bansa.

 

 

“One of our key drivers of the economy is tourism. We can’t just develop our tourism sector in a bubble. We have to consider that there are competing countries: Malaysia, Thailand and Vietnam. These countries are investing in their airport infrastructure. We need to as well to remain competitive,” saad ni De Velez. LASACMAR

Pumunta sa Malaysia para sa isang football event: JUDY ANN, first time nag-biyahe na si LUCHO lang ang kasama

Posted on: September 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA kauna-unahang pagkakataon ay bumiyahe abroad ang mag-inang Judy Ann Santos at unico hijo niyang si Lucho Agoncillo.

 

 

Tumungo sa Kuala Lumpur sa Malaysia, unang beses ito na biyahe nina Judy Ann at Lucho na hindi kasama sina Ryan Agoncillo at ang dalawang anak nilang babae ni Ryan na sina Yohan at Luna.

 

 

Ayon nga sa Instagram post ni Juday…

 

 

“First time to leave manila without dada and the girls.. this time it’s just mommy and kuya and ate Arlene .. missing a big chunk of our family here in KL.. mommy and kuya time muna, while dada spends time with the girls. Missing you big time bub.

 

 

Ang ate Arlene na tinutukoy ni Juday ay ang isa sa trusted household staff nila sa bahay; naka-tag naman sa naturang post ni Juday si  Ryan na may kasamang dalawang kissing emoji.

 

 

Tumungo ang mag-ina sa Malaysia para sa isang event na may kinalaman sa football na sport ni Lucho.

 

 

Hindi nakasama si Ryan dahil sa mga ganap dito sa bansa ng mister ni Juday tulad ng regular hosting gig nito para sa ‘E.A.T.’ samantalang may pasok sa school sina Luna, na nasa elementarya at si Yohan na nasa unang taon na sa kolehiyo.

 

 

***

 

 

AYON kay Kazel Kinouchi, hangga’t maaari ay iniiwasan niyang magbasa ng hate comments laban sa kanya, pero hindi ba pagpapatunay ang mga galit na reaksyon sa kanya na isa siyang epektibong artista dahil nga maraming galit sa karakter niya bilang Zoey sa ‘Abot Kamay Na Pangarap’?

 

 

“Oo nga po, e! Actually nagbabasa rin naman po ako, siyempre gusto kong makita kung ano yung insights nila, pero pag medyo ano na… nagiging heavy na, I stop reading na po.

 

 

“So hindi mo rin maiiwasang makakita ng comments, kasi if it’s not live naman po or clips all over social media, nasa Tiktok, nasa Facebook, so ayun po.”

 

 

Aminado si Kazel na  malaki ang nagawa ng ‘Abot Kamay Na Pangarap’ para sa kanyang career?

 

 

“Opo, sobra!”

 

 

Bago siya naging parte ng programa ay hindi pa siya gaanong kilala ng publiko pero ngayon ay kilalang-kilala na siya ng mga tao lao na ang mga avid viewers ng AKNP.

 

 

Ano ang masasabi ni Kazel tungkol dito?

 

 

“Opo, sobrang thankful ako na siguro nag-match din talaga si Zoey, nabigyan ko ng kulay din si Zoey, napaglaruan ko siya, and yung medyo kaartehan ko in real life, parang na-apply ko rin siya sa character ko.

 

 

“So ayun, I’m so thankful naman na minahal naman siya ng tao at sana mabigyan ko pa ng maraming kulay si Zoey.”

(ROMMEL L. GONZALES)

MUST-SEA TRAILER FOR “AQUAMAN AND THE LOST KINGDOM” IS FINALLY HERE!

Posted on: September 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ONE king will lead us all. 

 

 

Director James Wan and Aquaman himself, Jason Momoa – along with Patrick Wilson, Amber Heard, Yahya Abdul-Mateen II and Nicole Kidman – return in the sequel to the highest-grossing DC film of all time: “Aquaman and the Lost Kingdom,” opening exclusively in cinemas December 20.

Watch the new trailer:

https://youtu.be/h1fiesc6opk?si=gLijcqFPzplIhyrb

 

About “Aquaman and the Lost Kingdom”

Having failed to defeat Aquaman the first time, Black Manta, still driven by the need to avenge his father’s death, will stop at nothing to take Aquaman down once and for all. This time Black Manta is more formidable than ever before, wielding the power of the mythic Black Trident, which unleashes an ancient and malevolent force.

To defeat him, Aquaman will turn to his imprisoned brother Orm, the former King of Atlantis, to forge an unlikely alliance. Together, they must set aside their differences in order to protect their kingdom and save Aquaman’s family, and the world, from irreversible destruction.

 

All returning to the roles they originated, Jason Momoa plays Arthur Curry/Aquaman, now balancing his duties as both the King of Atlantis and a new father; Patrick Wilson is Orm, Aquaman’s half-brother and his nemesis, who must now step into a new role as his brother’s reluctant ally; Amber Heard is Mera, Atlantis’ Queen and mother of the heir to the throne; Yahya Abdul-Mateen II is Black Manta, committed more than ever to avenge his father’s death by destroying Aquaman, his family and Atlantis; and Nicole Kidman as Atlanna, a fierce leader and mother with the heart of a warrior. Also reprising their roles are Dolph Lundgren as King Nereus and Randall Park as Dr. Stephen Shin.

 

Directed by James Wan, “Aquaman and the Lost Kingdom” is produced by Peter Safran, Wan and Rob Cowan. The executive producers are Galen Vaisman and Walter Hamada.

 

 

 

The screenplay is by David Leslie Johnson-McGoldrick, from a story by James Wan & David Leslie Johnson-McGoldrick and Jason Momoa & Thomas Pa’a Sibbett, based on characters from DC, Aquaman created by Paul Norris and Mort Weisinger.

 

 

 

Warner Bros. Pictures Presents An Atomic Monster / A Peter Safran Production of A James Wan Film, “Aquaman and the Lost Kingdom,” set to open in theaters internationally beginning 20 December 2023; it will be distributed worldwide by Warner Bros. Pictures.

 

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #Aquaman

(ROHN ROMULO)

Wish ni Megastar na maging real friends na sila: SHARON at GABBY, nag-hug at nag-kiss sa ‘di inaasahang pagkikita

Posted on: September 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SI Gabby Concepcion ang unang sumalang sa presscon ng ‘Dear Heart The Concert’, ang most anticipated grand reunion nila ni Megastar Sharon Cuneta at historic moment sa Philippine entertainment industry ay magaganap na sa SM MOA Arena sa October 27, 2023.

 

At sa naturang presscon, in-announce din almost sold out na ang concert. Pero ang good news ay magkaroon ito ng special ‘Dear Heart VIP Night’ sa Okada Manila’s Grand Ballroom sa October 30, 2023, kaya may chance pa ang ibang fans na masaksihan ng malapitan ang unforgettable momments kasama ng legendary duo.

 

Para naman sa fans sa South, na ‘di makakapunta sa Manila, magkakaroon naman ng ‘InLife’s Dear Heart In Cebu’, na magaganap naman sa November 17 sa NuStar’s Convention Center.

 

Halos isang oras ang interview kay Gabby, na inaming natuwa siya na finally matutuloy na ang pagsasama nila ni Sharon, hindi man natuloy sa reunion movie, isang concert naman ang handog, na siguradong kakikiligan ng mga fans.
Sinabi rin ni Gabby, maganda kung magkakaroon ng special participation ang anak nilang si KC Concepcion, pero wala pa raw silang alam, base sa script na nabasa niya.

 

Kuwento pa ni Gabby, sinasadya raw nila na hindi magkita ni Sharon, kahit sa pictorials at TV guestings ay hindi sila magsasama. Mas maganda raw na sa mismong araw na ng concert sila magkita ng ex-wife.

 

Pero dahil naging maganda naman ang Q&A kay Gabby, na puro good vibes lang, nangyari nga ang ‘di inaasahan, na ikinatuwa ng members of the press at vloggers. Originally, back-to-back ang presscon, na after Gabby’s turn, ay magbi-break muna ng 30 minutes to 1 hour at saka palang papasok si Sharon.

 

Pero nang magpapaalam na si Gabby, dumating naman si Sharon sa Glass Room ng Okada Manila, kaya laking gulat din ng aktor.

 

Kaya sinalubong niya si Sharon inalalayan paakyat at sabay komento na, “sinasabi ko na nga ba eh! Oy, first time kong mahahawakan ang kamay niya oh.” Inabot din niya ang bouquet of flowers at binigay sa dating asawa.
Hirit pa ni Gabo, “sabi ko sa kanila kanina, pagkatapos ko dito, alis na ako, baka hindi na tayo magkita, puwede ba mag-hug bago akong umalis.”

 

Na pinagbigyan naman ni Shawie, at may kasama pang pag-beso.

 

Dagdag hirit pa ng aktor, bago tuluyang umalis, “we’ll see you at the concert. Make them happy ha. Pa-kiss ulit, pa-kiss uli!”

 

Kaya kinilig lahat ng nasa venue, at humihingi pa ng more.

 

Pabirong sabi pa ni Gabby kay Sharon ng, “sa lips naman, biro lang po.”

 

Going back sa concert, ia-announce pa raw lineup ng special guests sa mga darating na linggo, na magdadagdag excitement sa star-studded event.

 

Ayon kay Sharon, in terms of preparation, relax na relax daw siya at good vibes lang. Malaki raw ang adjustment niya in a happy way, looking forward siya na maging masaya ang audience at mapakilig.

 

Natanong si Sharon kung magkakaron sila ng ‘kissing scene’ nila ni Gabby sa concert.

 

“Aba’y kung magkakaroon, hindi sa akin magmumula, babae ako, sorry!” sagot niya.

 

“Pero kung magkakaroon, i will treat it as movie scene. Trabaho lang, walang personalan.”

 

“Mag-ingat siya, baka ma-develop siya,” babala pa ni Mega.

 

Dagdag pa ni Shawie sa isang tanong, “and please, Dear Gabby, ‘wag ka nang na-develop sa akin. Alam ko mahirap, pero kaya mo ‘yan. Baka kasi nagulat siya nang makita ako.”

 

Pakiusap pa ni Sharon kay Gabby para sa kapakanan ng kanilang anak na si KC, na hindi rin niya alam kung may special participation sa kanilang grand reunion,

“We need to work together to help her a better person and please take care of my baby. And I got your back.
“And I hope we can be friends. I mean, real, real friends not yung showbiz-showbiz, di ba? At wala naman reason, not to.”

 

 

Huli ngang nagkita at nagkausap sina Sharon at Gabby noong September 2019 sa ’12th Gabay Guro’, na kung saan kinanta nila ang “Come What May” na tiyak na isa sa hihintayin ng avid ShaGab fans na mapakinggan sa upcoming concerts.

 

At sana nga ito ang simula ng maganda nilang pagkakaibigan, para magtuloy-tuloy ang ‘Dear Heart: The Concert’ at makarating sa America, Canada at iba pang bansa.

(ROHN ROMULO)

Ads September 16, 2023

Posted on: September 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments