KAHIT kami ay nagulat at natuwa na makita ang litrato na magkasama sina Pia Wurtzbach at Ariadna Gutierrez!
Well sino ba naman ang makakalimot sa nangyari noong Miss Universe 2015 kung saan nagkamali si Steve Harvey ng announcement ng winner, na sa halip na Philippines ang tawagin niya ay Colombia ang inanunsiyo niyang nagwagi bilang pinakamagandang babae sa buong universe noong taong iyon.
At heto nga, kailan lamang ay nag-post si Pia sa kanyang Instagram account ng larawan kung saan magkasama sila ni Ariadna na naglalakad sa isang kalye sa Paris.
Ginanap kasi doon ang Paris Fashion Week kaya naroroon ang dalawang beauties.
“The reunion you’ve all been waiting for,” ang caption ni Queen Pia sa kanyang post na nilagyan ni Ariadna ng comment na “Almost 8 years!”
Maging si Ariadna ay nag-post ng lirato nila ni Pia sa kanyang IG account na may caption na…
AYAW paawat ni Alden Richards! Bakit?
Si Alden kasi ang pinakabagong Board of Trustees member ng Movie Workers Welfare Foundation, Inc. o MOWELFUND.
Sa mga hindi pa nakakaalam, ang MOWELFUND ay organisasyon na nagbibigay-tulong at suporta (kadalasan ay pinansiyal) sa lahat ng miyembro nito na nasa industriya ng pelikula.
“Naghahanap na talaga ako ng ways kung paano ba ako makakapagbigay pabalik sa isang industriya na nagpabago ng buhay ko. Iyon, binigay sa akin ni Lord si MOWELFUND,” pahayag ni Alden.
Ang president at CEO ng organisasyon ay si Rez Cortez, ang ilan sa mga board members nito ay sina Gina Alajar at Boots Anson Roa, na dumalo din sa oath-taking ni Alden.
Samantala, isa pang ganap ni Alden ay ang pagiging… direktor!
Di ba kasi may pelikula ang Asia’s Multimedia Star kung saan isa rin siya sa producer (with his Myriad Corporation) at ito yung ‘Five Breakups And A Romance’ nila ni Julia Montes
And during the shoot, nilapitan si Alden ng direktor ng pelikula, si Irene Villamor at kinausap na siya, si Alden, ang maging direktor ng isang eksena.
“Si direk Irene came up to me, nasa Singapore kami nun, ‘I-direk mo yan,’ tapos umalis. ‘Ok po.’
“Tayo agad ako, punta ako sa AD (Assistant Director), punta ako sa DOP (Director of Photography) namin.
“Ganun siya e. Pupuntahan namin yung location, babasahin namin yung script, ano yung elements na incorporated sa script na puwedeng maging additional detail for the scene, the framings, the blockings of the actors, basta lahat ‘yun,” kuwento ni Alden.
Sa October 18 ang showing ng pelikula kung saan personal choice ni Alden na gumanap bilang ina niya ang mahusay na aktres na si Lotlot de Leon.
(ROMMEL L. GONZALES)
NAGSIMULA nang mag-shooting ang Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ng movie nilang “Rewind”,” na entry sa 2023 Metro Manila Film Festival sa December.
SUNUD-SUNOD ang pagdating ng magagandang balita para sa mahusay aktor at Congressman ng QC na si Arjo Atayde.
LUNGSOD NG MALOLOS – May 1,434 Bulakenyong magsasaka ang makikinabang mula sa nakumpletong tatlong solar pump irrigation na proyekto ng Department of Agriculture – National Irrigation Administration na inanunsyo sa ginanap na presentasyon ng Solar Irrigation Projects sa NIA Regional Office III sa Brgy. Tambubong, San Rafael, Bulacan noong Biyernes.
MAY walong aplikante ang nagsumite ng kanilang aplikasyon para maging bahagi ng board of directors ng Maharlika Investment Corp. (MIC).
TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang maging ganap na batas, araw ng Miyerkules ang “Trabaho Para sa Bayan Act.”
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panunumpa sa 55 mga police generals na ginawa sa Heroes Hall sa Palasyo ng Malakanyang.
READY for Halloween? To jump-start the spook-tacular season, Ayala Malls Cinemas is exclusively bringing back “The Exorcist” to theaters for its 50th anniversary, featuring a remastered director’s cut with additional terrifying visuals.
NAGKAROON ng groundbreaking ceremony sa Lipa City, Batangas ang 76-kilometer ng Class 2 at 3 bike lanes na siyang magdudugtong sa mga lungsod ng Lipa, Antipolo, Cainta, at San Mateo sa Rizal.