IGINIIT ni dating Congressman Atty. Barry Gutierrez kay Vice President Sara Duterte na boluntaryong bawiin ang request na Confidential Funds para sa Office of the Vice President (OVP) at sa Department of Education (DepEd) para sa fiscal year 2024.
Sinabi ni Atty. Gutierez na mas mainam kung ang naturang pondo ay ilaan na lamang sa mas higit na pangangailangan ng mamamayan.
“Dito sa Confidential fund hindi mo na kailangan hintayin na kongreso mismo ang kumilos. Mismong si VP Sara, nakikita naman niya na may mga kwestyon dito, nakikita naman niya na may mga pangangailangan ‘yung iba, pwedeng ‘yung OVP mismo ang mag-request na wini-withdraw nila ang kanilang paghingi at Congress na lang ang maglilipat,” sabi ni Gutierrez.
Ang pahayag ay ginawa ni Gutierez bilang reaksyon sa mga katanungan kung maaaring maisagawa ang “re-alignment” sa kasalukuyang budget ng gobyerno.
“Pwede kasi on going pa ang budget process. Isa sa mga function ng kongreso natin habang pinag-uusapan ang General Appropriations Act ay titignan kung ano ba ‘yung mga proposed budget items dito na hindi naman talaga kailangaan,” dagdag ni Gutierez.
Suportado rin si Gutierez para sa reallocating ng pondo para sa ibang sektor tulad sa agrikultura upang makatulong ang pondo na maibsan ang epekto ng price ceilings sa mga retailers.
Aniya, mas mainam na mismong si VP Sara na ang magsagawa ng inisyatibo na bawiin ang kanyang request para sa Confidential Funds habang patuloy na tinatalakay ng Kongreso ang usapin hinggil dito.
TINUTUGUNAN ng DOH ang isang komprehensibong diskarte na sumasaklaw hindi lamang sa mga umiiral na isyu laban sa undernutrition ngunit kabilang din ang mga alalahanin na may kaugnayan sa over nutrition, micronutrient malnutrition, at food security.
SYLVESTER Stallone, the mastermind behind The Expendables franchise, and it may surprise fans to know how much he was paid for producing the four films as well as starring in them as mercenary Barney Ross.
DAHIL sa bonggang-bongga na reaksyon ng netizens, tinuloy-tuloy na ni Kapuso Primetime Queen Marian ang paggawa ng dance videos sa TikTok.
KALABOSO ang 27-anyos na lalaki nang makuhanan ng shabu at panggigilang dakmain ang puwitan ng 16-anyos na dalagitang estudyante sa Valenzuela City.
LUNGSOD NG MALOLOS – Binigyang diin ni Kalihim Benjamin “Benhur” C. Abalos, Jr. ng Department of the Interior and Local Government ang kahalagahan ng agarang pagtukoy at pagresolba sa pangunahing isyu ng bansa hinggil sa adiksyon sa droga.
NAGPANUKALA ang Department of Finance (DOF) ng ilang hakbang sa gitna ng pagpapatatag sa presyo ng bigas.
KUMPIYANSANG sinabi ng Department of Agriculture (DA) na magiging stable na ang presyo ng bigas at palay dahil magsisimula na ang pag-ani ng mga nasabing pangunahing tanim ngayong Setyembre at Oktubre.
PARA hindi makalimutan ni Elijah Canlas ang kanyang pumanaw na kapatid na si JM Canlas, nagpalagay ito ng tattoo na ang design ay ang trademark thumbs up pose ni JM.