IDINEPENSA ng Malakanyang ang makabuluhang pagtaas ng travel expenses ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa katunayan, sa isang kalatas, sinabi ng Presidential Communications Office na ang ‘increase’ o paglaki ng travel expenses ay sumasaklaw sa local at foreign travels.
Nauna rito, iniulat ng Commission on Audit (COA) ang pagtaas ng 1,453% sa naging travel expenses ng Office of the President (OP) sa taong 2022.
Sa ulat ng COA – sumipa sa mga nagastos ng OP sa travel mula P25.2Milllion noong 2021 – sa halos P400 Million noong nakaraang taon.
“The Office of the President’s (OP) traveling expenses in 2022 increased by P367 million compared with 2021 due to Marcos’ official trips in at least six countries,” ayon sa COA.
Tinuran naman ng PCO na ang OP “has received a huge volume of invitations for international events, conferences, high-level meetings, and state visits, among others.”
“The OP has acceded to some of these requests, knowing that the country and the public, in general, will benefit immensely from the President’s participation in these engagements,” dagdag na pahayag ng PCO.
Matatandaang sinabi ni Go Negosyo Founder Joey Concepcion na kailangang puntahan ni Pangulong Marcos ang mga biyahe sa labas ng bansa lalo’t may kinalaman ito hinggil sa paghikayat ng mga mamumuhunan sa bansa.
Ang Pangulo, bilang CEO ng Pilipinas ay kailangang maging visible lalo’t marami ang kalaban sa paghikayat ng mamumuhunan.
Bukod dito, nais ding marinig ng iba pang mga lider at mga foreign investors ang bisyon ng Pangulo, istilo sa pamamahala, maging ang line up ng kanyang gabinete, gayundin ang pribadong sektor na sumusuporta sa kanya.
Kaya ang Presidente bilang CEO ng Pilipinas, ani Concepcion, ay hindi talaga makaiiwas sa biyahe sapagkat mahalagang mailatag nito ang kanyang bisyon sa mga mamumuhunan. (Daris Jose)
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si dating foreign affairs Secretary bilang kanyang special envoy to the People’s Republic of China for Special Concerns.
PINATAWAG ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sina Department of Labor (DOLE) Secretary Benny Laguesma at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian para pagpaliwanagin tungkol sa underspending ng kanilang mga ahensiya.
TINANGGAL na ng Kamara si Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves, Jr., mula sa Kamara dahil sa “disorderly behavior” at “for violation of the Code of Conduct of the House of Representatives.”
NGAYONG August 2023 ay ipinagdiriwang ni Sen. Bong Revilla Jr. ang ika-50 anibersaryo sa show business, na sa kabila ng napakaraming pelikulang nagawa ay nananatili pa rin ang kakisigan at tila hindi tumatanda.
“AFRICA positioning itself as an emerging major economy has brought global excitement, and the Philippines could seize the opportunity by forging stronger partnership with Ethiopia, one of the region’s major economies.”
NANINIWALA si Eugene Domingo na magiging sikat na artista ang anak ni Pokwang na si Malia.
THE DEPARTMENT of Education’s (DepEd) launching of the MATATAG Curriculum will improve the country’s school curriculum and determine what suits the needs of Filipino learners, President Ferdinand R. Marcos Jr. said on Monday.
DINAKIP ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dating broadcaster na si Jay Sonza makaraang masangkot sa syndicated at large-scale illegal recruitment.
KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sasapat ang suplay ng bigas sa bansa hanggang sa pagtatapos ng El Niño phenomenon sa Pilipinas sa susunod na taon.