• March 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 4th, 2023

P1.4-B Panukalang budget para sa mga ‘biyahe’ ni PBBM sa 2024 , binigyang katwiran ng DBM

Posted on: August 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BINIGYANG katwiran ni Budget Secretary Amenah Pangandaman  ang  mahigit sa P1.4 bilyong alokasyon para sa local at foreign missions ng Office of the President (OP) para sa susunod na taon.

 

 

Sa press briefing sa Malakanyang, ipinaliwanag ni Pangandaman ang pagtaas sa budget para sa foreign trips ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. para sa susunod na taon.

 

 

Sinabi ng Kalihim na wala siyang nakikitang masama at mali sa panukalang  P1,408,894,000 para sa mga byahe ng Pangulo lalo pa’t kung ito’y kapaki-pakinabang sa bansa.

 

 

“‘Yung travel po ng Presidente, dalawa pong klase ‘yan. Mayroon pong state visit that they invite you and then meron din po ‘yung mga investment roadshow. When I was asked previously po doon sa SONA kung ano po sa tingin ko ang nagawa this administration in such a short time, I think to bring us back to the map of a investment hub and opportunity for other countries,”  ayon kay Pangandaman.

 

 

“Kami po hindi lang ang Presidente, even the economic managers, if you will notice po, we’ve been going out of the country to present the Philippines as an investment hub po so I think ‘yung expenses po ng travel as long as it will be beneficial and mas may advantage po para sa bansa natin, I think okay lang po ‘yun, it’s justified,” dagdag na wika nito.

 

 

Matatandaang, taong 2022, bumiyahe si Pangulong Marcos sa mga bansang  Indonesia, Singapore, at China para sa state visits; dumalo sa  United Nations General Assembly sa New York; at nagpartisipa sa ASEAN summit sa Cambodia.

 

 

Nagpunta rin ang Pangulo sa  Thailand noong nakaraang Nobyembre para sa APEC 2022 at sa  Brussels, Belgium para sa EU-ASEAN Summit.

 

 

Bumiyahe rin ang Chief Executive sa Davos, Switzerland para sa World Economic Forum at nagkaroon ng  official visit sa Tokyo, Japan ngayong taon.

 

 

Kapalit nito ay nakapagbulsa naman ang Pangulo ng $1.3 bilyong halaga ng investment pledges sa kanyang  official visit sa Estados Unidos noong Mayo.

 

 

Dumalo rin ang Pangulo sa ASEAN Summit sa Indonesia at state visit sa Malaysia.

 

 

Samantala, dinepensahan naman mismo ni Pangulong Marcos ang kanyang byahe sa ibang bansa, sabay sabing makapanghihikayat ito ng mas maraming foreign investors para sa Pilipinas. (Daris Jose)

Gobyerno, inilaan ang P9.2 billion para sa confi, intel funds sa 2024

Posted on: August 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG may P9.2 billion ang inilaan para sa confidential at intelligence funds para sa mga ahensiya ng gobyerno para sa fiscal year 2024.

 

 

“For 2024, the confidential fund — this is across all agencies — is P4.3 billion, and the intel is P4.9 billion, and I think the amount is the same as 2023 level, almost the same,” ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman.

 

 

“Broken down, among the biggest allotments are those for the Office of the President with P4.5 billion, followed by the Department of National Defense (DND) with P1.7 billion, the Office of the Vice President with P500 million, and the Department of Education (DepEd) with P150 million,” ayon sa DBM.

 

 

“Alam niyo po, ‘yung confidential and intel funds, meron naman pong guidelines ‘yan from COA (Commission on Audit) on how to use the funds,” ayon sa Kalihim.

 

 

“Hindi naman po siya budget na pagkabigay, they can disburse it and use it, meron din pong dokumento na sina-submit po sa COA then may breakdown din po ‘yan when we request the budget, so there’s full transparency when we request for these funds” dagdag na wika nito.

 

 

Ang pigura ay ibinahagi ng Kalihim sa isinagawang  turnover ceremony ng  P5.768-trillion National Expenditure Program (NEP) for 2024 sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

 

 

Ang nasabing panukala ay sumasalamin sa 9.5% na pagtaas mula sa  appropriations ngayong taon.

 

 

Nakasaad  sa  general provisions section  ng nakalipas na  NEP na ang  intelligence funds ay iyong “related to intelligence information gathering activities of uniformed and military personnel, and intelligence practitioners” mayroong direktang epekto sa national security.

 

 

Samantala, ang confidential funds ay iyong  “related to surveillance activities in civilian government agencies that are intended to support the mandate or operations of the agency.”

 

 

“The proposed national budget for FY 2024 shall continue to prioritize expenditure items that promote social and economic transformation through infrastructure development, food security, digital transformation, and human capital development,” ayon naman sa kalatas ng DBM.  (Daris Jose)

Atas ng DSWD sa mga regional director: Bilisan ang pagpapalabas ng food packs

Posted on: August 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINABIHAN ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang mga regional director na bilisan ang pamamahagi ng  relief packs sa mga lugar na apektado ng kamakailan lamang na bagyo at Habagat. 

 

 

Ani Gatchalian, nagpalabas ang  National Resource Operations Center (NROC) ng libo-libong kahon ng family food packs (FFPs) sa nakalipas na dalawang araw.

 

 

“I hope all the RDs are allocating these and releasing them as fast as NROC. And we hope that the stakeholders get them fast. The goods should not sleep in our warehouses,” ayon kay Gatchalian.

 

 

Sinabi ng mga regional director,  mamamahagi sila ng mga relief goods alinsunod sa delivery plan na dinisenyo ng  DSWD Disaster Response and Management Group.

 

 

Batay sa pinakabagong data mula sa  National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), makikita na ang death toll mula sa pinagsamang  epekto ng Southwest Monsoon o Habagat at  Typhoon Egay  ay umakyat sa 27 “as of August 2.”

 

 

Tinatayang mahigit sa 2.8 milyong katao, o 765,000 pamilya ang apektado ng  tuloy-tuloy na pag-ulan at pagbaha sa 4,646 barangay sa buong bansa.  Sa nasabing bilang, may 289,713 indibiduwal ang na-displaced at inilipat sa 677 evacuation centers.

 

 

Idineklara naman ang state of calamity sa 154 lugar sa bansa dahil sa epekto ng Egay at Habagat. Ang mga lungsod at munisipalidad ay matatagpuan sa  Ilocos Region,  Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, at  Cordillera Administrative Region.

 

 

Ayon sa NDRRMC, 595 lugar ang nananatiling baha “as of Wednesday.”

 

 

Tinatayang  P187.4 milyong halaga ng tulong ang ibinigay sa mga apektadong rehiyon.  (Daris Jose)

LRT-Cavite Extension Phase 1 88% ng tapos

Posted on: August 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGTALA ng 88 porsiento completion ang Light Rail Transit Line 1 Cavite Extension Phase 1 matapos ang kalahating taon ng 2023 ng konstruksyon.

 

 

Ito ay ayon sa pribadong operator ng LRT Line 1 na Light Rail Manila Corp. (LRMC) kung saan sinabi na optimistic sila na matatapos ang proyekto sa darating na fourth quarter ng 2024.

 

 

“The significant progress is attributed to the completed design works, nearly completed procurement processes, ongoing construction works, and testing and commissioning,” wika ng LRMC.

 

 

Ang unang bahagi ay may 6.7 kilometro mula sa kabuohang 11 km-extension na Cavite Extension. Ito ay binubuo ng limang (5) estasyon na sa ngayon ay may iba ibang stages ng development tulad ng ongoing works ng civil works at structural, structural steel, architectural, mechanical, electrical, plumbing at fire protection.

 

 

Sa istasyon ng Redemptorist na siyang istasyon pagkatapos ng Baclaran south bound ay nakapagtala ng 59.8 porsientong kumpleto. Ang konstruksyon ay tinampok ang paglalagay ng roof sheeting at escalator.

 

 

Habang ang istasyon ng MIA na siyang pinakamalapit sa airport ay may naitalang 66.8 porsiento ng tapos. Sa ngayon ay naglalagay na ng roof sheeting at fire pump.

 

 

Kasunod ay ang istasyon sa Asia World na ikokonekta sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) upang magkaron ng mas convenient na paglalakbay ng mga pasahero papunta sa ibang modes ng transportasyon papunta sa kanilang mga destinasyon ay may naitalang 54.6 porsiento ng tapos. Natapos na ang paglalagay ng footbridge steelwork.

 

 

Ang istasyon sa Ninoy Aquino ay may naitalang 59.3 porsientong tapos kung saan may roof guttering, architectural builder works, equipment installation sa mga technical rooms, louvre installation at septic tank construction sa north side.

 

 

Pinakahuling istasyon sa Phase 1 ay ang Dr. Santos. Ito ay may naitalang 71.1 porsientong tapos na kung saan nailagay na ang fire pump, transformer at escalator.

 

 

Ang P69.4 billion LRT 1 Cavite expansion project ay isang public-private partnership (PPP) venture na pinayagan ng National Economic Development Authority (NEDA) noong November 2013 na may layunin na magdagdag ng 11.7-kilometer.

 

 

Magkakaron ng walong estasyon ito – Redemptorist, NAIA Avenue, Asia World, Ninoy Aquino at Dr. Santos sa Paranaque, Las Pinas at Zapote sa Las Pinas City at Niog sa Bacoor.

 

 

Kapag natapos ng tuluyan ang LRT 1 Cavite extension, inaasahan ng DOTr na magkakaroon ng 800,000 na pasahero mula sa dating 500,000.

 

 

Ang travel time mula Bacoor hanggang Central Station sa Taft, Manila ay mababawasan ng 1 oras at 45 na minuto. Sampu (10) minuto naman ang mababawas  papuntang Roosevelt station sa Quezon City mula sa Taft station kahit na rush hours.

 

 

Ang LRMC consortium na binubuo ng Metro Pacific Investments Corp.’s Metro Pacific Light Rail Corp., Ayala Corp.’s AC Infrastructure Holdings Corp., at Macquarie Infrastructure Holdings (Philippines) PTE Ltd. ay siyang nanalo ng kontrata para sa pagtatayo ng LRT-Cavite extension project. LASACMAR