Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
IKINATUWA ni Deputy Speaker at Las Pinas Representative Camille Villar, ang pag-apruba ng Kamara sa 3rd and Final Reading ang panukalang batas na layong i-convert ang Land Transportation Office (LTO) extension para gawin itong regular licensing center.
Sa botong 289 pabor, inaprubahan ng Kamara ang House Bill 8152 nuong Lunes, May 29, 2023.
“We are elated that our colleagues supported this measure not only for our constituents in Las Pinas but also for our neighboring towns,” pahayag ni Rep. Villar.
Si Rep. Villar ang principal author sa nasabing panukala.
Ayon kay Rep. Villar, sa sandaling maging ganap na batas ang nasabing measure, mas magiging epektibo ang pagbibigay serbisyo ng LTO-Las Pinas sa mga residente at sa mataas na bilang ng mga transactions. (Daris Jose)
NASABAT ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang biktima ng human trafficking na magtatrabaho bilang mga entertainers sa Singapore.
Sa ulat ng BI travel control and enforcement unit (TCEU) kay BI Commissioner Norman Tansingco na ang dalawa na may edad,25 at 34 ay tinangkang sumakay sa Scoot Airlines sa Clark International Airport (CIA) na nagpanggap na mga turista.
Itinanggi ng dalawa na magkakilala sila at sinabing bibiyehe sila upang magbakasyon pero sa beripikasyon nalaman na may active work permits na magtrabaho sa Singapore bilang mga entertainers.
Pero inamin sa bandang huli, inamin nila na nag-aplay sila sa pamamagitan ng online at sinabihan na mag turista sila para mapagtakpan ang totoong pakay nilang magtrabaho. Nagbayad sila ng P30,000 at P15,000 para sap ag-proseso ng kanilang dokumento.
“In many cases, these victims are made to believe that they will be working as entertainers, but many end up forced to work in sex trade,” ayon kay Tansingco. “This is a clear case of human trafficking, wherein the victims are instructed to pretend to be tourists,” dagdag pa nito.
Ang dalawa ay nasa kustodiya na ng CIA Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa pagsasampa ng demanda ng kanilang recruiters. GENE ADSUARA
KASAMA nga si Eula Valdes sa ensemble cast ng first-ever collaboration ng GMA Network at ABS-CBN Entertainment, ang “Unbreak My Heart” na napapanood na ngayon sa GMA Telebabad , Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV ng 11:25 p.m.
Pinagbibidahan ito nina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap at Jodi Sta. Maria.
Maganda ang role ni Eula bilang nanay ni Joshua sa teleserye, na kasamang naninirahan sa Switzerland. Si Romnick Sarmenta naman ang gumaganap na tatay ng aktor at asawa ni Eula.
Sa naganap na grand mediacon para sa “Unbreak My Heart”, natanong si Eula kung ano ang masasabi niya sa pinag-uusapan collaboration ng GMA at ABS-CBN, kasama ang Viu Philippines.
“Feeling ko is parang, kapag sa school ka ‘yung aabsent ka, ito may permiso na,” say ng mahusay na aktres.
“Parang kunwari matatapos ako sa project sa ABS-CBN, magpapaalam ganu’n. Ngayon legal na. Feeling ko na-experience ko ‘yung both worlds.
“Sobrang nawalan ng bigat na baka magtampo sila kapag sa kabilang network. Nawala ‘yung bigat.”
Dagdag pa ni Eula, “Sobrang nag-benefit ang mga artista. Blessed ako, itong lifetime na ito na-experience ko ang collab ng GMA at ABS, at ng Viu (Philippines).”
Kasama rin sa powerhouse cast ng “Unbreak My Heart” sina Laurice Guillen, Sunshine Cruz, Victor Neri, Nikki Valdez, Will Ashley, Jeremiah Lisbo, Bianca De Vera, Dionne Monsanto, Maey Bautista, Philip Joshua Endrinal, Mark Rivera, at marami pang iba.
Dahil sa Viu kami nanonood, advance naming napanood ang pilot week (Episode 1 to 4). Ngayong gabi pa lang ipalalabas sa GMA channel ang ikaapat na episode na kung saan lalabas ang character ni Gabbi at masisilayan ding kagandahan ng Italy, bukod pa sa Switzerland.
Nagpakitang gilas talaga sa husay sa pag-arte sina Jodi at Joshua, kasama pa ang kanilang sensual scenes. Hindi rin nagpahuli sa first week sina Richard, Laurice, Nikki at Eula, na pawang may kanya-kanyang highlights.
Congrats GMA, ABS at Viu, dahil tinututukan talaga ang “Unbreak My Heart” gabi-gabi at mahirap nang bitawan ng mga manonood.
(ROHN ROMULO)
KINATAWAN ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga mayor at city leaders sa buong mundo sa isinagawang high-level event ng United Nations Treaty on Plastic Pollution sa Paris, France na pinangasiwaan ng French Government at United Nations Environment Programme.
Sinabi ng alkalde kung gaano kahalaga na mapakinggan ang bawat sentimiyento ng mga lungsod at komunidad upang mas mapabuti ang Plastic Treaty na tutugon sa problema ng plastic pollution sa buong mundo.
Ayon sa alkalde, direktang apektado ang mga lungsod ng plastic crisis kaya kailangan nito ng suporta mula sa mga national leader.
Inihayag din ni Belmonte ang mga programa ng Quezon City sa plastic waste reduction gaya ng pagbabawal sa paggamit ng plastic bags at single-use plastics sa mga pamilihan sa QC, pagbabawal ng single-use containers at sachets sa mga hotel, at ang Trash to Cashback program na nagbibigay ng insentibo sa mga residente na mag-iipon at magdadala ng recyclable plastics sa designated areas.
Kasama ni Mayor Joy sa panel ng pagtitipon sina French Minister for Europe, and Foreign Affairs Catherine Colonna, French Minister for Ecological Transition and Territorial Cohesion of France Christophe Béchu, United Nations Environment Programme Executive Director Inger Andersen, Marine Biology Professor of University of Plymouth Prof. Richard Thompson, Ellen MacArthur Foundation Executive Head for Plastics and Finance program Rob Opsomer, World Wide Fund for Nature International Correspondent Marco Lambertini, at ang kinatawan ng mga kabataan na si Zuhair Ahmed Kowshik.
Ang pulong ay dinaluhan ng mga leader mula sa ibat-ibang bansa, at mga kinatawan ng mga international organization kabilang ang United Nations Environment Programme (UNEP), International Council for Local Environmental Initiatives (ICLEI), Ellen McArthur Foundation, Bloomberg Philanthropies, WWF, World Economic Forum (WEF), United Nations Development Programme (UNDP) and UN Habitat. (PAUL JOHN REYES)
MAGKAKALOOB ng mga masustansiyang pagkain ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa lahat ng ‘undernourished’ na bata sa loob ng 120 araw sa isang taon makaraang maipasa ang ordinansa ng Sangguniang Panglungsod.
Sinabi ni Vice Mayor Yul Servo na naipasa na sa ikatlo at huling pagbasa sa regular session nitong Mayo 25 ang ‘localized version’ ng Republic Act 11037 o ang Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act, na layong masolusyunan ang malnutrisyon sa mga kabataan.
Tatawagin ang ipinasa nila na ‘Masustansyang Pagkain para sa Batang Maynila Ordinance’, na magtatag sa Manila City Local Feeding Program sa mga daycare centers at pampublikong paaralan.
Dito magbibigay ng ‘fortified daily meals’ sa mga bata sa loob ng 120 araw o higit pa sa isang taon.
“Most children eat just to satisfy their hunger, without proper regard to their food’s nutritional value”, paliwanag ni 4th District Councilor Louisito “Doc Louie” Chua, ang principal author ng ordinansa.
Popondohan ang programa ng Special Education Fund at ipatutupad ng Manila Department of Social Welfare at may koordinasyon sa City Health Department at nasyunal na mga ahensya.
Ibinahagi naman ni Servo ang kaniyang sariling karanasan nang tumanggap din siya noong bata pa ng nutribun at gatas nang siya ay nasa elementarya pa.
UMAABOT sa P900 milyong halaga ng mga puslit na imported na sigarilyo at iba pang general merchandise, ang nadiskubre ng mga awtoridad sa isinagawang pag-iinspeksiyon ng Bureau of Customs (BOC) sa isang bodega sa Plaridel, Bulacan noong Biyernes.
Sa isinasagawang quick inventory sa mga goods na mula sa China, ay natuklasang nagkakahalaga ang mga illicit cigarettes ng hanggang P50 milyon.
Habang nadiskubre rin ang iba pang general merchandise, na kinabibilangan ng mga including intellectual property rights (IPR) infringing goods na daang milyon din ang halaga.
Nag-ugat ang operasyon matapos na maglabas si Customs Commissioner Bien Rubio ng Letter of Authority (LOA) at Mission Order (MO), na kaagad namang inimplementa ng mga ahente ng Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP), Enforcement and Security Service (ESS), at ng Philippine Coast Guard (PCG). “The team inspected the warehouses and found to contain imported illicit cigarettes, and other imported general merchandise, housewares, kitchenwares, and IPR-infringing goods,” ani Rubio.
Idinagdag pa niya na ang approximate value ng mga goods na nadiskubre sa bodega ay humigit kumulang sa P900 milyon.
Ayon kay CIIS-MICP chief Alvin Enciso, na siyang nanguna sa naturang operasyon na “our team showed the LOA to the warehouse representatives and they proceeded with the inspection after it was acknowledged.”
Pinuri naman ni Deputy Commissioner for Intelligence Group Juvymax Uy ang operasyon at sinabing hindi ito magiging posible kung wala ang maayos na kooperasyon mula sa mga respective government agencies.
Nabatid na ang mga may-ari ng mga goods ay pagpiprisintahin ng Customs authorities ng mga importation documents o proof of payment. (Daris Jose)