• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 2:04 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2023

Pag-agos ng lava flow, nagsimula na sa Mayon

Posted on: June 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGSIMULA na ang lava flow activity mula sa crater summit ng Bulkang Mayon, batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

 

 

Bukod dito, nakapagtala rin ang bulkan ng 21 volcanic earthquakes, 260 rockfall events at tatlong pyroclastic density current events sa nakalipas na 24 oras.

 

 

Ayon sa Phivolcs, pa­tuloy na nakikita ang ba­naag o crater glow sa bu­nganga ng bulkan.

 

 

Nakapagtala rin ang Mayon ng pagluwa ng 642 tonelada ng asupre nitong Hunyo 11.

 

 

Sa ngayon, nanatiling nasa Alert Level 3 ang bulkan.

 

 

Pinagbabawalan ang mga residente doon na pumasok sa 6 km radius permanent danger zone.

 

 

Ipinagbabawal din ang paglipad ng anumang uri ng aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa pagluwa ng bato at lava.

 

 

Samantala,  higit 13,811 katao inilikas na sa pag-aalburoto ng Mayon, ayon sa NDRRMC

 

 

Imbes na tumaas, bumaba nang halos 1,000 ang bilang ng mga residenteng napalikas dulot ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon ngayong Martes kumpara kahapon ayon sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

 

 

Linggo lang ng gabi nang magsimulang umapaw ang lava mula sa bunganga ng bulkan, bagay na sinasabing “less violent” kumpara sa explosive eruptions na nangyari na noon.

 

 

“A total of 3,876 families or 13,811 persons were affected,” wika ng konseho ngayong araw.

 

 

“Of which, 3,701 families or 13,179 persons were served inside 21 [evacuation centers] and 175 families or 632 persons were served outside EC.”

 

 

Kapansin-pansing umabot na sa 14,376 ang bilang ng displaced persons nitong Lunes bagay na mas mataas nang husto kumpara ngayong araw.

 

 

Kung titilad-tilarin, narito ang itsura ngayon ng mga nasalanta sa Bicol Region:

 

apektado: 13,811

 

nasa loob ng evacuation centers: 13,179

 

nasa labas ng evacuation centers: 632

 

Samantala, umabot na rin sa 89 hayop ang sumailalim sa pre-emptive evacuation sa naturang rehiyon.

 

 

Lumobo naman na sa P25.61-milyong halaga ng ayuda ang inilabas para sa mga nasalanta sa Bikol sa porma:

 

hapunan: P40,000

 

tubig: P25,350

 

family food packs: P16.74 milyon

 

family tent: P81,000

 

hot meals: P17,000

 

hygiene kits: P3.43 milyon

 

modular tents: P1.46 milyon

 

sleeping kits: P2.72 milyon

 

bath towels, pancit dry, biscuits, rice: P92,380

 

family kit, hygiene kit: P973,720

 

iba pa: P10,000

 

 

Nakapagtala naman na ang ang state volcanologists ng mga sumusunod na seismic activities sa nakalipas na 24 oras:

 

volcanic earthquakes: 1

 

rockfall events: 221

 

pyroclastic density current event: 1

 

sulfur dioxide flux: 723 tonelada kada araw

 

plume: katamtamang pagsingaw; napadpad sa hilagangsilangan

 

ground deformation: namamaga ang bulkan

 

“Nakikita ang banaag (crater glow); mabagal na pag-agos ng lava mula sa summit crater,” dagdag pa ng Phivolcs. (Daris Jose)

Sobrang saya sa billboards nila ni Gela: SYLVIA, forever grateful and thankful sa Kapamilya Network

Posted on: June 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

FOREVER grateful and thankful ang premyadong aktres na si Sylvia Sanchez sa Kapamilya Network, ang kanyang mother studio simula pa noong 1997.

 

 

Sa kanyang Instagram post, kasama ang photos nila ng asawang si Papa Art Atayde, ang magkasintahan na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.
Ang mga larawan ay makikitang kuha sa rooftop ng isang building na kung saan natatanaw ang tower ng ABS-CBN.

 

 

Nilagyan ito ng caption ni Ibyang ng, “Caught a glimpse of home today. Will forever be grateful for the opportunities my home network has given me and even more, for the livelihood they helped secure for me and my family since 1997.

 

 

“Though so many things have changed, one thing remains the same — I will always be a Kapamilya.”
Kasama ang mga hashtags na #thankful #forevergrateful ❤️💚💙.

 

 

Pinusuan naman ito ng mga celebrity at netizens na natutuwa sa pag-i-stay niya sa Kapamilya network kahit wala na itong franchise.

 

 

“Thank you Ms. Ibyang for sticking with Kapamilya and for always being a Kapamilya.”
“Thank u po Ms Sylvia for being loyal to abs cbn God bless po.”
“Matagal ng artista kasi si Sylvia. At sa ABS-CBN lang sya naging household name via The Greatest Love teleserye. Kumbaga sa ABS lang sya nagkaroon ng lead role. At sa ABS din nakilala sina Arjo at Ria. Kaya forever grateful sya sa network na nagpasikat sa kanila.”
“Yan ang gusto ko sa tao – marunong tumanaw ng utan ng loob at magpasalamat.”
“May maternal vibe ito si Sylvia na tipong sya yung nanay na ang sarap uwian kasi may masarap na food sa bahay.”

 

 

Marami rin ang nakapansin kina Z at Ria, na bagay na bagay raw na mag-dyowa.

 

 

“Super bagay si Z and Ria.”
“Proud daw sya jowa ng anak nya si Z at love daw sya unconditionally.”
“Mas gwapo si Zanjoe dyan sa casual shots than sa Dirty Linen or ibang teleserye.”
“Ang pogi lalo ni Z nagdala ng bag ng gf niya.”
“Nakakatuwa si Zanjoe, di nahihiyang mag carry ng bag ng GF!!”
“Ganda ng mukha ni Ria.”
“Super. Di na kailangan mag effort. Maganda na talaga.”
“True. Ako din gandang ganda sa kanya. Sya ung usually na chubby and pretty face.”

 

 

Samantala, nag-uumapaw rin ang kaligayahan ni Sylvia sa bago nilang billboard ng isa pa niyang anak na si Gela Atayde, na kung saan pareho silang endorser ng Bench, na makikita sa EDSA-Guadalupe.

 

 

Simple lang ang caption niya na, “Dream come true ❤️”, kasama ang video at photo ng billboards na kuha mula sa isang helicopter.

 

 

Say pa ni Ibyang, “nakakatuwa lang at sa tanda kong to nagka-billboard pa at katabi ko pa si Gelatin ko.”

(ROHN ROMULO)

Titulong ‘Love Team Superstars’, patatatagin: MAVY, in love na dahil kay KYLINE na tinawag siyang ‘my protector’

Posted on: June 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
KASUNOD ng tagumpay ng “LUV IS: Caught In His Arms,” narito ang pangalawang collaboration project ng GMA Network at Wattpad WEBTOON Studios na pinamagatang “LUV IS: Love at First Read.”
Ang Sparkle stars na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara ay nakatakdang patatagin ang kanilang titulo bilang Love Team Superstars habang ginagampanan nila ang mga lead role na Kudos at Angelica/Abby sa serye.
Samantala, inamin na ni Mavy na inlove siya ngayon at dahil kay Kyline yun na kanyang mundo at ang aktres din ang meaning ng love para sa kanya.  ‘My protector’ naman ang tawag ni Kyline sa kanyang ka-loveteam.
Ang “LUV IS: Love at First Read” ay batay sa hit na Wattpad webnovel na mula sa may-akda na “Chixnita.” Ang kwento ay may mahigit 23 milyong view sa Wattpad.
Sinusundan ng serye ang kuwento ng Kudos, isang lihim na romantikong naghahanap ng perpektong babae. Nakahanap siya ng diary at naniniwala siyang para sa kanya ang may-ari nito na si Abby.
Gayunpaman, nakilala rin niya si Angelica, isang batang babae na walang tiwala sa mga lalaki at walang interes sa pag-ibig.
Mapapagaling kaya ng Kudos ang trust issues ni Angelica sa mga lalaki? Paano haharapin ni Kudos ang kanyang nararamdaman para kay Abby at Angelica?
Kasama sa ensemble cast sina Therese Malvar bilang Abigail, ang hopeless romantic best friend ni Angelica; Mariel Pamintuan bilang Sandy, ang walang kabuluhan at nakakainis na kaklase ni Angelica na nang-aapi sa kanya; Pam Prinster bilang si Hazel, isang matandang kaibigan at lihim na tagahanga ng Kudos; Bruce Roeland bilang Risk, isang certified playboy at pinsan ni Kudos; Josh Ford bilang Train, malapit na kaibigan at teammate ni Kudos sa varsity; Larkin Castor bilang Shield, ang nerdy na nakababatang kapatid ni Risk; Marco Masa bilang Dale, ang mapagmahal na kapatid ni Angelica; at Vito at Kiel Gueco bilang Psalm at Filemon, ang misteryosong kambal na kapatid at mga pinsan ni Kudos.
Nagdaragdag ng excitement sa feel-good na serye ang mga batikang artista na si Jackie Lou Blanco bilang Truly, isang simpleng maybahay kay Hector at isang mapagmalasakit na ina kay Kudos; Jestoni Alarcon bilang Hector, ang papaalis na ama ni Kudos; at Maricar de Mesa bilang Yumi, ang mapagmahal na ina ni Angelica.
Ang “LUV IS: Love at First Read” ay ginawa ng award-winning GMA Entertainment Group na pinamumunuan ni Senior Vice President Lilybeth G. Rasonable, Vice President for Drama Cheryl Ching-Sy, Assistant Vice President for Drama Helen Rose Sese, Program Manager Dennis Joi K. Bentulan, at Senior Executive Producer Winnie Hollis-Reyes, sa pakikipagtulungan sa Wattpad WEBTOON Studios na binubuo ni President Aron Levitz, Head of Global Entertainment David Madden, Head of Business Development and Strategic Initiatives Dexter Ong, at Development Executive Ryan Benitez.
Ang creative team sa likod ng hindi kapani-paniwalang dramang ito ay binubuo ni Creative Director Aloy Adlawan; Content Development Consultant Ricky Lee; Head Writer Maria Regina M. Amigo; Manunulat Liberty L. Trinidad; at Brainstormers Benjamin Benson A. Logronio at Loi Argel R. Nova.
Panoorin ang “LUV IS: Love at First Read” — sa ilalim ng direksyon ni Mark Sicat dela Cruz kasama ang Associate Director Carlo Cannu — Lunes hanggang Biyernes nang 5:40 p.m. sa GMA-7.
Mapapanood din ng Global Pinoy ang programa sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV. Para sa iba pang stories tungkol sa Kapuso Network, bisitahin ang www.GMANetwork.com.
(ROHN ROMULO)

Dahil sa mahinang internet connection: DIEGO, ‘di nasagot ang isyu tungkol sa pagiging bagong ama

Posted on: June 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
WALANG nagtagumpay na mapasagot si Diego Loyzaga tungkol sa diumano’y pagkakaroon niya ng anak.
Kontrobersyal ang Instagram post ni Diego Loyzaga noong June 8 dahil nag-post siya ng larawan niya na may kalong na baby at ang caption niya sa kanyang IG post ay, “The best birthday gift ever.”
Birthday ni Diego, who turned twenty-eight, noong May 21.
At sa presscon ng ‘Will You Be My Ex?’ kung saan si Diego ang leading man ni Julia Barretto, as expected ay natanong  si Diego tungkol sa kanyang pagiging bagong ama.
Via Zoom dumalo si Diego sa mediacon dahil kasalukuyan siyang nasa Perth sa Australia habang ginaganap ang presscon nitong Linggo, June 11.
Si MJ Marfori ng TV5 ang naglakas-loob na magtanong kay Diego tungkol sa pagiging bagong ama nito, pero bago ang pasabog na tanong ay kinumusta muna ni MJ si Diego sa Australia.
“Nakatulog ka na ba o puyat na puyat ka? Kumusta?” ang tanong ni MJ sa aktor.
“I came back there mga April and we were supposed to have a presscon,” umpisang sagot ni Diego, “pero it didn’t push through ‘coz I’m back here again now.
“And then last night was a celebration for Philippine Independence Day so Happy Independence Day to everybody out there.
“And it was really a big celebration here in Perth. It was in a big hotel and I was part of it. Saya, we went out.
 “Aside from that, there are other reasons why lagi akong puyat lately, so these eyebags, pinaghirapan ko yan.
“I am doing good, thanks for asking. Nakatulog na ako.”
Dito na sumundot ng tanong si MJ kay Diego ng, “So you’re well-adjusted as a new dad?”
Pero dahil sa mabagal o mahinang internet connection ay hindi na nasagot ni Diego ang tanong ni MJ.
O baka nga dahil sa unstable ang internet connection ni Diego kaya nahirapan siya na marinig ang ilan mga tanong sa kanya.
Sinabi naman ng mediacon moderator na si Jean Kiley sa pagbabalik ni Diego sa Pilipinas ay marahil masasagot na nito ang mga katanungan tungkol sa kanyang personal na buhay partikular ang tungkol sa sanggol na kalong niya sa larawan sa kanyang IG post.
Ipalalabas sa mga sinehan ang ‘Will You Be My Ex?’ sa June 21.
Ang pelikula ay sa direksyon ni Real Florido at mula sa produksyon ng Studio Viva, Firestarters Production at Viva Films.
***

HINDI nakisali sa uso ang Miss Manila 2023 beauty pageant dahil hindi pa rin sila tumanggap ng mga kandidatang may asawa, may anak, transgender at transsexual.

 

Kaya certified na natural-born women, single at walang anak ang dalawampung opisyal na kandidata ng Miss Manila 2023 na sina Jean Maxene Asay (Intramuros); Sheryl Ann Azucena (Ugbo Tondo); Bea Cecilio (Otis Pandacan); Shane Clamor (Zamora Pandacan); Hannah Therese Cruz (Sampaloc); Anna Carres de Mesa (Sta. Mesa); Leah Lei Gerosanib (Don Bosco Tondo); Charlynn Anne Icban (Blumentritt); Princess Keith Venus Lagata (Balut Tondo); Gabrielle Lantzer (Malate); Allaine Nuez (Punta Sta. Ana); Angela Okol (Paco); Karen Nicole Piccio (Pureza Sta. Mesa); Rethy Rosa (Maceda Sampaloc); Charmaine Salazar (Padre Faura); Juvyel Anne Saluta (Pandacan); Francine Tajanlangit (Roxas Boulevard); Julie Tarrayo (Sta. Cruz); Rycca Timog (Tayuman); at Ma. Theresa Villamor (Baseco Port Area).

 

Tulad ng alam na ng karamihan sa atin, sa bagong regulasyon ng ibang beauty agents tulad ng Miss Universe Philippines at Miss Universe ay puwede ng sumali kahit misis na, nanay na, o transexual at transgender.

 

Ayon sa paliwanag ni Kate Valenzuela, na head ng KreativDen Entertainment na isa sa major organizers/presenters ng Miss Manila 2023…

 

“Kasi hindi pa namin in-allow because yung Manila kasi maraming projects so we wanted… may mga naka-line up for Mrs. Manila, for Miss Gay, so apparently, naka-section kasi yung mga projects so siguro in the future we will consider that but… it was, ano kasi, it was parang, na-plan prior to yung ano, so we have to follow yung mga planned projects ng Tourism at tsaka ng local government ng Manila.

 

“So for the meantime, we stick with the Miss Manila, Mister Manila, Miss Gay, with that.”

 

Gaganapin sa June 23 alas siyete ng gabi sa Metropolitan Theater, at bongga ang host ng pageant, walang iba kundi si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

 

Magpe-perform naman sa pageant ang Power Diva at proud Manilenya na si Angeline Quinto na siya ring umawit ng Miss Manila theme song at ang rapper na si Kritiko at ang Filipino violinist na si Jo Bry Cimafranca.

 

Ang Miss Manila 2023 ay mula sa City of Manila sa pangunguna ni Mayor Honey Lacuna-Pangan, Department of Tourism, Culture and the Arts of Manila sa pangunguna ni Tourism Director Charlie Dungo, KreativDen Entertainment, at co-presented naman ng Philippine Chinese Chambers of Commerce and Industry at ng San Miguel Corporation.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

FIGHT FOR LOVE

Posted on: June 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MALE CHAUVINISM!!!Ayan ang matagal ng problema ni Max sa kanyang trabaho. Bakit hindi siya mabigyan ng fair chance porke’t male dominated job ang fire fighting? Hindi maalis sa isip niya ang natanggap na pa-welcome sa kanya.

 

 

“One month…I’ll give you one month para patunayan ang sarili mo.”

 

 

Sa dulo ng mahabang “scrutinizing gaze”, ayan ang salitang binitiwan sa kanya ni Deputy Chief Dylan Santillan, head ng station 5. Kung hindi nga lang mayroon siya pangako sa kanyang sarili at binitiwang salita sa kanyang ama na isang retired chief sa kanilang probinsiya, minsa’y naiisip na din niyang mag give up.

 

 

Nakatulugan na ni Max ang inis para sa bagong magiging “boss”. Ngunit buo ang kanyang hangarin na magpatuloy. Sapagkat iyon ang pinangarap niya sa buhay sapul pagkabata. Ang sundan ang yapak ng kanyang mahal na ama.

 

 

Kinabukasan ay buong kasiyahang sinimulan ni Max ang kanyang trabaho, sa ikatlong fire station so far na kanya nang nalipatan. Sa station 5 ay ipinakilala sa kanya ang makakasabayan niya ng duty sina Kuya Elmer at Kuya Isko, na ‘di umano ay matatagal ng mga bumbero ngunit nananatiling rank 1fire fighter ang ranngo. Kung bakit ay parang alam na niya. Kasama din nila ang all-around na si Tatay Rody o “tatang” kung tawagin nila. Aminado si Max na magaan agad ang loob niya rito. Para kasing nakikita niya kay tatay Rody ang kanya Papang Miguel.

 

 

Smooth sailing na sana ang first at second day ni Max. Paper works ang pinahawakan sa kanya. Ngunit pagdating ng sumunod pang mga araw ay unti-unti na siyang nakaramdam ng boredom.

 

 

Hindi naman secretary ang position na pinasok ko…pambihira bakit puro papel itong pinagagawa sa akin dito?

 

 

Pagkalipas ng walong araw sa wakas ay dumating ang pinakahihintay na sandali ni Max. Tumunog ang alarma…may sunog! Matic ang naging reaction ni Max, sa ilang segundo ay naisuot na niya ang kumpletong gear.

 

 

Yes! This is it pansit…Go! Go! Go! Get ready to fight Max!

 

 

“Saan ang lakad mo, Carlos?” buo ang tinig na sambit ni Chief Dylan mula sa likuran ni Max.

 

 

Napakunot-noo si Max sa tanong na iyon ni Dylan. Anong klaseng tanong ‘yon? Ano daw?

 

 

“Who give you order? Hindi ako…definitely” dugtong pa ni Dylan sa sarkastikong tono.

 

 

Tumayo nang tuwid si Max at deretsong tumitig sa mga mata nito. “Initiative, sir…”

 

 

“Namputsa! Sa trabaho nating ito hindi importante ang initiative…order…ORDER! Stay put…let’s go men! Double time!”

 

 

Sa isang sulok ng mata ni Max ay nakita niya ang tila nanunuyang pagngisi nina Elmer at Isko bago mabilis na sumunod sa paglabas ni Dylan.

 

 

Nasa fire truck na si Dylan nang punahin ito ni Nilo, ang engineer cum driver na ka-close sa lahat ni Dylan sa mga katrabaho.

 

 

“Chief, okay ka lang ba?”

 

 

Isang maikling tango ang tugon ni Dylan. Ngunit nanatiling nakaguhit ang kunot nito sa noo. Sa labas ng station, nakatayo noon si Tatay Rody hawak ang walis na may tangkay, ang sandata nito. Isang makahulugang tingin ang habol nito sa noo’y papalayong fire truck.

 

 

Sa loob ng station ay tila nilamukot na papel ang mukha ni Max sa pagkakasimangot. Walang anu-ano’y may biglang gumalabog.

 

 

      Bwisit kang basurahan ka may araw ka rin makikita mo!

 

 

Sinipa ni Max ang trash can. Doon ibinunton ang nadaramang inis para kay Dylan. (Itutuloy)

 

NOBELA NI LETICIA NATIVIDAD

Gibo, nangako na bibigyan ng ‘best of care’ ang mga war veterans

Posted on: June 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

DAPAT na bigyan ng tamang pangangalaga “to the best way possible” ang mga war veterans bilang tanda ng pasasalamat para sa kanilang serbisyo sa bansa.

 

 

“One of the essential tasks or jobs of the Secretary of National Defense is to ensure the welfare of our veterans. This is what the President [Ferdinand Marcos Jr.] continues to remind to me and I will strive hard to ensure that they get the best of care, particularly those who cannot care for themselves,” ayon kay  Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr.  matapos  pangunahan ang ika-125 anibersaryo ng Philippine Independence Day, araw ng LUnes, Hunyo 12, sa  Mausoleo de los Veteranos de la Revolucion (Mausoleum of the Veterans of the Revolution), Manila North Cemetery.

 

 

Bilang pagbibigay galang at papuri sa mga bayani, tagapagtanggol at mga makabayan, nag-alay si Teodoro ng bulaklak sa Mausoleo de los Veteranos de la Revolucion kung saan nakalibing ang mga  pumanaw na revolutionaries noong panahon ng  Philippine Revolution taong 1980s at  the Philippine-American War noong 1890s hanggang sa unang bahagi ng 1900s.

 

 

Inihalintulad naman ni Teodoro ang kalayaan ng bansa sa isang puno o tao na kailangang patuloy na alagaan at pagyamanin.

 

 

“Kailangan, tuluy-tuloy ang pakikibaka, paggamit ng ating mga likas na regalo ng ating Panginoon sa atin, ang ating mga utak, ang ating mga katawan, ang ating pag-iisip, at ambisyon para tuluy-tuloy ang pagsulong ng Republika ng Pilipinas at maging malakas na bansa ito, maging bansa na talagang titingalain sa buong mundo. Iyan palagay ko ang kailangan din nating gunitain ngayon kaalinsabay ng sakripisyo ng ating mga bayani,” paliwanag ni Teodoro.  (Daris Jose)

“TRANSFORMERS: RISE OF THE BEASTS” ROLLS OUT TO A ROARING US$171 GLOBAL OPENING WEEKEND, OPENS AT NO.1 IN PH

Posted on: June 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TRANSFORMERS Rise of the Beasts crushed its competition at the global box office with a massive weekend opening of US$171 million at the worldwide box office. 

 

 

In the Philippines, the film debuted at No.1 on its five-day opening weekend, nabbing a huge chunk of the market share.

 

 

Watch the new featurette:  https://youtu.be/7SGwr__AMX0 

 

 

The seventh installment in the Transformers franchise, Rise of the Beasts shows Optimus Prime and the rest of the Autobots teaming up with a whole new breed of Transformer – the Maximals – who join them as allies in their epic battle to save Cybertron and Earth against Unicron and the Terrorcons. The film has scored high among audiences, with an 88% audience score on Rotten Tomatoes, as of writing.

 

 

Local reviews for the film have been mostly positive, mainly for the direction it takes the franchise, and for standout characters such as the Maximals and humans Noah and Elena.

 

 

“The Rise of the Beasts continues on the path that Bumblebee started, and tries to bring a bit more sense and story into the Transformers universe. For the most part, it does,” writes Manila Bulletin. “Also, you can’t really go wrong with Optimus Prime commanding the Autobots to ‘Roll Out!,’ and Optimus Primal calling for the Maximals to ‘Maximize!’ It is a definite crowd pleaser.”

 

 

Says Manila Times, “It’s light like Saturday morning cartoons back in the day. It’s got comedy, a family angle, action and clever, lovable, noble robots fighting bad robots.”

 

 

The Fanboy SEO especially likes the new human characters. “I did like the new take on the human characters for the film in the form of [Anthony] Ramos’ Noah Diaz and Dominique Fishback’s Elena who all have their own plot lines that also gets resolved in a satisfying manner at the end of the film,” he says. “Great choice for giving us Elena, a believable ‘geek’ rather than an unbelievable supermodel who also has multiple PHDs.”

 

 

“Malinis at hindi nakakalito o nakakahilo ang labanan sa pelikulang ito,” shares ABS-CBN online. “Doon pa lang, panalo na kaagad ang Rise of the Beasts.”

 

 

“While the story is slow-building, Transformers: Rise of the Beasts ends up mind-blowing,” writes Philstarlife. “That final scene is one for the books.”

 

 

About Transformers: Rise of the Beasts

 

 

Returning to the action and spectacle that have captured moviegoers around the world, Transformers: Rise of the Beasts will take audiences on a ’90s globetrotting adventure with the Autobots and introduce a whole new breed of Transformer – the Maximals – to join them as allies in the existing battle for earth. Directed by Steven Caple Jr. and starring Anthony Ramos and Dominique Fishback, the film arrives in theaters June 7.

 

 

The screenplay is by Joby Harold and Darnell Metayer & Josh Peters and Erich Hoeber & Jon Hoeber, story by Joby Harold, based on Hasbro’s Transformers™ Action Figures.

 

 

Produced by Lorenzo di Bonaventura, Tom DeSanto & Don Murphy, Michael Bay, Mark Vahradian, Duncan Henderson.

 

 

The film stars Anthony Ramos, Dominique Fishback, Tobe Nwigwe, Peter Cullen, Ron Perlman, Peter Dinklage, Michelle Yeoh, Liza Koshy, John DiMaggio, David Sobolov, Michaela Jae Rodriguez, Pete Davidson, Cristo Fernández.

 

 

Transformers: Rise of the Beasts is distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures. Connect with #Transformers #RiseOfTheBeasts and tag @paramountpicsph

(ROHN ROMULO)

UNQUALIFIED OPINION MULA SA COA, TINANGGAP NG QC LGU SA IKATLONG SUNUD-SUNOD NA PAGKAKATAON

Posted on: June 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ni Quezon City Mayor Joy Belmonte nitong Independence Day celebration na nakatanggap muli sa ikatlong sunud-sunod na pagkakataon ng “unqualified opinion” mula sa Commission on Audit ang pamahalaang lokal ng Quezon City para sa 2022 annual audit report matapos ang mahigpit na assessment.

 

 

Ang “unqualified opinion” ay ang pinakamataas na audit opinion na ibinibigay ng COA sa mga ahensya ng pamahalaan, kabilang na ang mga lokal government units.

 

 

Ayon kay Belmonte, sa ikatlong sunod na taon mapalad ang Quezon City na mabiyayaan ng ganitong parangal. Ito’y patunay lang ng ating tuluy-tuloy na tapat na pamamahala, at pagiging masinop sa paggamit ng pondo ng taumbayan.

 

 

Dagdag pa ng alkalde, hindi natin maaabot ang pagkilalang ito kung hindi dahil sa masisipag at tapat na mga tauhan ng pamahalaang lokal, para sa inyo ang parangal na ito.

 

 

Ayon naman kay Joseph Perez, Supervising Auditor ng COA-QC, nakapasa sa masusing pagsisiyasat ng COA ang financial statement ng lungsod at ito ay naaayon sa “applicable fimancial reporting framework.

 

 

Si Perez din ang nagpaabot ng balita kay Belmonte kaugnay sa nasabing parangal nang siya ay nag courtesy call sa alkalde.

 

 

Personal na tinanggap ni Belmonte ang COA annual report  mula kay Perez, kasama sina City Administrator Michael Alimurung, Secretary to the Mayor Ricardo Belmonte Jr., and Office of the City Mayor (OCM) Chief of Staff Rowena Macatao. (PAUL JOHN REYES)

Natawa ang aktor nang hiritan kung ‘gipit na gipit’ ba sila: MARIAN, proud na proud sa mga achievement ni DINGDONG

Posted on: June 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
PROUD wifey ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.
Kasama ito ni Dingdong Dantes sa ginanap na contract signing sa partnership between Dingdong.ph at RiderKo.
Ayon sa Instagram post ni Marian, “Cheers to my amazing husband! Your passion and dedication to work is truly inspiring. I am in awe in your hard work and commitment to your projects.
“Congratulations on this latest achievement, and know that I am always by your side, cheering you on every step of the way.”
Pinuri rin ni Marian ang bunsong kapatid ni Dingdong na si Vicki Dantes na masasabing pinaka-close kay Marian. Tila si Vicki ang katuwang ni Dingdong sa business niya na ito.
Sey ni Marian kay Vicki, “And to my dear sister @vickidantes I just wanted to let you know how proud I am of you. I have been watching closely and and have seen all the hard work and dedication you put into this project. You truly deserves all the success that come your way.”
Grabe lang din ang mag-asawang DongYan napakasisipag. Both sa kanilang showbiz career at mga negosyo.
Natawa na lang tuloy si Dingdong nang hiritan ito sa mediacon ng ‘Royal Blood’ kung “gipit na gipit” daw ba sila dahil nga left and right ang mga ginagawa nila, lalo na this year.
***
NAGBALIK tanaw si Dion Ignacio noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.
 19 years na rin pala mula sa original batch ng ‘StarStruck’ kunsaan siya napabilang.
Sabi ni Dion, “Sa totoo lang, akala ko after ng StarStruck, wala na, hindi na magtutuloy-tuloy ang career ko.
“Pero salamat talaga kay Lord, 19 years na ako sa GMA at talagang nagpapasalamat ako sa kanila dahil sa tiwala nila sa akin.”
May asawa at dalawang anak na si Dion. At masasabing malayo na rin ang estado ng buhay niya kumpara noong nagsisimula pa lang siya.
Pero ang maganda sa kanya, hindi siya mayabang. Hanggang ngayon, hindi siya yung pa-importante talaga.
At gano’n na lang din ang pasasalamat ni Dion na dahil sa ‘Alternate’ na serye kunsaan, naging double siya ni Dingdong Dantes, naging malapit siya rito.
At ‘eto nga, isa siya sa may magandang role ngayon sa pagbabalik GMA primetime ni Dingdong sa “Royal Blood.”
Ayon kay Dion, “Ibang sumuporta si Kuya Dong. Iba siyang mag-alaga. Hanggang ngayon, nai-starstruck pa rin ako sa ngayon. Ang galing niya sa lahat. Acting, hosting, magsalita.
“Kaya nag-thank you ako kay Kuya Dong, alam na niya ‘yon,” sey ni Dion.
Sa ‘Royal Blood’ din, tila hindi pa makapaniwala si Dion na ang katambal niya at gumaganap na asawa niya sa serye ay si Rhian Ramos.
(ROSE GARCIA)

Mga ahensiya ng pamahalaan, handang tulungan ang mga magsasaka sa ilalim ng ‘Masagana’ program

Posted on: June 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAY apat na ahensiya ng pamahalaan ang sanib-puwersa ngayon para tulungan ang mga magsasaka sa ilalim ng Masagana Rice Industry Development Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

 

 

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni National Irrigation Administration (NIA) acting administrator Eduardo Guillen na ang programa ay isang c”onvergence effort” ng  Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Agriculture (DA), Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

 

Target aniya ng Masagana rice program na tulungan ang mga magsasakang Filipino pagdating sa climate change adaptation at gawin ang kanilang sakahan na mas matibay at matatag laban sa ‘malupit’ na weather conditions.

 

 

“In this partnership, one of the responsibilities of the DPWH is to facilitate water management by connecting small water-impounding projects to irrigation facilities,” ayon kay Guillen.

 

 

“On the part of (the) NIA, our suggestion is to reposition our production. For example, during the dry season, we know that the yield of the hybrid is high, so we will teach hybrid production in the dry season. And then in the wet season, we will see, we should release water…So those are the systems,” ayon pa rin kay Guillen.

 

 

Winika pa nito na layon ng programa na magkaroon ng isang  irrigation cooperative sa bawat bayan sa pamamagitan ng pag-cluster sa lahat ng  irrigator associations sa bawat munisipalidad.

 

 

“So that we can have economies of scale production and to easily deliver the right aid or service or farm inputs to them,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Samantala, kumpiyansa naman si Guillen na makakamit sa taong 2027 ang target ng gobyerno na 97% ng rice self-sufficiency.

 

 

“We can provide the right assistance or inputs to our farmers. Like in the case of hybrid rice, we know that our farmers can’t be convinced to plant hybrid rice sometimes because the input is expensive, it needs more water and more fertilizer,” anito.

 

 

Aniya pa, sa tulong ng “seeds at fertilizers” sa ilalim ng National Rice Program, magagawa ng pamahalaan na hikayatin ang mga magsasaka na gumawa ng  hybrid planting sa panahon ng  dry season.  (Daris Jose)