• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 5:38 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2023

PBBM, umaasa na makadadalo sa climate change conference sa Dubai

Posted on: June 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UMAASA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makadadalo sa 2023 United Nations Climate Change Conference sa Dubai sa Disyembre ngayong taon.

 

 

“I hope we will be able to attend because climate change is a primordial issue,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Si UAE Ambassador Extraordinary at Plenipotentiary Mohamed Obaid Salem Alqataam Alzaabi ang nagpaabot ng imbitasyon kay Pangulong Marcos nang mag-courtesy visit ang una sa huli sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes.

 

 

Sinabi pa ng Punong Ehekutibo na nais din niyang i-check ang situwasyon ng mga overseas Filipino workers sa nasabing bansa.

 

 

Tinuran pa nito na dapat na i-renew ang ugnayan ng Pilipinas sa  United Arab Emirates  upang patuloy na matiyak ang kapakanan ng mga manggagawang filipino roon.

 

 

“Beyond the conference of parties is that we also want to renew our ties with UAE, madaming Pilipino doon, kaya’t kailangan makatiyak tayo na patuloy ang kanilang magandang pagtrato sa ating mga kababayan sa UAE,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

They have been very welcoming, they have treated our people very well. Yhey have protected them, and they have allowed them to make a living in the UAE so that’s something that we hope to continue and even progress further,” aniya pa rin.

 

 

Ang COP ay supreme decision-making body ng  Convention na inatasan na rebisahin at suriin ang “national communications at emission inventories” na isinumite ng mga partido. (Daris Jose)

‘The Manila Film Festival’, matagumpay ang pagbabalik: VM YUL, nailang sa muling pag-arte at may movie kasama si NORA

Posted on: June 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ANG orihinal na inilunsad ni dating Manila Mayor Antonio Villegas bilang Metropolitan Film Festival noong 1960s, ay nagbabalik na sa bago nitong pangalan na The Manila Film Festival (TMFF).

 

Sa nilagdaang Memorandum of Agreement noong Pebrero, ibinahagi nga ni Manila Mayor Honey Lacuna kung gaano siya kasaya na maibalik ang magic ng film industry sa tulong ni Vice Mayor Yul Servo.

 

Ang TMFF ay naglalayong i-promote ang mga lokal na pelikula, na kung saan uusbong ang bagong henerasyon ng mga mahuhusay at kabataang filmmakers, na dapat nating suportahan.

 

Sa pagsisimula ng film festival noong Hunyo 15 na ginanap sa SM City Manila, dinaluhan nina Mayor Lacuna at VM Servo ang premiete night. Na ayon sa kanila ay isa ang TMMF sa mga aktibidad para sa Araw ng Maynila.

 

Kasalukuyang pinalalabas ang five entries na magtatapos sa Hunyo 24. Ia-announce pa kung kailan magaganap ang awards night.

 

Ang film producer na si Ms. Edith Fider ay bahagi rin ng pagdiriwang na kung saan nagbabalik na nga ang The Manila Film Festival.

 

Ang limang kalahok sa film festival ang mga sumusunod: ang psychological horror na ‘The Uncanny,’ directed by Kyle Abay-Abay, mula sa Colegio de San Juan de Letran starring Zyrish Quierrez, Ice Lee Genre; ang crime-thriller ‘Unspoken,’ written and directed by Daniella Javierto mula sa Arellano University, Pasig starring Lara Lagdaan, David King Escio, Stephen Legaspi and Irish Vistan, ang comedy na ‘The Adventures of Kween Jhonabelle,’ written and directed by Carlo James Buan mula Colegio de San Juan de Letran starring Larizze Ann J. Eco, Kian Co, Samantha Faith Valdez Batula and Stephanie Kayla L. Quitlong, ang love story with advocacy na ‘Thanks for the Broken Heart,’ directed by Cess Cruz mula sa University of The Philippines at University of Makati, starring Lance Raymundo, Gerlaine Silva, Mary Sharapova at Oliver Lacson, at ang psychological thriller, ‘CTRL-F-ESC,’ directed by Justin Bobier mula sa Adamson University, starring Kych Minemoto, Sue Prado, Leilani Kate Yalung, Yul Servo, Francheska Manalastas, Rina Napura and James Guanlao.

 

Mula sa 300 entries, pumili ang komite ng film festival ng 20 pelikula at nakuha ang five top entries na bibigyan ng grant na nagkakahalaga ng P300,000 hanggang sa maximum na P500,000.

 

***

 

KASAMA nga si VM Yul Servo sa film entry na ‘CTRL-F-ESC,’ na nagsilbing pagbabalik niya sa big screen.
Aminado ang butihing Vice Mayor na nailang siya at medyo nangapa sa muling pagsalang sa pag-arte.

 

“First time ko ulit umarte ngayon. Matagal nang panahon na umarte ako sa harapan ng kamera. Kaya nga ilang na ilang ako habang umaarte.

 

“Kahit na sabihing award-winning ka, para kang lapis na pumupurol, kaya kailangan mong tahasan, pag gagamitin mo na.

 

“Kaya dito, nabigla ako, buti na lang magaling naman ‘yun direktor at production, kahit mga bata sila. Sabi ko nga kanila, pag di nila type, ok lang na ulitin natin.

 

“Mukhang okay naman sa kanila. Mabilisang trabaho lang kasi ito, pero nalampasan ko, kaya nakatutuwa naman.”
Sabi pa ng actor/politician, “kasi pag gagawa ako ng pelikula, nag-i-stage play muna ako, tapos doon ako maghahasa sa pag-arte. Pero dito, sumalang agad ako eh.”

 

Pinayagan naman daw ni Mayor Honey na gumawa ng pelikula, kaya magkakatalo na lang ito sa kanyang hectic schedule bilang Vice Mayor na ang goal niya ay present palagi sa buong termino.

 

May inoper na raw sa kanya na movie si Edith Fider at nabasa na niya ang magandang script kaya hoping siya na maging bahagi nito.

 

May ibinunyag din siyang isa pang film project na kung saan muli niyang makakasama si National Artist Nora Aunor.
Pahayag pa ni VM Yul, “kung dati parang loveteam kami o leading lady (sa movie na ‘Naglalayag’), ngayon nanay ko naman.”

 

Wow, isa naman itong kaabang-abang na pelikula nang nag-iisang Superstar, na sana’y magtuloy-tuloy ang plano.

(ROHN ROMULO)

Ads June 17, 2023

Posted on: June 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Pagpapatupad ng universal health care, isa sa “biggest projects” ni PBBM

Posted on: June 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ISA sa “biggest projects” ng administrasyong Marcos ang ipatupad ang Universal Health Care Act.

 

 

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang naging talumpati sa Koronadal City, South Cotabato, nang idaos ang paglulunsad ng Healthcare System and Referral Manual para sa lalawigan.

 

 

Ayon sa Pangulo, siya at ang bagong Health Secretary na si Teodoro Herbosa ay nagsimula nang masusing pag-aralan kung paano gagawin ang nationwide implementation ng batas gaya ng matagumpay na isinagawa sa South Cotabato.

 

 

Ang Universal Health Care Act ay tinintahan noong 2019 ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

 

Ang “full implementation” nito ay inaasahan na tatagal ng 10 taon.

 

 

“The Universal Health Care Act is simple. It’s saying everyone who’s a Filipino citizen should be supported  in buying medicines, consulting a doctor.. We should also help them in their hospitalization  and their treatment,” ayon sa Pangulo.

 

 

Sa kabilang dako, pinangunahan naman ni Pangulong Marcos ang pamamahagi ng tulong mula sa pamahalaan.

 

 

Kasama ng Pangulo si Social Welfare Secretary Rex Gatchalian na nag-abot ng P10,000 cash aid sa bawat isa sa 2,000 benepisaryo.

 

 

Samantala, tinulungan din ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang 619 benepisaryo sa ilalim ng Integrated Livelihood Program nito, umabot sa P13 milyon. (Daris Jose)

Go with the flow na lang sila ni Mikael: MEGAN, ‘di nilalagyan ng date kung kailan mabubuntis

Posted on: June 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT tatlong taon ng mag-asawa sina Megan Young at Mikael Daez, January 25, 2020 sila ikinasal, kaya naman hanggang ngayon ay inaabangan pa rin ng publiko kung kailan sila magkakaroon ng anak.

 

“Eto na… hintayin niyo pa lalo,” ang bulalas ni Megan.

 

“Hindi mo nilalagyan ng date ang mga ganyan, nangyayari lang talaga.

 

“Kung meron, meron. Let’s see what life brings.”

 

Iaanunsiyo naman nila siguro kapag nagdadalang-tao na si Megan.

 

“Malay mo? Hindi niyo alam biglang malaki na pala yung tiyan ko,” at tumawa si Megan.

 

“Go with the flow naman kami.”

 

Samantala, gaganap si Megan sa ‘Royal Blood’ bilang Diana at si Mikael bilang si Kristoff.

 

Mapapanood ang teleserye simula June 19 weeknights 8:50 p.m. sa GMA at 11:30 p.m. mula Lunes hanggang Huwebes at 11 p.m. tuwing Biyernes sa GTV.

 

 

Sa direksyon ni Dominic Zapata, nasa ‘Royal Blood’ sina Rabiya Mateo (bilang Tasha), Dion Ignacio (bilang Andrew), Lianne Valentin (bilang Beatrice), at may mahalagang papel naman sa serye si Tirso Cruz III bilang si Gustavo Royales.

 

 

Kasama rin sina Ces Quesada (bilang Aling Cleofe), Benjie Paras (bilang Otep), Carmen Soriano (bilang Camilla), Arthur Solinap (bilang Emil), ang Sparkle Teens na sina James Graham (bilang Louie), Aidan Veneracion (bilang Archie), Princess Aliyah (bilang Anne) at ang child actress na si Sienna Stevens (bilang Lizzie).

 

 

***

 

 

TUNGKOL sa multo at “multo ng nakaraan” ang pelikulang ‘The Revelation’ kaya tinanong namin ang lead actress ng pelikula na si Ana Jalandoni kung nakakita na ba siya ng multo sa tunay na buhay.

 

 

“Opo! Sa bahay ko mismo, sa Cavite. Meron, guy,” bulalas ni Ana.

 

 

 

Maraming beses raw nagpakita kay Ana ang lalaking multo.

 

 

 

“Umalis lang siya noong… nawala lang siya nung nagpa-bless ako [ng bahay] ng tatlong beses.”

 

 

 

Hindi na raw inalam ni Ana kung sino o ano ang background ng naturang multo.

 

 

 

“Meron pang bata, nakikita kapag madaling-araw. Second floor na may bata naglalaro sa hagdanan. Nawala na din.”

 

 

 

Doon pa rin nakatira si Ana pero wala nang nagpapakita.

 

 

Pagpapatuloy pa ng seksing aktres…

 

 

“Dati kasi bungalow siya, pinagiba ko, nilagyan ng second floor, so hindi ko masasabi kung ano’ng nangyari doon.”

 

 

 

May twist sa kuwento ng ‘The Revelation’, kung totong multo nga ba ang makikita o bunga lamang ang lahat ng mental anxiety at depression ng mga karakter sa pelikula.

 

 

 

Gaganap bilang si Gwen si Ana sa ‘The Revelation’ kung saan kasama niya sina Aljur Abrenica (bilang Lance), Vin Abrenica (bilang Vincent) at Jelai Andres (bilang Alex).

 

 

 

Sa panulat ni Joyzel Dulay at sa direksyon ni Ray An Dulay.

 

 

 

Mula ito sa House of Prime Films at Hand Held Entertainment Productions ni Kate Javier at ipapalabas sa mga sinehan ngayong Hunyo 21.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

GCash nagbabala laban sa gambling apps na ginagamit sa phishing

Posted on: June 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ILANG gambling sites at apps na ginamit para sa account takeovers sa pagdami ng phishing scams kamakailan ang natuklasan sa isinagawang imbestigasyon ng National Privacy Commission (NPC) at ng nangungunang mobile wallet GCash.

 

 

Dagdag pa, ilang influencers ang maaaring hindi sinasadyang isinulong ang mga gaming apps na ito na hindi batid ang fraudulent nature nito.

 

 

Dahil dito ay mahigpit na binalaan ng GCash ang mga user nito na lubos na mag-ingat sa pag-access sa online gambling sites at apps, at iwasan ang mga ito kung maaari.

 

 

Sa pinakabagong eskemang ito, ang mga salarin ay lumikha ng gambling apps habang nagpapanggap na accredited ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Nililinlang ng mga apps na ito ang mga user sa pamamagitan ng verification process, nire-redirect sila sa pekeng GCash website o payment page para sa betting credits. Mula roon ay nagagawang ma-access ng mga fraudster ang mga sensitibong impormasyon tulad ng credit card details, passwords, GCash numbers, MPINs, OTPs, at iba pang personal data na maaaring magamit para magkaroon ng unauthorized access sa user accounts.

 

 

“The trust and safety of our customers remain our top priority which is why we are relentless in ensuring the public is made aware of phishing scams related to online gambling. This goes hand-in-hand with our own world-class security features and innovations that gives our users additional layers of protection against evolving threats,” pagbibigay-diin ni GCash Chief Technology and Operations Officer Pebbles Sy.

 

 

Noong nakaraang buwan ay inanunsiyo ng mobile wallet company ang pakikipagtulungan nito sa iba’t ibang law enforcement agencies upang imbestigahan ang napigilang phishing attempt na naayos ng GCash cybersecurity team sa parehong araw na na-monitor nila ang insidente. Natunton ng internal investigation ng GCash ang phishing link sa fraudulent messages na nagpapanggap bilang SIM card registration.

 

 

“Our intensified collaboration with law enforcement authorities will continue to expose these scams, but we encourage everyone to join this crusade by staying informed about phishing,” dagdag ni Sy.

 

 

Patuloy na nakikipagtulungan ang GCash sa mga awtoridad, kabilang ang Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation, at Cybercrime Investigation and Coordinating Center.

 

 

Muling pinaalalahanan ng GCash ang mga user na kailanman ay huwag i-share ang kanilang MPIN o OTP sa iba at iwasang i-click ang unknown links mula sa websites, emails, o messaging apps.

 

 

Para sa tulong, maaaring tumawag ang mga user sa PNP-ACG sa kanilang hotlines sa (02) 8414-1560 o 0998-598-8116, o via email sa acg@pnp.gov.ph.

 

 

Para mag-report ng scams at iba pang fraudulent activities, ang mga user ay maaari ring bumisita sa official GCash Help Center sa app o sa help.gcash.com, i-message si Gigi at i-type ang “I want to report a scam.” Maaari ring tumawag ang mga customer sa official GCash hotline sa 2882 para sa mga katanungan at iba pang concerns.

PBBM, kumpiyansa na sapat ang budget para sa Mayon-affected residents

Posted on: June 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KUMPIYANSANG sinabi ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. na may sapat na pondo ang pamahalaan para bigyan ng karagdagang suporta ang mga pamilyang apektado ng kamakailan lamang na aktibidad ng Bulkang Mayon.

 

 

Sa isang ambush interview sa Taguig City, tinanong kasi si Pangulo Marcos kung may sapat na pondo para tulungan ang mga apektadong residente.

 

 

Naunang sinabi ng  Albay government na nangangailangan ito ng P166.7 milyong piso mula sa  national government para tiyakin na magpapatuloy ang pagbibigay ng tulong.

 

 

Sinabi ng Pangulo na inatasan na nito ang mga ahensiya ng pamahalaan na gamitin at ipamahagi ng maayos at naaayon ang pondo.

 

 

“I think in terms of the actual na gastos na ano, palagay ko, alam ko naman may budget tayo diyan, pero ang instruction ko sa kanila, pag-aralan ninyo ng mabuti, hindi ‘yung basta kayo bigay nang bigay ng pera, kailangan tingnan ninyo ano ba ang problema para maayos natin kung ano ang problema nila,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Hindi naman idinetalye ni Pangulong Marcos kung saan huhugutin ang pondo.

 

 

Sa situational briefing, ipinaliwanag ni Albay Gov. Edcel Greco Lagman na nangangailangan ang provincial government ng  P196,711,000 para tulungan ang mga bakwit sa loob ng 90 araw.

 

 

Sa nasabing halaga,  P156.71 milyong piso ang mapupunta sa  relief services; P5 milyong piso para sa tubig at sanitation; P10 milyong piso para sa  health emergency services; P10 milyong piso para sa temporary learning spaces; P5 milyong piso para sa  livestock evacuation; P5 milyong piso para sa  logistics; at P10 milyong piso para sa  emergency assistance.

 

 

Winika pa ni Lagman na ang P30 milyong piso mula sa  quick response fund ng lalawigan ay ginagamit na ng  provincial government.  (Daris Jose)

June 28, idineklara ng Malakanyang bilang national holiday

Posted on: June 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ng Malakanyang na national holiday ang Hunyo 28, 2023 sa buong bansa  bilang pagdiriwang ng Eid’l Adha o  Feast of Sacrifice.

 

 

Ang Proclamation No. 258,  may petsang Hunyo 13, 2023 at nilagdaan ni  Executive Secretary Lucas Bersamin, ay nagsasaad na “ang Eid’l Adha  ay isa sa “greatest feasts” ng Islam na ipinagdiriwang ng buong mundo.

 

 

“Following the 1444 Hijrah Islamic Lunar Calendar, the National Commission on Muslim Filipinos has recommended that 28 June 2023, Wednesday, be declared a national holiday, in observance of Eid’l Adha,” ang nakasaad sa proklamasyon.

 

 

Nakasaad sa Republic Act No. 9849  na  “Tenth day of Zhul Hijja, the Twelfth month of the Islamic Calendar, a national holiday for the observance of Eidul Adha (Eid’l Adha), with a movable date.”

 

 

Ang Eid’l Adha  ay ang panghuli sa dalawang kapistahang Islamiko na ipinagdiriwang sa buong mundo bawat taon (ang isa naman ay Eid al-Fitr), at itinuturing bilang nakababanal sa dalawa. (Daris Jose)

Kung bawal umapir sa TVJ show sa TV5: ALDEN, pwedeng mag-guest sa ‘Eat Bulaga’ pero ‘di payag maging host

Posted on: June 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MULING nag-post sa kanyang Instagram si Megastar Sharon Cuneta tungkol sa gagawin nilang movie ni Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards: “Surprise! With our other co-stars Miles Ocampo and Tonton Gutierrez!!!”

 

 

Kaya ang dami lalong na-excite sa post na ito ni Sharon na mga fans at nagsabing si Tonton daw ang pinagselosan noon ni Gabby Concepcion.

 

 

Sunud-sunod kasi ang paggawa ng movie noon nina Sharon at Tonton, like “Nakagapos ng Puso,” “Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin,” at “Pasan Ko Ang Daigdig.”

 

 

Natuwa rin si Sharon na muli niyang makakasama si Miles na parang anak daw niya noong ginawa nila ni Ai Ai delas Alas ang “BFF: Best Friends Forever” noon.

 

 

Ayon pa kay Sharon, tinanggap daw niya ang offer na movie ng CineKo Productions, dahil sa mga co-stars niya at nagustuhan din niya ang script ni Mel del Rosario at si Nuel Naval pa ang director.

 

 

Nakailang acting workshop na sila, nag-looktest na rin, at kahapon, June 15 sila nag-story conference. Sa Tuesday, June 20 na sila mag-start ng shooting.

 

 

                                                            ***

 

 

HINDI pa rin natatapos ang mga pagtatanong kay Alden Richards kung hindi ba siya magho-host ng “Eat Bulaga” ng TAPE, Inc.

 

 

Nilinaw na ni Alden na pwede naman siyang mag-appear sa noontime show, iyon ay kung mayroon siyang ipu-promote na show, pero hindi siya papayag na maging regular host nito.

 

 

Nilinaw din ni Alden na hindi naman siya pwedeng mag-appear sa show ng TVJ sa TV5, dahil contract artist siya ng GMA Network.

 

 

Magiging busy na rin kasi si Alden sa taping ng talent show na siya ang host, ang “Battle of the Judges,” at sa pagsu-shooting ng movie nga nila ni Sharon Cuneta.

 

 

                                                            ***

 

 

NAGING open naman si Sparkle artist Kyline Alcantara tungkol sa real status ng relasyon nila ni Sparkle artist din na si Mavy Legaspi, nang ma-interview siya ni Boy Abund as “Fast Talk with Boy Abunda.”

 

 

Inamin niyang nililigawan siya ngayon ni Mavy at pareho naman silang hindi nagmamadali.

 

 

“Naroon pa lang po kami sa courting stage and it might be cliché but we are really taking things slow.”

 

 

Tinanong siya ni Boy kung gaano na niya kamahal si Mavy sa score na one to 10, sagot ni Kyline, 7.5, at si Mavy rin ang lamang ng kanyang puso kung bubuksan ito ngayon.

 

 

Next question ni Boy kay Kyline, ano ang magagawa sa kanya ni Mavy na hindi niya kayang patawarin, iyon daw ay ang cheating, pero naniniwala naman siya na hindi iyon gagawin sa kanya ni Mavy.

 

 

“Hindi mo ba siya mabibigyan ng second chance?” tanong pa ni Boy.

 

 

“Sa mga napagdaanan ko po, if I give him a second chance, if mag-cheat man siya, and I know na hindi naman niya gagawin; ibig sabihin po noon, hindi ako natuto sa mga pinagdaanan ko noon?”

 

 

Nang si Mavy naman ang na-interview ni Boy Abunda, sinabi naman nitong “si Kyline Alcantara raw ang kahulugan sa kanya ng pag-ibig.”

 

 

Kasalukuyan silang napapanood ngayon sa romantic series na “Luv Is: Love at First Read,” after “24 Oras.”

(NORA V. CALDERON)

Ads June 16, 2023

Posted on: June 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments