• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 6:16 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 22nd, 2023

Mas magaling daw na aktor kesa kay Aljur: VIN, flattered pero may kurot na nararamdam

Posted on: June 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments
PANGALAWANG beses na pagsasama sa isang pelikula nina Vin Abrenica at Aljur Abrenica ang ‘The Revelation’.
Unang nagkatrabaho ang magkapatid sa ‘Ang Hapis At Himagsik ni Hermano Puli’ noong 2016.
Ano ang advantage at disadvantage na makasama sa isang pelikula ang kanyang kapatid?
“At first, honestly, ang iniisip ko yung mga disadvantage talaga noong una kasi alam mong you’re too comfortable. Which turned out to be my advantage nung nagkaroon na kami ng eksena,” umpisang sinabi ni Vin.
“Every time na nakakasama ko si Kuya sa eksena, which is super-weird para sa akin kasi sobrang sarap na kaeksena ko siya kasi parang… yes kasi totoo as an actor, as your craft, kailangan preparado ka and all.
“But parang dito it’s more comfortable, mas buo yung emosyon kasi sa sobrang daming pinagdaanan niyo na sa buhay niyo noon napakadali na lang humugot.
“Halos napagdaanan na naming lahat in our lives in our lifetime tapos ngayon sa mga eksena namin napakadaling humugot from our real-life stories to put it in the scene.
“So para sa akin mas madali mas naging comfortable and mas naging buo yung every scene na ginawa namin.”
Ano ang nararamdaman ni Vin kapag may nagsasabing mas mahusay siyang aktor kaysa sa kuya niya?
“Honestly, for me, thank you to the people who think that way but super, it’s really flattering but at the end of the day kasi talaga he’s my brother.
“Maybe they can just say na, ‘Oh, you’re a good actor,’ but masakit lang masabi na mas magaling ka compared sa taong… itong taong ‘to, he’s my brother at mahal ko siya.
“Well to be honest, I’m just being honest, I’m pouring my heart, iyon ang nararamdaman ko.
“I’m flattered at the same time, may kurot siya sa akin.
“Ako, I look at him as a really, really good actor.
“Isa siya sa naging inspirasyon ko, I grew up watching all his teleseryes and movies from nag-start siya up to now.
“Isa ako sa mga fan niya, iyon ang masasabi ko.”
Kasama rin sa ‘The Revelation’ sina Ana Jalandoni at Jelai Andres.
Mula sa panulat ni Joyzel Dulay at sa direksyon ni Ray An Dulay.  Napapanood na ito sa mga sinehan.
***
GOING strong ang relasyon ng mag-asawang Megan Young at Mikael Daez at ayon nga kay Megan ay halos 24/7 silang magkasama lalo pa nga at halos bagong kasal pa lamang sila ay nagkaroon na ng pandemic ng COVID-19 noong March 2020 kaya halos lahat ay nasa loob lamang ng bahay.
Ano ang sekreto at parang bagong kasal pa rin sila, napaka-sweet at hindi sila nagkakasawaan kahit lagi silang magkasama?
“We just enjoy life.
“Lagi pa rin kaming may nadi-discover sa isa’t-isa, I mean like with everything that we do. Like we’re creating [online] content all the time, we’re trying to keep up with the trends also so just in that in itself, andami kong natututunan sa kanya and andami rin niyang natututunan sa akin,” pahayag ni Megan na gumaganap bilang Diana sa ‘Royal Blood’ kung saan si Mikael naman ay si Kristoff.
Napapanood ang ‘Royal Blood’ na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes, weeknights 8:50 p.m. sa GMA at 11:30 p.m. mula Lunes hanggang Huwebes at 11 p.m. tuwing Biyernes sa GTV.
Sa direksyon ni Dominic Zapata, nasa cast din sina Rabiya Mateo, Dion Ignacio, Lianne Valentin, at may mahalagang papel naman sa serye si Tirso Cruz III bilang si Gustavo Royales.
Kasama rin sina Ces Quesada, Benjie Paras, Carmen Soriano, Arthur Solinap, James Graham, Aidan Veneracion, Princess Aliyah at ang child actress na si Sienna Stevens.
(ROMMEL L. GONZALES)

Ads June 22, 2023

Posted on: June 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Nag-reminisce sa 15 years na ‘di nagkita: GABBY, palaging concern sa happiness ni KC

Posted on: June 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ANG Kapuso love team and real couple na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, ang bibida sa “The Cheating Game,” ang first movie offering this 2023, ng GMA Public Affairs, na pioneer in documentary, talk and news magazine programming. 

 

 

First movie team-up din naman ito nina Julie Anne at Rayver, na unang napanood na mga hosts ng “The Clash” singing competition at mga mainstays ng Sunday GMA noontime show na “All Out Sundays.”

 

 

Ang “The Cheating Game” is a feverish, deep dive into the psyche of two individuals who were cheated on and how differently they react to betrayal.

 

 

Sa direksyon ni best-selling author, Rod Marmol, mapapanood na ito in cinemas simula sa July 26.

 

 

Ready na ba ang mga fans ng JulieVer na kiligin sa kanilang mga idolo, at makilaro sa kanila? Game na rin ba kayong masaktan?

 

 

Let the games begin!

 

 

***

 

ANG gandang panoorin ang vlog ni Gabby Concecpcion na “A Day Journey After 15 Years” na kausap niya ang panganay niyang anak, si KC Concepcion sa former wife niyang si Sharon Cuneta.

 

 

Nag-reminisce ang mag-ama noong 15 years silang hindi nagkita ni KC dahil nasa USA siya noon.  Pero alam daw ni Gabby na one day, hahanapin din siya ng anak at tatawagan siya nito.

 

 

Nagkatotoo nga iyon nang isang araw nakatanggap siya ng call sa anak at alam niyang si KC iyon, ang kanyang baby.

 

 

“First time kong nag-cut ng classes, naiwan ako ng school bus, matapos kong marinig ang boses mo, Papa,” kuwento naman ni KC.

 

 

“Natulala kasi ako, very nervous, pero hindi ko malilimutan na tuwing magkakausap tayo, lagi kang may time for me, you’re such a good father. Hindi mo ko minamadali kapag magkausap tayo,

 

 

“You are always with me not only in my good times but in the lowest of lows, you really love me, you listen, and you’re always at my side.”

 

 

Hindi rin daw malilimutan ni KC ang kanyang childhood with Gabby na naroon sila sa farm nito sa Batangas, ang dagat, shells, starfish, at iyong binibili raw lahat ng ama ang mga huling isda ng mga fishermen, ang mga outdoor adventures nilang mag-ama.

 

 

Sabi pa ni KC: “Papa is the first man I ever love and the first man of my life.”

 

 

Ang concern daw naman ni Gabby ay ang happiness ng anak.  “I always want to know if you’re happy in whatever you do.”

 

 

Very soon ay mapapanood na muli si Gabby on TV dahil matutuloy na ang pagtatambal nila ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, sa isang GMA teleserye.

 

 

***

 

SA mediacon ng GMA Afternoon series na “Magandang Dilag” na acting debut ni Binibining Pilipinas 2022 1st Runner Up Herlene Budol, nakumusta ang leading man niyang si Benjamin Alves, tungkol sa kasal niya sa non-showbiz girlfriend niyang si Chelsea Robato.

 

 

Ayaw pang magbigay ng details si Benjamin, pero sigurado raw ang wedding nila next year.  Since cousin ni Benjamin si Piolo Pascual, natanong din siya kung may participation ang actor sa wedding?  Hindi pa raw niya nakakausap si Piolo nang personal, pero ang sigurado raw isa sa magiging ninang ang Mommy ni Piolo.

 

 

Since ikakasal na nga si Benjamin, natanong siya kung okey na sila ng ex nitong si Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose, na boyfriend na ni Rayver Cruz.

 

 

“I saw them at the Gala ng GMA 73rd Anniversary and that’s as much interaction that we’ve had.  Kasi nga this is like the first time that I’ve been in GMA since nag-guest ako sa “Family Feud” and then more or less sa “All-Out Sundays” hindi naman ako nakakapunta.

 

 

“That’s the only interaction that we’ve had and I’m happy for them and I’ll leave it at that.”

 

 

May possibility bang ma-invite sila sa wedding?

 

 

“I’ll leave it at that.”

 

 

Pero handa naman daw siyang makipagtrabaho sa kanila, wala raw naman siyang tinatanggihang trabaho.

 

 

Going back sa wedding, ayon kay Benjamin magaganap ito sa January, 2024 at dito sa Pilipinas gagawin ang wedding nila ni Chelsea.

(NORA V. CALDERON)

MGA BARANGAY, SK AT IBA PA, HINIHIKAYAT NA LUMAHOK SA KAUNA-UNAHANG QUEZON CITY GREEN AWARDS

Posted on: June 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NANANAWAGAN ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa mga barangay, Sanguniang Kabataan, Youth-Based Organization at mga negosyo na lumahok sa kauna-unahang Quezon City Green Awards at ipamalas ang kanilang best practices para sa disaster resiliency and sustainability.

 

 

Layunin ng Quezon City Green Awards na kilalanin at bigyan ng insentibo ang grupong may katangi-tangi at inclusive na disaster risk reduction and management at climate action. Matatandaang inilunsad noong isang buwan ang Quezon City Green Awards.

 

 

Ayon  kay Mayor Joy Belmonte, ang mga idea patungkol sa disaster preparedness ay maaring makatulong sa LGU upang makapag develop pa ng mas magandang programa. Ang mga inisyatiba at solusyon para sa epekto ng climate change ay dapat na nakasentro sa mga mamamayan at tumutugon sa mga hamong kinahaharap ng mga komunidad.

 

 

Mayroong tatlong kategorya ang parangal na nabanggit, Green Award, Resiliency Award at Green and Resilient Champion.

 

 

Ang mga interesadong lumahok ay maaring magparehistro online sa greenawards.quezincity.gov.ph. hanggang sa July 15, 2023

 

 

Ang lahat ng entries ay sasailalim sa masusing assessment at field validation at kailangang ipresinta sa mga hurado ang kanilang programa.

 

 

Sumatotal ay maroong 16 organisasyon at institution ang pararangalan sa Oktubre. Makatatanggap sila ng tropeyo at cash grant na magagamit nila para sa kanilang mga programa at proyekto. (PAUL JOHN REYES)

Tinanggihan ang offer na new timeslot: ‘It’s Showtime’, babu sa TV5 at lilipat na sa GTV sa July 1

Posted on: June 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments
NAGLABAS na ng official statement ang ABS-CBN sa pagtatapos ng kontrata ng “It’s Showtime” sa TV5 sa June 30 at uukupahin na ang noontime slot ng bagong show ng TVJ.
“Taos-pusong nagpapasalamat ang ABS-CBN kay TV5 Chairman Manny Pangilinan para sa kanyang pagsuporta sa ABS-CBN at sa paghahatid ng “It’s Showtime” sa mas maraming manonood sa pamamagitan ng aming content partnership,” simula ng statement.
“Dahil sa bagong programming ng TV5, ikinalulungkot naming ibalita na hindi na mapapanood ang “It’s Showtime” sa TV5 simula 1 July 2023.
“Sa loob ng labing-apat na taon, walang patid na saya ang hatid ng “It’s Showtime” sa Madlang People sa loob at labas ng bansa. Pinahahalagahan namin ang magandang samahan na nabuo namin sa mga manonood tuwing tanghali. Dahil dito, minabuti  naming  tanggihan  ang 4:30 pm time slot na inalok ng TV5 para sa programa,” pagpapatuloy pa.
May maganda naman silang balita sa bandang huli ng statement, “Tinitiyak namin sa mga manonood ng “It’s Showtime” na patuloy nilang mapapanood ang kanilang paboritong noontime show sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC mula Lunes hanggang Sabado ng 12 ng tanghali.
“Lubos ang aming pasasalamat sa GTV Channel ng GMA at nakahanap ng isa pang tahanan ang “It’s Showtime.”
“Simula 1 July 2023, mapapanood na rin ang “It’s Showtime” sa GTV mula Lunes hanggang Sabado ng 12 ng tanghali. G na G na tayo, Madlang People!
“Maraming, maraming salamat sa mga manonood na nagmamahal at sumusuporta sa “It’s Showtime” at sana ay patuloy kayong mapasaya ng aming programa.”
Sa IG post naman ni Vice Ganda, mababasa ang caption niya na, “tara na! G na G na kami!”
Marami namang natuwa sa naturang pangyayari dahil parang Kapuso na raw ang noontime show nina Vice.  Kaya wish nila na ay mag-guest ang mga Kapuso stars, lalo na pagsisimula sa July 1.
Marami naman ang advance mag-isip, na kapag tapos sa 2025 ang kontrata ng TAPE Inc. sa GMA bilang blocktimer ay baka sa “It’s Showtime” na ito ibigay.
Pag  nagkatotoo ito, muling magbabakbakan sa  noontime slot ang bagong TVJ show at show nina Vice Ganda.
Sa ngayon, aabangan  na lang natin ang pamamaalam nila sa TV5 sa June 30 at ang pasabog nilang episode sa July 1 bilang pagpasok ng grupo sa bago nilang dagdag  na tahanan, ang GTV.
(ROHN ROMULO)