• March 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May, 2023

MANILA CENTRAL POST OFFICE, NASUNOG

Posted on: May 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa P300 milyon ang halaga nang nilamon ng ng apoy sa makasaysayang gusali ng Manila Central Post Office  sa Liwasang Bonifacio, Magallanes Drive, Ermita, Maynila, Lunes ng umaga.

 

 

Ayon sa Bureau of Fire Protection-National Capital Region, na nagsimula ang sunog dakong alas-11:00 kamakalawa ng gabi  sa General Services Section sa basement at tuluyang nilamon ang apat na palapag ng gusali.

 

 

Ayon sa BFP, pito  sa kanilang mga bumbero at volunteer ang sugatan habang inaapula ang mala-impyernong sunog.

 

 

Kinumpirma naman ni BFP-NCR Chief Supt.Nahum Tarroza, na 100% na nilamon ng apoy ang gusali na  isang heritage building.

 

 

Sinabi ni Tarroza na nahirapan ang mga bumbero na ang gusali dahil nagsimula ang sunog sa basement na masyadong delikado.

 

 

Bukod dito, nauubusan din ng tubig ang tangke ng mga fire trucks kaya ang iba ay kumuha pa ng tubig sa Pasig River at maging ang tubig sa fountain ng Liwasang Bonifacio ay ginamit na rin ng mga bumbero.

 

 

Aniya, mabilis na lumaki ang sunog dahil sa mga papel sa loob ng post office bukod pa sa gawa sa kahoy ang sahig ng ikatlong palapag ng gusali.

 

 

Sa ngayon lahat aniya ng anggulo o maaaring sanhi ng sunog ay kanilang tinitignan tulad ng electrical, sinadya o aksidente.

 

 

Hindi pa rin ito tuluyang idineklarang fire out dahil may usok pang lumalabas sa gusali. (GENE ADSUARA)

COVID-19 positivity rate sa Metro Manila, umakyat na sa 26%

Posted on: May 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UMAKYAT sa 26% ang COVID 19 positivity rate sa Metro Manila, ayon sa pinakahuling monitoring ng OCTA research group.

 

 

Sinabi ni Octa Research fellow Guido David, na ang kasalukuyang pitong araw na positivity rate ay halos pareho sa naitala na rate noong Mayo 16 sa 25.9%

 

 

Aniya, ang nationwide COVID-19 positivity rate naman ay nasa 24.1%, batay ng Department of Health na kung saan mayroong 2,014 na bagong kaso ng nakamamatay na sakit.

 

 

Kung matatandaan, ang nationwide COVID-19 positivity rate noong nakaraang araw ay nasa 23.8 percent lamang.

 

 

Una na rito, ang COVID-19 tracker ng DOH ay nagpahiwatig na ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa ay umabot na sa 4,121,513.

 

 

Kasama sa bilang na ito ang 16,504 na aktibong kaso, 4,038,573 ang nakarekober, at 66,453 na mga nasawi sa naturang virus.

DepEd, pinag-aaralan na suriin ang revised K-10 curriculum rollout para sa SY 2024-2025

Posted on: May 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

LAYON ng Department of Education (DepEd) na i-roll out ang updated Kinder to Grade 10 (K-10) curriculum para sa school year (SY) 2024-2025

 

 

Sinabi ni  DepEd spokesperson Michael Poa na ang target rollout date ay  consistent sa commitment ng DepEd na makakuha at makonsidera ang lahat ng  public comments para  ma-fine-tune ang  K-10 curriculum bago pa ito ipatupad.

 

 

“Of course, ang gusto nating makuha talaga, ay lahat ng comments ng public, ma-consider natin para ma-tweak pa natin further ‘yung K-10 curriculum,” ayon kay Poa sabay sabing ang  nakapaskil na curriculum guide ay draft lamang.

 

 

Tinukoy pa nito na  “in reference to the guide,” ang  “mother tongue” ay dapat na manatiling ginagamit bilang  “medium of instruction.”

 

 

“It’s still a working draft, that’s why we want to get the comments. According to our curriculum guide, and we would like to clarify this, we did not remove the mother tongue as a medium of instruction. What we removed was mother tongue as a subject,” ani Poa.

 

 

Sa ngayon ang curriculum strand ng DepEd ay nananatiling nasa proseso na tipunin ang lahat ng mga komento para tulungan na isapinal ang revised curriculum.

 

 

Tiniyak pa ng DepEd, sa oras na maisapinal na, ang draft ng  updated curriculum guide para sa Grades 11 at 12 o Senior High School (SHS) ay dapat na ipalabas din “for transparency.”

 

 

“Consultation muna po tayo again, and then after that, magkakaroon muna tayo ng review proper and then saka na ‘yung revision,”ayon kay Poa. (Daris Jose)

In character pa habang nakaupo sa wheelchair: RICHARD, kitang-kita ang reaksyon nang sorpresahin ng kanyang pamilya

Posted on: May 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ALIW ang panonorpresa kay Richard Yap ng kanyang pamilya nitong kaarawan niya.

 

 

In character ang Kapuso actor sa taping ng “Abot Kamay Na Pangarap” nang sorpresahin siya para sa kanyang ika-56 na kaarawan.

 

 

Sa video na ipinost sa Instragram ng Sparkle GMA Artist Center, pinangunahan ng kanyang asawa na si Melody at mga anak na sina Ashley at Dylan ang ginawang sorpresa sa aktor.

 

 

Kasama rin siyempre ang cast at crew ng Kapuso hit afternoon series, kung saan gumaganap si Richard bilang si Dr. Roberto “RJ” Tanyag, naka-recover na mula sa pagkaka-comatose kaya may benda pa siya sa ulo at naka-wheelchair.

 

 

Sa video, maririnig na nagbibigay ng instruction para sa simula ng taping kaya in character na si Richard habang nakaupo sa wheelchair sa loob ng isang kuwarto.

 

 

At nang isigaw na ang “magic word” na action!, hindi ang kaeksena sa serye ang pumasok sa kuwarto kung hindi ang kanyang misis at mga anak na may bitbit na cake at inawitan na si Richard ng birthday song.

 

 

“Richard Yap thought it was another working birthday for him but this one was extra-special because his family paid him a surprise visit on the set of the GMA Afternoon Prime series #AbotKamayNaPangarap! Happy Birthday again, Richard!,” saad sa caption.

 

 

Makikita naman sa reaksyon ni Richard na successful ang ginawa nilang pagsorpresa sa aktor.

 

 

Mapapanood ang “Abot Kamay na Pangarap,” pagkatapos ng “Eat Bulaga” sa GMA 7.

 

 

***

 

 

BAGAMAN handa si Mike Tan na gawin ang lahat para sa kanyang pamilya, kahit itaya pa ang sariling buhay, may bagay din na hindi niya kayang gawin.

 

 

“Lahat talaga gagawin ko for my family. Kung patalunin man ako sa building… ‘di ba,” sabi ni Mike sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes.

 

 

Gayunman, sinabi ni Mike na hindi siya gagawa ng masama, tulad ng pagpatay o pagnanakaw para sa pamilya.

 

 

“Mas takot na ako sa Diyos pagdating doon. Pero I will do everything na under ni God, by His laws, gagawin ko lahat para sa pamilya ko,” paliwanag ni Mike na may dalawa nang anak.

 

 

“That was what I was gonna say, I’d even die for my family,” pagsang-ayon naman ni Valerie Concepcion na kasama ni Mike sa Kapuso series na “Seed of Love.” At kasabay na nag-guest sa programa ni Tito Boy.

 

 

“Biglang napaisip ako, papatay ba ako, magnanakaw ba ako para sa pamilya? I really think that I’d do anything for my family.

 

 

“I think ‘pag nandoon na sa sitwasyon na ‘yon and if given a choice kung gagawin ko ito or ikamamatay ng someone I really love, I might do it,” paliwanag ni Valerie.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Ads May 24, 2023

Posted on: May 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Paglalagay ng DA ng suggested retail price (SRP) sa sibuyas, suportado ni Speaker Martin Romualdez

Posted on: May 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SUPORTADO ni Speaker Martin Romualdez ang paglalagay ng Department of Agriculture (DA) ng suggested retail price (SRP) sa sibuyas upang maprotektahan ang mga konsyumer laban sa mga abusadong negosyante na nagmamanipula sa presyo ng mga bilihin.

 

 

Una nang inihayag ng DA na sa loob ng linggong ito ipatutupad ang SRP na P150 per kilo para sa pulang sibuyas at P140 per kilo naman para sa puting sibuyas.

 

 

Tiniyak pa ng ahensiya na papatawan ng kaukulang kaso ang sinumang mabibigong sumunod sa kautusang ito ng ahensiya.

 

 

Ayon kay Romualdez, sa pagpapatupad ng SRP para sa sibuyas ay tiyak na mapoprotektahan nito ang mga mamimili laban sa mga di makatarungang pagtataas ng halaga ng mga pangunahing bilihin.

 

 

Kasabay na rin sa pagpapatupad ng SRP, sinabi ng speaker na dapat siguruhing maisasaalang alang ang interes ng mga stakeholders gaya ng mga traders, market vendors, partikular na ang mga onion farmers ng bansa.

 

 

Naniniwala pa si Romualdez na hindi lamang pagpapatupad ng SRP ang solusyon sa problema sa price fluctuations ng sibuyas kundi masawata ang malawakang onion cartel sa bansa.

 

 

Una nito, umapela ang speaker sa National Bureau of Investigation, Philippine Competition Commission, at DA na magtulungan para makakuha ng matibay na ebidensiya at makasuhan ang mga kartel.

 

 

“Putting members of this cartel behind bars will send the unmistakable message that the government will not tolerate any unfair trade practices that prey on the hapless consumer and farmers,” dagdag ni Romualdez.

 

 

Nanawagan din ito ng tulong mula sa kaukulang gobyerno para sa mga magsasaka lalo na yaong nagtatanim ng sibuyas upang ma-engganyo ang mga ito na magdagdag sa produksyon para masiguro ang sapat na suplay.

 

 

Halimbawa aniya, ang pagbibigay tulong ng DA na pataba at pagtatayo ng karagdagang mga cold storage facilities.

 

 

Matatandaan na umabot pa sa P700 kada kilo ang presyo ng sibuyas noong Disyembre ng nakaraang taon. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

A SPIDER FOR EVERY ‘VERSE’: MEET THE SPIDER-PEOPLE IN “ACROSS THE SPIDER-VERSE” (PART 2)

Posted on: May 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ARE you ready to watch Spider-Man: Across the Spider-Verse? Get to know the Spider-People you’ll meet in the sequel.

The highly anticipated second film in the Spider-Verse trilogy opens across Philippine cinemas May 31.

 

Watch the film’s final trailer: https://youtu.be/yEU_jRepaQg

Pavitr Prabhakar is Spider-Man India

“Pavitr’s powers came through magic, so he is quite different from a lot of other Spider-People who were bitten by radioactive spiders,” explains Powers. “Like many other Spider-People, he has had to suffer a loss, and in his case, it was his uncle. Yet he’s probably one of the most optimistic characters in the movie.” Shares Karan Soni, who voices Pavitr, whose world Mumbattan is a wild futuristic mishmash of Manhattan and Mumbai on Earth-50101: “When it was announced that I was playing him, I cannot tell you how many messages I got from people. Firstly, they were just excited, and then there were a few more serious messages, saying mainly, ‘don’t mess this up.’ I don’t think we did!”

 

Hobie Brown is Spider-Punk

“You can describe him as a cross between Iggy Pop, Bad Brains, and Spider-Man,” says Powers of Hobie Brown, who’s from a world that’s a bizarro mixture of ’70s- and ’80s-era London and modern-day New York. “He wields a rock guitar that he uses to play music – and also utilizes it as a sonic weapon. He’s that cool, slightly older boy who is pretty easy for most girls to have a crush on.” Actor Daniel Kaluuya, who voices Spider-Punk, confesses, “I was obsessed with Spider-Man growing up… And here I am, voicing a character who is from where I am from. I could not have dreamed this up!”

 

Ben Reilly is Scarlet Spider

The visuals for Ben Reilly were inspired by comic books from the 1990s. As writer-producer Lord puts it, “His muscles have muscles, and if you dissected him, you’d find out he’s not a human being because he doesn’t follow any normal human anatomy. He’s double- and triple-jointed and reminds you of the guy who spends a lot of time at the gym and is psyched all the time!”

 

 

 

Spider-Cat is Spider-Cat

 

The Spot is…🕳

Writer-producer Miller points out that Dr. Jonathan Ohnn, aka The Spot, was in the Super-Collider Miles and the gang blew up in the first movie, and that’s when he got covered in dark matter and turned into this character who has many holes and portals inside him. “At first, he just seems like kind of a clumsy, low-level, goofy villain-of-the-week that has sort of Looney Tunes-style holes that go everywhere. But then he starts to realize that he can use those holes to go between dimensions, and he gets more and more powerful and becomes a real foe for Miles.”

 

 

 

Spider-Man™: Across the Spider-Verse is directed by Joaquim Dos Santos, Kemp Powers, Justin K. Thompson, the screenplay is by Phil Lord & Christopher Miller and David Callaham, based on the MARVEL Comic Books.

 

 

 

Produced by Avi Arad, Amy Pascal, Phil Lord, Christopher Miller, Christina Steinberg.

The film’s cast is led by Shameik Moore and Hailee Steinfeld, Jake Johnson, Issa Rae, Daniel Kaluuya, Jason Schwartzman, Brian Tyree Henry, Luna Lauren Velez, Greta Lee, Rachel Dratch, Jorma Taccone, Shea Whigham and Oscar Isaac.

 

 

 

Opening in Philippine cinemas May 31, Spider-Man: Across the Spider-Verse is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International. Connect with the hashtag #SpiderVerse

(ROHN ROMULO)

Infra program ng administrasyong Marcos: Nabawasan, naging P8.2 trillion na lang

Posted on: May 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PUMALO na lamang sa P8.2 trillion mula sa P9 trillion ang kabuuang investment cost ng infrastructure flagship projects (IFPs) ng administrasyong Marcos matapos na linisin at walisin  ng economic team ang inulit lamang na proyekto.

 

 

Kabilang dito ang sinimulan sa ilalim sa nakalipas na administrasyon.

 

 

“The total investment value, we used to say P9 trillion, is now estimated at P8.2 trillion,” Diokno said during his weekly press chat.

 

 

Buwan ng Marso, inaprubahan ng  National Economic and Development Authority Board (NEDA) Board, pinamunuan ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. (chairman) ang  kabuuang 194 IFPs halaga ng P9 trillion, binubuo ng 123 “bagong ” proyekto at 71 mula sa nakalipas na mga administrasyon.

 

 

Winika ni Diokno na natuklasan ng economic team  ng administrasyon na  “some redundancies, that’s why it was reduced…”

 

 

Samantala, sinabi pa ni Diokno na ang 194 IFPs, “68 projects are currently on-going implementation, 25 are approved for implementation, nine for government approval, 52 are under project preparation, and 40 are under pre-project preparation.”

 

 

Kabilang sa nagpapatuloy na IFPs at iyong mga inaprubahan para ipatupad ay 19, inaasahan na makokompleto sa pagtatapos ng 2023.

 

 

Ang kabuuang 79 proyekto ay target naman na makompleto sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Marcos.

 

 

“The top three sources of funding for the infrastructure program are official development assistance, which has the biggest share at P4.51 trillion; followed by public-private partnership at P2.5 trillion; and the national budget or the General Appropriations Act at P850.58 billion,” ayon sa ulat.

 

 

Sinasabing, naglaan ang administrasyong Marcos ng  5% hanggang  6% ng gross domestic product (GDP) ng bansa para sa  infrastructure initiative nito. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Dahil kumpleto ang kanyang mga anak: NORA, tiyak sobrang saya sa celebration ng kanyang 70th birthday

Posted on: May 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TIYAK na sobrang saya ng nag-iisang Superstar at Nationa Artist na si Nora Aunor sa celebration ng kanyang 70th birthday noong May 20, isang araw bago ang kaarawan noong May 21.

 

 

 

Nakumpleto kasi ang mga anak ni Ate Guy sa naganap na selebrasyon sa isang hotel sa Quezon City na kung saan dumalo ang mga kapamilya at kaibigan.

 

 

 

Makikita sa larawang pinost sa Instagram at Facebook na kasama ni Ate Guy sina Lotlot, Ian, Kiko, Matet at Kenneth de Leon, kasama pa ang kani-kanilang mga anak at asawa.

 

 

 

Sa IG post ni Lotlot, makikita rin ang larawan na may short caption na, “Happy Birthday, Ma!” Na nangako naman sa premyadong aktres na, “Mamahalin kita hanggang kailanman.”

 

 

 

Simpleng mensahe naman ni Matet sa inilagay sa kanyang IG post, kasama ang parehong litrato, “Piberdey mom (heart hands emoji).”

 

 

 

Kinabukasan (May 22) ay nag-post si Matet ng old photo nila ni Nora kasama ang kanyang Ate Lotlot, “Moms & her girls (heart hands emoji).”

 

 

 

Komento ng isang netizen, “Love to see these old photos of you and Lot with your mom….hope no amount of misunderstandings will break this harmony within your family again…well loved Kasi Yung fam nyo ng whole Philippines.”

 

 

Tuwang-tuwa naman ang ilang pang netizen dahil okay na okay na ang relasyon ni Nora sa kanyang mga anak.

 

 

Ilang pa sa komento ng mga marites…

 

 

“Buti naman peace na sila na Matet. Sana hndi na sila mag agawan kung sino magbebenta ng gourmet tuyo.”

 

 

“Matagal na silang maayos. Pumunta si Matet sa birthday ni John Rendez, na partner ni Nora for almost 30 years na yata. Nagkasakit at naghirap si Nora, nandiyan pa rin si John.”

 

 

“Nakaka-happy lang yung ganiton mkita mo sila na magkakasama at magkakasundo.”

 

 

“Swerte sa mga anak lahat mababait.”

 

 

“Yay!! Blessed ang family na buo at may respeto. Thank you for loving your mom. God will bless you two-folds.”

 

 

“All is well, finally! Happy birthday to Our National Artist, the one and only Superstar, Ms. Nora Aunor!”

(ROHN ROMULO)

Tanggapan ng DDEU-NPD, pinagbabaril at hinagisan ng granada

Posted on: May 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINAGBABARIL at hinagisan pa ng granada ng hindi kilalang mga suspek ang tapat ng tanggapan ng District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (DDEU-NPD) sa Caloocan City, Sabado ng madaling araw.

 

 

Tinangka pang habulin nina P/Cpl. Gerald Corotan at Pat. Yaweh Strero, mga duty police officers ng naturang tanggapan ang apat na kalalakihang sakay ng dalawang Yamaha NMax motorcycle na umano’y may kagagawan ng pamamaril at paghahagis ng granada subalit nakalayo na kaagad ang mga ito patungong Dagat-Dagatan.

 

 

Sa ulat na ipinarating ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay NPD Director Ponce Rogelio Peñones, Jr., nasa loob ng naturang tanggapan ang dalawang naka-duty na pulis dakong ala-1:30 ng madaling araw nang bigla na lamang umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng baril na tumama sa kahoy na pintuan ng kanilang tanggapan na nasa pagitan ng opisina ng District Special Operation Unit (DSOU) at ng NPD Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na sinundan ng paghahagis ng granada sa tapat ng tanggapan na paradahan ng mga sasakyan.

 

 

Tumagos ang ilang bala sa loob ng tanggapan bagama’t masuwerteng walang tinamaan sa dalawang naka-duty na pulis na nakiramdam muna sa susunod na pangyayari bago nila tinangkang habulin ang mga may kagagawan.

 

 

Nakapagresponde naman kaagad sa lugar ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 4 sa pangunguna ng deputy commander nito na si P/Lt Alexander Ibe na nagsagawa kaagad ng follow-up operation subalit bigo rin silang makilala at mahabol ang mga suspek.

 

 

Kabilang sa tinamaan ng bala at shrapnel ng inihagis na granada ang itim na kotseng Hyundai at isang puting Sports Utility Vehicle (SUV) na nakaparada sa harapan ng DDEU habang ilang basyo ng bala ng hindi pa tukoy na kalibre ng baril ang nakuha ng mga nagrespondeng tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa naturang lugar.

 

 

Napag-alaman na walang isinagawang operasyon ang mga tauhan ng DDEU laban sa mga pinaghihinalaang sangkot sa ilegal na droga kaya’t may posibilidad na grupo ng dati ng mga nahuling drug pusher ang may kagagawan sa insidente.

 

 

Batay sa rekord, pinakahuling iniulat na nasakote ng mga tauhan ni P/Maj. Dennis Odtuhan, hepe ng DDEU na nakuhanan ng mahigit P1.3 milyong halaga ng shabu sina Samsudin Rasid at kalive-in na si Johaina Jamael, kapuwa 33-taong gulang na nahuli sa buy-bust operation noong Abril 23, 2023 sa Brgy. 185 sa Caloocan City.

 

 

Ayon sa isang hindi nagpakilalang residente sa lugar, ito na ang ikalawang ulit na hinagisan ng granada ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang tanggapan ng DDEU na ang una’y naganap noon pang taong 1983. (Richard Mesa)