HUMINGI ng suporta si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa European Union-ASEAN Business Council (EU-ABC) at European Economic Community (EEC) para sa pagpapatuloy ng negosasyon para sa free trade agreement (FTA) sa pagitan ng Pilipinas at EU.
Ani Pangulong Marcos, ang pagtatatag ng isang bilateral FTA ay “win-win strategy” para sa dalawang partido, sabay sabing “promises to achieve mutually beneficial economic goals while maintaining consistency with the EU’s core ideals of sustainable development and environment protection as well as with the EU’s Indo-Pacific Strategy”.
“Hence, I take this opportunity to call upon our friends from the EU ABC and the ECCP to actively advocate for the resumption of negotiations for this purpose as well as to strive for fair treatment and more beneficial reciprocity,” ayon sa Pangulo sa kanyang talumpati sa isinagawang Joint EU-ASEAN Business Council and European Chamber of Commerce of the Philippines gala dinner sa Makati.
“As credible voices of the European business community in the Philippines and the region, the EU ABC and ECCP can help move this thing forward all the way to a favorable conclusion. And if and when that happens, it could very well be the capstone of all efforts to strengthen PH-EU relations over the course of the next decades,” ang wilka nito.
Matatandaang, sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual na tinitingnan ng Pilipinas na bumalik sa negotiating table para sa posibleng FTA kasama ang regional bloc.
Ang exploratory FTA talks sa pagitan ng mga partido ay nagsimula noong 2013, habang ang paglulunsad naman ng negosasyon ay inanunsyo noong Disyembre 2015.
Ang unang negosasyon ng FTA ay isinagawa sa Brussels, Belgium noong 2016, sinundan ng second-round negotiations sa Cebu, sa Pilipinas noong 2017.
Samantala, sinabi naman ng Chief Executive na ang Philippine Development Plan (PDP) 2023 to 2028 ay naka-angkla sa “creation of an enabling environment that shall facilitate the attainment of tangible socio-economic goals for our people”.
Tinuran nito na nagpatupad na ang administrasyon ng mga estratehiya na nakahanay dito kabilang na ang adjustments sa sistema ng corporate taxation, at implementasyon ng green lanes.
“This solid enabling environment will pave the way for our compliance with vital international obligations as determined by the EU. This condition of compliance will in turn guarantee our continued participation in the generalized system of preferences plus (GSP+) scheme,” aniya pa rin.
Nakatakda namang mapaso’ ngayong taon ang partisipasyon ng Pilipinas sa GSP+ subalit kumpiyansang sinabi ni Pascual na magdedesisyon pa rin ang European Parliament pabor sa pagre-renew ng status ng bansa. (Daris Jose)
GAME na mag-collab sa isang film project ang dalawang drama princess ng Philippine Television na sina Maris Racal and Barbie Forteza.
NAIS ng nasa 42 mambabatas na imbestigahan ng kamara ang naganap na sunog sa Manila Central Post Office building na nagdulot ng matinding pagkasira sa nasabing istraktura.
HINDI lamang mga private armed groups ang babantayan ng Philippine National Police (PNP) sa barangay at Sangguniang Kabataaan elections sa Oktubre kundi maging ang drug money.
DUDA ang pamilya ng drug war victims na magkakaroon ng progreso ang kaso na may kinalaman sa kontrobersiyal na anti-drug campaign ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
MAKATATANGGAP ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ng P25.16 billion para sa one-year health insurance premiums ng mahigit sa 8 milyong Filipino indigents.
BABU muna si Bossing Vic Sotto sa pagiging ‘daddy’ sa papel niya bilang si Boss EZ sa ‘Open 24/7’ ng GMA.
SINABI ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na sasampahan ng kasong kriminal at administratibo ang mga police officers na kasama sa video ng operasyon sa Maynila noong nakaraang taon kung saan P6.7 bilyong halaga ng shabu ang nasamsam.
NAGLAAN ang DSWD ng mahigit P565 milyong halaga ng food packs sa mga rehiyonal na tanggapan nito, habang naghahanda ito sa pananalasa ng Bagyong Mawar.