• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May, 2023

US military, binigyan ng “full honors” si PBBM sa The Pentagon

Posted on: May 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

GUMAWA ng isang kasaysayan si Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr.  bilang kauna-unahang foreign head of state na binigyan ng “full honors” sa The Pentagon sa ilalim ng administrasyon ni US President Joseph Biden.

 

 

Winelcome ni US Secretary of Defense Lloyd J. Austin si Pangulong Marcos ng “full honors” sa The Pentagon.

 

 

Sinabi ng US Dept of Defense Protocol office  na ang full honors na ibinigay sa Pangulo ay unang ipinagkaloob sa  foreign head of state o gobyerno sa ilalim ng administrasyong Biden.

 

 

Sa kanilang pagpupulong, nagpahayag si Austin ng commitment ng kanyang bansa para sa tanggulan ng Pilipinas,  “President (Joseph) Biden has made clear our commitment to the defense of the Philippines is ironclad. And let me tell you once again that our Mutual Defense Treaty applies to armed attacks on our armed forces, coast guard vessels, public vessels, or aircraft in the Pacific including anywhere in the South China Sea,” ang sinabi ni Lloyd kay Pangulong Marcos.

 

 

“So, make no mistake Mr. President, we will always have your back in the South China Sea or elsewhere in the region,” ang wika nito.

 

 

Sinabi naman ni Pangulong Marcos na ang “call of the times… is asking for us to meet the new challenges perhaps we have not faced before.”

 

 

“That’s why it is very important that it is continuing… the exchanges that we have started,” ayon sa Pangulo sabay sabing “I look to a very bright future between the Philippines and the United States – a future that is founded on the long experience and as you say, friendship and familial relationship because the people-to-people exchanges between our two countries have been ongoing at every level.”

 

 

Samantala, ang pagbisita ng Pangulo sa The  Pentagon ay kasunod ng muling pagpapatibay ng Pilipinas at Estados Unidos sa kanilang security alliance sa gitna ng tensyon sa  Asia-Pacific region.

 

 

Matatandaang unang nagpulong sina Pangulong Marcos at  American defense chief sa Palasyo ng Malakanyang, buwan ng Pebrero.

 

 

Sa isinagawang courtesy call ni Austin, nangako ito na tutulungan ang Pilipinas na gawing modernisado ang  defense capabilities at itaas ang interoperability ng American at Filipino military forces.

 

 

Sa kanilang naging pagpupulong naman sa The  Pentagon, inilarawan ni Austin ang Pilipinas bilang Isang  “indispensable friend” at kaalyado ng Estados Unidos

 

 

“Our alliance is rooted in our common democratic values,” ayon kay Austin.

 

 

Binigyang diin ni Austin ang “degree of participation” ng pinagsamang military forces ng allied nations  sa ilalim ng  Balikatan Exercises.

 

 

“The recently concluded — the largest and most complex iteration of ever of Exercise Balikatan and it included more than 17,000 troops in the Philippines, the United States, and Australia, training side-by-side across air, land, sea, and for the first time, cyberspace,” ani  Austin.

 

 

“And I said before Mr. President, we’re more than allies, we’re family and we share a common vision for free and open Indo-Pacific because a region governed by rules and rights help provide security and prosperity for our two countries and for the whole region,”  dagdag na wika ni Austin. (Daris Jose)

Utos ni PBBM sa mga ahensiya ng pamahalaan, LGUs: Suportahan ang programa laban sa kriminalidad

Posted on: May 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang  memorandum circular na inaatasan ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan at hinikayat naman ang local government units  na suportahan ang 2023 National Crime Prevention Program (NCPP).

 

 

Sa ilalim ng  Memorandum Circular No. 19, nilagdaan ng Pangulo araw ng Martes, ang direktiba ay alinsunod sa  adopsyon ng “whole-of-government” approach sa pagtugon sa kriminalidad at tiyakin ang kapayapaan at seguridad sa bansa.

 

 

Ang 2023 NCPP ay “operationalizes the strategies for ensuring peace and security under the Philippine Development Plan 2023-2028” kung saan ang National Police Commission (Napolcom) ang mangangasiwa sa implementasyon ng NCPP.

 

 

Ang  2023 NCPP  ay dinibelop (develop) ng  Napolcom sa pamamagitan ng Technical Committee on Crime Prevention and Criminal Justice nito,  isang inter-disciplinary body na binubuo ng  kilalang eksperto mula sa ahensiya ng gobyerno at non-government organizations na kabilang sa criminal justice system.

 

 

Ang Napolcom ay isang  agency na  attached sa  Department of the Interior and Local Government (DILG) kung saan responsable para sa administrasyon at kontrol ng  Philippine National Police (PNP). (Daris Jose)

Higit 2,000 trabaho, tampok sa Bulacan Trabaho Service Caravan

Posted on: May 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Higit 2,000 oportunidad dito at sa ibang bansa ang naghihintay sa mga Bulakenyong naghahanap ng trabaho sa pagsasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports, and Public Employment Services Office (PYSPESO) ng Bulacan Trabaho Service (BTS) Caravan sa Huwebes, Mayo 4, 2023, 8:00 ng umaga sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito.

 

 

Iniimbitahan ni Gob. Daniel R. Fernando ang mga interesadong Bulakenyo na makiisa sa Labor Day job fair na nakaangkla sa temang “Pabahay, Bilihing Abot-Presyo, Benepisyo ng Matatag na Trabaho para sa Manggagawang Pilipino” at magparehistro sa https://bitly.ws/Dwy8.

 

 

“Narito po muli ang isang pagkakataon para sa ating mga kalalawigan upang matagpuan ang kanilang pangarap na hanapbuhay na siyang magiging susi upang makamit nila ang kanilang mga pangarap para sa kanilang sarili at sa kanilang pamilya,” anang gobernador.

 

 

Maliban sa 40 lokal at 10 overseas na ahensya, mayroon ding mga serbisyong may kaugnayan sa empleyo na matatagpuan sa gawain upang magbigay ng front desk assistance sa mga aplikante kabilang ang NBI, SSS, DFA, BIR, PSA, Philhealth, DTI, PAG-IBIG, at TESDA.

 

 

Mayroon ding libreng print at photocopy ng mga dokumento para sa lahat ng naghahanap ng trabaho.

 

 

Bukod pa rito, maaaring bumili ng mga sariwang ani kabilang ang bigas, gulay, prutas at iba pa sa murang halaga sa KADIWA Retail Store; libreng gupit at masahe sa pakikipagtulungan ng mga nagsipagtapos ng In-house Skills Training; at trade fair sa pangunguna ng Department of Trade and Industry tampok ang mga produkto at serbisyo ng mga piling benepisyaryo ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP). (BISHOP JESUS “JEMBA” BASCO)

Dating Mayor ng Antique, itinalaga bilang bagong pinuno ng SBMA

Posted on: May 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Antique Mayor Jonathan Dioso Tan bilang  Administrator and Chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority na may termino na anim na taon.

 

 

Pinalitan ni Tan si Rolen C. Paulino.

 

 

Ang appointment letter ni Tan na pirmado ng Pangulo ay may petsang Abril 28, 2023.

 

 

“By virtue hereof, you may qualify and perform the duties of the office, furnishing the Office of the President and the Civil Service Commission with copies of your Oath of Office,” ang nakasaad sa nasabing appointment letter na tinintahan ng Pangulo.

 

 

Sa ulat, nagbitiw sa puwesto si Paulino, ang chairman at administrator ng SBMA sa harap ng mga empleyado sa lowering of flag noong Marso 31, 2023, araw ng Biyernes.

 

 

Nagsumite si Paulino ng kaniyang courtesy resignation epektibo sa Abril 15, 2023 kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ilang araw matapos ang inilatag na State of the Freeport Address (SOFA) kung saan pinasalamatan niyang lahat ang mga dumalo.

 

 

Sa SOFA, una niyang pinasalamatan ang mga empleyado at mga opisyal ng SBMA, mga stakeholder, mga local government unit officials ng mga lugar na nakasasakop sa Subic Bay Freeport tulad ng Zambales, Olongapo City at Bataan.

 

 

Iniisa-isa nito ang lahat ng kanyang mga accomplishment sa loob ng maikling panahon, kung saan ang kanyang termino aniya ay natapat sa panahon ng pandemya pero nagawa aniya nang maayos at epektibo ang kanyang tungkulin.

 

 

Ayon kay Paulino, ang kaniyang termino ay 6 na taon base sa kaniyang appointment mula sa dating Pangulong Rodrigo Duterte, pero naghain siya ng courtesy resignation upang mabigyang-laya si Marcos na pumili ng bagong SBMA chairman and administrator. (Daris Jose)

US firms, handang i-employ ang mga OFWs na nailigtas ng gobyerno ng Pilipinas mula Sudan

Posted on: May 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAHAYAG ng interest ang american business firms na i-employ ang mga  Overseas Filipino Workers (OFWs) na kamakailan lamang ay nailigtas ng Philippine government mula sa Sudan.

 

 

“They’re willing na tingnan ‘yung profiles nung mga galing Sudan kasi sabi ko these are skilled workers. Sabi ko, may international school na teachers may mga nurses, mayroon ding construction workers tsaka mga engineers. So sabi naman nila, they’re willing to look at the profiles,” ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople.

 

 

Sa katunayan ani Ople, kabilang sa mga  top US employers na interesado na i-employ ang mga nailigtas na  OFWs ay  sina  Patty Jeffrey, executive vice president for International Operations ng MedPro International, Magsaysay People Resources/Magsaysay Maritime Corporation sa ilalim ng Doris Magsaysay-Ho at John Padget, president at chief experience at innovation officer ng Carnival Corporation, Princess Cruises.

 

 

Ani Ople, inihahanda na ng DMW ang  profiles ng mga OFWs na ibibigay sa mga employers sa Estados Unidos at Saudi Arabia, na nagpahayag din ng interest na kunin ang serbisyo o magtrabaho sa kanila ang mga Filipino.

 

 

“There are employers in the US and also in the cruise ship industry and in Saudi Arabia that are very much interested and would like to see profiles of our workers from Sudan,” ani Ople.

 

 

“For Saudi Arabia, we are working closely with PEACEME, a recruitment industry association geared towards employment in KSA as well as with the Ministry of Human Resource and Social Development,” dagdag na wika nito.

 

 

Tinukoy pa ni Ople na ang “livelihood support at assistance” ay nakaayos na rin para sa mga  displaced OFWs.

 

 

“All OFWs have received US$200 care of the DMW while they are in Egypt and then livelihood package, financial assistance of initially Php50,000 and then through OWWA (Overseas Workers Welfare Administration) regional offices. Yung initial na Php50,000 will be coming from the DMW’s direct aid to the worker, another Php50,000 will be given by OWWA to the families of the workers,” aniya pa rin.

 

 

Sa isang pulong kasama si Pangulong President Ferdinand R. Marcos Jr. at delegado nito, sinabi ni Padget na ang kanyang group of companies ay nakatakda nang mag-hire ng  75,000 Filipino seafarers sa susunod na tatlo hanggang apat na taon.

 

 

Kumakatawan din si Padget sa Carnival Cruise Line, Holland American Airlines and Seaborn. Pinuri nito ang mga manggagawang Filipino.

 

 

Sa kabilang dako, ang  MedPro International ay isang industry leader sa “recruitment, training, and  staffing of foreign-educated healthcare professionals.”

 

 

Simula 2006, natulungan na ng kompanya ang libo-libong foreign-educated healthcare professionals na makamit ang kapaki-pakinabang na karera sa Estads Unidos.

 

 

Mayroon namang mahigit sa apat na milyong Filipino immigrants (temporary at permanent) sa Estados Unidos, kumakatawan sa 4th largest immigrant group matapos ang Mexicans, Indians at Chinese.

 

 

Sa pamamagitan ng kanilang remittances, nakapag-ambag ang mga Filipino workers sa  economic development, kapuwa sa Amerika at PIlipinas gamit ang kanilang kasanayan, talento at  pagiging dalubhasa. (Daris Jose)

Sobrang nakaka-excite ang muli nilang pagsasama: VILMA at CARLO, parang mag-ate lang ayon sa mga netizens

Posted on: May 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGING usap-usapan ang social media post nina Carlo Aquino at Vilma Santos-Recto, na lumabas na mag-ina sa iconic movie na “Bata, Bata…Paano ka Ginawa?” na isinulat ni Lualhati Bautista sa direksyon ni Chito Roño.

 

 

Sa naturang pelikula binitawan ni Ojie (Carlo), anak ni Lea Bustamante (Vilma), ang iconic lines na, “Akala mo lang wala, pero meron, meron, meron!” Kasunod ang matunog at pinag-usapang sampalan scene.

 

 

Sa caption ni Star For All Seasons, kasama ng dalawang larawan, “Meeting with Carlo Aquino @jose_liwanag and Direk Adolf Alix @aalixjr. Galing!”

 

 

Nag-comment naman si Carlo ng, “Love you mommy vi!!” at nagpasalamat naman ang direktor.

 

 

Sa IG post naman ni Carlo, “Meeting. Soon. Claiming it,” na kung saan kasama din niya si Ate Vi at Direk Adolf.

 

 

Kahit hindi pa malinaw, marami naman ang nag-iisip na reunion movie ito nina Vilma at Carlo, at pahayag naman ng direktor, “Claiming it! Soon! Ms. Vilma Santos x Carlo Aquino.”

 

 

Pinusuan naman ito ng mga netizens at aliw na aliw sila sa kay Ate Vi na para raw ‘nene’ at hindi tumatanda.

 

 

“Wow! Parang mag Ate lang. Parang may lahing Bampira ang aming mahal na Vilma Santos hindi tumatanda.”

 

 

“Yes, parang mag-Ate lang parang hindi tumatanda at mahal na Ate Vi

 

 

“Grabe si Ate V parang mag jowa lang sila ni Carlo, ang bata ng aura ni Ate V!”

 

 

“Naaliw ako kay Ate Vi dito sa photo. Ang nene tignan ng katawan niya. Sanaol petit.”

 

 

“Ganda ni ate vi! Fit at alaga ang skin!”

 

 

“Ganyan talaga sis pag walang Bisyo!”

 

 

“Sanaol maganda skin. Ako di maganda skin ko kahit anong alaga ko. Siguro nasa genes na ng family.”

 

 

Dagdag pa ng mga maritess…

 

 

“Hindi nababakante si Carlo ah.”

 

 

“Aba e kung aktingan lang din naman carlo is miles away sa mga top leading men now.”

 

 

“In fernez kaya naman ni Carlo si Ate V in terms of acting. Sobrang memorable talaga ang scene nila!”

 

 

“Akala mo lang wala. Pero meron meron part 2.”

 

 

“Sana may sampalan scenes ulit… Tita V, paki lakasan po yung sampal diyan kay Carlo.”

 

 

“Swerte ni Carlo na kasama siya sa comeback ni ate V!! Alagang alaga talaga siya ng ABS! Big thanks to Angge! Haha!”

 

 

Tunay na kaabang-abang ang muling pagsasama nina Ate Vi at Carlo, for sure, tatatak uli ito sa showbiz industry.

(ROHN ROMULO)

PBBM, tinitingnan ang ‘cutting-edge” micro nuclear fuel technology para resolbahin ang powers crisis sa bansa

Posted on: May 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINITINGNAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang “cutting-edge” micro nuclear fuel technology bilang bahagi ng pagsisikap ng kanyang administrasyon na  lutasin ang power crisis sa bansa.

 

Ito’y matapos na makipagpulong ang Pangulo sa mga opisyal ng  Ultra Safe Nuclear Corporation, isang US-based firm global leader at vertical integrator ng  nuclear technologies at services.

 

Sa  meeting sa Washington, nagpahayag ng kanyang interest si Francesco Venneri, CEO ng  Ultra Safe Nuclear Corporation, magdala ng malinis at reliable nuclear energy sa Pilipinas, inilarawan ang nasabing hakbang bilang  “probably a very important way for us to enter the market.”

 

Sinabi ng USNC  na seryoso nitong kinokonsidera ang Pilipinas para sa  “first nuclear energy facility” nito sa Southeast Asia at nangakong tutulong na tugunan ang serye ng  blackouts na tumama sa ilang lugar sa bansa.

 

“We also note that there’s a great deal of discussion about Mindoro having blackouts and that might be an excellent….a good science [solution],”  ani Venneri, tinukoy ang ilang  power outages sa Occidental Mindoro.

 

Nauna rito, agad namang inaksyunan ng administrasyong Marcos ang  power crisis sa lalawigan sa pamamagitan ng pag-operate sa tatlong power stations para makapagbigay ng 24-hour electricity power service sa lalawigan.

 

Ayon sa mga opisyal ng USNC, ang  micro modular reactor (MMR) energy system ay pang-apat na generation nuclear energy system na naglalayong makapaghatid ng ligtas, malinis at cost-effective electricity sa mga users.

 

Ang MMR ay nakakuha ng lisensiya sa Canada at US, kinonsiderang first “fission battery” pagdating sa  commercialization.

 

“The company anticipates eventual heavy demand for its MMRs and its nuclear fuel, and envisions the Philippines as its nuclear hub in the region,” ayon sa Malakanyang.

 

“Ensuring an unhampered supply of energy alongside the promotion and utilization of renewable energy sources are top priorities of the Marcos administration in an aggressive bid to realize a sufficient and clean energy supply in the future,” ang wika pa rin ng Malakanyang. (Daris Jose)

Dito sila ng naglalagi ni Malia para magbakasyon: POKWANG, ipinasilip ang bonggang private resort sa Mariveles, Bataan

Posted on: May 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINOTOO pala ni Rita Avila ang pagsampal niya sa baguhang aktres na si Roxie Smith sa madramang eksena nila sa GMA teleserye na ‘Hearts On Ice’.

 

Kuwento ni Rita na gumaganap bilang istrikto at mapanakit na stage mother, pinaghandaan daw nila ni Roxie ang eksenang iyon. Kaya ready daw si Roxie sa mararamdaman niyang sampal mula kay Rita.

 

“Yung eksena namin ni Roxie, marami ang naawa noong pinagsasampal ko siya. Since Roxie is a pro, hiniling niya talaga sa akin na totohanin ko para raw maramdaman niya. Kasi minsan talaga kapag fake ang hirap mag-react ng totoo, so it helps kung totoo.

 

“Pero mayroon ding instances na kung kakayanin naman talagang may medyo kaunting daya, ang hirap baka naman mabugbog na ‘yung mukha ng bata.”

 

Tulad ni Roxie, nakatikim din ng totoong sampal si Rita sa isang veteran actress noong baguhan pa lang siya sa showbiz. Nakatulong daw iyon para mas lumabas ang mga emosyon niya sa eksena.

 

***

 

SUMMER na summer ang aura ni Pokwang dahil sa pag-share niya ng photos at videos ng kanyang private resort sa Mariveles, Bataan.

 

Overlooking ng dagat ang naturang private resort na ang pangalan ay Casa Malia. Dito raw sila pumupunta ng kanyang mga anak kapag gusto nilang makatakas sa ingay ng siyudad.

 

Bukod kasi sa tahimik ang kinalalagyan ng private resort ni Pokwang, presko at malinis ang hangin kaya nawiwili silang mag-weekend vacation.

 

May four bedrooms, malaking garden, malaking kitchen at swimming pool ang Casa Malia. Isang taon din daw ang naging construction ng naturang private resort dahil gusto ni Pokwang na para siyang nasa isang bansa. Kaya naman panay ang aura nila sa swimming pool ng kanyang anak na si Malia.

 

At mukhang for family use lang ang Casa Malia at hindi ito ipapa-rent ni Pokwang sa ibang mga bakasyonista. Knowing Pokwang na masinop at malinis sa kanyang pamamahay, hindi niya basta-basta ipapagamit ang Casa Malia.

 

***

 

PABONGGAHAN ang aura ng mga stars na dumalo sa 2023 Met Gala na nag-honor sa legacy ng late designer na si Karl Lagerfeld.

 

This year’s Met Gala was co-chaired by Anna Wintour, Dua Lipa, Michaela Coel, Penélope Cruz and Roger Federer. Ang $50,000 ticket price ay napupunta sa Met Costume Institute and its collection of more than thirty-three thousand objects that represents seven centuries of fashionable dress and accessories for men, women, and children, from the fifteenth century to the present.

 

Ginaganap tuwing first Monday of May and Met Gala and this year’s theme ay monochromatic looks – black and white – na may reference sa signature flower ni Karl na the Camellia. Nandyan din ang pearls, a touch of tweed and thousands upon thousands of crystal embellishments.

 

Heto ang Top 10 favourite looks from the 2023 Met Gala mula sa Harper’s Bazaar ay sina Naomi Campbell, Lily Collins, Rihanna, Michaela Coel, Anok Yai, Nicole Kidman, Anne Hathaway, Lily Aldridge, Camilla Morrone at Allison Williams.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Muntik nang mapaiyak sa last taping day ng ‘Daddy’s Gurl’: CARLO, ‘di makalilimutan ang karanasang nakatrabaho sina Bossing VIC at MAINE

Posted on: May 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MUNTIK na raw mapaiyak si Carlo San Juan sa last taping day nila para sa sitcom na ‘Daddy’s Gurl’ na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Maine Mendoza.

 

Gumanap si Carlo sa naturang comedy show bilang si CJ.

 

Malapit na ang pagtatapos sa ere ng sitcom at ayon mismo kay Carlo ay napamahal na sa kanya ito dahil maganda raw ang samahan nila sa taping.

 

Noong una raw na sabihan sila na aalisin na ang show ay hindi pa gaanong nagsi-sink in sa kanya ang feeling pero iba raw nang natapos na nila ang last scene para sa naturang sitcom.

 

Ang bigat raw ng pakiramdam nilang lahat.

 

“Kasi, weeks before nang kunan yung last episode namin, parang wala lang. Kasi, parang naging ano na sa amin, e. Parang every Tuesday, Daddy’s Gurl taping.

 

“Naka-program na sa katawan namin. So, parang hindi pa kami ready.

 

“Nung nandun na kami sa last scene… panoorin niyo na lang kung ano.

 

“Talagang ano… ako, parang nati-teary eyed talaga ako tapos after sabihin ni direk na, ‘Guys, it’s a wrap.’ Dun na talaga tumama sa akin.

 

“Hindi naman sa nag-iyakan, pero ramdam ko yung lungkot sa set.

 

“Kahit sabihin natin na, okay, last taping… parang successful ang Daddy’s Gurl, successful ang last episode, ganyan.
“Para sa amin, ano e… ayaw namin ng ganun. Parang ano… parang puwede, ano pa, tagalan pa natin?”

 

Hindi naman makalilimutan ni Carlo ang karanasan niya na makatrabaho sina Bossing Vic at Maine.

 

“Kay Bossing Vic, hinding-hindi ko makakalimutan on and off camera, napakuwela niya.

 

“Tapos kahit konti lang ang sabihin, pupunahin ka niya nang konti. Hindi yung puna na bad. Pupunahin ka lang niya, ‘CJ, kaya mo yan!’ Masaya talaga.

 

“And kay Maine, sobrang gaan katrabaho kaya parang pag nagwo-work kami, hindi kami nagtatrabaho talaga.
“Kasi, bago mag-take, nagtatawanan kami. After mag-take, nagtatawanan. Pagkakain, masaya.

 

“So, ayun din ang isa sa parang nanghihinayang ako na mawawala, yung bonding namin sa Daddy’s Gurl,” ang malungkot na pahayag pa ni Carlo.

 

Hindi alam ni Carlo kung ano ang ipapalit na sitcom, hindi raw siya kasali doon.

 

Naniniwala siya na hindi naman siya pababayaan ng Sparkle, panigurado raw na may ibibigay muli na show sa kanya ang GMA.

 

Heto nga at ipinagkatiwala muna siya sa pelikulang ‘Lola Magdalena’ ni Dennis Evangelista na siyang producer at writer ng movie.

 

Sa direksyon ito ng batikang si Joel Lamangan.

 

Gaganap si Carlo bilang si Daks na kontesero sa mga bikini contest.

 

So rarampa siya sa harap ng kamera na naka-skimpy trunks? Papatunayan ni Carlo na bagay sa kanya ang pangalang “Daks”?

 

Bida sa ‘Lola Magdalena’ si Gloria Diaz na gaganap na faith healer sa umaga at pokpok sa gabi.

 

Nasa cast din ng movie sina Perla Bautista, Liza Lorena, Pia Moran, Sunshine Cruz, Angel Guardian, Jim Pebanco, Marcus Madrigal, Harlene Bautista, Dorothy Gilmore, Angela Cortez, Myrna Castillo, at Joonee Gamboa at ang producer ng pelikula ay si Amelia OJA Zuniga ng Hiro Hito Film Production.

Matandang dalaga kulong sa P340K shabu sa Caloocan

Posted on: May 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ISANG 39-anyos na dalaga na itinuturing bilang isang high value individual (HVI) ang dumayo pa umano para magbenta ng ilegal na droga ang arestado matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek na si Asliah Sambitory, 39 ng Putok 1, Mangohig Street, Calapacuan Subic Zambales.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Lacuesta na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan police na nagbebenta umano ng shabu ang suspek.

 

 

Kasama ang Intelligence Section sa pangunguna ni PMAJ John David Chua at 3rd MFC, RMFB, agad ikinasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Cpt Ronald Allan Soriano ang joint buy bust operation sa Sta Rita St., Brgy. 188 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong ala-1:10 ng madaling araw.

 

 

Ani Col. Lacuesta, nakumpiska sa suspek ang isang medium heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng humigi’t kumulang 50 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price value na P340,000, 00 at buy bust money na isang tunay na P1,000 bill, kasama ang 64-pirasong P1,000 boodle money at brown envelope.

 

 

Pinuri naman ni NPD Director Peñones ang Caloocan police sa pamumuno ni Col. Lacuesta sa kanilang masigasig na kampanya kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)