#VoltesVLegacyTVPremiere landed at number 1 on the trending lists of Philippine Twitter as fans showered praises on the series during the pilot episode last Monday, May 8.
Nakapagtala ito ng combine ratings na 14.6%, na sabay-sabay pinalabas sa GMA, GTV, I Heart Movies at Pinoy Hits.
Kaya nagpasalamat ang writer ng live action series, si Ms. Suzette S. Doctolero: “No words can explain how proud I am of GMA and everyone involved in this giant project!
“GMA proved once again that they are Philippine TV’s Home of Groundbreaking Series! It’s not just their legacy, but the whole country’s!”
Comment din ni @christiansantos: “GMA Network’s two monumental series that have significantly transformed the Philippine Television #Maria Clara at Ibarra at #VoltesVLegacy. Proudly Pinoy” Gawang Pinoy! Likhang @SuziDoctolero!”
***
INUMPIRMA na ni Boy Abunda sa kanyang “Fast Talk with Boy Abunda” show na tuloy na ang pagiging Kapuso ni Matteo Guidicelli sa ilalim ng GMA Public Affairs, simula sa Thursday, May 11.
Sa araw na iyon din pipirma ng kontrata si Matteo sa GMA Network.
Ibinalita rin ni Boy na magsisimula nang mag-shoot si Matteo ng promo para sa kanyang bagong network.
Kung matatandaan, last year pa napabalitang mapapanood si Matteo sa early morning show na “Unang Hirit” sa GMA Network, at minsan na rin siyang nag-guest sa isang cooking show sa GMA, pero biglang naudlot. Pero ngayon, tuloy na sa pagiging Kapuso si Matteo!
(NORA V. CALDERON)
BALIK-PINAS na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Linggo matapos ang maikling byahe sa United Kingdom para sa koronasyon ni King Charles III at kanyang opisyal na pagbisita sa Estados Unidos kung saan nakipagpulong siya kay US President Joe Biden.
Bagamat araw ng pagawa ngayong araw May 1, 2023 at walang pasok ang mga nag-oopisina sa gobyerno at pribadong sector, tuloy pa rin ang nakagawian ng BAUERTEK Media Health Forum na ginanaganap tuwing lunes sa isang restaurant sa lungsod Quezon.
WISH ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang koronasyon ng Kanyang Kamahalan King Charles III ay nangangahulugan ng kapayapaan at kasaganaan para sa United Kingdom at Commonwealth.
NAKATAKDANG maglunsad ang Land Transportation Office (LTO) ng electronic version ng driver’s license bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap nito tungo sa digitalisasyon ng lahat ng kanilang mga serbisyo.
KATULAD namin, personal din na nanood at hinabol sa sinehan ng Kapuso actress na si Yasmien Kurdi ang ‘Voltes V Legacy.’
SA guesting ni Claudine Barretto sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong Biyernes, May 5, napag-usapan nila ni Boy Abunda ang pagkakaibigan nila ni Judy Ann Santos.
IDINEKLARA ng oil spill task force na nasa “acceptable standards” na para sa fishing activities ang municipal waters ng Clusters 4 at 5 sa bayan ng Oriental Mindoro na labis na tinamaan ng oil-spill.