• March 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May, 2023

LAOGAN, BAGONG DEPUTY COMMISSIONER NG BI

Posted on: May 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ITINALAGA sa Bureau of Immigration (BI) si Daniel Y. Laogan bilang bagong Deputy Commissioner.

 

 

Si Laogan na isang Abogado by profession ay nagtapos ng Commerce mula sa University of Sto Tomas (UST), kumuha rin ito ng Master of Science in Commerce sa nasabi ring unibersidad at nagtapos ng Abogasya sa Ateneo de Manila University at pumasa sa Bar sa taong 1982.

 

 

Bukod sa kanyang mga karanasan sa private ang public sector, nagtrabaho rin ito bilang Regent ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila   at naging propesor ng law in taxation sa College of Law sa Adamson University.

 

 

Dati siyang Director ng Philippine Savings Bank,  National Food Authority, at Development Bank of the Philippines. Naging Senior Adviser for Investment and Promotions and Investor Relations sa  Manila Economic and Cultural Center.

 

 

Bago ang kanyang appointment bilang Deputy Commissioner, siya ay Director ng Philtrust Bank, at Senior Adviser  ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. Nagsilbi rin siyang President Emeritus ng Chinese Filipino Business Club, Inc. at  Chairman and President ng Addmore Group of Companies, at managing partner siya ng Daniel Y. Laogan Law Offices.

 

 

Sa  pagkakahirang kay Laogan, na kumpleto na ang tatlong miyembro ng board of commissioners, kabilang ang commissioner at dalawang deputy commissioners na kasalukuyang hawak ni Commissioner Norman  Tansingco at Deputy Commissioner Joel Viado. GENE ADSUARA

RIDER, PATAY SA CLOSED VAN

Posted on: May 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PATAY ang isang rider nang banggain ang kanyang minamanehong motorsiklo ng isang closed van, subalit imbes na tulungan ang driver nito ay  pinaharurot papalayo  sa harapan ng St Jude Church sa Tondo, Manila Martes ng umaga

 

 

Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si  Christian Darren Isla y Del Mundo, 25, isang Field Marshall ng 2671 Int 4 J Luna St.Gagalangin Tondo,Manila dahil sa tinamong sugat sa katawan.

 

 

Inaalam naman ang driver  sa isang closed van na mabilis na pinaharurot ang kanyang sasakyan papalayo.

 

 

Sa ulat ni PCpl Allanion DC Aquino ng Manila Police District (MPD)  dakong alas-5:10 kahapon ng umaga nang naganap ang insidente sa harapan ng St Jude Church sa Velasquez St sa Southbound lane, Tondo, Manila kung saan  minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklong Honda Click habang binabagtas ang Southbound lane ng Velasquez St, Tondo Manila pero pagsapit sa harapan ng St Jude Church nang nasagi ng kalawang bahagi ng  closed van ang kanang bahagi ng kanyang motorsiklo na binabagtas ang parehong direksyon.

 

 

Dahil sa pangyayari, nalaglag sa semento ang biktima mula sa kanyang motorsiklong  na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

 

 

Gayunman, imbes na tulungan ng driver ng closed van ang biktima, pinaharurot nito papalayo ang kanyang sasakyan. GENE ADSUARA 

DOTr sa digital driver’s license ng LTO: ‘Eh pwede ba ipakita sa enforcer ‘yan?

Posted on: May 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KAILANGAN pa raw pag-aaral nang husto bago igulong ang planong “digital driver’s license” ng Land Transportation Office — posibleng pagmulan daw kasi ito ng problema kung hindi maipapatupad nang maayos, ayon sa Department of Transportation.

 

 

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang ibunyag ng LTO ang plano nitong maglunsad ng electronic version ng mga lisensya. Layun nitong palitan ang inilalabas na temporary licenses na pini-print lang ngayon sa papel bunsod ng shortage sa plastic cards.

 

 

“Actually we have to study that very carefully with the [Department of Information and Communications Technology],” wika ni Transporation Secretary Jaime Bautista sa reporters nitong Miyerkules sa reporters.

 

 

“Kailangan lang pag-aralan natin. Kasi dapat tignan ba natin, for example may violation, paano mache-check ‘yan noong ating mga enforcers?”

 

 

Lunes lang nang sabihin ni LTO chief Jay Art Tugade na kukunin nila ang serbisyo ng DICT para sa naturang e-license, na siyang magiging bahagi raw ng pagsusumikap ng ahensyang i-digitalize ang kanilang mga serbisyo.

 

 

Aniya, isasama raw ito sa “super app” na dine-develop ngayon ng DICT. Una nang sinabi ni Tugade na pwedeng ipakita sa law enforcement officers ang digital licenses oras na ma-apprehend. Pero gusto muna raw ‘yan matiyak ni Bautista.

 

 

“So there are issues that need to be cleared,” banggit pa ng DOTr official.

 

 

Nag-ugat ang paglalabas ng LTO ng temporary paper licenses matapos maglabas ng DOTr ng department order na nagsasabing sa kanila dapat dumaan ang anumang procurement na aabot ng P50 milyong halaga pataas.

 

 

Una nang in-extend ng LTO ang validity ng mga lisensyang mag-e-expire sa noong Abril patungong Oktubre kaugnay ng nasabing shortage.

 

 

Inaatasan naman ngayon ni Bautista ang National Printing Office na mag-deliver ng 5 milyong plastic driver’s licenses sa loob ng 60 araw upang mapabilis ang paglalabas nito sa publiko. (Daris Jose)

Maagang pagboto ng mga seniors, PWDs, abogado, human resources for health, aprub sa Kamara

Posted on: May 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN sa ikatlo at pinal na pagpasa ng kamara ang panukala para sa maagang paboto ng mga kuwalipikadong senior citizens, persons with disabilities (PWDs), abogado at human resources for health sa national at local elections.

 

 

Sa botong 259, ipinasa sa plenaryo ang House Bill 7576, na pinagsama-samang 15 magkakahiwalay na panukala na inihain nitong 19th Congress.

 

 

Pinapurihan naman ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang progreso ng panukala na kapag naging ganap na batas ay makakatulong sa mga nabanggit na sektor na makaboto ng maaga at hindi sumabay sa dagsa ng botante tuwing halalan.

 

 

Ayon sa speaker, pangunahing kunsiderasyon sa panukala ay ang pisikal na kondisyon atkalusugan ng mga senior citizens at PWDs kaya dapat makaboto ito ng maaga.

 

 

Kinunsidera naman ang paglalaan ng professional services ng abogado at health and safety services sa publiko ng human resources for health, para makaboto rin ng maaga sa national at local elections.

 

 

Ang panukala ay pinagsama-samang 15 panukalang batas na inihain nina Negros Oriental Rep. Juliet Marie de Leon Ferrer, Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, Quezon Rep. Keith Micah “Atty. Mike” D.L. Tan, Sultan Kudarat Rep. Horacio Suansing, Jr., Nueva Ecija Rep. Mikaela Angela Suansing, Senior Citizens Party List Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes, Northern Samar Rep. Harris Christopher Ongchuan, 4PS Party List Rep. Jonathan Clement Abalos II, Ang Probinsyano Party List Rep. Alfred Delos Santos, Pangasinan Rep. Marlyn Primicias-Agabas, Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, Cavite Rep. Ramon Jolo Revilla III, Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla, Agimat Party List Rep. Brian Revilla, at Probinsyano Ako Party List Rep. Rudys Cesar Fariñas.

 

 

Nakasaad sa panukala na ang human resources for health ay yaong “engaged in health and health-related work, and all persons employed in all hospitals, sanitaria, health infirmaries, health centers, rural health units, barangay health stations, clinics and other health-related establishments owned and operated by the Government or its political subdivisions with original charters and shall include medical, allied health professional, administrative and support personnel employed regardless of their employment status who physically report to the frontlines during the day of the election”.

 

 

Magsasagawa ng nationwide registration para sa mga senior citizens, PWDs, lawyers, at human resources for health upang mailista sila sa maagang pagoboto. (Ara Romero)

Nagsagawa ng maikling dialogo ang mga militanteng grupo sa tanggapan ng Department of Agrarian Reform 

Posted on: May 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Nagsagawa ng maikling dialogo ang mga militanteng grupo sa tanggapan ng Department of Agrarian Reform  para ipanawagan sa ahensiya ng gobyerno na mamamayan muna kesa proteksiyon ng mga malalaking negosyante… Photo By: (Robert Glips)

ASEAN, dapat na magdoble-sikap na panindigan at itaguyod ang international law

Posted on: May 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

DAPAT lamang na magdoble-sikap ang ASEAN  na  itaguyod at panindigan ang  international law sa rehiyon.

 

 

“In order to harness the potential of our region, I believe that ASEAN must double its efforts especially in these following priority areas: first, ASEAN should uphold international law and the international rules based system which has underpinned the peace, security, stability, and prosperity of our region,”  ang pahayag ni Pangulong Marcos sa pagbubukas ng  plenary session.

 

 

Binigyang diin ni Pangulong Marcos ang bagay na ito isang araw matapos niyang sabihin na patuloy niyang isusulong ang  Code of Conduct (COC) sa  South China Sea  sa ASEAN Summit.

 

 

Ani Pangulong Marcos, hindi mapapakalma ang tensyon  sa South China Sea kung walang COC.

 

 

“You cannot stop trying so yes I will bring that up again. Because when we talk about the issues in the West Philippine Sea, in the South China Sea, hindi magkakalma iyan hanggang wala tayong Code of Conduct,” ang wika ng Pangulo.

 

 

Samantala, sinabi pa rin ng Pangulo na tanggap ng PIlipinas ang Indonesia’s ASEAN chairmanship priority na  “strengthening regional cooperation to address cross-border crimes particularly trafficking in persons caused by the misuse of technology and to mainstream the protection of migrant workers and their families in crisis situations.”

 

 

Tinuran ng Pangulo na ang gobyerno ng Pilipinas ay  matibay na tagapagtaguyod  ng proteksyon ng karapatan at kapakanan ng mga migrante.

 

 

Sa gitna nito, kinikilala naman ng Pangulo ang kahalagahan ng  inter-parliamentary cooperation  pagdating sa “synergizing regional efforts towards tackling shared challenges.”

 

 

“Inter-parliamentary cooperation will synergize regional efforts towards tackling shared challenges such as climate change, transnational threats, and upholding a rules-based international order anchored in international law,” ang pahayag ng Pangulo sa kanyang interbensyon sa ASEAN Leaders’ Interface kasama ang mga kinatawan mula sa  ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA).

 

 

“We thank the AIPA for continuing to support our vision for a rules-based, people-oriented, and people-centered ASEAN,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

 

Sa kabilang dako, ipinanukala naman ng Punong Ehekutibo na panatilihing bukas ang komunikasyon at epektibong kolaborasyon  sa pagitan ng “executive at legislative bodies” para pagsamahin ang mga batas at regulasyon sa buong rehiyon.

 

 

“Through such a partnership, we can realize in the domestic arena agreed strategies for collaboration and identify laws which are needed to harness new opportunities for the region as well as address emerging regional challenges,”  aniya pa rin.

 

 

“ASEAN member states share the same concerns regarding the increasing misuse of innovative technological applications to facilitate trafficking in persons, which, according to him, is “a multidimensional issue that needs concerted cooperation between the legislative and executive bodies in order to be resolved.” ayon sa Pangulo.

 

 

Samantala, ang AIPA  ay nagsisilbi bilang sentro ng komunikasyon at impormasyon sa hanay ng member parliaments sa  ASEAN.

 

 

Layon nito na “encourage understanding, cooperation, and close relations among member parliaments as well as observer member parliaments and other parliamentary organizations.”  (Daris Jose)

Isyu ng Taiwan Strait, hindi maiiwasan na pag-usapan sa ASEAN Summit- PBBM

Posted on: May 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINDI maiiwasan na mapag-usapan  ng mga lider na dadalo sa 42nd ASEAN Summit ang isyu ng tensyon sa Taiwan Strait.

 

 

Inamin ng Pangulo na ang usaping ito ay “inevitable, unavoidable” at isang “grave concern” sa lahat ng member-states ng ASEAN.

 

 

“Parang inevitable, eh. Unavoidable ‘yung subject matter na ‘yun dahil pare-pareho na mga miyembro ng ASEAN. Siyempre, it is a grave concern to all the member-states of ASEAN,” ayon sa Pangulo nang tanungin kung tatalakayin ng Taiwan ang bagay na ito sa Summit.

 

 

“So it’s considering that we also agree on the concept of ASEAN centrality when it comes to regional concerns that will be one of the most important subjects that we’ll bring up,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Tinuran  pa  ng Pangulo na ang isyu ng Taiwan Strait ay naging “point of discussion” na sa mahabang panahon na aniya’y may pangangailangan na  i-calibrate ang mga hakbang para tugunan ito.

 

 

“The discussions on that we had goes to a year ago, in that time marami nang nagbago, many changes occurred, that it why we have to really calibrate whatever it is that we are planning,” ayon sa Chief Executive.

 

 

“So, yes, there’s no way around it. That will inevitably be a part of the conversation that we’ll be having tomorrow and the day after,” dagdag na wika ng Pangulo.  (Daris Jose)

Charles III, nagpaabot kay PBBM ng “warmest felicitations” para sa ina nitong si Unang Ginang Imelda Marcos

Posted on: May 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr.  na magkakilala ang kanyang ina na si Unang Ginang Imelda Marcos at  King Charles III.

 

 

Sa katunayan aniya ay tinanong at kinamusta ni King Charles III ang kanyang ina sa idinaos na coronation  nitong weekend.

 

 

Ikinuwento ng Pangulo na matagal ng magkakilala ang kanyang ina na si Imelda at King Charles III dahil sa mga meeting ng kanyang namayapa at dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. nang ang huli ay Pangulo pa ng bansa.

 

 

“Kasi kilalang-kilala niya talaga ‘yan eh. Magkakilala talaga sila. Ako nakilala ko siya mga two or three times pero ‘yung si mother ko talaga ‘yung… Kasi mga foreign—siya ang laging representative ng reyna, mommy ko naman ang representative ng father ko,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“So lagi silang nagkikita kung saan-saan. And he said, ‘Well, give her my warmest felicitations. We had so much fun together,’ sabi niya. And I said, ‘Well, congratulations on your coronation’,” dagdag na wika nito.

 

 

Nito lamang Mayo 6 ay dumalo si Pangulong Marcos sa koronasyon ni King Charles kung saan sinabi ng una sa huli na nagpapaabot ng pagbati ang kanyang ina na si Imelda para sa nasabing koronasyon.

 

 

“And I told him – I then went and said, “My mother when she found out – my mother Imelda…” ‘Pag Imelda nakilala na niya. “My mother Imelda, when she knew that I was coming here, wanted to send you her best wishes and congratulations for your coronation.” And he said, “How is she?” ang pagbabahagi ng Pangulo.

 

 

“He was very nice. He clearly knows about the Philippines. Marami siyang kaibigan na Pilipino,” dagdag na wika nito.

 

 

Binanggit din ng Punong Ehekutibo ang saglit na pagkikita at pag-uusap nila ni  King Charles, nabanggit ng huli na labis na nagdurusa ang Pilipinas mula sa mga bagyo dahil sa climate change.

 

 

Sinabi pa ni King Charles na wala ni isa man ang nakikinig sa babala laban sa epekto ng  climate change.

 

 

“I just caught a few moments with him. Kinamayan ko. Nagpakilala ako. The minute he heard Philippines sabi niya, ‘It’s terrible what you have to endure, all of these typhoons that climate change has brought,'” ayon sa Pangulo.

 

 

“Sinabi ko nga sa kanya, ‘Yes, Your Majesty, you have actually been warning us about this for a very long time,’ So yeah, well sabi niya, ‘but nobody was listening,'” dagdag na pahayag nito.

(Daris Jose)

JOB WELL DONE

Posted on: May 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Governor Daniel R. Fernando awards the certificate of commendation and appreciation to Malolos City Police headed by PMAJ Erickson Miranda during the Monday Flag Ceremony held at Bulacan Capitol Gymnasium, City of Malolos, Bulacan for capturing the Top 1 Most Wanted Person of City of Malolos and for their unwavering commitment to serve justice to the victims of crimes. Also in the photo are Board Members Richard Roque, Allan Andan and Cezar L. Mendoza.

 

 

Iginawad ni Gob. Daniel R. Fernando ang sertipiko ng komendasyon at pagpapahalaga sa Malolos City Police sa pangunguna ni PMAJ Erickson Miranda sa idinaos na Lingguhang Pagtataas ng Watawat sa Bulacan Capitol Gymnasium, Lungsod ng Malolos, Bulacan noong Lunes dahil sa kanilang pagkakadakip sa Top 1 Most Wanted Person ng Lungsod ng Malolos at sa kanilang pagpupursiging maipagkaloob ang hustisya sa mga biktima ng krimen. Kasama rin sa larawan sina mga Bokal Richard Roque, Allan Andan at Cezar L. Mendoza.

Angat Dam water level, lalo pang bumaba

Posted on: May 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BUMABA pa lalo ang water level ng Angat Dam.

 

 

Ito ay sa likod ng ilang mga pag-ulan na naranasan sa bansa, dala ng ilang mga weather system.

 

 

Ayon sa State Weather Bureau, nasa 193,72 meters na lang ang water level ng nasabing dam.

 

 

Mas mababa ito ng 18 centimeters mula sa 193.90 meters nitong nakalipas na Lunes, Mayo -8.

 

 

Pero, ang kasalukuyang level ay nasa ‘safe’ level pa rin umano, dahil sa mas mataas ito kumpara sa minimum operating level ng nasabing dam na 180 meters.

 

 

Maliban sa Angat Dam, naitala rin ang pagbaba ng water level sa iba pang mga malalaking dam sa bansa, katulad ng Ipo, La mesa, Ambuklao, San roque, Magat, at Caliraya Dam.