NAGLABAS ng kanyang third single under GMA Music ang ‘Voltes V: Legacy’ star na si Matt Lozano titled “Liham”.
Tungkol nga raw sa moving on and finding happiness again after a difficult situation ang sinulat na awit ni Matt.
“May dalawa akong single na ni-release last year and two years ago tapos ngayon may bagong single na naman kaya sobrang happy and excited ako na maiparinig ang bago kong likha. Masasabi ko rin na lahat ng pangarap ko, unti-unti ko na ngayong nakakamit.”
Inabot lang daw si Matt ng 15 minutes para masulat ang “Liham”.
“Talagang galing siya sa puso ko. Kung anong lumabas na letra hinayaan ko lang ‘yung sarili ko. Sa 15 minutes na pagsusulat na ‘yon kasama na doon ‘yung melody. Actually meron akong ipapasang kanta kay Paulo Agudelo pero after ko masulat ito nang biglaan, pinauna ko ‘to kasi gusto kong i-release itong song na mas dama ‘yung emosyon. Napaka-raw ng kantang ito.
“Ang dami nga nagtatanong sa akin as a songwriter kung paano daw ‘yung process ko sa pagsusulat. Iba-iba eh. May isang kanta na one year bago ko matapos kasi wala akong nararamdaman na emosyon that time. Siguro mabilis ka talagang makakapagsulat kung meron kang bagahe na bitbit.”
Nag-debut at #4 on iTunes PH’s Top 100 Songs chart noong i-release ang “Liham” noong May 19.
***
ANG sweet ng mensahe ng Sparkle teen actress na si Althea Ablan noong birthday ng kanyang boyfriend na si Prince Clemente noong nakaraang May 18.
Parehong nagbabakasyon sa Hong Kong sina Althea at Prince. Ito nga raw ang first time ni Althea na mag-out of the country kasama ang kanyang boyfriend.
Pinost ng ‘Arabella’ star sa kanyang Instagram ang photo nila ni Prince na may caption na: “Una at huling babati sa’yo ngayong kaarawan mo. Thank you MOO through thick and thin nandyan ka. Thank you for being one of my strengths, for always making me happy! You’re the sweetest, kindest hehehe u know the rest.”
Nag-reply naman si Prince sa message na iyon ni Althea: “Thank you MOO for everything! Alam mo na din yan hahaha”
Maraming kaibigan ng dalawa ang kinilig sa sagutan ng dalawa sa Instagram. May isang taon na rin kasing may relasyon ang dalawa simula noong unang magparamdam si Prince kay Althea noong nakaraang taon.
Nitong summer ay nagkaroon ng beach getaway ang dalawa at nag-post sila ng mga special moments habang ginagawa nila ang iba’t ibang activities sa beach.
***
NAGING open ang Hollywood siren na si Megan Fox sa kanyang mental health disorder na Body Dysmorphia.
Ayon sa Mayo Clinic: “Body dysmorphic disorder is a mental health condition in which you can’t stop thinking about one or more perceived defects or flaws in your appearance — a flaw that appears minor or can’t be seen by others. But you may feel so embarrassed, ashamed and anxious that you may avoid many social situations.”
“As I realized I’d been in this industry for so long, I was like, ‘What are some things I want to do that are maybe accessible to me that I could manifest?’ And that was one of them, where I decided, ‘I do really want to be on the cover of Sports Illustrated,’” sey ni Megan.
Kasama ni Megan sa Sports Illustrated ay iba’t ibang women of all ages and stories. Kaya na-encourage si Megan na maging bukas na siya sa sakit niyang body dysmorphia na matagal nang pagsubok sa kanyang physically and mentally.
“When you have something like, any type of insecurities but especially a body dysmorphia, that amplifies that and makes it very difficult. So I have not overcome, but I am just functioning as best I can.”
(RUEL J. MENDOZA)
HANGGANG sa ngayon ay madamot pa rin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magbigay ng komento sa isyu ng liderato sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa gitna ng umugong na balita na plot o planong patalsikin si Speaker Martin Romualdez sa posisyon nito.
HINDI nakalimutan ni Cadet Warren Leonor, ang Philippine Military Academy (PMA) ”Madasigon” class valedictorian na magbigay pugay at parangal sa dalawa nilang “mistah” na nasawi.
NAGPAHAYAG ng pangamba si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa epekto ng situwasyon ng power supply kung ang prangkisa ng privately owned National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay mapawawalang-bisa.
MATAPOS kumalas sa Lakas-CMD Usap-usapan ngayon ang ipinaskil na ‘cryptic message’ ni Vice President Sara Duterte sa social media, kung saan tinawag nito ang pansin ng isang tao at pinayuhang itigil ang pagiging ‘tambaloslos.’
TARGET ng DepEd na ilunsad ang bagong curriculum para sa Kinder hanggang Grade 10 (K to 10) sa school year 2024-2025.
SINA Jake Cuenca at Sue Ramirez ang bida sa ‘Jack and Jill Sa Diamond Hills’ na mula sa TV5, APT Entertainment at Cignal TV, napapanood sa Kapatid Network tuwing Linggo, 6 pm.
ARE you ready to watch Spider-Man: Across the Spider-Verse?
BINIGYANG-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa 310 graduates ng Philippine Military Academy (PMA) MADASIGON Class of 2023 na maging handa sa mga hamon na kanilang kakaharapin ngayong magsisimula na sila sa kanilang serbisyo publiko.