KAILANGANG maglaan ng mas maraming resources para masigurong may sapat at madaling access sa health services ang mga kababaihan sa kanilang pagdadalang-tao at panganganak,
Reaksyon ito ni AnaKalusugan Party-list Rep. Ray Reyes matapos mapansin ng United Nations Population Fund (UNFPA) Philippines na nasa 6-7 pinay ang namamatay sa pagbubuntis at panganganak dala na rin sa kakulangan ng access sa health services.
“During emergencies, when access to maternal health services is disrupted, more women die during pregnancy and childbirth. Women die because sexual and reproductive health services are unavailable, inaccessible, unaffordable, or of poor quality,” ayon kay UNFPA Country Representative Dr. Leila Saiji Joudane sa isang press release.
Ang kanyang pahayag ay base sa Philippine Statistics Authority (PSA) data, kung saan ipinapakita na 2,478 babae ang namatay dahil sa maternal causes noong 2021, mula 1,458 noong 2019.
Nabatid din ng UNFPA na 14% ng buntis ang hindi sumasailalim sa regular check-ups at iba pang kinakailangang medical care tuwing nagbubuntis at isa sa bawat 10 kababaihan ang hindi nanganganak sa health facilities o nakatanggap ng assistance mula sa skilled healthcare personnel tuwing nanganganak.
“Dehado ang mga kababaihan sa mga geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs) dahil mas malaki ang kailangan nilang gastusin para makakuha ng health services,” anang mambabatas.
Idinagdag nito na mahalaga na inilalapit ang serbisyo sa kanila (Ara Romero)
TINATAYANG nasa 95% hanggang 96% ng SIM card owners ang nakapagpa-rehistro na ng kani-kanilang SIM card.
HINDI pa gaanong ramdam ang epekto ng African Swine Fever sa presyo at supply ng karneng baboy dito sa bahagi ng Pasay Public Market.
TUMAAS ng 3 porsyento ang mga personal remittances mula sa mga Overseas Filipino Worker hanggang $2.9 billion para sa buwan ng Marso mula sa $2.8 bilyon sa parehong buwan noong 2022.
NANAWAGAN ang Social Security System (SSS) sa mga employers na bigong mag-remit ng kontribusyon ng kanilang manggagawa sa nagdaang buwan at taon na samantalahin ang contribution penalty condonation programs para maayos ang kanilang obligasyon.